Sa nakitang pag-akyat sa kwarto ng kanyang among sundalo para matulog, hindi alam ni Hansel kung paano niya magagawa ang kondisyon ng Komandante na magtabi sila sa pagtulog.
Minabuti na muna ni Hansel na magpalipas ng isang oras sa sala, nang sa ganun kapag pumasok siya sa kwarto ng amo ay siguradong tulog na ito.
Pagkalipas nga ng isang oras, hinarap na ni Hansel ang para sa kanya'y isa sa mahirap na kailangan niyang pagdaanan, kapalit ng 'di naman niya sinasadyang pagsisinungaling sa dating nobyo ng kanyang ate.
Pagbukas ni Hansel sa kwarto ng among sundalo, bumungad sa kanya ang maamong mukha nang mahimbing na natutulog na Komandante, kasama rin tumambad sa kanya ang hubad na magandang katawan ng barakong sundalo na natatakpan lang ng puting brief, kaya naman pinamulahan ng mukha si Hansel, lalo ng dumako sa malaking umbok na p*********i ng among sundalo ang kanyang paningin.
Kaagad iniwas ni Hansel ang mga mata sa malaking tukso na sundalo, na ilang saglit lang ay kailangan niyang tabihan sa pagtulog.
Dahan-dahan na lumapit si Hansel sa kama ng natutulog parin na amo, ginawa niya ang lahat para hindi ito magising at baka magalit ito sa kanya, kapag naistorbo nito ang kanyang pagtulog.
Nakahinga ng maluwag si Hansel ng matagumpay itong nakahiga patalikod kay Erick at hindi rin nito nagising ang natutulog parin na huli.
Pero ang sumunod na nangyari ang nagpatibok ng malakas sa puso ni Hansel. Ilang segundo palang ng kanyang paghiga sa tabi ng among sundalo, sumunod na naramdaman nito ang pagyakap sa kanya ng huli. Kaya naman ramdam ni Hansel sa kanyang katawan ang hubad na katawan ng sundalo, pati na ang nakabukol na alaga ng Komandante na malapit pa sa kanyang puwitan.
Parang sinilaban ang buong katawan ni Hansel sa nangyari at alam rin nitong pati na ang kanyang mukha ay pulang-pula na ngayon.
Lingid sa kaalaman ni Hansel ay gising na gising ang Komandante at sinadya nito ang ginawang pagyakap sa personal maid niya. Inaamin ni Erick, na higit pa sa pwestong kinalalagyan niya ngayong ang gusto niyang gawin sa binatang nagpagulo sa kanyang isipan at damdamin, pero hindi niya gagawin ang hindi gustong mangyari ni Hansel at alam rin nito na kaya lang nagawa siyang tabihan ng huli ay dahil sa banta nito kapalit ng hindi nito pagpayag sa kanyang kondisyon, ganunman kuntento muna si Erick na yakap at kapiling ang mabangong katawan ni Hansel.
...
Kinaumagahan, unang nagising si Hansel at hindi ito makapaniwa sa puwestong ngayon ay kanyang kinalalagyan. Nakahiga siya sa malaking braso ng Komandante habang nakadantay sa hubad na katawan ng huli ang kanyang isang braso. Mabilis na humiwalay si Hansel sa kanyang amo at natatakot ito na baka may maling isipin ang sundalo kapag nakita ang kanilang ayos. Nakahinga naman ng maluwag si Hansel ng tuluyang makabangon, minabuti na rin nito na simulan nang gawin ang kanyang trabaho.
...
Matapos mag-almusal sa tinutuluyang hotel, nagpasya ng umuwi sila Richard at Sebastian.
"Baste, salamat sa bakasyon na kasama kita dito sa Baguio." saad ni Richard sa nagmamanehong Komandante.
"Salamat din Chard at masaya rin akong nasulit natin ang dalawang araw natin dito." sagot ni Sebastian.
...
Dala ang mga pagkain na para sa pamilya Velasco, dumiretso na sa ospital si Vince, dahil ngayon na rin ang takdang pagbalik nila ni Lorenzo sa kanila.
"Enzo, heto at ibigay mo sa pamilya mo." saad ni Vince ng makita si Lorenzo.
"Salamat sir at sana hindi ka na nag-abala pa." nahihiyang saad ni Lorenzo.
"Wala 'yan, sige na at magpaalam ka na rin sa kanila para makabalik na tayo sa amin."
"Sige sir." sunod ni Lorenzo.
...
Gaya kahapon, nakahanda na ang kanyang almusal na inihanda ni Hansel ng bumaba si Erick sa kusina.
"Hansel, sabayan mo na akong kumain." saad ni Erick pagkaupo nito.
"Hi-hindi na sir, mauna na po kayo." tanggi ni Hansel.
"Hindi iyon pakiusap Hansel, utos ko ang sabayan mo ako, 'yun ay kung gusto mo pa ang trabaho mo, madali naman akong kausap." seryosong saad ni Erick.
Mabilis naman na sumunod si Hansel sa gusto ng amo at umupo na rin ito.
Lihim na napangiti si Erick sa nakita nitong pag-upo ni Hansel.
"Hindi ba ang sabi mo kahapon, magsisimula ka na sa trabaho mo bukas?" banggit ni Erick sa napag-usapan nila ni Hansel kahapon.
"O-opo sir." tipid na sagot ni Hansel.
"Tutal 2 PM palang ang pasok mo, siguro naman kaya mo pang ipaghanda ako ng almusal ko sa mga araw na may pasok ka." saad ni Erick.
"Opo sir, gagawin ko naman po 'yun, kahit kapalit lang ng pagpayag po ninyo sa pagtatrabaho ko sa cafe." saad ni Hansel.
"Mabuti kung ganun." saad ni Erick at muling nagpatuloy ito sa pagkain.
Pag-alis ng among sundalo ay sinimulan na ni Hansel ang paglilinis sa buong bahay. Matapos ang gawain, naligo na rin ito bago ang pagpunta muli nito sa ospital, para dalawin ang kanyang ate.
...
Napabuntong hininga na lamang si Heneral Manalo sa mga nalaman nito sa mga tauhan. Hindi sukat akalain ng Heneral, na matapos nitong malaman na sa kapwa lalaki umibig ang kanyang bunsong anak, mukhang pati ang dalawang barako nitong anak na sundalo ay nahumaling rin sa kapwa nila lalaki.
'Kakausapin ko sila mamaya, hindi maaring maputol ang mga lahi naming mga Manalo.' saad sa isip ng Heneral.
...
Unang dumating sa kanilang bahay si Richard na kasama nito si Sebastian. Nagpunta naman kaagad si Sebastian sa opisina ni Heneral Manalo, bago ang pag-alis ng Komandante para sa kanilang misyon.
...
"Maupo ka, Major Manlangit." saad ni Heneral Manalo pagkakita kay Major Manlangit.
"Gaya ng nauna mong pangunguna at matagumpay na misyon ng AFP sa Maguindanao, umaasa akong gagawin mo ang lahat dito sa misyon ninyo sa Tawi-tawi." muling saad ng Heneral.
"Sir, yes sir. At sisiguraduhin kong mahuhuli namin ng buhay o patay ang lider ng terorista sir!" magalang na sagot ni Major Manlangit.
"Dapat lang, Manlangit, dahil hindi ko ibibigay sa talunang sundalo ang bunso kong anak." nakangising saad ni Heneral Manalo.
Kinabahan naman si Major Manlangit sa narinig, pero sisiguraduhin niyang mapagtatagumapayan niya ang misyon nila laban sa mga terorista.
"Sir papatunayan kong karapat-dapat ako sa inyong anak sir!" sagot ng matapang na Komandante sa Heneral.
"Mabuti kung ganun Manlangit, sige na at magpaalam ka na kay Richard." saad ng Heneral.
"Sir, yes sir!" magalang at nakasaludong sagot ni Major Manalo.
...
Matapos makarating sa kanilang lugar sakay ng chopper, nakasakay na ngayon si Lorenzo at Vince sa sasakyan ng huli. Pagkalipas pa ng ilang minuto ay dumating narin sila bahay nila Vince.
"Velasco dito ka muna sa sala at kakausapin ko lang si Heneral." baling ni Vince sa kasabay na si Lorenzo.
"Sige sir." sunod naman ni Lorenzo sa Kapitan.
...
"Maupo ka Captain Manalo." seryosong saad ni Heneral Manalo sa anak nitong si Captain Vince Manalo.
"Bakit mo 'ko gustong makausap Heneral?" tanong ng Kapitan.
Hindi sinagot ng Heneral ang tanong na 'yon ng anak, bagkus ay ibinagsak nito ang mga larawan sa mahabang mesang nasa kanilang harapan.
Gulat ang reaksyon ni Captain Manalo sa mga nakita, mga larawan nilang dalawa ni Lorenzo na magkahalikan ang mga nagkalat ngayon sa mesa ng amang Heneral.
"P-pa." tanging lumabas na salita sa gulat parin na Kapitan.
"Hinayaan ko ang kapatid ninyong si Richard na umibig sa kapwa niya lalaki, pero hindi ko matatanggap na pati kayo ng kuya mo ay sa kapwa rin lalaki mapunta." seryosong saad ng Heneral.
"Pe-pero pa!" tutol ni Vince sa sinabi ng ama at nagulat rin ito sa nalaman, na pati ang kuya Erick niya ay may lalaki rin na gusto.
"Hiwalayan mo ang sundalong si Velasco, dahil hindi mo magugustuhan ang mga kaya kong gawin kapag sinuway mo ako." seryoso parin na saad ng Heneral.
"Bakit si Richard hinayaan ninyo pa? Tapos ako hindi?" 'di makapaniwalang saad ni Vince.
"Iba ang sa kapatid ninyo, bata palang alam na namin ng mama ninyo na baka hindi maging tuwid na lalaki si Richard. At tanggap ko iyon dahil sigurado ako sa inyo ng kuya mo, na ipagpatuloy ninyo ang lahi ng mga Manalo." saad ng Heneral.
"Naiintidihan ko kayo pa, pero hindi ba maari na hayaan ninyo kami ni Velasco. Kung apo ang gusto ninyo, maaari naman namin gawan ng paraan 'yon ni kuya." pakiusap ni Vince sa amang Heneral.
"Sige, hahayaan ko kayo ngayon, pero gusto ko sa lalong madaling panahon ay tuparin ninyo ng kuya mo ang sinabi mo. Sige na maaari ka ng lumabas." saad ng Heneral.
Nakahinga naman ng maluwag si Vince, matapos marinig ang sinabi ng Amang Heneral.
"Sir, yes sir." saad at bigay galang ni Vince sa Amang Heneral.
...
Umuwi muna si Major Erick Manalo sa bahay ng mga magulang, bukod sa gusto nitong makita ang kaibigang si Sebastian at ang kapatid na si Vince bago ang alis ng dalawa sa bago nilang misyon, nakatanggap rin ito ng mensahe sa Amang Heneral na may pag-uusapan daw sila.
...
Pagdating ni Major Manalo sa bahay ng mga magulang, minabuti nitong puntahan na ang Amang Heneral dahil may oras pa naman bago ang alis ng kapatid at kaibigan.
"Anong pag-uusapan natin sir." bungad ng Komandante sa Amang Heneral.
"Tapatin mo ako, Major Manalo, totoo bang may binabahay kang kapwa mo lalaki?" seryosong tanong ng Heneral sa Komandanteng anak.
"Wala pa kaming relasyon sir, anong kinalaman niya sa pag-uusapan natin sir?" balik na tanong ng Komandante.
"Kung ganun mas maganda, tutal nanggaling na sa'yo na wala pang namamagitan sa inyo, mabuti pa 'wag mo ng ituloy kung anumang balak mo sa kanya. Isa pa, hindi ba may nobya ka at kapatid pa ng lalaking 'yon." saad ng Heneral.
"Wala na kami ng ate niya at hindi ko magagawa ang sinasabi mo sir, lalong 'wag mong gagalawin si Hansel sir." paliwanag ng Komandante at sagot nito sa ama.
"Binabantaan mo ba ako, Major Manalo!" pagtataas ng boses ng Heneral sa 'di nagustuhan nitong sagot sa kanya ng anak.
"Hindi sir, pero lahat ng ginusto ninyo sinunod ko, magmula ng bata pa ako, pero 'wag ninyong pakikialaman ang taong gusto ko." matapang na sagot ng Komandante.
"Sige, hindi ko papakialaman ang binatang Cortez, pero gaya ng ipinangako ng kapatid mong si Vince, bigyan ninyo ako ng apo na magdadala ng apelyidong Manalo, sa lalong madaling panahon." kondisyon ng Heneral.
"Sige sir! Permission to leave sir!" sagot ni Major Manalo sa Amang Heneral.
"Sige, makakaalis ka na." saad ng Heneral.
At lumabas na nga ang Komandante sa opisina ng Heneral.
'Hanga ako sa paninindigan ninyo mga anak.' saad sa sarili ng may ngiti sa mukhang Heneral at 'di na nangangamba na mapuputol ang lahi ng mga Manalo.
...
"Ingat kayo kuya Vince, Renz at Baste." bilin ni Richard sa papaalis na mga sundalo para sa kanilang misyon. At isa-isa nitong niyakap ang tatlo.
Una ang kuyang si Vince. Sunod ay si Lorenzo.
"Tama na 'yan Chard at baka magselos na si Baste." komento ni Vince.
Humiwalay na nga si Richard sa kaibigang si Renz at huli nitong niyakap ng mahigpit si Sebastian.
"Hihintayin ko ang pagbabalik mo sir." bulong ni Richard sa mahal nitong sundalo.
"I will, as soon as possible baby at 'di na kita papakawalan pagkatapos." bulong na sagot ni Sebastian at hinalikan sa labi si Richard.
Kita nila Vince at Lorenzo ang halikan ng dalawa.
"Hindi ka ba naiinggit Enzo?" bulong ni Vince kay Lorenzo na inakbayan rin nito pagkatapos.
Pinamulahan naman ng mukha si Lorenzo, pero hindi nito sinagot ang sinabing 'yon ng Kapitan.
"Kunsabagay, baka naman nagseselos ka parin dahil hindi ikaw ang kahalikan ni Richard." asar pa ni Vince.
Doon na bumaling ng tingin si Lorenzo sa Kapitan.
"Bakit pa ako magseselos, eh nandyan ka naman sir." bulong ni Lorenzo sa Kapitan.
Lumawak naman ang ngiti ng Kapitan sa narinig.
"Tama na 'yan mga love birds, hindi pa ba oras ng pag-alis ninyo." asar ni Erick sa apat.
Nagtataka naman sila Sebastian at Richard na napatingin kay Erick kung sino ang isa pang tinutukoy ng Komandante.
Isang nguso sa direksyon nila Vince at Lorenzo ang naging sagot ni Erick kina Sebastian at Richard.
Samantala namula naman ang mukha ni Lorenzo, nang bumaling ang tingin ng tatlo sa kanila ng Kapitan.
"Kuya, 'wag mong biruin si Velasco, baka hindi ako sagutin nito." ngising saad ng Kapitan.
"Renz marami pang iba diyan at 'wag na si kuya." asar naman ni Richard para makaganti sa kapatid.
"Tama si Chard, Velasco, babaero pa naman iyan." gatong naman ni Erick.
"Richard, alalahanin mo kasama ko si Sebastian, hindi ko isusumbong sa'yo, kapag tumingin iyan sa mga babaeng sundalong kasama rin namin." balik ni Vince sa kapatid.
"Baby, hindi ko gagawin 'yon, promise." maagap na saad ni Sebastian sa katabi.
"At ikaw naman kuya, baka gusto mong sabihin ko kay Richard ang tungkol sa lalaki mo." balik ni Vince sa kuya nito.
Hindi makapaniwalang, napatingin naman sila Richard, Sebastian at maging si Lorenzo kay Erick.
"Loko-loko ka Vince, bunso 'wag kang maniwala sa kanya." maagap na saad ni Erick.
"Kalimutan mo na ang sinabi ko Velasco, mukhang magbabago na iyan dahil sa'yo." bawi ni Erick sa sinabi nito kanina.
Muling namula naman ang mukha ni Lorenzo sa narinig nito sa Komandante.
"Tama na 'yang asaran ninyo, Major Manlangit, Captain Manalo, Private Velasco, oras na ng pag-alis ninyo." paalala ni Heneral Manalo sa tatlong sundalo.
"Sir, yes sir." nakasaludong at magalang na sagot ng tatlong sundalo sa Heneral.
At sumakay na nga ang tatlong sundalo sa military helicopter, na ang kasama nilang si Captain Manalo rin ang magpapalipad.
'Ingat kayo.' saad sa isip ni Richard, kasabay ng panalangin na ligtas makakauwi ang tatlo, kasama ang ilan pang mga kabaro.
...
Pagkatapos madalaw muli ang kanyang ate, malungkot na naman si Hansel sa kanyang pag-uwi, gaya kasi ng dati, wala parin pagbabago sa kalagayan ng limang buwan ng wala paring malay na kapatid.
"Hansel!" sigaw ng boses, na nagpahinto kay Hansel bago tuluyang makalabas ng ospital. Pagbaling nito sa tumawag sa kanyang pangalan, nakita nito ang papalapit sa kanya na si Dr. Anthony Zamora na hindi na nakasuot ng uniporme.
"Uuwi ka na ba?" tanong ni Anthony pagkalapit nito kay Hansel.
"Oo dok." sagot ni Hansel.
"Kung ganun sumabay ka na sa akin, may ibibigay kasi ako sa pamangkin ko." alok ni Anthony kay Hansel.
Natigilan naman si Hansel at tsaka nito naalala ang mga sinabi ng among sundalo kahapon.
"Sa susunod 'wag kang sasabay kahit kaninong lalaki, para 'di ko isipin na katulad ka rin ng ate mo. At lalong 'wag kong malalaman na may nagpupuntang lalaki dito sa bahay ko, dahil hindi mo magugustuhan ang mga kayang kong gawin Hansel."
"Hindi na dok, may pupuntahan pa kasi ako bago ako umuwi." tanggi ni Hansel na kinabahan pa sa mga oras na 'yon.
"O sige, ingat ka na lang sa pag-uwi." saad ni Anthony at iniwanan na si Hansel.
Napabuntong hininga na lang si Hansel at lumabas na ito sa ospital para umuwi na rin.
...
Pagdating ni Hansel sa bahay ay wala pa ang among sundalo. Kaya naman minabuti nitong maligo na muna, para maalis ang anuman na mikrobyo na kumapit sa kanya sa pinanggalingan nitong ospital.
Nasa kalagitnaan siya ng pagligo ng marinig nito ang paggalaw ng doorknob ng banyo kung nasaan ito.
"Sir naliligo po ako!" sigaw ni Hansel, na sa tingin nito'y ang among sundalo lang ang maaaring nasa labas.
Pero nagpatuloy lang ang pagpupumilit na pagbukas ng kung sinuman, sa pintuan ng banyong kinalalagyan ni Hansel.
Kinabahan na sa mga oras na 'yon si Hansel at alam nitong hindi magagawa ng amo nitong sundalo ang ginagawa ngayon ng kung sinuman na nasa labas.
At ang sumunod na nangyari ang gumulat sa binatang si Hansel. Tinadyakan ng nagpupumulit na pumasok ang pinto ng banyo.
Hindi alam ng takot na takot na si Hansel ang kanyang gagawin, bukod sa takot sa maaaring gawin ng lalaki na sa oras na 'yon ay may ideya na siya kung sino 'yon, natatakot rin ito lalo na kapag naabutan ng among sundalo ang lalaking nasa loob ngayon ng kanyang pamamahay.
"Hansel! Buksan mo ito!" sigaw ng lulong sa drogang lalaki.
"Jonas umalis ka na! Tumawag na ako ng pulis!" sigaw ni Hansel, na sobrang takot na sa mga sandaling 'yon.
"Huwag mo 'kong lokohin Hansel! Akala mo hindi ko pa alam na nakatira na dito ang sundalong kinalolokohan mo! At tinanggihan mo ako dahil sa lalaking 'yon, pwes makikita ng sundalong 'yon ang pagpapakasasa ko sayo bago kapa mapunta sa kanya." saad ng lalaki.
Lalo naman nahintakutan si Hansel sa narinig nito sa lalaki, alam niyang kayang gawin ito ng lulong sa droga na dating kaibigan.
...
Pagkauwi ni Erick sa bahay ay nakita nito ang nakabukas na gate. Hindi alam ng Komandante, kung bakit ito biglang kinabahan pagkatapos. Kasunod nun ay mabilis na pumasok sa loob ng bahay ang sundalo.
"Tulong!!!" Sa narinig ni Erick na pamilyar na boses ni Hansel. Mabilis na pumunta sa pinanggalingan ng boses ni Hansel ang sundalo.
At nagpupuyos sa galit si Erick sa kanyang nasaksihan. Ito'y ang hubot hubad ng nanlalaban na si Hansel, laban sa may masamang balak na lalaki sa kanya, sunud ay mabilis na hinablot ng Komandante ang katawan ng lalaki at ibinalibag ito sa kung saan, palayo sa hubad na katawan ng nakasandal sa pader na si Hansel na lumuluha rin sa mga oras na iyon.
"Tarantado ka!" galit na saad ng Komandante at pinaulanan nito ng suntok ang lalaki.
Patuloy ang pag-iyak ni Hansel sa nanyari, hindi parin ito makapaniwa sa ginawa sa kanya ng dating kaibigan na si Jonas at nanatili lang itong nakasandal sa pader ng banyo.
Nang mahimasmasan ay kaagad na nagtakip ng pang-ibabang katawan gamit ang tuwalya si Hansel at nilapitan nito ang among sundalo para awatin sa ginagawang pagsuntok, bago pa nito mapatay si Jonas.
"Si-sir tama na po, baka mapatay mo siya." saad ni Hansel at hinawakan nito ang isang braso ng Komandante.
"Papatayin ko talaga siya!" nagpupuyos sa galit na saad ng Komandante.
"Ta-tama na po sir, ayokong makulong ka." saad ng muling naluhang si Hansel, na takot na baka makulong ang mahal niyang sundalo ng dahil sa kanya.
Sa narinig na naiiyak na si Hansel ay tumigil na sa pagsuntok sa bugbog sarado ng lalaki ang Komandante.
"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo." baling ng Komandante kay Hansel.
"A-ayos lang po ako sir, sa-salamat po sa inyo." sagot ni Hansel sabay pahid sa luha nito sa mga mata.
"Sige na magbihis ka na sa kwarto natin, ako ng bahala sa gagong 'to." saad ni Erick.
"Sige po sir." sagot ni Hansel at iniwanan na nito ang among sundalo.
...
Kaagad tinawagan ni Major Erick Manalo ang kaibigan nitong pulis na si Police Major De Vera, para ipakulong ang lalaking nagtangka sa lalaking mahalaga sa kanya.
At wala pang isang oras ay dumating na ang kaibigang pulis sa kanyang bahay.
"Ayos tol ah, konti na lang at malalagutan na ng hininga 'yun." saad ni Major De Vera sa kaibigan.
"Pasalamat siya at may pumigil sa akin, kungdi sa ataul ang diretso na gagong 'yon." sagot naman ni Major Manalo.
"Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, sige tol mauna na ako, ako na rin ang bahala sa gagong 'yon at sisiguraduhin ko na hindi na makalalabas pang muli 'yon sa kulungan." saad ni Major De Vera.
"Sige salamat tol, ikamusta mo na rin ako sa boyfriend mo." asar ni Major Manalo sa kaibigan.
"Sige tol, ikaw rin simulan mo na ang diskarte mo sa bata mo at baka maunahan ka pa ng iba." ganting asar ni Major De Vera.
"Malabong mangyari 'yon tol, ngayon pang ibinahay ko na siya." ngising sagot ni Major Manalo.
"Haha oo nga, ibang klase ka talaga. Sige, kita na lang tayo sa susunod." paalam ni Major De Vera sa kaibigan.
...
Nanatili naman sa loob ng kwarto ng amo si Hansel na mag-iisang oras ng naroon, bukod sa nahihiya ito sa among sundalo, natatakot rin ito na baka magalit sa kanya ang Komandante, dahil sa may nakapasok na lalaki sa bahay ng huli.
Abala si Hansel sa pag-iisip kung anong magiging reaksyon ng amo sa nangyari, nang marinig nitong bumukas ang pinto ng kwartong kinalalagyan niya.
"Hansel, halika na sa baba, sabay na tayong kumain." mahinahon na saad ni Erick.
Sa narinig sa amo ay kaagad naisip ni Hansel, na hindi pa ito nakakapaghanda ng hapunan dahil sa nangyari.
"Sorry po sir, sige po magluluto na ako kaagad." sagot ni Hansel na nakayuko pa dahil hindi nito matignan sa mukha ang among sundalo matapos ang nangyari at mabilis na itong lumabas sa kwarto.
Sa nakitang reaksyon ni Hansel, bumalik ang galit na naramdaman ni Erick matapos makita ang ginawa ng lalaki kay Hansel. Mabilis rin na nahuli ng kamay ng Komandante ang isang braso ni Hansel, bago pa tuluyang makalabas ang huli sa kwarto.
"Hansel, nakapagpadeliver na ako at hindi mo kailangan na humingi sa akin ng paumanhin at lalong 'wag kang mahiya dahil lang sa nangyari." mahinahon na saad ni Erick.
"Si-sir." sagot lang ng nakayuko parin na si Hansel.
"Sigurado ka bang okay ka lang? Kung gusto mo ay pumunta tayo sa ospital o kaya'y papatingnan kita sa isang psychologist baka natrauma ka sa nangyari kanina." alalang tanong ni Erick.
"Hi-hindi na sir, ayos lang po talaga ako." sagot ni Hansel na 'di alam ang gagawin, dahil nanatiling hawak ng Komandante ang kanyang isang braso.
Napabuntong hininga na lang si Erick at hindi naman nito mapipilit si Hansel sa ayaw nitong mangyari.
"Huwag ka ng mag-alala at 'di na makakalapit muli ang lalaking 'yon sa'yo, kasalukuyan ng nakakulong ngayon ang gagong 'yon." saad ni Erick, para ipaalam sa kasamang si Hansel ang nangyari sa lalaki.
"Salamat po sir." saad ni Hansel.
"Anything for you Hans." sagot ni Erick at muling nilagay sa ulo ni Hansel ang kanyang kamay, para guluhin ang buhok ng huli.
Sa ginawa ng Komandante ay napawi ang takot ni Hansel sa nangyari kanina, sa ikalawang pagkakataon, nailigtas na naman siya ng lalaking lihim niyang minamahal.
...
Samantala, sakay ng limang military truck, papunta na sa kuta ng mga terorista ang mga sundalo. Magkakasama sa unang truck si Major Manlangit, Captain Manalo at Private Velasco.
"Velasco huwag kang lalayo sa tabi ko, para siguradong safe ka." baling ni Vince sa katabing sundalong si Lorenzo.
"Salamat na lang sir at hindi ko kailangan ang tulong mo at kaya kong protektahan ang sarili ko." ngising sagot naman ni Lorenzo sa nagmamanehong Kapitan.
Naiiling naman si Sebastian sa palitan ng dalawang sundalo, ang mga mata naman nito ay sa kanyang wallet nakatingin at tinitignan ang larawan ng mahal niyang si Richard.
"Baste baka malusaw na ang litratong 'yan ni Chard." asar ni Vince sa kaibigan, na kanina pa niya nakikitang hindi maalis ang tingin sa larawan ng kanyang kapatid.
"Buti ka pa tol kasama mo si Velasco, ako, kailangan pang maghintay na ilan pang araw bago muli makapiling si Richard." sagot ni Sebastian.
"Hahaha tama ka, anumang oras maaari kong sunggaban si Enzo, ikaw matiyaga ka na muna sa picture ni Richard." natatawang saad ni Vince.
"Sir, mabuti pang ayusin mo na lang ang pagmamaneho." saway ni Lorenzo sa pilyong Kapitan.
"Masanay ka na kay Kapitan, Velasco, pero kung gusto mo, maghanap ka na lang ng iba." saad ni Sebastian at asar nito kay Vince.
"Hoy Major, alalahanin mong kapatid ko ang kinababaliwan mo, ayaw mo naman sigurong gumawa ako ng kwento para magalit sa'yo si Richard." banta ni Vince sa kaibigan.
"Wala ka ng mahahanap na katulad ni Kapitan, Velasco, kaya sagutin mo na kaagad." bawi ni Sebastian sa sinabi nito kanina.
"Narinig mo si Major, Enzo." ngising baling ng Kapitan sa katabing si Lorenzo.
Naiiling nalang si Lorenzo sa kalokohan ng magkaibigang sundalo. At maging siya'y hindi na makapaghintay na mapagtagumpayan ng AFP ang kanilang misyon, nang sa ganun ay masolo na nila ng kapitan ang isa't-isa.
...
Sa pag-alis ng Komandanteng mahal, minabuti ni Richard na muling harapin ang mga paperworks na natambak sa kampo.
Ngayon nga ay abala ito sa ginagawang paperworks, nang marinig nito ang maingay na komosyon sa mga kasamang sundalo.
"Nandyan yata si Major Alejandro Guzman." saad ng isang babaeng sundalo na malapit sa pwesto ni Richard.
Sa narinig ay nakaramdam ng inis si Richard. At tama nga ang narinig niya sa kasamang mga sundalo.
"Privare Richard Manalo, ikaw na lang ang hindi sumasaludo sa akin." saad ng boses at pagtingin ni Richard sa nagsalita, ang nakangising guwapong mukha ni Major Alejandro Guzman ang bumungad sa kanya.
At ayaw man nitong magbigay galang sa hambog na Komandante, walang nagawa si Richard kung hindi ang sumunod sa paggalang sa nakatataas sa kanyang sundalo.
"Sir." saad ni Private Richard Manalo at sumaludo ito kay Major Alejandro Guzman.
"Nice seeing you again, Manalo." saad ng Komandante bago ito umalis.
'Bwisit na hambog na Komandante.' saad sa isip ni Richard.