PANG-PITO

3238 Words
Gaya ng paalam ni Sebastian sa mag-asawang Manalo. Limang araw pa itong nanatili sa pamamahay ng mga ito, matapos ang unang gabi na may mangyari sa kanila ni Richard. At ngayong araw na nga, ang takdang pagbalik nito sa tinutuluyang condominium sa Makati. "Hindi ba pwedeng bukas ka na lang umalis?" pakiusap ni Richard sa kalukuyang nag-iimpake ng gamit na si Sebastian. "Chard, hindi ba kaya nanatili pa ako ng ilang pang araw ay dahil sa pakiusap mo sa akin." naiiling at nangingiting saad ni Sebastian. "Promise last na 'to." giit pa ni Richard. Kung si Sebastian lang ang masusunod, ayaw rin nitong umalis at iwan si Richard, pero hindi naman maaari na dumito siya ng matagal pang panahon, sigurado kasing makakahalata na ang mag-asawang Manalo kapag nanatili pa ito. Napabuntong hininga na lang s'ya at matapos maisara ang zipper ng kanyang bag, hinarap nito ang nakikiusap na 'wag muna siyang umalis na si Richard. "Ako man ayokong iwan ka, pero kapag hindi pa ako umalis ay baka makahalata na si Heneral." paliwanag ni Sebastian. "Mamimiss kita." saad ni Richard na alam nitong hindi na mapipigilan pa ang pag-alis ni Baste. Sa narinig, hinawakan ni Sebastian ang dalawang kamay ni Richard. "At mamimiss rin kita, sobra." sinserong saad ni Sebastian. At bago tuluyang lumabas ng kwarto ang dalawa, nagtagpo ang kanilang mga labi at sa pamamagitan ng halik na 'yon, ipinapaalam kung gaano nila mamimiss ang isa't-isa. ... "Maraming salamat po tito, tita." saad ni Sebastian. "Walang anuman Baste at gaya ng lagi namin sinasabi, kahit ano pang oras ay bukas ang bahay namin para sa'yo." nangingiting saad ni Aurora. "Mag-iingat ka sa pag-uwi, Manlangit." saad ni Heneral Manalo. "Sir, yes sir." magalang na saad ni Sebastian at sumaludo pa sa Heneral. "Salamat rin sa'yo Richard sa lahat ng tulong mo." baling ni Sebastian na ikinagulat naman ni Richard. "Wala 'yon sir, ingat sa pag-uwi." pilit na ngiting saad ni Richard at pininipigilan ang sarili na maiyak dahil kasama parin nila ang kanyang mga magulang. "Chard, tita, tito, mauuna na po ako." paalam ni Sebastian sa pamilya Manalo at binuksan na ang kanyang sasakyan at pumasok na ito sa loob. Sa pagpasok ni Sebastian sa kanyang sasakyan, pinagmamasdan ito ng mag-anak na Manalo at ilang sandali pa, narinig na nila ang pag-andar ng makina ng sasakyan. Pagka-start ng kanyang sasakyan, ibinababa ni Sebastian ang bintana ng driver seat at nais nitong masilayan ang mukha ng lalaking 'di niya inakalang magpapatibok muli ng kanyang puso. "Salamat po ulit." nakangiting sigaw ni Sebastian at bago ito tuluyang paandarin ang kanyang sasakyan, itinuon nito kay Richard ang kanyang paningin. Kita ni Richard ang pagtitig na iyon ni Sebastian at tinugon nito ng isang ngiti ang huli. Ang ngiting 'yon ni Richard ang baon ni Sebastian at tuluyan na nitong pinaandar ang sasakyan. ... Sa pag-alis ni Sebastian nakaramdam ng lungkot si Richard. Gayunman, palagi naman silang magkausap sa cellphone at kung minsan ay nagvivideo call rin sila. At lumipas pa ang dalawang linggo at ang araw-araw nilang pag-uusap sa cellphone ni Sebastian ay naging madalang na lang. Sa lumipas rin na dalawang linggo ay panay naman ang paglabas nila ni Renz. ... Naging masaya ang mga lumipas na araw ni Lorenzo dahil palagi nitong nakakasama si Richard. At ngayong araw na ito, naisip ng sundalo na magtapat na ng tunay nitong nararamdaman. "Tara na Chard." saad ni Lorenzo ng makitang lumabas na si Richard sa kampo. "Tara, nga pala anong meron at nag-aya kang kumain sa labas." tanong ni Richard. Sa mga nakalipas kasing araw na magkasama sila ni Lorenzo, naglilibot-libot lang sila kung saan-saan at 'pag ginutom, sa karenderia o kaya sa sidewalk vendor lang sila kumakain ng kung anu-ano. "Malalaman mo mamaya, sa ngayon mag-enjoy muna tayo." sagot ni Lorenzo. Gamit ang kotse na hiniram ni Lorenzo sa kasamahang sundalo. Nagtungo ang dalawa sa isang mall. "May bibilhin ka ba? Siguro birthday ng nililigawan o girlfriend mo." hulang saad ni Richard ng makita sa mall ang punta nila ni Lorenzo. "Walang nga akong girlfriend pero may nagugustuhan na ako." nangingiting sagot ni Lorenzo. "Sabi ko na eh, maganda ba bok?" usisa ni Richard. "Mamaya malalaman mo, tara pasok na tayo." saad lang ni Lorenzo. "Ang daya naman." simangot naman ni Richard ng walang makuhang sagot sa kasama. Naunang lumabas ng kotse si Lorenzo at hinihintay ang pagbaba ni Richard. Nang lumabas na si Richard, sabay nilang tinungo ang daan papasok sa mall. Sa magkalapit na paglakad ng dalawa, naglakas loob si Lorenzo na iakbay ang isang braso kay Richard. Naramdaman ni Richard ang brasong 'yon ni Lorenzo at bumaling ang paningin nito sa huli. Kita ni Richard ang masayang mukha ni Lorenzo ng magtapat ang kanilang mga mata, kaya naman hinayaan na lamang nito ang braso ng huli. Unang pinuntahan ng dalawa ang arcade ng nasabing mall. "Anong gusto mong laruin, Chard?" tanong ni Lorenzo kay Richard. Sa tanong ni Lorenzo, isa-isang tinignan ni Richard ang mga games na naroon at ng mahagip ng kanyang mga mata ang paborito nitong laro, nakangising tumingin ito sa una. "Doon tayo, Renz." saad ni Richard at turo sa machine na may larong Mortal Combat. "Mukhang mapapalaban ako ah." saad ni Lorenzo sa nakangising si Richard. "Sabihin na natin na pro ako pagdating sa larong 'yan." pagyayabang ni Richard. Hindi na nagulat pa si Lorenzo sa narinig, sa ilang beses nitong nakapunta sa bahay nila Richard. Napansin ng una ang ilang action figures na karakter sa larong Mortal Combat na naroroon sa kwarto ng huli. Bukod pa sa nakita ni Lorenzo sa internet, na isa ang paglalaro ng arcade ang hilig ni Richard. At gaya nga ng inaasahan, hindi natalo ni Lorenzo kahit isang beses ang seryosong paglalaro ni Richard. "Suko na 'ko." talong saad ni Lorenzo. "Sabi ko naman kasi sa'yo, pro ako pagdating sa Mortal Combat." ngising saad ni Richard. "Oo na, ipinamukha mo nga sa akin." kunwaring simangot ni Lorenzo. Sa nakitang ayos ni Lorenzo, natawa naman si Richard. At sa nakitang pagtawa ni Richard, masaya rin si Lorenzo na alam nitong nag-enjoy ang una, habang magkasama sila. "Mabuti pa kumain na tayo, nakakagutom pala ang matalo ng paulit-ulit." yakag ni Lorenzo na hinaluan pa ng biro. "Hehe sorry, not sorry." sagot naman ni Richard. Habang naglalakad sila ni Richard papunta sa resto, nag-uumpisa ng kabahan si Lorenzo sa maaring mangyari sa gagawin n'yang pagtatapat sa una. Gayunman, pursigido ang sundalo na ngayong gabi rin ay ipaaalam nito kay Richard ang lahat. ... Ilang minuto na rin silang kumakain, nang maalala ni Richard na tanungin muli ang dahilan ni Lorenzo sa pag-aya nito. "Renz, anong meron at nag-aya ka?" Yun lang ang hinihintay ni Lorenzo para simulan ang gagawin niyang pagtatapat kay Richard. "Ang totoo n'yan Chard, may ipagtatapat ako sa'yo." seryosong saad ni Lorenzo at tumingin ito ng diretso sa mga mata ni Richard. Natigilan naman si Richard sa narinig, pero nanatili itong tahimik at hinintay ang gustong sabihin ng kaharap. "May gusto ako sa'yo. Gusto kita Chard." pagtatapat ni Lorenzo at lakas-loob na ipinatong ang kanyang kamay sa kamay ng kasama. Gulat ang unang reaksyon ni Richard sa narinig, inaamin n'ya na masaya siya kapag kasama si Lorenzo, pero hindi niya kayang tumbasan ang nararamdaman ng huli. Kaya naman, iniwas niya ang kanyang kamay na hawak ngayon ni Lorenzo. "Renz, i'm sorry." nakayukong saad ni Richard. Bago pa magsalita si Richard, may ideya na si Lorenzo sa sasabihin ng una. At ito'y dahil sa ginawang pagbawi ni Richard sa kamay na kanyang hawak. "Naiintindihan ko, may iba ba?" Hindi sinagot ni Richard ang tanong na 'yon ni Lorenzo. Sa hindi pagsagot ni Richard sa kanyang tanong, nakumpirma ni Lorenzo na tama ang kanyang hinala na may ibang gusto ang una at may ideya rin siya kung sino ang taong 'yon. "Okay lang ako Chard, sana 'wag kang lumayo matapos kong magtapat, pwede naman na maging magkaibigan tayo, hindi ba?" pilit na ngiting saad ni Lorenzo, kahit pa sa mga oras na 'yon ay pinipigilan ang maluha sa sakit na nararamdaman. "Renz." tanging salitang binitawan ni Richard, wala man siya sa sitwasyon ni Lorenzo, alam nitong nasasaktan ngayon ang kaharap. "Kumain pa tayo, pagkatapos ay ihahatid na rin kita." saad ni Lorenzo at sinusubukan na maging okay. "Okay lang Renz, kaya ko naman umuwi mag-isa." tanggi ni Richard. "Hindi, ihahatid kita, please." pakiusap ni Lorenzo. "Si-sige, at hindi mo na kailangan pang hilingin na maging magkaibigan tayo. Dahil kaibigan naman talaga kita." Gaya nga ng pakiusap ni Lorenzo, inihatid nito sa bahay si Richard. Nang nasa tapat na sila ng bahay nila Richard, inihinto na ni Lorenzo ang sasakyan. "Sana Chard, 'wag kang mailang sa akin at magawa parin natin ang mamasyal gaya ng dati." saad ni Lorenzo bago pa lumabas ng kotse si Richard. "Renz, hindi ko maipapangako na hindi mailang kahit papaano, pero gaya ng sabi ko sa'yo, kaibigan parin kita." "Naiintindihan ko, Chard pwede bang mayakap kita kahit isang beses lang." saad ni Lorenzo at pakiusap rin nito. Isang tango ang naging sagot ni Richard at pumayag ito sa pakiusap ni Lorenzo. Sa naging pagpapayag ni Richard, inilapit ni Lorenzo ang kanyang katawan sa una at mahigpit nitong niyakap si Richard. Ramdam ni Richard ang mahigpit na yakap na 'yon ni Lorenzo at naramdaman rin nito ang paggalaw ng katawan ng huli dulot ng pag-iyak nito. Inaamin ni Richard na nakaramdam rin siya ng lungkot at bilang simpatya sa nararamdaman ni Lorenzo, gamit ang isa niyang kamay hinagod-hagod nito ang likod ng huli. "I'm sorry Renz." malungkot na saad ni Richard habang magkayakap parin sila ni Lorenzo. "It's okay, wala kang kasalanan." maagap na tugon ni Lorenzo at nagpunas ito ng luha bago tuluyang humiwalay sa pagyakap kay Richard. "Sige, mauna na'ko." saad ni Richard. "Sige, salamat sa pagsama sa akin at pagpayag na mayakap kita." saad ni Lorenzo at pilit na ngumiti kay Richard. "Wala 'yon. Ingat ka sa pag-uwi." saad ni Richard at lumabas na ito ng sasakyan. Pagbaba ni Richard sa sasakyan, bumisina ng tatlong beses si Lorenzo, na sa pamamagitan nito, doon na lang niya maipapahayag ang salitang 'mahal kita Richard' at matapos nun, pinaandar na nito ang sasakyan palayo sa unang taong nagpatibok ng kanyang puso at una rin na nagbigay kirot dito. Samantala, bago pa mangyari ang pagdating sa bahay ni Richard sakay ng sasakyang minamaneho ni Lorenzo. Ilang minuto bago 'yun, dumating rin si Sebastian. At bago pa ito bumaba, narinig nito ang pagdating nila Richard at Lorenzo. Nang makitang magkasama ang dalawa, ibayong selos ang naramdaman ni Sebastian at ang selos na 'yon ay nadagdagan pa ng galit ng makita ang yakapan ng dalawa. Narinig rin nito ang ginawang pagbusina ni Lorenzo at dala ng selos at galit, binigyan ng ibang kahulugan ni Sebastian ang mga nakita at narinig nito. ... Sa nasaksihan, ibayong selos at galit ang naramdaman ni Sebastian. At para hindi sumabog ang emosyon na 'yon, ginawa ni Sebastian ang lahat para kahit papaano'y uminahon ito bago lumabas ng sasakyan. Pag-alis ni Lorenzo, wala sa sariling naglakad papasok sa kanila si Richard, kaya naman gulat ang reaksyon nito pagkakita kay Sebastian na bumaba ng sasakyan. "Baste?!" Hindi pinansin ni Sebastian at parang wala itong narinig sa reaksyon na 'yon ni Richard, bagkus dumiretso ito papasok sa bahay ng huli. Hindi parin makapaniwala si Richard, na nasa harap niya ngayon ang lalaking ilang araw rin niyang namiss. At gusto man nitong yakapin at halikan si Sebastian ay pinigil niya ang sarili at baka makita silang ng kanyang mga magulang. Kaya naman, minabuti niyang sundan na lamang ang Komandante, na lalong kumisig at gumwapo sa paningin niya sa suot nitong uniporme. Saglit na natigilan sa pagsunod si Richard, nang makita nito na sa opisina ng kanyang amang heneral ang tungo ni Sebastian. "Permission to enter sir." saad ni Sebastian na nakapagbalik kay Richard. At nakita na lamang nito, ang pagpasok ni Sebastian sa opisina ng ama na 'di man lang siya nito kinausap. Alam ni Sebastian ang ginawang pagsunod na 'yon ni Richard. Sa totoo n'yan, bago pa ito bumiyahe pabalik dito sa bahay ng huli, gusto nitong surpresahin ang bunso ng heneral. Pero hindi n'ya naisip na s'ya pala ang masusurpresa, nang makita si Richard na kayakap ang sundalo, na nung nagpapagaling siya dito sa kanila ay siya rin sundalong kasama nitong umuwi pagkagaling nito sa kampo. Kanina ng makita n'ya ang gulat na reaksyon ni Richard. Lalong tumibay ang akala ni Sebastian, na may namamagitan nga kay Richard at sa kasama nitong sundalo. Kaya naman ikinuyom na lang niya ang kanyang mga kamay para pigilan ang galit at sama ng loob nito. Hindi ito makapaniwala, na sa ikalawang pagkakataon na muling umibig siya, mabibigo lamang ulit s'ya. Ang masakit pa, kita ng dalawang mata n'ya ang pagbalewala ni Richard sa nabuo nilang relasyon. "Have a seat Manlangit." saad ni Heneral Manalo na nakapagbalik sa kasalukuyan kay Sebastian na kaagad namang umupo. "Any good news regarding with the terorists?" bungad na tanong ni Heneral Manalo. "Yes sir, I have a good news about them. One of our asset comfirmed their current location and sent me several pictures." sagot ni Major Manlangit, sabay pakita nito sa mga larawan kay Heneral Manalo. "You're right, this is a good news and I assume your here for my go signal." kumpirma ni Heneral Manalo. "Sir, yes Sir." magalang na sagot ni Major Manlangit sa kanyang Commander in Chief. "Well, you will have it and go get that son of a b***h, once and for all." saad ni Heneral Manalo na 'di na naiwasang magmura dahil sa laking gulo at perwisyo na ang naging dulot ng mga teroristang grupo sa bansa. "Sir, yes sir!" sagot at saludo ni Major Manlangit. Ilang minuto rin na naghintay malapit sa opisina ng kanyang ama si Richard, nais nitong makausap ang namiss nitong si Sebastian. At ilang saglit pa nga, nakita nitong bumukas ang pinto sa opisina ng ama, na laman ang papalabas na si Sebastian. "Sir." tawag pansin ni Richard kay Manlangit, na sa ganitong paraan kung marinig man ng kanyang mga magulang ay 'di magtataka ang mga ito. "Yes, Manalo." balik ni Sebastian na 'di man lang kayang tignan sa mga mata si Richard. "Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali." sagot ni Richard na nagtataka kung bakit nag-iba ang pakikitungo ni Sebastian sa kanya. "Sige." tipid na sagot ni Sebastian. "Sa kwarto ko na lang tayo mag-usap sir." saad ni Richard at isang tango lang ang naging sagot ni Sebastian. Hindi alam ni Sebastian kung anong gustong mangyari ni Richard, gayunpaman sinundan nito ang huli na papunta nga ngayon sa kanyang kwarto. Nang makitang nakasunod si Sebastian, lihim na natuwa si Richard na wala parin kaalam-alam sa nararamdaman ngayon ni Sebastian. Nang tuluyang makapasok ang dalawa sa kwarto. Kaagad sinunggaban ng halik ni Richard si Sebastian. Samantalang nanatili naman na nakatikom ang mga labi ni Sebastian, kahit pa nadadala na sa ginagawang paghalik ni Richard. Sandaling natigilan si Richard sa ginagawang paghalik, nang walang pagtugon na maramdaman kay Sebastian. "May problema ba?" nababahalang tanong ni Richard, na batid na ibang Sebastian ang kasama n'ya ngayon. Walang nakuhang sagot si Richard, bagkus ay seryoso lang siyang tinignan ni Sebastian. "Baste, hindi mo ba ako namiss, kasi ako, sobra kitang namiss." saad muli ni Richard at 'di na napigilan ang maluha sa malamig na pakikitungo ngayon sa kanya ni Sebastian. Sa nakitang tumulong mga luha sa mga mata ni Richard, sandaling natigilan si Sebastian. At sunod nitong naramdaman ang pagsikip ng kanyang dibdib dulot lang ng pag-iyak na 'yon ng una. At tsaka niya naisip ang mga lumipas na nangyari. "Mahal mo ba ako Chard." seryosong tanong ni Sebastian. Sa narinig ni Richard, nagtaas ito ng tingin ang tinignan sa mga mata si Sebastian. "Oo Baste mahal kita." kaagad na sagot ni Richard na basa parin ang mga mata dulot ng pag-iyak. "s**t! s**t!" inis at mura ni Sebastian sa sarili, ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Nagtataka naman na pinagmamasdan ni Richard ang Komandante, na kasalukuyang nagmumura at hawak ang buhok at mukhang naiinis sa sarili. "A-ayos ka lang Baste." nababahalang tanong ni Richard. "Yes baby, ayos na ako and i'm sorry." sagot kaagad ni Sebatian, sabay hawak sa mukha ni Richard at ngayon siya naman ang sumunggab ng halik sa huli. Sa ginawang paghalik ni Sebastian, nagulat man si Richard ay kaagad naman nitong tinugon ang mga halik na 'yon ng una. Nang kapwa mauubusan na ng hangin, doon palang humiwalay sa halikan ang dalawa. "Again I'm sorry." hingi ulit ng tawad ni Sebastian. "Sa-sandali Baste, bakit ka ba nagsosorry?" takang tanong ni Richard. "Okay ipapaliwanag ko ang lahat, but please 'wag mo akong pagtatawanan." saad ni Sebastian at inumpisahan nga nitong ikwento ang lahat ng nakita n'ya, pati na ang naging maling akala nito sa lahat. "Dapat ka pala talagang magsorry at hindi ko kaagad matatanggap ang sorry mo." seryosong saad ni Richard matapos nitong marinig ang mga sinabi ni Sebastian. "Tama ka Chard and promise i will do anything, for you to forgive me." saad ni Sebastian. "But can i kiss you again please." baka-sakali pa ni Sebastian. "Hindi puwede at lalong hindi puwede ang sex." nakangising sagot ni Richard para asarin si Sebastian. "s**t! Please Chard, sabihin mo kung anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko." sumamo pa ni Sebastian at sobrang nagsisi sa naging kapalit ng maling akala nito. Abala ito sa pag-iisip sa nakita kanina ng may maalala ito. "Sandali Chard, hindi ba inamin ko naman na nagkamali ako?" saad ni Sebastian at isang tango naman ang naging sagot ni Richard rito. "Eh paano naman ang nagawa mong pagyakap dun sa payatot na sundalong 'yon?" balik ni Sebastian kay Richard. "Sa-sandali Major Manlangit? Binabalik mo ba sa akin ang kasalanan mo?" 'di makapaniwalang tanong ni Richard. "Hindi naman sa ganun, ang ibig kong sabihin bakit kasi magkayakap kayo? Hindi mo naman ako masisisi na mag-isip ng masama sa nakita ko." paliwanag ni Sebastian. "Kunsabagay tama ka naman, pero may paliwanag ako kung bakit nangyari 'yon. At kung sana hindi ka kaagad nag-isip ng masama, siguro nakapagpaliwanag ako kaagad sa'yo." "Gaya nga ng sabi ko, sorry at nagawa ko ang pagdudahan ka. So bakit nga kayo magkayakap ng payatot na 'yun." "Baste, may pangalan 'yung tao at Lorenzo 'yun, isa pa ang macho kaya ni Renz." saad ni Richard at asar pa kay Sebastian. "Mas macho ako dun at higit na mas guwapo pa." yabang naman ni Sebastian. "Te-teka nga, bago pa ako tangayin ng hangin na dulot mo, ipapaliwanag ko na ang lahat sa'yo." saad ni Richard at ipinaliwanag ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Lorenzo. "Sabi ko na nga ba! Simula palang ng kasama mong umuwi 'yon dito sa inyo, alam kong may balak na sa'yo ang ungas na 'yon." saad ni Sebastian matapos marinig ang kwento ni Richard. "Parang ikaw wala ah, pasalamat ka na lang at ikaw ang nagustuhan ko, pero parang dapat si Lorenzo na lang kasi alam kong hindi ako pag-iisipan ng masama nun." saad ni Richard. Natuwa naman si Sebastian sa narinig na nagustuhan siya ni Richard, ngunit napakunot-noo ito sa huling narinig. "Baby 'wag naman, sorry na at hindi ako magsasawang humingi ng sorry sa'yo 'wag mo lang akong ipagpalit sa payatot na 'yon." saad ni Sebastian. "Tignan na lang natin." ngising saad ni Richard. "Chard, 'wag mo naman gawin sa'kin ito oh." nababahalang saad ni Sebastian at baka ipagpalit nga siya ni Richard. "Maiba ako, buti pala at nandito ka ngayon at mukhang may importante kayong pinag-usapan ni papa." lihis ni Richard sa usapan at usisa pa nito. "Private Manalo, confidential ang pinag-usapan namin ni Heneral Manalo." sagot ni Sebastian. "Gaano ka-confindential sir." kagat labing tukso ni Richard sa Komandante. 'Damn.' bulong ni Sebastian sa ginawa ni Richard. "Private Manalo, sini-seduce mo ba ako?" seryosong saad ni Sebastian. "Bakit sir, naaakit ba kita." ngising saad ni Richard, sabay dampi ng kaunti ng kanyang labi sa labi ni Sebastian. Sa ginawa ni Richard, kaagad na sinundan ng mga labi ni Sebastian ang labi ng huli, pero kaagad inilayo ng una ang mukha nito. "Hahaha." 'di na napigilan pang tawa ni Richard, na kita ng dalawang mga mata n'ya kung paano sabik na sabik ang barakong sundalo sa kanya. 'Shit.' mura ni Sebastian sa sarili, na nahulog ito sa patibong ng pilyong bunso ng Heneral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD