Sa ikalawang gabi na makakasamang matulog ang among sundalo, hindi na gaanong maiilang pa si Hansel, lalo na ng makita nito na dalawang kamang magkahiwalay na ang nasa loob ng kwarto.
'Ito marahil ang ginawa ni sir kanina.' saad sa isip ni Hansel at natutuwa ito sa ginawa ng Komandante.
"Alin ang gusto mo sa dalawa Hans?" tanong ni Erick na kapapasok lang sa kwarto nila ni Hansel.
Nahiya naman si Hansel sa narinig, mukha kasing siya ang boss ngayon ng among sundalo at una pa siyang pinapapili nito.
"Kahit alin na lang diyan sir." sagot ni Hansel.
"Ayaw mo bang pumili, dahil mas gusto mo ang magkatabi tayo." biro ng nakangising sundalo.
Pinamulahan naman kaagad ng mukha si Hansel sa narinig nito kay Erick.
"Hi-hindi po sa ganun sir." sagot ng namumula at nakayukong si Hansel.
Lihim na napangiti si Erick sa nakitang reaksyon ni Hansel, kaya naman siya na lang ang pumili sa magiging pwesto nila. Kagabi kasi, ibayong pagpipigil ang ginawa ng Komandante sa piling ni Hansel, kumbaga imbes na ang binatang si Hansel ang matukso sa kanya, kabaligtaran ang nangyari at muntik na niyang maangkin ang birheng katawan ni Hansel. Kaya naman ng makalabas ng kwarto si Hansel kaninang umaga, nakailang pagsasariling sikap ang ginawa ng Komandante, para lang humupa ang galit na galit na dambuhala nitong alaga.
"Sa akin na itong kaliwa, sayo na ang sa kanan."
"Okay po sir." pagpayag ni Hansel sa gusto ng Komandante at humiga na ito sa kanyang kama.
"Goodnight Hansel." saad ni Erick na kasalukuyang naghuhubad ng damit at salawal, na nakasanayan ng tanging brief lang ang suot sa tuwing natutulog.
Bumaling naman si Hansel sa direksyon ng Komandante para sagutin ang bati sa kanya ng huli, kaya naman nasilayan muli niya ang magandang katawan ng sundalo na tanging brief na naman ang suot. Kaya naman mabilis na tumalikod muli si Hansel.
"G-goodnight sir." saad ng namumulang mukhang si Hansel.
Napangiti na lamang si Erick sa nakitang reakyon ni Hansel, sa isip ng Komandante, mukhang matatagalan pa bago mapasakanya ang mahiyain na binatang Cortez, ganunman nakahanda itong maghintay, ngayon pa na abot-kamay na lang niya si Hansel.
...
Kinabukasan, nauna muling magising si Hansel sa kanyang among sundalo. Hindi rin maiwasan ni Hansel na tapunan ng tingin ang Komandante na natutulog parin at sa nakitang nakaumbok na malaking alaga ng among sundalo, napailing na lang si Hansel.
'Bakit ko pa kasi tinignan.' saway sa isip ni Hansel at lumabas na ng kwarto, bago pa siya mahuli ng amo.
...
'Langya! Bakit ba kasi hindi humupa-hupa 'tong alaga ko.' reklamo ni Erick sa nakatayong kargada.
'Salsal na naman ang katapat nito.' saad sa isip ni Erick at nagsimula na naman sa pagbate sa kanyang malaking kargada.
Gawa ng gusto na nitong humupa ang tigas na tigas na p*********i. Nakalimutan ng i-lock ng sundalo ang pinto, habang patuloy ito sa pagtataas-baba sa malaki nitong alaga. Kaya naman sa oras na malapit na itong labasan ay siya rin na pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto.
...
Matapos niyang maihanda ang almusal ng among sundalo, bumalik na muna si Hansel sa kwarto, para kuhanin ang uniporme nitong isusuot niya mamaya sa pagpasok niya sa bagong trabaho sa cafe at para maplantsa niya na rin ito. Hindi na naisipan pang kumatok ni Hansel at baka maistorbo niya ang among sundalo na buong akala niya ay mahimbing parin ang tulog.
Pagkaikot sa doorknob ni Hansel ay bumukas nga ang pinto. At pagpasok nga niya sa kwarto ay 'di niya inaasahan ang bubungad sa kanya, kasalukuyang nagbabate ng malaking alaga ang kanyang among barakong sundalo. Sa nakita'y mabilis na muling isinara ni Hansel ang pinto at lumabas kaagad ito.
"Sorry sir." saad ni Hansel na namumula ang mukha dahil sa nakita at 'di ito makapaniwala sa malaking alaga na ilang segundo lang ay nakita niyang nilalaro ng among sundalo.
'Umisip ka na ibang bagay Hansel.' paulit-ulit na saad sa sarili ni Hansel, para mawala ang nakita nitong imahe nang Komandante na binabate ang sariling malaking alaga.
...
Samantala, kahit pa nakita na ni Hansel ang kanyang ginagawa ay minabuti ng Komandante na ipagpatuloy ang ginagawang pagbabate sa malaki niyang alaga, ang siste kasi, lalo pang nag-init ang sundalo dahil sa nangyaring pagkahuli sa kanya ni Hansel.
"s**t ahh ahhh." ungol ng barakong sundalo, kasunod ay nakailang putok ito ng sariling dagta.
'Tang-ina! Hanggang kailan ko kaya matitiis ang sarili ko na 'di maangkin s'ya.' saad sa isip ni Erick na nagkasya na lang sa pag-amoy sa mabangong unan na ginamit ni Hansel, nung unang gabi na magkatabi sila sa pagtulog.
...
Habang sabay na kumakain ng almusal si Erick at Hansel. Pansin ni Erick na 'di siya magawang tignan sa mukha ng kasama. Kaya naman minabuti niyang kausapin na ito.
"Hansel, sorry sa nakita mo, siguro naman naiintidihan mo na normal lang sa ating mga lalake ang ganun."
"Hi-hindi mo kailangan na humingi ng paumanhin sir, ka-kasalanan ko rin na hindi muna ako kumatok bago ako pumasok." saad ni Hansel na 'di parin makatingin sa among sundalo.
"Hansel wala kang kasalanan, 'di bale magla-lock na ako sa susunod." saad at biro pa ni Erick, nang sa ganun ay 'wag ng mailang pa si Hansel.
Pinamulahan naman ng mukha si Hansel, sa narinig kasi'y bumalik sa kanya ang imahe ng nagsasariling sikap na Komandante.
"Maiba ako, hindi ba ngayon na ang pasok mo sa cafe?" tanong ni Erick.
Sa tanong sa kanya na among sundalo ay doon pa lang tumingin si Hansel sa mukha ng una.
"Opo sir." maikling sagot ni Hansel at bumalik sa pagkain ang tingin.
"Mamaya pa naman 'yon hindi ba?" tanong muli ni Erick.
"Opo sir, alas dos ng hapon ang pasok ko sir."
"Kung ganun, magbihis ka at may pupuntahan muna tayo." saad na utos ni Erick.
"Sa-saan tayo pupunta sir?" tanong ni Hansel na napatingin muli sa mukha ng amo.
"Mamaya malalaman mo rin, sige na at maliligo lang ako." sagot ni Erick na tumayo na, pero bago tuluyang maligo'y lumapit ito sa kinauupuan ni Hansel, para guluhin muli ang buhok ng huli.
"Salamat sa palaging masarap na pagkain Hans." saad ni Erick at iniwan na si Hansel.
Namumula naman ang mukha ni Hansel sa ginawang 'yon ng amo, gayunman masaya ito sa tuwing ginugulo ng kamay ng amo ang kanyang buhok at natuwa rin ito sa ginawang pagpapasalamat sa kanya ng Komandante.
...
Para kay Richard ang lumipas na mga oras na hindi niya kapiling si Sebastian ay parang katumbas iyon ng mga araw. Ngayon nga ay papasok muli siya sa kampo, para na naman sa paperworks na kakaharapin niya.
"Manalo, pinapapunta ka ni Major Guzman sa opisina niya." saad ng kapwa sundalo ni Richard bago pa ito maupo sa kanyang pwesto.
"Bakit raw Alfonso?" tanong ni Richard sa sundalo.
"Walang nabanggit Manalo, pero lahat tayo ay isa-isa niyang pinapapunta, siguro ay may itatanong rin sa'yo." kibit-balikat na sagot ng sundalo.
"Salamat, sige at pupuntahan ko na kaagad si sir." sagot ni Richard at iniwan na nga siya ng sundalo.
Matapos maiwan ang gamit sa kanyang mesa ay pinuntahan na nga ni Richard si Major Guzman.
"Permission to enter sir." saad ni Richard na nasa pinto na ng opisina ng Komandante.
"Enter." sagot ni Major Guzman.
"Maupo ka Manalo." saad ng Komandante.
Sumunod naman si Richard at umupo sa upuan na katapat ni Major Guzman.
"Nalaman ko kay Heneral Manalo, na isa ka sa nagpresinta noon na magpunta sa giyera sa Maguindanao." kumpirma ng Komandante.
"Oo sir, isa nga ako sa mga sundalong sumama sa giyera sa Maguindanao sir." sagot ni Richard.
"Good job then and I guess kaya ka naririto at paperworks ang mga ginagawa mo ay dahil sa mama mo?" kumpirma muli ni Major Guzman.
"Tama ka sir."
"I see, pero tapos na ngayon sa paperworks ang trabaho mo. Bukod sa misyon ng mga kasama nating sundalo sa Tawi-tawi ilang araw pa lang ang lumipas, kailangan tayong mga sundalo para makasigurong maging ligtas ang paparating na Presidente ng Amerika. At gusto kong kasama ka namin sa trabahong 'yon, ano Manalo? Tinatanggap mo ba ang misyon?" paliwanag at tanong ni Major Guzman kay Private Manalo.
Alam ni Richard ang tungkol sa paparating na Pangulo ng Estados Unidos dito sa Pilipinas at ngayon na nabigyan siya ng pagkakataon na muling makapaglingkod para sa bansa ay natuwa ito, kahit pa sa hambog na Komandante nanggaling ang alok para sa misyon.
"Tinatanggap ko ang misyon, sir!" sagot ni Richard sa Komandante.
"Mabuti kung ganun Manalo. Kaya magpaalam ka na sa pamilya mo at bukas na bukas rin ay sabay tayo kasama ng ilan pang sundalo na tutungo para salubungin ang pagdating sa bansa ni President Adams." saad ng Komandante.
"Sir, yes sir!" sagot ni Richard.
...
Nakarating na sa Tawi-tawi ang mga kasundaluhan. Ilang sandali mula ngayon ay sisimulan na nila ang pagsalakay sa kuta ng mga Terorista.
"Men! Gusto kong maging handa kayo sa mga mangyayari at mula dito sa kinatatayuan natin, maaring alam na ng mga terorista na naririto tayo para malipon sila. Kaya naman gawin natin ang lahat para sa Pilipinas." saad ni Komandante Manlangit.
"Sir, yes sir." sagot ng mga sundalo sa Komandante.
At sa sandaling 'yon, inumpisahan na ng mga sundalo ang kanilang misyon sa Tawi-tawi laban sa mga terorista.
...
Huminto sa isang mall ang minamanehong sasakyan ni Major Manalo, kasama nito ay si Hansel na tahimik lang sa buong durasyon ng biyahe.
Bumaba kaagad si Erick sa sasakyan, habang nanatili naman si Hansel sa loob na hindi alam kung ano ang gagawin, dahil wala itong narinig galing sa among sundalo.
Pagkababa sa sasakyan ay pinagbuksan ng pinto ni Erick si Hansel.
"Halika ka na Hans." yakag ni Erick.
"Si-sige po sir." sagot ni Hansel at pinilit na 'wag bigyan ng kahulugan ang ginawang 'yon ng among sundalo.
Nanatili lang sa pagsunod si Hansel sa among sundalo kung saan man ang punta ng Komandante. Hanggang sa huminto sila sa bilihan ng mga damit.
"Pumili ka ng mga gusto mo Hans." saad ni Erick.
"Si-sir wala po akong pera." sagot kaagad ni Hansel.
Napailing na lang ang Komandante, pero hindi naman niya masisisi ang kasama dahil hindi malinaw ang sinabi niya.
"Hansel, pumili ka ng mga damit na gusto mo at 'wag kang mag-alala, ako ang magbabayad." paglilinaw ni Erick.
""Si-sir ayos lang po ako, may mga damit pa naman ako." nahihiyang tanggi ni Hansel.
Napabuntong hininga na lamang ang Komandante, pero mabilis itong nakaisip ng paraan.
"Miss." tawag ni Erick sa saleslady na naroon.
"Yes sir." sagot ng lumapit na saleslady na nagpipigil ng kilig sa nakitang guwapo at makisig na lalaki.
"Marunong ka bang pumili ng mga damit na babagay sa kasama ko?" tanong ng Komandante sa babae.
Napatingin naman ang babae sa direksyon ni Hansel.
"Oh my! Ang cute naman po ng kapatid ninyo." saad ng babae na buong akala'y kapatid ng Komandante ang kasama nitong lalaki.
Namula naman si Hansel sa narinig na papuri sa babae.
"Yeah he is, ano miss marunong ka ba?" tanong muli ni Erick.
Samantala, lalong namula ang mukha ni Hansel sa narinig na papuri sa kanya ng among sundalo.
"Akong bahala sa kapatid mo sir." sagot ng babae.
"Pero si-." hindi na natuloy na tanggi ni Hansel.
"Bunso, kung ayaw mong magalit si kuya, hayaan mo si miss na tulungan kang pumili ng mga damit mo." seryosong putol ni Erick kay Hansel.
Wala ng nagawa pa si Hansel, kung hindi ang sumunod na lamang sa kagustuhan ng among sundalo.
"Akong bahala sa bunso mo sir." saad ng babaeng saleslady at lumapit pa sa sundalo para hawakan ang malaking braso ng Komandante.
Gusto man alisin ni Erick ang kamay ng babae ay hinayaan na lang niya ito, dahil kailangan niya ang tulong ng saleslady para kay Hansel.
Samantala 'di nagustuhan ni Hansel ang ginawang paghawak ng babae sa Komandante, pero wala naman siyang magagawa dahil wala naman siyang karapatan sa Komandante.
"Miss, mabuti pa tulungan mo na ang bunso ko, don't worry babayaran kita ng malaki kapag nagustuhan ko ang pinili mo para sa kapatid ko." saad ni Erick.
"Hindi ko tatanggihan 'yan sir, bunso halika na, si ate ang bahala sa'yo." saad ng babae at hinawakan ang isang kamay ni Hansel para umpisahan na ang mamili ng mga damit na babagay sa huli.
Lihim na napangiti si Erick, dahil wala ng nagawa pa si Hansel kungdi ang sumunod sa gusto niya. Minabuti ng Komandante na mamili na rin ng mga kagamitan, na gagamitin ng lalaking mahalaga sa kanya.
...
Hindi na nabilang pa sa daliri ni Hansel, kung ilan bag ng mga damit, mga pantalon at mga sapatos ang ngayon ay tapos ng mabayaran ng among sundalo. Sa ginawang pagtulong ng babaeng saleslady kanina, lahat ng makita nitong babagay sa binatang si Hansel ay kaagad na tinatabi ng babae at heto nga ngayon, umabot ang lahat ng mga ito sa presyong 200,000 pesos.
"Si-sir ang dami naman ng mga 'yon." nahihiyang saad ni Hansel.
"Don't worry Hans, hindi naman kita sisingilin, ituring mo na lang 'yan na regalo ko sa'yo. Isa pa, magagamit mo ang mga 'yan sa pagpasok mo sa trabaho at gusto kong maging presentable ka rin, lalo na kapag may bisita akong pumunta sa bahay ko." saad ni Erick.
"Pe-pero sir." saad ng nahihiya pa rin na si Hansel.
"Hansel, hindi mo tatanggapin ang mga 'yon o gusto mong mawalan ka ng trabaho? At alam kong alam mo ang susunod na mangyayari pagkatapos nun." seryosong saad ni Erick.
"Si-sige po sir, tatanggapin ko na po, sa-salamat po sir." nakayukong saad ni Hansel na wala ng nagawa, kungdi ang tanggapin ang mga gamit na sobrang mahal ang presyo para sa kanya.
"Mabuti kung ganun, halika na kumain na muna tayo, bago kita ihatid sa trabaho mo." saad at yakag ni Erick kay Hansel.
"Si-sir, hindi na po, magtataxi na lang po ako at tsaka busog pa naman po ako." nahihiyang tanggi ni Hansel.
"Hansel, sa ayaw at gusto mo'y sasamahan mo akong kumain at wala ka na rin magagawa dahil nakapagdesisyon na akong ihahatid-sundo kita sa trabaho mo." seryosong saad ng sundalo.
"Pe-pero sobrang nakakahiya na po sir, ayoko pong maabala pa kayo."
"Hindi ka malaking abala para sa'kin Hans, isa pa responsibilidad kita dahil nagtatrabaho ka sa akin. At para hindi na maulit ang nangyari kahapon. Sa tuwing wala ako at hindi kita maihahatid o masusundo, may kinuha na rin akong magiging driver mo, mayroon rin na dalawang guards na magbabantay sa bahay ko para siguradong ligtas ka." mahabang saad at paliwanag ni Erick.
"O-okay po sir." sukong sagot ni Hansel na wala naman magagawa kungdi sundin ang among sundalo.
...
Pagkatapos kumain ni Erick at Hansel ay umuwi na ang mga ito. Gaya nga ng sabi ng among sundalo, nakita ni Hansel ang dalawang nakasuot ng uniporme na pang-guwardya na naririto ngayon sa loob ng bahay ng among sundalo at isa pang pamilyar kay Hansel na medyo may edad na lalaki.
"Jojo, Arjay, heto si Hansel ang isa pa ninyong amo, gaya ng utos ko sa inyo, kayong dalawa ang bahala sa pagbabantay sa kanya kapag wala ako." baling ng Komandante sa dalawang guwardya.
Nahiya naman si Hansel sa pakilala sa kanya ng among sundalo.
"Opo sir." sabay na sagot ng dalawa.
"Mang Popoy, kilala niyo na ho si Hansel hindi ba? siya ang ipagmamaneho ninyo kapag may gusto siyang puntahan." baling naman ni Erick sa matanda, na siya rin driver ng Komandante noon.
"Naiintindihan ko sir." sagot ng matanda kay Erick. "Ikinagagalak kong makita kitang muli sir Hansel." baling naman ng matanda kay Hansel.
"Sa-salamat po, masaya rin po akong makita uli kayo." sagot ni Hansel na natandaan na kung sino ang matanda, siya ang driver ng kuya Erick niya noon.
"Arjay, Jojo, 'yung napag-usapan natin, kapag umaalis ang sir Hansel ninyo kasama si Mang Popoy, sumama ang isa sa inyo." baling muli ni Erick sa dalawa.
"Naiintidihan namin sir." sabay na sagot ng dalawang guards.
"Mabuti kung ganun, heto nga pala may dala akong pagkain para sa inyo" baling ni Erick sa mga guards sabay abot ng mga pagkain.
"Mang Popoy, samahan ninyo kami ni Hansel sa loob." baling naman ni Erick sa matanda.
"Sige sir." sagot ng matanda.
Pagpasok ng tatlo sa loob ng bahay, naiwan ang dalawang guards na sinimulan ng kainin ang dalang pagkain ng amo.
"Suwerte nang baklang 'yon kay sir." komento ni Arjay.
"Ang bibig mo Jay, gawin mo na lang ang trabaho mo baka marinig ka ni sir, isa pa hindi mo naman masisi si boss, parang 'di mukhang lalaki si sir Hansel, eh magsuot lang ng wig 'yon maganda pa sa mga naging syota mo." asar ni Jojo sa kasama.
"Oo nga Jo at tsaka wala naman akong masamang ibig sabihin dun sa sinabi ko kanina, isa pa, takot ko na lang kay boss." depensa ni Arjay sa sarili.
"Alam ko naman 'yon Jay, kaya lang baka marinig ka ni sir at iba ang maging dating sa kanya." paliwanag naman ni Jojo.
"Kung sabagay tama ka at mukhang mabait si sir Hansel, eh kanina ng ipakilala siya ni sir, siya pa ang nahiya sa atin." saad ni Arjay.
"Oo nga at tsaka masarap daw magluto 'yon sabi ni Manong Popoy." kwento naman ni Jojo.
"Hindi na rin lugi si boss, kaya siguro ibinahay na si sir Hansel at hindi na pinakawalan." saad ni Arjay.
"Tama na ang usapan natin tungkol sa kanila, mabuti pa kumain na lang tayo." saad ni Jojo.
...
"Mang Popoy, heto ang magiging kwarto ninyo." saad ni Erick na sinamahan ang matanda sa magiging kwarto nito.
"Salamat sir Erick, oo nga pala, gustong bumisita ng mama mo dito sa nabili mong bahay." saad at kwento ni Mang Popoy.
"Ako ng bahala kay Mama, mang Popoy, kapag napasagot ko na si Hansel, tsaka ko na lang ipapaalam ang tungkol dito sa bahay." saad ni Erick.
"Mabuti kung ganun, alam mo na si Mam at ayaw pahuli tungkol sa mga nangyayari sa inyong mga anak niya." naiiling na saad ng matanda.
"Sinabi pa ho ninyo, kaya nga sinikreto ko ang tungkol dito kay Hansel, ganunman ay alam na rin papa ang tungkol sa kanya at alam kong may ideya na rin ang lokong si Vince, tungkol kay Hans." saad ni Erick.
"Kilala mo ang ama mong Heneral, wala kang maitatago sa kanya. At masaya ako para sa'yo hijo, alam kong pareho kayo ng nararamdaman ni sir Hansel, pero payo ko lang 'wag mo siyang mamadaliin, alam kong alam mong mahirap ang sitwasyon niya dahil sa kalagayan ng ate niya." saad at payo ng matanda sa itinuring na niyang parang anak.
"Alam ko po 'yon, kaya nga ibayong pagpipigil ang ginagawa ko. Sige mang Popoy ihahatid ko na maya-maya si Hans, yung pagkain na para sa inyo ay nasa mesa sa kusina." saad ni Erick at iniwan na ang matanda.
...
Matapos maligo ay kaagad ng naghanda para magbihis si Hansel, saglit pa itong napatingin sa mga naka-bag parin ng mga mahal na mga damit at sapatos. At ayaw man nitong isuot ang mga iyon ay wala ng nagawa pa si Hansel kungdi ang gamitin ang mga 'yon para sa kanyang pagpasok sa trabaho, dahil alam niyang magagalit ang among sundalo, kapag hindi nito nakitang isinuot niya ang mga ipinamiling gamit para sa kanya.
Inaamin ni Hansel na magaling ang babaeng saleslady sa mga napili nitong mga damit na babagay sa kanya. Ngayon nga ay suot niya ang damit at pantalon na lalong nagpalitaw sa kanyang maputing kutis. Nagsuot rin siya ng itim na sapatos at sunod na inilagay sa kanyang bag ang unipormeng isusuot niya pagdating sa cafe, kung saan magsisimula siyang magtrabaho.
...
Hinihintay na lamang ni Erick ang pagbaba ni Hansel sa kanilang kuwarto at ilang sandali lang ay bumaba na ang huli, suot ang mga damit na binili niya.
Hindi nagkamali ang Komandante sa paghingi ng tulong sa saleslady kanina, lumitaw ang kagandahang lalaki ni Hansel sa mga suot niya ngayon at para sa sundalo, kung mahaba lang ang buhok ng binata ay pagkakamalan mo talagang babae ito.
"You look gorgeous." saad ni Erick pagkalapit sa kanya ni Hansel.
Kaagad na pinamulahan ng mukha si Hansel sa narinig na papuri sa kanya ng among sundalo, kita rin ni Hansel ang tutok na tutok na mga mata ng Komandante sa kanya, mula pa kaninang pagbaba niya.
"Sa-salamat sir." nakayuko at namumulang mukhang pasalamat ni Hansel.
"You're welcome beautiful, halika ka na." saad ni Erick sabay lahad sa kanyang kamay kay Hansel.
Inaamin ni Hansel na bukod sa hiyang nararamdaman ay kinilig rin ito sa pagtawag sa kanya ng beautiful ni Erick at nahihiya man sa among sundalo, minabuti ni Hansel na ilagay sa nakalahad na kamay ng Komandante ang kanyang kamay.
At magkahawak kamay na nagtungo sa sasakyan ang masayang sundalo at ang nahihiya at nagpipigil ng kilig na si Hansel.
Pagdating sa sasakyan ay parang babae pang pinagbuksan ng pinto ng sundalo si Hansel.
"Si-sir." nahihiyang saad ni Hansel.
"Pasok ka na Hans." nakangiting saad ni Erick.
Sumunod naman ang nahihiyang si Hansel at sumakay na ito sa passenger's seat ng mamahaling sasakyan ng among sundalo.
Mabilis na sumunod na rin na sumakay si Erick sa sasakyan, para maihatid na ang lalaking nagpagulo sa buong pagkatao niya.
"Sa Royalty Cafe house ka magtatrabaho hindi ba." kumpirma ni Erick sa katabi pagka-start nito ng sasakyan.
"Opo sir." sagot ni Hansel.
"Medyo malapit lang naman pala dito." saad ng sundalo at nagsimula na sa pagmamaneho patungo sa cafe.
...
Matapos lang ang higit-kumulang na kalahating oras ay nakarating na si Erick at Hansel sa Cafe.
"Sa-salamat po sir." saad ni Hansel at bababa na sana ng sasakyan.
"Sandali Hans." saad ni Erick bago pa makababa si Hansel.
Napatigil naman si Hansel at bumaling ito sa among sundalo.
"Ganun na lang 'yon, wala man lang kapalit ang paghatid ko sa'yo?" seryosong saad ng sundalo.
Hindi alam ni Hansel kung anong tumatakbo ngayon sa isip ng sundalo at kinakabahan man ay tinanong nito kung anong kapalit ang nais ng among sundalo.
"Anong kapalit si-sir?"
"Simple lang Hans, isang kiss lang." nakangising saad ni Erick at kita ng sundalo ang nanlalaking mata at namumulang mukha ng kaharap pagkatapos.
"Si-sir!"
"Hindi ka makakababa hanggat hindi mo ibinibigay ang kapalit na gusto ko." seryosong saad ni Erick.
"Pe-pero sir." nababahalang saad ni Hansel at piniling nitong yumuko na lamang sa hiya, dahil hindi nito kayang gawin ang nais ng sundalo.
Kita ni Erick ang hiyang nararamdaman ng kasama, kaya naman may naisip na ibang paraan ang pilyong sundalo.
"Sige Hans kung ayaw mong halikan ako, siguro naman papayag kang ako ang humalik sa iyo."
"Si-sir!" nahihiyang saad ni Hansel.
"O siya sige, isang kiss na lang sa pisngi mo." saad ng Komandante
Sa sunod na narinig ni Hansel, nahihiya man kahit pa halik lang sa pisngi ang hinihiling ni Erick. Humarap na sa oras na 'yon si Hansel sa katabing sundalo.
"Si-sir sige po payag na ako, pe-pero sa pisngi lang po." saad ni Hansel na muling napayuko dahil sa hiya.
"Yeah sa pisngi lang, promise." saad ng may ngiti sa mukhang sundalo.
"Tumingin ka sa akin Hans, para matapos na." saad ni Erick.
Sumunod naman si Hansel at humarap nga ito sa mukha ng sundalo, kasunod nga nun ay ang unti-unting paglapit ng mukha ng among sundalo papunta sa kanya. At sa sandali na naramdaman ni Hansel sa kanyang pisngi ang malambot na mga labi ng sundalo, sumunod ang hindi maipaliwanag na naramdaman ni Hansel sa kanyang katawan at ang sobrang pamumula ng kanyang buong mukha.
Sa ginawang paghalik niya sa maputi at makinis na pisngi ni Hansel, ibayong pag-iinit sa katawan at pagtigas ng kanyang laman sa gitna ng kanyang hita ang naging reaksyon ng Komandante.
"Thanks Hans, sige na at bumaba ka na bago pa magbago ang isip ko." bulong ng Komandante sa tenga ni Hansel.
"Si-sige po sir." sagot ni Hansel at mabilis na nabuksan ang pinto ng sasakyan ng among sundalo at lumabas na ito.
Matapos makababa ay sobrang bilis ng pagtibok ng puso ni Hansel dahil sa nangyaring paghalik sa kanyang pisngi ng among sundalo, isa pang dahilan ay ang narinig nitong boses sa ginawang pagbulong sa kanyang tenga ng Komandante.
Pagbaba ni Hansel sa sasakyan niya, inayos ng Komandante ang malaki at matigas niyang alaga sa suot na pantalon, na dulot ng inihatid niya sa trabaho.
'Langya! Ang lakas talaga ng epekto mo sa akin Hans.' saad sa sarili ng naiiling na Komandante na minabuti ng umuwi sa bahay.
...
Bukod sa bagong empleyadong si Hansel, nakilala pa niya ang dalawang halos kaedad lang niya na ilang buwan palang na nagtatrabaho sa cafe.
"Ang cute mo naman Hansel, ako nga pala si Alona." pakilala ng babaeng barista din sa cafe.
"Sa-salamat Alona, ikaw naman ang ganda mo." balik papuri ni Hansel.
"Naku! Maliit na bagay lang 'yan." sagot ni Alona na sinabayan pa ng mahinang pagtawa.
"Sus naniwala ka naman, ako naman pala si Terrence, Hansel." asar ng lalaking server kay Alona at pakilala nito kay Hansel.
"Tumahimik ka ungas, kung wala kang magandang masasabi." inis na saad ni Alona kay Terrence.
Lihim na natawa naman si Hansel sa asaran ng dalawa.
"Nice to meet you Terrence." sagot ni Hansel sa lalaki.
"May boyfriend ka na ba Hans?" tanong ni Terrence sa bagong kasamahan sa trabaho, na inaamin ng binata na nakakuha ng atensyon niya.
"Hoy Terrence tigil-tigilan mo si Hansel at hindi katulad mo ang type niya." sabat ni Alona.
"Tumahimik ka panget, hindi ikaw ang kausap ko." asar muli ni Terrence sa babae.
"Tse! Mas pangit ka." balik ni Alona kay Terrence.
"Ano Hansel? May boyfriend ka na ba?" kulit na tanong ni Terrence.
"Wa-wala pa." nahihiyang sagot ni Hansel.
"Ayos! Kung sakali ba pwede akong manligaw sayo?" nakangiting tanong ni Terrence kay Hansel.
"Hoy sabi ng tigil-tigilan mo si Hans. Hans 'wag mong pansinin ang pangit na 'yan." saway ni Alona kay Terrence at payo nito kay Hansel.
"Okay lang Alona, isa pa Terrence wala pa sa isip ko ang bagay na 'yan." saad ni Hansel kay Alona at baling nito kay Terrence.
"Sayang naman, pero kapag pwede ka ng ligawan, sabihin mo kaagad at siguradong manliligaw ako." saad ni Terrence na isang kindat pa ang pinakawalan kay Hansel.
"Sure daw Terrence, after 100 years pwede ka na daw manligaw kay Hans." asar ni Alona kay Terrence.
Natawa naman ng mahina si Hansel sa sinabing 'yon ni Alona.
"Ang ganda mo talaga girl, sabi ko na, pagkakita ko pa lang sa'yo sigurado akong maraming magkakagusto sa'yo." bulong ni Alona sa katabing si Hansel, na kasama nitong naririto sa counter.
"Salamat Alona." saad ni Hansel.
...
Gaya nga ng sabi sa kanya ni Major Guzman, pagkauwi ni Richard sa kanila ay naghanda na ito ng ilang gamit na dadalhin niya sa misyon nilang mga sundalo. Matapos mailagay sa isang bag ang mga gamit, nilagay ni Richard ang nasabing bag malapit sa kanyang kama.
Tinawagan na rin niya ang kuyang si Erick para ipaalam ang kanyang magiging misyon. Hindi na inusisa pa ni Richard ang tungkol sa lalaking gusto ng kanyang kuya at matapos ang pag-uusap nilang magkapatid ay minabuting maligo na ni Richard.
...
Pagdating ng mga magulang, ipinaalam rin ni Richard sa mga ito ang kanyang magiging misyon. Nalaman ni Richard sa amang Heneral, na ipinagpaalam pala siya ni Major Guzman bago pa siya makausap ng Komandante. Sa nalaman ay nabawasan ang inis na naramdaman ni Richard sa Komandate, na kinainisan niya noon sa panahon ng training niya bilang sundalo.
'Mukhang bukod sa pagiging hambog, may itinatagong bait rin pala si Major Guzman.' saad sa isip ni Richard.
...
Gaya ng inaasahan na mga sundalo sa laban nila sa mga terorista. Hindi basta-basta susuko na lamang ang mga ito, ngayon nga ay kasalukuyang nakikipag-palitan na ng mga putok ang mga sundalo.
"Velasco, lalapit ako sa kinaroroonan ni Major Manlangit, kaya icover mo ako." mungkahi ni Captain Manalo.
"Sir, yes sir! Mag-iingat ka." saad at paalala ni Private Velasco sa Kapitan.
"Oo naman, pero bago 'yon." putol na saad ni Captain Manalo at mabilis na lumapit ito sa nakadapang si Private Velasco at hinalikan niya ito sa labi.
"Pampalakas Velasco." nakangising saad ni Captain Manalo.
Napailing na lang si Private Velasco sa ginawa ng Kapitan.
"Sige na sir, para kapag natapos na tayo dito, magkita tayo sa apartment ko." ngising saad ni Velasco.
"Sure Velasco at ikukulong kita ng isang linggo pagkatapos." 'di papatalong saad na nakangising Kapitan.
At gaya nga ng mungkahi ng Kapitan, mabilis na tinulungan ni Private Velasco ang sundalong 'di niya akalain na magbibigay saya sa kanyang nasugatang puso.
...
Kasalukuyang nakikipag-palitan ng putok si Major Manlangit sa mga terorista at kasama rin niya ang ilan pang sundalo sa kanyang kinalalagyan.
"Anong balita kay Husami Muhamad? Nakita na ba ninyo?" tanong ni Major Manlangit sa mga kasama lalo na sa sniper nila.
"Negative sir!" sagot ng sniper sa Komandante.
"Akin na ang telescope at ihanda na ninyo ang mga drone, makakatulong ang mga 'yon para kaagad nating malaman kung naririto pa ang lider nilang si Husami Muhamad." saad at utos ng Komandante sa kasamahang sundalo.
"Understood sir!" sagot ng isang sundalo na isa sa mga may alam sa pagpapalipad ng mga drone.
"Anong balita Major Manlangit?" tanong ni Captain Manalo na ligtas na nasamahan ang Komandante sa tulong na rin ni Private Velasco.
"Negative for now Captain Manalo, heto nga at kasalukuyan kong tinitignan sa teleskopyo." sagot ng Komandante sa Kapitan.
"Sir! Positive! Nandirito pa sa Tawi-tawi ang lider nilang si Husami Muhamad!" sigaw ng sundalo na nakatutok sa computer na siya rin abala sa pagpapalipad ng mga drone.
"Good job! Policarpio." puri ng Komandante sa kasamahang sundalo.
"Men! Nandito nga ang lider nila! At sisiguraduhin natin na mahuhuli ng patay o buhay ang lider nilang si Husami Muhamad!" malakas na saad ni Major Manlangit. At gaya ng kanilang objective sa kanilang misyon, inumpisahan na ng mga sundalo ang pagtugis at paghuli sa lider ng mga terorista.