Matapos ang ginawang pag-akit sa kanya ni Richard, na ganti nito sa pag-iisip niya ng masama rito, lumabas na sa kwarto si Sebastian, sunod sa sinabi ng una. Ganun man, kahit hindi pa s'ya pinapatawad ni Richard, naiintidihan naman ito ni Sebastian, at mas gugustuhin na niyang suyuin ang una para mapatawad siya nito, kaysa sa malaman na totoo ngang may relasyon ito sa kasamang sundalo kanina. At ngayong may isang linggo siya na muling makakasama sa iisang bubong si Richard, gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito at kapag nangyari 'yon, hindi na mag-aaksaya ng panahon si Sebastian at hindi na papakawalan pa ang bunso ng Heneral.
At ang unang hakbang para mapatawad siya ni Richard ay sisimulang gawin bukas ni Sebastian.
...
Aminado si Richard na nasaktan siya sa hindi pagtitiwala sa kanya ni Sebastian. Ganun man, naiintidihan niya kung saan nanggaling ang selos at galit ng huli sa kanya kanina. At naisip rin niya, na masyado yatang naging mabilis ang relasyon na nagkaroon sila, kaya naman mabilis rin na napagdudahan siya ni Sebastian.
...
Kinaumagahan
Matapos maligo ay naging abala si Sebastian sa pagtingin sa kanyang laptop ng mga impormasyon patungkol kay Lorenzo at habang abala sa ginagawa, naputol ito ng pagkatok sa pinto sa kanyang kwarto. At nang maisip na si Richard ang taong nasa pinto, mabilis na tumayo ito at tinungo ang pinto.
Pagbukas ng pinto ni Sebastian, nadismaya siya ng hindi si Richard ang bumungad sa kanya, sa halip isang dalaga ito na nakasuot ng uniporme na kagaya ng sa mga kasambahay nila Richard.
"Sir, pinapatawag po kayo ni mam Aurora at nakahain na po ang almusal." magalang na pahayag ng dalagang kasambahay.
"Sige, susunod na ako." sagot ni Sebastian.
Nadismaya naman na bumalik sa kwarto si Sebastian at kaagad inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto.
Samantalang namumula naman ang mukha ng bagong dalagang kasambahay ng mga Manalo, dulot nang nakitang makisig na lalaking sundalo.
'Ang swerte naman ng magiging asawa ni Sir.' nangingiting saad sarili ni Carol.
...
Abala na ang mag-anak na Manalo sa pagkain, nang dumating sa hapag si Sebastian.
Napatingin naman si Richard sa dumating at kita ang makisig na pangangatawan ni Sebastian, na bakas sa itim na sandong suot, 'di rin nakaligtas pati na ang dalawang malalaking braso ng Komandante, kita rin niya ang mabalahibong hita at binti ng barakong sundalo dahil sa boxer short lang ang pang-ibabang suot nito. At bago tuluyang maalis ang paningin niya sa huli, nahagip rin ng kanyang mga mata ang nakabukol na alaga ng barakong sundalo.
'Sandali, Richard 'wag mong ipahalata na tinitignan mo s'ya.' saad ni Richard sa isip at mabilis na iniwas ang tingin sa makisig na sundalo, bago pa siya mahuli nito.
"Magandang umaga, tito, tita, Chard." isa-isang bati ni Sebastian sa mag-anak na Manalo at ng bumaling ito sa huli ay nginitian pa niya ito.
"Magandang umaga rin Baste at kumain ka na rin." saad ni Aurora. Samantalang isang tango naman ang naging tugon ni Heneral kay Baste. Si Richard naman ay nagkunwari na walang narinig at nagpatuloy lang ito sa pagkain ng almusal.
Hindi na umasa pang magiging madali na mapatawad s'ya ni Richard, kaya ng walang maging tugon ito sa ginawa niyang pagbati, hindi na nagtaka pa si Sebastian. At gaya ng sinabi ni Aurora, umupo na rin si Baste sa katabi rin na upuan ni Richard.
Habang kumakain ang kanyang mga amo, kasama ng kanilang bisita na isang makisig na sundalo. Nag-umpisa naman si Carol sa pagsisilbi sa mga ito, sa pamamagitan ng paglagay ng tubig sa mga baso at ng dumating sa pwesto ng lalaking inangahan niya sa unang beses na makita niya ito, nanginginig na nagsalin ito ng tubig sa baso ni Sebastian.
Kita ni Sebastian ang panginginig ng kamay ng dalagang kasambahay, sa isip ng sundalo ay marahil kinakabahan ito dahil sa bago palang ito sa kanyang trabaho.
"Miss, ako na lang."
Nabigla naman si Carol sa nagsalitang si Sebastian, lalo na ng magdikit ang mga kamay nila ng sundalo habang hawak parin niya ang lalagyan na may lamang tubig at hindi nito sinasadyang mabitawan ang hawak na babasaging pitsel.
Maagap naman na nasalo ni Sebastian ang nasabing pitsel, dala ng mabilis na reflexes ng katawan nito.
"So-sorry po sir." namumula at nahihiyang sabi ni Carol dahil sa nangyari.
"It's okay." maagap na saad ni Sebastian.
Kita naman ni Richard ang nangyari at napansin rin nito ang pamumula ng mukha ng dalagang kasambahay. Pinagmasdan nito ang babae at kahit mukhang probinsyana ang bago nilang kasambahay, 'di maikakaila na maganda ito. At sa nakitang niyang pamumula ng mukha ng babae, sumagi sa isip ni Richard na mukhang may gusto ito kay Sebastian.
"Carol ang pangalan mo hindi ba?" saad ni Aurora.
"Opo mam, pasensya na po sa nangyari." paumanhin ni Carol.
"Ayos lang 'yon Carol, alam kong naninibago ka palang sa trabaho mo."
"Salamat po, sige po kukuha na lang po ako ng bagong tubig." magalang na saad ni Carol.
"Okay lang Carol, mabuti pa samahan muna sila manang at siguradong nag-aalmusal na rin sila." saad ni Aurora
"Sige po mam."
Nagpatuloy sa pagkain ang apat matapos umalis ni Carol.
"Baste, matapos natin kumain, puntahan mo ako sa aking opisina mamaya." saad ni Diosdado.
"Sige tito."
Napatingin naman ang mag-ina sa dalawa.
"Chard, hindi ka ba susunduin ni Renz mamaya?" kausap naman ni Aurora sa tahimik nitong bunso.
Sa sinabing 'yon ni Aurora, nakuha nito ang pansin ng tatlong sundalo.
"Sino si Renz?" takang tanong ni Diosdado bago pa makasagot si Richard.
"Oo nga pala Dado, hindi pa kayo nagkitang dalawa. Si Renz ay kaibigan ng anak mo, na isa rin sundalo at nakasama ito ni Richard noon sa Maguindanao, pero dito sa lugar natin siya ngayon nakadestino." paliwanag ni Aurora sa asawa.
"Ganun ba? Richard isang araw imbitahan mo ang kaibigan mo na maghapunan dito, para makilala ko rin siya." saad ni Diosdado sa nalaman at baling naman nito sa bunsong anak.
"Sige pa." saad naman ni Richard.
Tahimik naman na nakikinig si Sebastian sa usapan ng pamilya Manalo at kahit pa alam nitong magkaibigan lang ang dalawa, 'di nito maiwasan ang muling makaramdam ng selos, lalo na sa nalaman na hatid-sundo pala si Richard ng sundalong si Renz.
...
Matapos nilang mag-usap ni Heneral Manalo, 'di nag-aksaya ng panahon si Sebastian na sundan ang papalabas ng bahay na si Richard.
At tama nga ang narinig nito kanina, nakita ni Sebastian ang paghinto sa bahay nila Richard, nang isang jeep na ginagamit ng mga sundalo at minamaneho ito ni Renz.
Sa nakita ay lumabas si Sebastian para samahan ang dalawa.
"Velasco." tawag ni Sebastian sa dumating na sundalo, bago pa makasakay si Richard.
Nabaling naman ang paningin ni Lorenzo at Richard sa nagsalita.
"Sir." magalang na saad ni Lorenzo at sumaludo pa sa sundalong nakatataas sa kanya.
"Puwede ba kitang makausap kahit saglit lang Velasco." saad ni Sebastian.
Sa narinig ay nakaramdam ng inis si Richard kay Sebastian.
"Baste paalis na kami ni Renz, hindi ba makakapaghintay ang gusto mong sabihin." saad ng inis na si Richard.
"Private Manalo, ganyan ka ba makipag-usap sa nakatataas sa'yo?" baling naman ni Sebastian kay Richard.
Natigilan naman si Richard sa narinig at 'di ito makapaniwala na ginamit ni Sebastian ang ranggo nito, para makaganti sa hindi niya pagpansin mula pa kanina sa huli.
"Sorry sir." saad ni Richard, kahit pa sa mga oras na 'yon ay inis na inis ito kay Sebastian.
Naguguluhan naman si Lorenzo sa nakitang pag-uusap ng dalawa at naisip na mukhang may alitan ang mga ito.
"Sir, okay lang naman na mag-usap tayo." saad ni Lorenzo para pumagitna sa dalawa.
"Salamat Velasco." saad ni Sebastian.
"Manalo, pwede bang pumasok ka sa jeep habang may pinag-uusapan kami." baling naman nito kay Richard.
"Okay sir." saad ni Richard, kahit pa gustong-gusto ng suntukin sa mukha ang Komandante dahil sa utos nito.
Lihim na napangiti si Sebastian sa nakitang pagpipigil ng galit ni Richard sa kanya.
"Gusto kitang makausap tungkol kay Richard." simula ni Sebastian sa pag-uusap nila ni Lorenzo.
"Anong tungkol kay Chard, sir?" tanong ni Renz, kahit pa may ideya na ito sa nais ng kausap.
"Nalaman ko kay Richard na may gusto ka sa kanya at sinabi rin niya sa'kin ang mga nangyari kahapon. At para malaman mo kung bakit niya ipinaalam sa akin ang lahat, sa dahilang may relasyon kaming dalawa." walang paligoy-ligoy na saad ni Sebastian.
"Gaya nga na sabi mo sir, alam mo na rin siguro na tinanggihan ako ni Richard at may ideya na rin ako bago pa tayo mag-usap na ikaw ang dahilan, kaya 'di kayang suklian ni Chard ang nararamdaman ko. 'Wag kang mag-alala sir, alam ko kung hanggang saan na lang ako pagdating kay Richard."
Sa narinig kay Lorenzo, napatunayan ni Sebastian na mabuting tao nga ang una. Kung tutuusin, maari itong gumawa ng kwento na makakasira sa kanila ni Richard pero 'di nito ginawa At napatunayan rin niya na mahal nga talaga siya ni Richard. Kaya ngayon tatanggapin ni Sebastian, kahit gaano pa katagal bago siya patawarin ng bunso ng Heneral.
"Mabuti naman kung ganun. Isa pang dahilan kaya gusto kitang makausap, kakailanganin namin ng mga dagdag pang sundalo para sa operasyon ng AFP laban sa isa pang lider ng mga terorista. At napatunayan mong mahusay ka, sa pakikipaglaban natin sa Maguindanao. Kaya tatanungin kita, gusto mo bang sumama muli sa isa pang misyon."
Natigilan naman si Lorenzo sa mga nalaman at inaamin n'ya na malaking bagay ang purihin siya ng sundalong nakatataas sa kanya.
"Sige sir! Malugod kong tinatanggap ang misyon." sagot ni Lorenzo at sumaludo pa ito sa Komandante.
"Salamat Lorenzo at sana walang ibang makakaalam sa misyon natin lalong-lalo na si Richard." saad ni Sebastian at paalala pa nito.
"Naiintindihan ko sir." saad ni Lorenzo at alam nitong confindential ang mga napag-usapan nila ng Komandante.
"Mabuti naman, sige puntahan mo na si Manalo at baka 'di na mapigil ang inis nun sa'kin." saad ni Sebastian at tinignan pa ang nakatingin sa kanilang si Richard na nasa loob ng jeep.
"Oo nga sir, mukhang badtrip nga sa'yo." saad ni Lorenzo bago tuluyang puntahan si Richard.
Tinignan naman muli ni Sebastian ang naghihintay kay Lorenzo na si Richard. At nang magtama ang mga mata nila, nginitian niya ito pero umiwas kaagad si Richard na tingin sa kanya.
'Lalo yatang nagalit.' bulong sa isip ni Sebastian at nangingiti pa ito sa nakitang inis na mukha ni Richard, na lalong gumwapo sa paningin niya sa ganung itsura.
Pagkasakay naman ni Lorenzo sa jeep kasama si Richard.
"Anong pinag-usapan n'yo ng nakakaasar na Komandanteng 'yon?" bungad na tanong ni Richard kay Renz bago pa nito paandarin ang jeep.
"Confindential Chard." sagot ni Lorenzo.
"Renz 'wag mo namang gayahin ang sinabi ni Baste sa akin, so ano nga?" pilit pa ni Richard.
"Ang kulit mo Chard, o s'ya sinabi sa akin ni sir na 'wag daw akong umaligid pa sa'yo at binakuran ka na daw niya." pagsisinungaling ni Lorenzo para tumigil na si Richard.
Sa narinig ay pinamulahan ng mukha si Richard at 'di ito makapaniwala na nagawang sabihin 'yon ni Sebastian.
Nakita ni Lorenzo ang pamumula ng mukha ng kasama at napatunayan niya na mahal nga ni Richard si Sebastian. At alam nitong ganun din ang nararamdaman ng Komandante kay Richard, kaya 'di man nasuklian ang pag-ibig niya ng namumulang kasama, masaya siyang malaman na masaya naman si Richard.
...
Gaya nga ng plano ni Sebastian, kasalukuyan niyang tinatawagan ang mga kaibigang si Erick at Vince. Sa ganitong paraan, gusto niyang patunayan na seryoso ito sa panliligaw kay Richard at ang paghingi ng basbas sa mga kuya ng huli ang una nitong naisip.
"Hello tol napatawag ka?" bungad ni Erick sa kanya sa kabilang linya.
"May importante akong sasabihin tol." simula ni Sebastian.
"Ano 'yon tol?" tanong ni Erick
"Bago ko sabihin tol, kasama mo ba si Vince? Kailangan rin kasi niyang marinig ang sasabihin ko."
"Teka lang tatawagin ko." sagot sa kanya ni Erick at narinig nga ni Sebastian ang pagtawag ng una kay Vince.
"Baste ba't napatawag ka bigla?" bungad na tanong ni Vince sa kabilang linya.
"Gaya ng sinabi ko kanina kay Erick, may importante akong sasabihin sa inyo."
"Sige tol, sabihin mo na kung ano 'yon at makikinig kaming dalawa ni Vince." saad ni Erick.
"Mahal ko ang kapatid ninyo." walang paligoy-ligoy na saad ni Sebastian sa magkapatid.
"Baliw ka ba?!" malakas na saad ni Erick
"Nasisiraan ka ba?!" malakas na saad rin ni Vince matapos marinig ang sinabi ni Sebastian.
"Seryoso ako mga tol, kaya nga ipinapaalam ko sa inyo at lalong seryoso ako kay Richard." saad ni Sebastian.
"Hindi! Kung anuman 'yang nararamdaman mo, 'wag mong idamay si bunso!" galit na saad ni Erick.
"Tama si kuya, Baste. Isa pa malaking gulo lalo na 'pag nalaman ni papa." nababahalang saad naman ni Vince.
"Alam ko naman 'yon mga tol, pero gaya nga nang sabi ko sa inyo, mahal ko si Richard at alam kong ganun rin ang nararamdaman ng kapatid ninyo sa akin."
"Gaya nga ng sinabi ko kanina 'wag mong idamay si bunso at 'di ako makapaniwala na kapalit ng pagbabantay sa'yo ni Richard, sinamantala mo para sa pansarili mong interes." nagpupuyos sa galit na saad ni Erick sa kaibigan.
"Tol maniwala ka, mahal ko ang kapatid ninyo." giit ni Sebastian at kahit pa galit sa kanya ang kaibigan ay naiintindihan niya ito.
"Mahal? Siraulo ka ba? Paano si Rachelle?" galit parin na saad ni Erick.
"Tol matagal na kaming wala nun." maagap na sagot ni Sebastian.
"Siguro sa'yo tapos na kayo. Paano dun sa babae? 'Di bale, 'wag mo nang sagutin dahil ngayon palang sinasabi ko na sa'yo, ako ang makakalaban mo kapag hindi mo nilubayan si bunso." galit at pinal na saad ni Erick.
"Sandali tol." nanghihinang saad ni Sebastian sa narinig na galing kay Erick.
"Hayaan mo muna si kuya Baste, ako man nagulat sa narinig ko, pero kung mahal niyo talaga ni Chard ang isa't-isa, sige susuportahan ko kayo." saad ni Vince na naiwang kausap ni Sebastian.
"Sa-salamat tol." saad ng nabuhayang loob na si Sebastian at 'di nito namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha dahil sa takot na mawawala si Richard sa kanya.
"Mukhang tinamaan ka nga kay Chard hahaha at ang matapang na kilala kong Komandante ay napaiyak." asar ni Vince na 'di nakalusot ang narinig na garagal na boses ni Sebastian.
"Sobra tol at salamat sa'yo."
"Huwag ka munang magpasalamat, hayaan mo kakausapin ko si kuya para sa inyo ni Chard. Alam mo naman sa aming dalawa mas spoiled at protective 'yon pagdating kay Richard."
"Sige tol at sana magbago ang isip ni Erick."
"Sana nga tol, sige ibaba ko na 'to." huling saad ni Vince.
Matapos makausap ang mga kaibigan ay napabuntong hininga na lang si Sebastian. Hindi man natanggap ng isa sa kanyang mga kaibigan, ang pagtatapat nito ng nararamdaman niya kay Richard, hindi ito susuko at papatunayan niya sa pamilya ng huli na totoo at tapat ang nararamdaman niya sa kanilang bunso.
Sunod na tinawagan ni Sebastian ay si Lorenzo.
"Hello sino 'to?" bungad ng nasa kabilang linya.
"Si Major Manlangit 'to, Velasco."
"Sir! Anong atin?" gulat na reaksyon ni Lorenzo.
"Ipapadala ko sa'yo ang mga intel sa susunod nating misyon at tumawag rin ako para ipaalam na ako na lang ang susundo kay Richard mamaya."
"Okay sir, naiintindihan ko at nagkausap na rin kami ni Richard tungkol diyan sir at huling pagsundo ko na 'yung kanina."
"Ganun ba, o sige tatawagan na lang ulit kita sa susunod para sa misyon."
"Okay sir."
Matapos makausap si Lorenzo ay napangiti si Sebastian sa nalaman, naisip rin niya na gumawa ng paraan si Richard para hindi na siya magselos.
'At sana sa gagawin ko mamaya, mapatawad mo na ako baby." saad sa isip ni Sebastian.
...
Dumating ang oras ng pag-uwi ni Richard at paglabas niya sa kampo ay bumungad ang pamilyar na itim na sasakyan sa kanya at sunod na nakita nito, ang pagbaba ng may-ari ng sasakyan, wala iba kungdi si Major Sebastian Manlangit na nakasuot pa ng uniporme.
Hindi lang si Richard ang nakakita sa presensya ng Komandante, maging ang mga kapwa niya sundalong naroon ay nakita rin si Sebastian. At sunod na nakita na lang ni Richard ang pagsaludo ng mga kasamahang sundalo, sa dumating na si Major Manlangit na nakatataas sa kanila. Nakita rin ni Richard ang pagtingin ng kasamahang sundalo sa kanya at ng matanto na tanging siya na lang ang hindi pa nagbibigay galang sa dumating na Komandante, mabilis rin itong sumaludo.
"Sir." saad pa ni Richard.
Kita ni Sebastian ang nabiglang itsura ni Richard at lihim pa itong napangiti sa nakitang hiyang reaksyon ng huli pagkatapos.
Sumaludo naman pabalik si Major Manlangit sa mga sundalong naroon at mabilis rin na pinuntahan ang nag-iisang sundalong sadya niya sa lugar na 'yon.
Kita ni Richard ang papalapit na presenya ni Sebastian sa kanya at 'di niya maiwasang kiligin sa naisip na siya ang sadya nito, kaya narito ngayon ang Komandante.
"Someone told me that you'll nide a ride." bulong ni Sebastian sa tenga ni Richard pagkalapit nito.
Alam ni Richard na namumula ngayon ang mukha niya dahil sa ginawa ni Sebastian. Bukod sa hiya sa maraming taong naroroon, inaamin niya na kinilig ito sa simpleng ginawa na 'yon ng Komandante.
"Sir Manlangit, mukhang gustong-gusto mo talaga ang atensyon sayo ng iba ah." mahinang saad ni Richard.
"Nagkakamali ka Private Manalo, tanging atensyon mo lang ang gusto ko at wala ng iba pa." balik ni Sebastian.
Sa narinig ay pilit na pinigilan ni Richard ang sobrang kilig na nadama na dulot ni Sebastian.
"Mabuti pa Major Manlangit ay umuwi na tayo at tigilan mo ako sa kakabanat mo dahil hindi mo 'ko madadaan sa mga ganyan." seryosong saad ni Richard kahit pa ang totoo ay nanlalambot parin ito sa kilig na nadarama sa mga oras na 'yon.
"Private Manalo, hindi banat ang mga sinabi kong 'yon dahil totoong ikaw lang ang laging hinahanap ng mga mata ko." saad ni Sebastian at walang paalam nitong hinawakan ang isang kamay ni Richard.
"Baste, maraming mga tao." nababahalang saad ni Richard at kaagad hinila ang kamay na hawak ni Sebastian.
"Hayaan mo sila, kung tutuusin hahalikan rin sana kita, kaya lang 'di ko pa puwedeng gawin 'yon dahil 'di mo parin ako napapatawad." seryosong saad ni Sebastian at hindi pinakawalan ang kamay na hawak.
"Ewan ko sa'yo, pero tama ka at hindi pa kita pinapatawad, kaya 'wag kang gagawa ng 'di ko magugustuhan." kunwaring galit na saad ni Richard na muntik ng 'di mapigilan ang kilig, na dulot ng mabulaklak na salita na galing sa lalaking hawak ngayon ang kanyang kamay.
"Yes boss." saad ni Sebastian at sumaludo pa ito kay Richard.
Sa ginawa ni Sebastian ay namula ang mukha ni Richard lalo pa at nakita niya ang pagtataka sa mga mukha ng mga sundalong nakakita sa ginawang pagsaludo sa kanya ng Komandante.
"Tara na nga Sir Manlangit at pinag-titinginan na nila tayo." nahihiyang saad ni Richard at siya na ang humila sa kamay na una para lisanin na nila ang kampo.
Pagkapasok ng dalawa sa sasakyan.
"Ang dami mo talagang alam, Baste." simangot na saad ni Richard dahil sa hiyang naramdaman niya kanina.
"Chard, isa lang ang alam ko at 'yon ay ang mahal kita." seryosong saad ni Sebastian na nakatingin ng diretso sa mga mata ni Richard.
Natigilan si Richard sa narinig, kasunod ang pamumula ng kanyang mukha. Ngayon palang kasi niya narinig na sabihin ito sa kanya ni Sebastian, liban na lang sa dalawang beses na narinig niya ito nung sila'y nagtatalik.
"Alam ko, 'di ko madalas sabihin sa'yo ang nararadaman ko. Kaya ngayon makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko. Private Richard Manalo, mahal na mahal na mahal na mahal kita at mula ngayon hindi ko lang ipapadama sa'yo ito, ipaparinig ko rin ang laman ng puso ko at kung gusto mo'y ipagsisigawan ko pa ito ngayon dito mismo sa kampo."
Hindi na kinaya pa ni Richard ang nag-uumapaw nitong kilig at saya sa mga narinig kay Sebastian, kaya naman nawala na ng tuluyan ang sakit na dulot ng pagdududa ng huli sa kanya. At bago pa gawin ng Komandante na ipagsigawan nga dito ang pag-ibig nito sa kanya, na alam ni Richard na kayang gawin 'yon ng walang kinatatakutang si Sebastian. Hinila ni Richard ang kuwelyo ng unipormeng suot ng Komandante at pinagtapo ang kanilang mga labi.
Hindi inaasahan ni Sebastian ang ginawang 'yon ni Richard, pero mabilis rin niyang tinugon ang paghalik sa kanya ng huli at inaamin niyang sobra nitong namiss at hinanap-hanap ang matamis ng mga labing 'yon ni Richard. At ngayong kusang binigay ito ni Richard sa kanya, masaya si Sebastian at alam nitong napatawad na siya ng bunso ng Heneral.
"Thank you baby and I love you." saad ni Sebastian pagkahiwalay ng mga labi nila ni Richard.
"Mahal din kita sir." saad ni Richard at kahit alam nitong namumula ang kanyang mukha ay tumingin ito ng diretso sa mga mata ni Sebastian.
"Ang sarap naman marinig nun baby." nakangiting saad ni Sebastian sa tunay nitong nararamdaman.
"Last mo nang maririnig 'yon Baste, mabuti pa paandarin mo na ang sasakyan ng makauwi na tayo." kunwaring galit na saad ni Richard at tumingin sa bintana para makaiwas, dahil sobrang kilig ang dulot nito sa kanya tuwing tatawagin siyang baby ni Sebastian.
"Masusunod baby at sana pag-uwi natin gumawa na tayo ng baby." ngising saad ni Sebastian.
"Ewan ko sa'yo Major Manlangit." naiiling na saad ni Richard, kahit pa ang totoo ay ganun din ang kanyang nasa isip.