PANG-DALAWAMPU

2952 Words
"Bunso, ngayon na ang ang huling gabi ng burol ni Baste, hindi ka ba magpapaalam sa kanya bago ang libing niya bukas." saad na paalala ni Erick kay Richard na magmula ng magising matapos ang pagkahimatay nito ng malaman na patay na si Sebastian ay nanatili lang at nagkulong sa kwartong tinuluyan ng Komandante noon. "Ayoko kuya." sagot ni Richard na kahit pa alam sa isipan, na wala na si Sebastian ay nanatiling naniniwala ang kanyang puso, na buhay pa ang mahal nitong sundalo. "Alam kong mahirap bunso, pero maging kami ay ayaw parin maniwala na wala na si Baste, pero kailangan mo rin tanggapin ang katotohanan na iniwan na niya talaga tayo." saad ni Erick. "Hindi ko kaya kuya, ayokong makita kahit pa ang kabaong lang niya." sagot ni Richard na wala talagang balak na pumunta sa lamay ni Sebastian. Napabuntong hininga na lamang si Erick at muli'y wala na naman itong nagawa, kungdi ang iwanan sa kwarto ang nagdadalamhating bunsong kapatid. ... "Anong sabi ni Chard, kuya?" bungad ni Vince sa kuya. "Ayaw niya talagang pumunta, Vince." sagot ni Erick. "Ano! Anong gagawin niya? Manatili na lang na magkulong sa kanyang kwarto?! Alam kong nasasaktan siya kuya, pero hindi naman tama na hindi man lang niya madalaw si Baste bago ang libing niya!" saad ni Vince na kahit pa naiintindihan ang kapatid ay naiinis rin ito. "Vince, hindi mo naman siya masisisi, kumpara sa ating dalawa, mas masakit para kay Richard ang mga nangyari." saad ni Erick. "Nandun na tayo na mas masakit nga sa kanya ang pagkawala ni Baste, pero alam kong mas masakit kung hindi man lang siya magkakapagpaalam rito." saad ni Vince at ito naman ang pumasok sa kinaroroonan ni Richard. "Vince!" pigil ni Erick sa ginawa ng kapatid, pero huli na dahil nakapasok na si Vince sa kwarto at nilock rin nito ang pinto. ... "Bumangon ka d'yan Richard!" galit na saad ni Vince. "Kung kakausapin mo lang ako tungkol sa pagpunta sa burol niya ay mabuti pang lumabas ka na kuya." saad ni Richard. "At sinong nagsabing kakausapin kita tungkol dun, pwes nagkakamali ka, dahil kung kailangan kita kaladkarin para lang makapunta ka sa burol ni Baste ay gagawin ko." saad ni Vince at hinila ang kamay ni Richard. "Kuya! Ano ba!" panlalaban ni Richard sa kapatid. "Nakita mo na ba ang sarili mo! Sa tingin mo matutuwa si Baste kapag nakita niyang nagkakaganyan ka!" inis na saad ni Vince. "Paano niya pa makikita ang kalagayan ko, eh iniwan na niya ako kuya!" sigaw ni Richard at muli sa hindi na niya mabilang pang pagkakataon ay kumawala na naman ang mga luha nito. "Nandito pa kaming mga kuya mo, sila papa at mama, ang mga kaibigan mo. Kung hindi man para kay Baste, para sa amin, anong gusto mo? Sundin na sa kabilang buhay si Baste? Sa tingin mo magugustuhan ni Sebastian na makita ka roon, samantalang siya ginawa niya ang lahat para lang mahuli ang mga terorista ng sa ganun ay makauwi lang sayo, kahit pa alam niyang maaaring mangyari ang nangyari nga sa kanya ngayon!" saad ni Vince na walang tigil na rin sa paglandas ang mga luha nito, dahil maging ang Kapitan ay sobrang nasasaktan sa nangyari sa kanyang kaibigan pati na sa nangyayari ngayon sa bunsong kapatid. Sa nakitang pag-iyak ng kanyang kuya Vince, parang ipinamukha kay Richard ang katotohanang hindi lang siya ang nasasaktan sa pagkawala ng Komandante, inaamin niya na ayaw niyang makita ni anino lang ng kabaong ni Sebastian, kapag kasi nangyari 'yon, parang tinanggap na niya sa kanyang sarili na wala na talaga ang lalaking mahal nito. Pero tama ang kanyang mga kapatid, sa ayaw man niya o gusto ay kailangan niyang harapin ang pinakamasakit na katotohanan. "Sige kuya, pupuntahan ko na si Baste." saad ni Richard. ... Isang beses lang na umuwi ang kanyang among sundalo, matapos ang pag-alis nito para alamin ang nangyari sa kaibigan nitong sundalo. At nalaman ni Hansel sa among si Erick sa pag-uwi nito, ang  katotohanan na namatay nga sa pagsabog ang kaibigan ng among sundalo. Nalaman rin ni Hansel kay Mang Popoy, na mamayang gabi na ang huling gabi ng burol ng kaibigang sundalo ng among si Erick, kaya naman minabuti nitong samahan ang matanda, sa pagpunta nito sa lamay ng sundalo. ... "Hindi naman siguro magagalit si sir hindi ba Mang Popoy?" tanong ni Hansel sa abalang nagmamaneho ng matanda. "Hindi sir Hansel, sa katunayan mas magugustuhan ni sir na sumama ka nga sa akin." sagot ng matanda. ... Magkakasabay naman na pumunta ang mga magkakapatid na Manalo sa burol ni Major Manlangit. Habang nagmamaneho si Erick at katabi nito si Vince ay nasa likod naman nakaupo ang nagpapakatatag na si Richard. Sinabi rin sa sarili ni Richard na kahit anong mangyari ay hindi na ito luluha pa at masakit man ay pilit nitong tatanggapin ang katotohanan na iniwan na siya ni Sebastian. Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa lugar kung saan inilagak ang pinaniniwalaang katawan ng pumanaw ng Komandante. "Bunso, nandito lang kaming dalawang mga kuya mo." saad ni Erick at inakbayan ang bunsong kapatid. "Tama si kuya Chard, hindi ka kailanman nag-iisa." sang-ayon ni Vince at tinapik ang balikat ni Richard. "Salamat mga kuya." sagot ni Richard sa mga kapatid. ... Sa pagpasok ng tatlong sundalong magkakapatid, nakakuha ito ng pansin sa mga taong kasalukuyang nakikiramay na naroroon sa lugar. Kahit pa alam nito na hindi madali para sa kanyang bunso, napanatag ang loob ni Aurora na nandirito ngayon ang anak na si Richard sa huling gabi ng lamay ni Sebastian. Maging si Heneral Manalo ay proud sa katapangan ng bunsong anak, para harapin ang alam nitong masakit na sandali para kay Richard. Sa ikalawang pagkakataon naman ay nakita muli ng mag-asawang Manlangit, ang bunsong anak na lalaki ng mga kaibigan at siya rin iniibig ng kanilang unico hijo. Masakit lang para sa mag-asawang Manlangit na kung kailan wala na ang anak nilang si Sebastian ay tsaka palang nila nalaman ang relasyon na meron ang dalawa, sigurado kasing buong puso nilang tatanggapin ang namamagitan sa dalawa at ang tuksuhan noon nilang magkakaibigan na maging magbalae ay matutupad na sana, pero kaagad naman itong tinutulan ng tadhana sa ginawang pagkuha kaagad ng maykapal sa kanilang anak. Gaya nga ng pangako ni Richard sa kanyang sarili, ginawa nga niya ang lahat para mapigilan ang sarili na umiyak. Pero alam ng sundalo na imposibleng mangyari 'yon, sa pagkakita palang ni Richard sa kabaong na ilang metro na lang ang layo sa kanila ay nagbagsakan na ang masaganang luha sa mga mata nito. Kaagad naman inilagay sa balikat ni Erick ang mukha ng lumuluhang kapatid habang palapit sila ng palapit sa kabaong ni Sebastian. Kita ng mag-asawang Manlangit ang pag-iyak na 'yon ni Richard at alam ng mag-asawa na tunay ngang mahal ng bunso ng Heneral ang kanilang unico hijo. Pagkarating nilang magkakapatid sa kabaong ni Sebastian, hinayaan nila Erick at Vince ang kapatid na si Richard. Dahan-dahan ang ginawang paghawak ni Richard sa kabaong ni Sebastian. At sa bawat paghaplos nito sa kabaong, wari mo'y kinakausap ni Richard ang Komandante. At bago pa ito tuluyang umalis ay niyakap nito ang kabaong ni Sebastian na sa paraang 'yon ay mayakap nito sa huling pagkakataon ang pinakamamahal nitong sundalo. Hindi man niya kilala ng personal ang bunsong kapatid ng among si Erick, sa nakita ni Hansel na paghihinagpis ng sundalo dulot ng namatay na mahal nitong sundalo rin, hindi namalayan ng binatang si Hansel na lumuluha na rin siya sa sandaling iyon. Kita rin nito ang malungkot na itsura ng mga sundalong nakikiramay sa huling gabi ng kanilang kabaro. Matapos yakapin ang kabaong ni Sebastian ay sinamahan ni Richard ang kanyang mga magulang pati ng ang mga magulang ni Sebastian na kasama rin ng mga ito. "Sorry po, kung ngayon lang po ako nakapunta." hinging paumanhin ni Richard at nagmano ito sa mag-asawang Manlangit. "Hindi mo na kailangan na humingi pa ng paumanhin hijo, naiintindihan namin ng tito mo ang pinagdadaanan mo rin ngayon." saad ni Maritess at niyakap nito si Richard. "Salamat rin sa pagpapasaya sa aming anak, Richard." saad naman ni Alfredo at ito naman ang yumakap sa lalaking huling inibig ng unico hijo nito. Ramdam ni Richard sa pagyakap ng mga magulang ni Sebastian sa kanya, ang pangungulila ng mga ito sa sarili nilang anak. At alam na ng sundalo, kung kanino nagmana ng katapangan at kabutihan ang mahal nitong Komandante. At sa huling gabi ng lamay ni Sebastian, nagsama-sama ang mga magulang, kaibigan, mga kabaro nito at ang pinakamamahal nitong si Richard, sa pag-aalala sa naging maikli man, ngunit makabuluhang buhay ng Komandante. ... Kasalukuyang pinagmamasdan ni Rachell ang wala paring malay na si Sebastian. Muntik pa nga raw, na 'di na nito maabutan pang buhay ang sundalo ng mag-50-50 ito, bago pa ang pagdating niya ilang oras pa lang ang nakakalipas. Ngayon na hawak na ni Rachelle ang kamay ng naka-coma parin na sundalo, ipinapangako ng babae na magising lang ito, hindi na kailanman pa niya ito iiwanan, lalo na't magkakaanak na sila. 'Gising na mahal, hinihintay ka ng baby natin at kapag naging lalake ang anak natin, gaya ng gusto mo noon, magkakaroon ka na ng junior mo.' saad ni Rachelle, habang hawak ang isang kamay ng wala paring malay na Komandante. ... "Nandirito tayo ngayon, para alalahanin ang naging maikli man ngunit makulay na buhay ng mahal nating si Sebastian. Masakit man para sa atin, na hindi na makakasama pa si Sebastian na bilang isang anak, bilang isang kaibigan at bilang isang iniibig. Natapos man dito sa lupa ang misyon ng mahal nating si Sebastian, magpapatuloy ito sa langit sa piling ng Diyos na alam nating kapiling na niya ngayon at mananatili naman ang ala-ala niya sa ating mga mahal niya sa buhay." saad ng pari na nag-alay ng misa para sa namayapang sundalo. At habang pababa sa hukay ang ataul, na akala ng lahat ay labi ng sundalong si Sebastian. Napuno ng lungkot at pighati ng mga taong naroroon, ang pamamaalam na sa huling hantungan ng sundalo. Hindi na yata matatapos pa ang sakit na nararamdaman sa puso ni Richard, na nagsimula pa noong wala pang katiyakan sa kung sino ang sakay ng sumabog na jeep, hanggang sa ngayon na naihatid na niya sa huling hantungan si Sebastian. 'Ang sakit sir, bakit mo naman ako iniwan.' saad sa isip ni Richard, habang patuloy sa paglandas ang mga masaganang luha nito sa mga mata. Hindi rin maiwasan ni Hansel ang maluha, sa nakikitang nitong mga matatapang na sundalo na patuloy rin sa pagluha dahil sa pagkawala ng kanilang kabaro. Kita rin sa dalawang mga mata ng binata ang kalungkutan ng amo nitong sundalo na naluluha rin sa mga oras na 'yon. ... Matapos ang libing ni Sebastian ay nagpaiwan si Richard sa sementeryo. Hinayaan naman ng mga magulang ni Sebastian at ng mga magulang ni Richard ang kagustuhan nito. Maging ang mga kuya niya ay minabuti rin ng mga ito na mapag-isa ang kanilang kapatid. At ngayon na siya na lamang ang naririto sa harap ng puntod ng mahal nitong sundalo, ibinuhos na ni Richard ang walang katapusang sakit at mga luha dahil sa pagkawala ni Sebastian. "Ang daya mo naman sir, matapos mo akong sanayin na kasama ka, hindi mo naman ako inihanda sa biglaan mong pag-iwan sa akin." sumbat ni Richard sa puntod ng Komandante. "Paano na'ko ngayon? Paano pa ako magpapatuloy, gayong kasabay ng pagkawala mo'y malaking puwang sa puso ko ang isinama mo." "Sana kahit sa panaginip lang dalawin mo ako, pangako hindi ako matatakot sa'yo. Sa katunayan ay magiging masaya pa ako kapag nangyari 'yon." "At pangako ko sa'yo, gaya ng pangako mo sa akin noong ibinigay mo sa akin ang singsing na ito." kausap ni Richard sa puntod ni Sebastian at tinignan muli nito ang singsing na kanyang suot na bigay ng Komandante. "Ikaw na rin ang huling mamahalin ko." pangako ni Richard sa mahal nitong si Sebastian. ... "Vince uuwi na muna kami ni Hansel sa bahay ko, ikaw na muna ang bahala kay bunso." saad ni Erick sa kapatid. "Oo kuya, ako ng bahala kay Chard. Wala parin bang pagbabago sa lagay ni Roxanne?" sagot at tanong ni Vince. "Wala parin, kaya nga hindi ko pa nasisimulan ang panliligaw kay Hansel." sagot ni Erick. "Sa tingin ko kuya mas mabuti kung simulan mo na ngayon din, ayaw mo naman siguro na maging huli na ang lahat bago pa mangyari 'yon, katulad na lang ng biglaang pagkawala ni Baste." payo ni Vince at iniwanan na ang kapatid, para puntahan ang bunso namang kapatid. Sa pag-alis ng kapatid, naiwan na gumulo sa isipan ni Erick ang mga salitang binitawan sa kanya ni Vince. Sa isip ng Komandante, tama ang Kapitan na maraming puwedeng mangyari, kahit pa sa maikli lamang na panahon at gaya ng payo ng kapatid na si Vince, sisimulan na kaagad ni Erick ang hakbang para mapasakanya ang binatang si Hansel. ... Matapos ang libing ni Major Manlangit ay nagpaalam na si Lorenzo, sa lalaking 'di niya inasahan na magbibigay ng panibagong saya sa kanyang puso. Isang mensahe pa ang natanggap ni Lorenzo, pagkasakay sa taxi na maghahatid sa kanya sa tinutuluyan niyang apartment. "Pupuntahan kita bukas sa aparment mo Enzo." At isang ngiti ang lumabas sa mukha ni Lorenzo, sa mensaheng iyon ni Vince. "Sige sir, hihintayin kita." reply naman sa text ni Lorenzo sa Kapitan. ... Pagkarating nila ng among sundalo sa kanila ay binuksan na ni Hansel ang pinto ng sasakyan para bumababa na sana, pero hindi nangyari iyon ng maramdaman ng binata ang isang kamay ng Komandante na humawak sa kanyang isang braso. "Magbihis ka at may pupuntahan tayo." saad ni Erick. Bumaling naman kaagad si Hansel matapos ang narinig nito sa among sundalo. "Sir may trabaho pa po ako mamayang 2 PM." paalala ni Hansel sa Komandante na ilang oras mula ngayon ay papasok na ito sa trabaho. "Oo nga pala at linggo ngayon, o siya bukas na lang." saad ni Erick at bumaba na ito ng sasakyan. Naiwan naman na naguguluhan si Hansel sa naging kilos ng Komandante. ... Matapos maghanda ng tanghalian ay pinuntahan ni Hansel ang among sundalo na kasalukuyang nanonood ng tv sa sala. "Sir, handa na po ang tanghalian." saad ni Hansel. "Sige." maikling sagot ni Erick at sabay off nito sa tv. Habang sabay na kumakain ng tanghalian ang dalawa'y namayani ang katahimikan sa kanila. Si Hansel na 'di alam kung anong tumatakbo sa isipan ng among sundalo, na magmula pa kanina matapos ang pag-uusap nila sa sasakyan ay mukhang may malalim na iniisip. At si Erick na nagdadalawang-isip, kung sisimulan na bang iparating kay Hansel, ang tunay nitong dahilan kung bakit kinuha niya ang binata bilang personal maid niya. Naunang natapos sa pagkain si Erick at ng tumayo ito... "Maliligo lang ako, hintayin mo ako at ihahatid kita sa trabaho mo." saad ni Erick. "O-okay sir." sagot ni Hansel. Matapos marinig ang sagot ni Hansel ay umakyat na sa kwarto ang Komandante para maligo. Naiwan naman si Hansel, na 'di maipaliwanag kung bakit bigla itong kinabahan sa parang may nagbago sa pakikitungo sa kanya ng among sundalo. 'Dahil na rin siguro sa pagkawala ng matalik na kaibigan ni sir.' saad sa isip ni Hansel at nagpatuloy ito sa pagkain. ... Matapos ang tatlong oras na paghihintay sa kapatid, na nanatili lang na nasa puntod ni Sebastian. Napilit rin ni Vince na umuwi na sila ni Richard sa kanilang bahay. At ngayon nga ay kasalukuyang nagmamaneho ang Kapitan pauwi sa kanila, habang nagmamaneho'y panaka-naka rin nitong tinitignan sa salamin, ang parang tulala lang na bunsong kapatid na magmula ng sumakay sa likuran bahagi ng kanyang sasakyan ay nanatili lang na nakamasid sa bintana ng sasakyan. Hindi maiwasan ng Kapitan na makaramdam ng lungkot at awa sa kalagayan ngayon na bunso ng kanilang pamilya. Alam rin ni Vince na wala silang magagawa kungdi ang damayan at hayaan si Richard na magluksa, hanggang sa makalimot ito sa masamang nangyari sa lalaking lubos nitong inibig. Pagkarating sa kanilang bahay ay mabilis na lumabas ang bunsong kapatid sa sasakyan, bago pa makapagsalita ang Kapitan. Sa nangyari ay napabuntong hininga na lang si Vince at minabuting 'wag na munang sundan ang kapatid at hayaan na lang niya muna ito. ... Pagkarating ni Richard sa loob ng kanilang bahay ay kasalukuyang kumakain ng tanghalian ang kanyang mga magulang. "Kumain ka na-." naputol na saad ni Aurora. "Wala po akong gana." sagot kaagad ni Richard at mabilis na nagtungo ito sa silid na tinuluyan ni Sebastian. Pagkarating ni Richard sa kwarto ay muling isinampal sa kanya ang katotohanan na kailanman ay 'di na niya makakasama pa ang mahal nitong Komandante at kasunod nun ay kumawala ang walang katapusang luha na dulot ng sakit ng biglaang pag-iwan sa kanya ni Sebastian. At sumunod ang maingay na narinig ng mag-asawang Manalo at ni Vince na dulot ni Richard, na sa unang pagkakataon, bawat mahawakan ng sundalo ay isa-isa nitong pinagbabato hanggang sa masira ang bawat bagay na makita nito. "Putang-ina!" sigaw ni Richard at muling humagulgol ito. Mabilis na pinuntahan ni Vince ang bunsong kapatid matapos ang pagsigaw nito at sa isang pagsipa ng Kapitan sa nakakandadong pinto,  bumukas ito at tumambad sa kanya ang magulo at puno ng mga nasira at nabasag na mga bagay at kagamitan sa kwarto pero hindi ito ang gumulat sa Kapitan, kungdi ang tulalang mukhang meron ang kapatid habang kasalukuyang nagdurugo ang magkabilang pulsuhan nito. "Richard!" saad ni Vince at mabilis nitong dinulugan ang kapatid, sabay mabilis na sinira ang suot nitong damit para ilagay sa nagdurugong mga braso ng bunsong kapatid. "Chard, nandito si kuya. Ma! Pa!" saad ni Vince na nagsimula ng maiyak sa nakitang kalagayan ng kapatid. Ilang segundo matapos ang pagsigaw ng bunsong anak ay nauna lang ng bahagya ang anak nilang si Vince na pumunta sa kinaroroonan ni Richard, kaya naman sa pagsigaw ni Vince para tawagin sila ay eksatong nakita ng mag-asawang Manalo ang dahilan ng pagsigaw na iyon ng Kapitan. "Diyos ko! Anak ko!" saad ni Aurora na kinabahan sa nakitang lagay ng kanyang bunso. "Mahal halika na at isugod na natin ang anak natin sa ospital." saad ni Heneral Manalo. At mabilis naman binuhat ni Vince ang katawan ng kapatid na si Richard, na nanatili lang na tulala parin ang mukha sa mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD