PANG-SIYAM

3714 Words
Pagdating sa bahay nila Richard at Sebastian, parehong nagulat ang mga ito pagkakita sa dalawang taong kasalukuyang nasa sala. "Bunso!" malakas na saad ni Erick pagkakita kay Richard at lumapit ito para yakapin ang bunsong kapatid. "Kuya." masayang saad ni Richard at niyakap pabalik si Erick. Samantalang kinakabahan naman sa mga oras na 'yon si Sebastian, dahil alam nitong hindi payag si Erick sa nararamdaman niyang pag-ibig para kay Richard. "Kuya ako naman." saad ni Vince na lumapit sa mga kapatid. Humiwalay naman si Erick sa pagyakap sa kanilang bunso, para bigyan ng daan si Vince. Niyakap nga ni Vince si Richard na sinuklian rin ng mahigpit na yakap ng huli, pero bago tuluyang humiwalay kay Richard, may ibinulong si Vince sa kapatid. "Alam ko na ang sa inyo ni Baste." Sa narinig ay nababahalang tinignan ni Richard ang kuyang si Vince. "Kuya, may ibibigay lang ako kay Chard at iwan na muna namin kayong dalawa." saad ni Vince para makapag-usap sila ni Richard at alam rin nitong kailangan rin mag-usap ng kanyang kuya Erick at ng kaibigan nilang si Baste. Gaya ng paalam ni Vince nagpunta nga silang dalawa ni Richard sa kwarto ng huli. "Huwag kang mag-alala bunso, suportado ko kung anong meron kayo ni Baste." saad ni Vince sa kapatid, na kita niyang nababahala ang mukha. "Kuya." tanging saad ni Richard, na hindi parin makapaniwala na alam na ng kuya Vince niya ang tungkol sa kanila ni Baste. "Chard, walang kang dapat ikatakot. Gaya nga ng sabi ko, tanggap kita kahit ano ka pa at tanggap ko rin kayo ni Baste." "Sa-salamat kuya." saad ni Richard at muling niyakap ang kapatid. "Wala 'yon, pero hindi pa tanggap ngayon ni kuya Erick ang sa inyo ni Baste." saad ni Vince. Sa narinig ni Richard ay humiwalay ito sa pagyakap sa kapatid. "Alam rin ni kuya!? Paano niyo pala nalaman?" "Oo alam rin n'ya at kanino pa namin malalaman kungdi kay Baste." "Ka-kailan pa kuya?" tanong ni Richard na gulat parin sa mga nalaman. "Kaninang umaga lang, tinawagan kami ni Baste at ipinaalam sa amin na may gusto siya sa'yo." kwento ni Vince. "Mahal ko rin si Baste kuya." saad naman ni Richard. "Alam ko at alam kong totoo rin na mahal ka ni Baste, pero gaya nga ng sabi ko hindi pa tanggap ni kuya." "Kung ganun, kakausapin ko siya at ipapaliwang kong mahal namin ni Baste ang isa't-isa." saad ni Richard at lalabas na sana pero mabilis itong napigilan ni Vince. "Huwag na Chard, siguradong nag-uusap na rin sa ngayon sila kuya at Baste." paliwanag ni Vince sa kapatid. "Pero paano kuya, kung hindi nga matanggap ni kuya Erick ang sa amin ni Baste." nababahalang saad ni Richard. "Huwag mo munang isipin 'yon, mabuti pa ikwento mo sa akin kung paano kayo nagkagusto ni Baste sa isa't-isa." "Kuya 'wag na at baka mailang ka lang, alam mo na at pareho kaming lalaki." nahihiyang saad ni Richard. "Okay lang sa akin, malay mo baka isang araw sa lalaki rin ako magkagusto." nangingiting biro ni Vince, para kahit papaano'y mawala ang pagkabahala ng kapatid. ... Samantala, sa pag-alis ni Richard at Vince, sandaling nabalot ng katahimikan ang dalawang Komandante. "Tol." saad ni Sebastian at simula nito sa pag-uusap nila ni Erick. Walang naging sagot sa kanya si Erick, gayunpaman desidido si Sebastian na pag-usapan nila ang tungkol kay Richard. "Anong puwede kong gawin tol, para maniwala kang mahal ko si Richard." saad muli ni Sebastian at tinumbok ang gusto nitong pag-usapan nila ni Erick. "Wala, wala kang dapat gawin dahil hindi kayo magkakaroon ng relasyon ni bunso." seryosong saad ni Erick. "Hindi tol, hindi ako makakapayag, nirerespeto kita bilang kaibigan ko at kuya ni Richard, pero sa tingin ko si Richard lang ang pwedeng magsabi sa akin kung maari o hindi kami pwedeng magkaroon ng relasyon." seryosong balik ni Sebastian. "Eh tarantado ka pala, sa ginawa mong pagsamantala sa kahinaan ng kapatid ko, hindi mo na dapat pang ituring na kaibigan ako dahil wala akong kaibigang ahas." "Tol naman, hindi ko pinagsamantahan ang kapatid mo at totoong mahal ko siya." giit ni Sebastian. "Kalokohan, kahit ano pang sabihin mo hindi mo na mababago ang isip ko, mabuti pa umalis ka na sa pamamahay namin at sigurado akong 'yun din ang gagawin ni papa dahil sasabihin ko sa kanya ang ginawa mo sa kapatid ko." galit parin na saad ni Erick. Sa narinig, ibayong gulat at pagkabahala ang naramdaman ni Sebastian. Alam niyang mas paniniwalaan ni Heneral ang panganay na anak kaysa sa kanya. "Tol naman, maniwala ka sa akin at 'di ko pinagsamantalahan si Richard. Kung gusto mo, ako ang kakausap kay Heneral at ipagtatapat ko sa kanya ang nararamdaman ko sa kapatid mo." "Para ano? Nang sa ganun ay mapaniwala mo si papa na totoo na mahal mo si Richard? Kilalang-kilala kita Sebastian, alam kong babaero ka at 'di imposibleng iwan mo rin si bunso kapag nagsawa kana sa kanya." galit parin na sigaw ni Erick. "Hindi totoo 'yan Erick, mahal ko ang kapatid mo at kung talagang kilala mo ako, alam mo rin na hindi ako babaero." "Tignan na lang natin, kung sino ang paniniwalaan ni papa at mas importante kung sino ang paniniwalaan ni Richard." ngising saad ni Erick dahil alam nitong walang pag-asa na kampihan si Sebastian ng dalawa kumpara sa kanya. "Tol." mahinang saad ni Sebastian at alam nito sa mga oras na 'yon, na mukhang hindi na mababago pa ang pagtutol ng kaibigan sa pag-iibigan nila ni Richard. "Kuya!" Napatingin ang dalawang Komandante sa taong pinanggalingan ng sigaw. Ilang minuto bago 'yon, habang kinukwento ni Richard sa kuyang si Vince ang pangyayari sa nakalipas na ilang araw sa kanila ni Sebastian. Kita ni Vince ang masayang mukha ng kapatid at bago pa matapos ang pagkukwento ni Richard, nagulat sila ng marinig ang malakas na boses na na nanggagaling sa dalawang Komandante. Sa narinig ni Richard, kaagad itong lumabas ng kwarto para puntahan ang kuya nito at si Sebastian, na batid niyang mukhang nagtatalo ang dalawa. "Kuya!" sigaw ni Richard para matawag ang pansin ni Erick. Wala man naintidihan sa naging pag-uusap ng dalawa, batid ni Richard sa narinig na malakas na boses ng dalawa, na may pinag-tatalunan ang mga ito. "Bakit bunso?" mahinahong tanong ni Erick sa kapatid, na parang walang nangyaring away sa kanila ni Sebastian. "Ayos lang ba kayong dalawa." saad ni Richard. "Oo naman bunso, may dapat ba kaming pag-awayan ni Sebastian?" sagot ni Erick at tanong pa sa kapatid. Sa naging sagot na 'yon ng kanyang kuya Erick, bumaling naman ang paningin ni Richard kay Sebastian, na sa mga oras na 'yon ay nanatiling tahimik lang. "Baste, sabihin mo sa akin ang totoo, may pinag-aawayan ba kayo ni kuya?" Sa narinig, sandaling natigilan si Sebastian. Gusto man nitong sabihin ang totoo, ayaw ni Sebastian na ang magkapatid naman ang mag-away. "Wala, Chard." pagsisinungaling ni Sebastian na 'di nito magawang tingnan ng diretso ang una. Lihim naman na napangiti si Erick sa narinig kay Sebastian. Sa nakitang 'di magawang tignan siya ni Sebastian, alam ni Richard na hindi nagsasabi ng totoo ang una sa kanya. "Alam ko na alam mo na rin kuya, na may namamagitan sa amin ni Baste. At hindi ko magagawang pilitin ka na matanggap kami, pero hindi ko iiwanan si Baste anuman ang mangyari." baling ni Richard sa kuyang si Erick. Napatingin ang dalawang Komandante sa nagsalitang si Richard. Si Sebastian ay masaya sa narinig, ngunit nababahala na baka mag-away ang magkapatid. Si Erick naman ay nagulat sa sinabi na 'yon ng kanilang bunso, pero bilib ito sa matapang na paninindigan ng huli. "Kung ganun, kalimutan mo ng kuya mo ako, tutal mukhang nabilog na ng tuluyan na gagong 'yan ang ulo mo." galit na saad ni Erick. "Kuya." nababahalang saad ni Richard sa narinig. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? 'Wag mo akong tawaging kuya, kung hindi mo kayang hiwalayan ang taong 'yan." saad ng galit paring si Erick habang nakaturo pa ang daliri sa nakayukong ni Sebastian. "Ganyan na ba katigas ang puso mo kuya, ano bang dahilan kung bakit 'di mo kami mataggap ni Baste, dahil ba sa pareho kaming lalaki? Galit ka ba sa mga bakla?" saad ni Richard at 'di na napigilan pa ang maiyak dahil sa sama ng loob sa mga narinig nito sa kanyang kuya. Kapwa natigilan ang dalawang Komandante sa nakitang pag-iyak ni Richard. Nang makabawi, kaagad naman nilapitan ni Sebastian si Richard at kinulong sa mga bisig nito ang patuloy parin na umiiyak na si Richard at tinignan ng masama ang kaibigang si Erick. Kita ng dalawang mata ni Erick ang yakapan ng dalawa at napatunayan niyang tunay ngang mahal ng dalawa ang isa't-isa. Lumapit na rin si Vince sa kuyang si Erick sa mga oras na 'yon. "Ano, kuya? Nakakasiguro ka na ba?" nangingiting saad ni Vince. "Oo, mukhang ngang anumang oras, susuntukin na 'ko ni Baste dahil pinaiyak ko si bunso." naiiling at nangingiting saad ni Erick sa katabing si Vince. "Oh tama na 'yan Baste, mukhang tsinatsansingan muna ang bunso namin eh." nakangiting saad ni Erick para maputol na ang yakapan ng dalawa. Naguguluhan naman na napatingin ang dalawa sa nakangiting si Erick. "Kuya." saad ni Richard. "Tol." saad ni Sebastian. "Sige na payag na rin ako, pero Sebastian, kapag pinaiyak mo si bunso, asahan mo dalawa kami ni Vince ang bubugbog sa'yo." saad ni Erick at babala pa nito kay Sebastian. "Hindi mangyayari 'yon tol." maagap na saad ni Sebastian at hindi parin makapaniwala na tanggap na rin sila ni Erick. "Ibig sabihin nito kuya, hindi ka na galit sa amin?" tanong ni Richard sa kuyang si Erick. "Hindi bunso, kahit kailan 'di ko magagawang magalit sa'yo dahil mahal na mahal kita, namin ng kuya Vince mo." sagot ni Erick sa bunso nila. "Tama si kuya, Chard. Siniguro lang n'ya na mahal ka talaga ni Baste." nakangiting saad naman ni Vince. "Tol, ingatan mo si bunso ha, pasensyan na rin sa mga pinagsasabi kong hindi maganda tungkol sa'yo kanina, alam mo na, kasama 'yon sa acting para maging kapani-paniwala." nakangiting baling ni Erick sa kaibigan. "Ayos lang 'yon tol, pero inaaamin ko sumama ang loob ko sa'yo kanina. Pero asahan mo, iingatan ko si Chard." saad ni Sebastian. "Mabuti kung ganun, bunso patawarin mo si kuya ah." baling ni Erick kay Richard. "Oo naman kuya, naiintidihan ko kung bakit mo nagawa 'yon." sagot ni Richard habang pinupunasan ang natirang luha dulot ng pag-iyak nito. "Halika, payakap muli si kuya." saad ni Erick. Kaagad naman pinagbigyan ni Richard ang hiling na 'yon ng kuyang si Erick at niyakap niya nga ito. "Huy sali ako d'yan." saad naman ni Vince at yumakap sa mga kapatid. Sa nasaksihan, lubos na masaya at nabunutan ng tinik si Sebastian. Dalawang tao na lang ang natitirang kailangan niyang ligawan, para tuluyan ng maging legal ang relasyon nila ni Richard. "Huy Baste, sumama ka na rito." saad ni Erick at aya sa kaibigan sa yakapan nilang magkakapatid. Kaagad naman lumapit si Sebastian at sumali sa yakapan ng tatlo. "Kuya, hayaan muna si Chard kay Baste at alam kong kanina pa n'ya gustong masolo ang bunso natin." saad ni Vince at humiwalay na ito sa yakapan nila. "Oo nga, pero Baste, bunso. Habang naririto kami, bawal kayong matulog sa iisang kuwarto." seryosong saad ni Erick at tinignan isa-isa ang dalawa. "Kuya!" saad ni Richard na pulang-pula ang mukha sa sinabi ng kapatid. "Tama si kuya bunso, baka kaagad kang mabuntis ni Baste." gatong naman ni Vince. "Kuya Vince!" 'di makapaniwalang baling ni Richard sa isa pa nitong kuya. "Mga tol, pananagutan ko naman ang bunso n'yo kapag nangyari 'yon." saad naman ng nakangising si Sebastian. "Ewan ko sa inyo tatlo!" saad ng pulang-pulang si Richard at mabilis na iniwanan ang tatlo. ... Maingay at masaya ang kasalukuyang hapunan sa bahay ng mga Manalo sa gabing 'yon. Inaasahan na ni Aurora ang pagdating na 'yon ng dalawang sundalo pa nitong anak na galing sa misyon sa South Cotabato. Kaya naman pagdating nila sa bahay ng kanyang asawang Heneral, kaagad niyang inihanda ang mga paboritong pagkain ng mga ito, sa tulong na rin ng mga kasambahay nila. At ngayon nga habang naghahapunan sila, abala ang kanyang asawang Heneral pati na ang tatlong nilang anak sa pakukuwento sa mga nakalipas na araw na nangyari sa bawat isa. Nakadagdag pa sa kwentuhan at asaran ng mga ito, ang bisita nilang si Baste na kaibigan naman ng dalawa nitong anak at parang anak na rin ang turing nila ng kanyang asawa. "Tama na muna ang kwentuhan, kumain kayo ng marami at alam kong matagal-tagal niyo rin na hindi natikman ang mga luto ko." saad ni Aurora sa dalawang anak. "Oo nga mom, ngayon pa lang ulit kami makakain ng masarap ni kuya." sang-ayon ni Vince sa mama nito. "At mukhang hindi lang kami ang nakamiss sa mga luto mo ma, pati na rin si Baste na ilang linggo pa lang ng mabalitaan namin na bumalik na ng Makati, ngayon nandito ulit." saad ni Erick, na sa likod nito'y iba ang nais nitong tumbukin, sabay senyas sa katabing si Vince. Kita ni Vince ang ginawang senyas na 'yon sa kanya ng kuyang si Erick at alam nito kung anong nais ng huli sa mga oras na 'yon. "Oo nga ma, pero baka naman may iba pang namiss si Baste kaya agad siyang bumalik sa atin." saad ni Vince. Sa narinig ni Richard sa mga kapatid ay kaagad na pinamulahan siya ng mukha at batid nitong s'ya ang tinutukoy ng mga alaskador nitong mga kuya. Kasabay ng pamumula ng mukha ni Richard, naubo naman si Sebastian sa narinig din sa dalawang alaskador na kaibigan. "Kayong dalawa, tigilan niyo nga si Baste at baka hindi na siya dumalaw ulit dito sa atin." saway ni Aurora sa dalawang anak ng makita ang nanyaring 'yon kay Baste. "Malabong mangyari 'yon ma." sabay na saad ni Erick at Vince na nakakuha ng atensyon sa mga kasama sa hapag dulot ng parehong sinabi nila. Nag-apir pa ang dalawa matapos nun. "May alam ba kayo na hindi namin alam ng mama n'yo." seryosong saad ni Heneral Manalo, na ikinatahimik ng lahat. Parehong kinakabahan sa mga oras na 'yon si Sebastian at Richard na baka sabihin nina Erick at Vince ang tungkol sa kanilang dalawa. "Anong ibig mong sabihin pa? Binibiro lang namin si Baste, na mukhang namiss talaga ang luto ni mama." sagot ni Erick sa ama, na bagamat sang-ayon ito sa relasyon ni Richard at Sebastian, ayaw nitong sa kanya manggaling ang sikreto ng dalawa. "Oo nga pa, alam niyo na matagal din namin na hindi nakasama si Baste, kaya inaasar lang namin ni kuya." saad naman ni Vince. "Oo nga naman Dado." baling ni Aurora sa naging seryosong mukha ng asawa. "Pero tama na 'yang asaran na 'yan at kumain na tayo." saway ulit ni Aurora sa dalawang anak. Nagpatuloy sa pagkain ang lahat at kahit papaano ay nawala na ang tensyon na dulot ng seryosong pagtatanong ng Heneral kanina. Pagkatapos kumain, tinulungan ni Richard ang mama nito sa pagliligpit sa mga natirang pagkain sa hapag. "Chard anak, kami na ni manang ang bahala rito, samahan mo na lang ang mga kuya mo sa sala." taboy ni Aurora sa anak. Yun nga ang ayaw mangyari ni Richard, magmula pa kasi kanina ng matapos malaman, na tanggap ng parehong kapatid ang sa kanila ni Baste, hindi na ito tinantanan pa ng pang-aasar ng dalawa. "Okay lang mom, isa pa gusto kong ako ang unang makakatikim ng cake na bi-nake mo." bola ni Richard sa mama nito. "Ikaw talaga, o s'ya kung 'yan ang gusto mo." sukong sabi ni Aurora. Samantalang naiwan sina Erick, Vince at Sebastian sa sala na nanood ng sports channel sa tv. "Kuya, muntik na tayo kanina." natatawang saad ni Vince patungkol sa nangyaring pagtatanong ng kanilang ama. "Kasalanan n'yong magkapatid, alam niyo naman na kumukuha pa ako ng tiyempo kay Heneral." naiiling na saad ni Sebastian sa kalokohan ng magkapatid. "Eh paano, bago kasi dumating sila papa, mukhang gusto mo ng pasukin si bunso sa kwarto niya." saad ni Erick. "Tama si kuya Baste, pigilan mo muna ang sarili mo 'pag magkatabi kayo ni Chard, baka makahalata si papa sa'yo." saad ni Vince. "Mga tol kung alam niyo lang, ibayong pagpipigil ang ginagawa ko, pero anong magagawa ko, ilang araw na akong nasasabik kay Richard." saad ni Sebastian sa nararamdaman nito. "Langya! Pasalamat ka talaga at lalaki rin si bunso, kungdi malamang buntis na ngayon 'yon dahil sa'yo." naiiling na saad ni Erick sa kaibigan. "Ang gawin mo, magsalsal ka na lang gago, dahil sa amin ni kuya tatabi si Chard mamaya para sigurado." asar naman ni Vince sa kaibigan. "Tol naman!" reklamo ni Sebastian sa narinig. "Tama si Vince, Baste. Maawa ka naman kay bunso." sang-ayon ni Erick sa kapatid. At sa narinig na 'yon, parang nalugi ang itsura ni Sebastian dahil alam nitong bantay sarado si Richard sa dalawa. Kita nila Erick at Vince ang reaksyon ni Baste at nag-apir pa ang dalawa sa nagawa. "Manlangit, mag-usap tayo sa opisina ko." saad ng lumabas na Heneral. Sa narinig ng tatlong sundalong kasalukuyang nanood sa sala, nagkatinginan ang mga ito at iisa ang nasa isip nila sa mga oras na 'yon. "Patay ka Baste." saad ni Erick sa kaibigan, pagkatalikod ng amang Heneral. "Mukhang may mapuputulan ng kaligayahan." ngising saad rin ni Vince sa kaibigan. "Alam na kaya ni Heneral?" kabang tanong ni Sebastian sa dalawa. "Mukhang oo Baste, kilala mo si papa at malakas ang pakiramdam nun." saad ni Erick. "Mabuti pa sundan mo na siya Baste, baka lalong magalit 'yon 'pag pinaghintay mo pa. 'Di bale, sagot na namin ni kuya ang kabaong mo." saad at asar pa ni Vince. "Kasalanan n'yo itong dalawa dahil sa kalokohan n'yo kanina, asahan n'yong mumultohin ko kayo 'pag nangyari nga ang sinasabi n'yo." balik ni Sebastian sa mga kaibigan. At tumayo na ito para sundan sa opisina si Heneral Manalo, kahit pa nag-uumpisa na itong pawisan sa kaba sa mga sandaling 'yon. Kita naman ni Richard ang masayang pag-uusap ng magkakaibigan na nasa sala at nakita rin n'ya ang paglabas ng ama, pati na ang pagsunod ni Sebastian sa amang Heneral. "Mga kuya, heto ang mga cake n'yo." saad ni Richard at abot sa dalawa ng cake na gawa ng mama nila. "Salamat bunso." saad ni Erick. "Halika dito at tumabi ka sa amin." yakag naman ni Vince. "Sandali lang kuya, kukuha lang ako ng akin." sagot ni Richard sa kapatid at bumalik ito sa kusina para kumuha ng sariling cake, pati na ng para kay Baste. "Naks! Bunso, baka lalong mainlab n'yan sayo 'yung isa." simula na naman ni Erick sa pang-aasar sa kapatid. "Kuya, baka marinig ka ni mama." nababahalang saad ni Richard. "Huwag mong alalahanin si mama Chard, dapat kang mag-alala kay Baste at baka kasalukuyan ng pinapahirapan ni papa." saad naman ni Vince. "Ba-bakit kuya? Alam na ba ni papa?" tanong ng kinabahang si Richard. "Mukhang alam na niya bunso, paano kasi masyado kayong halatang dalawa ni Baste, na kulang na lang magsubuan kayo kanina sa hapag." sagot ni Erick at asar pa nito. "Kuya! Kung meron man may kasalanan ay kayong dalawa 'yon ni kuya Vince." inis ng saad ni Richard at inaamin niya na natatakot ito sa puwedeng gawin ng ama, kung totoo ngang alam na nito ang tungkol sa kanila ni Sebastian. "Bunso, huminahon ka nga, sa tingin mo hahayaan namin na may mangyaring masama kay Baste, isa pa biro lang namin 'yung kanina pati na ang nasabi ni Vince na papahirapan ni papa si Baste." seryosong baling ni Erick sa kapatid. "So-sorry mga kuya, nag-aalala lang ako kay Baste." nakayukong paumahin ni Richard sa mga kapatid dahil sa pagtataas nito ng boses kanina. "Ayos lang 'yon, Chard. Mabuti pa kainin na lang natin ang cake na gawa ni mama at baka magtampo 'yon." saad ni Vince at tinapik sa balikat ang katabing si Richard. Huminahon naman si Richard at naisip nito, na posibleng iba marahil ang dahilan kung bakit kinausap ng ama si Sebastian. ... Sa opisina ng Heneral. "Maupo ka Manlangit." saad ni Heneral Manalo pagkapasok ni Sebastian. Sumunod naman kaagad si Sebastian at naupo ito kaharap ang Heneral. "Anong pag-uusapan natin sir?" tanong ni Sebastian at pilit nilalabanan ang kaba sa mga oras na 'yon. "Yes, about that. I spoke with the President and we already have his permission regarding with our plan with the terrorists. And tommorow we will analyze the information we have and make a strategies in order to seize and capture them, dead or alive." paliwanag ni Heneral Manalo. "Okay sir, I understand." sagot ni Sebastian at nakahinga ng maluwag sa narinig. "Oh and one more thing Manlangit, leave my youngest son alone." seryosong baling ng Heneral sa Komandante. "Si-sir!" gulat na saad ni Sebastian, kasabay ng ibayong kabang naramdaman nito, dahil alam na ng Heneral ang sikreto nila ni Richard. "What! You think I'm a fool, that I still dont know about what's going on between you and Richard?!" saad ng galit parin na Heneral na tumayo na sa mga sandaling 'yon. "Sir, thats not what and I mean. I just waiting for the right time to tell you everything about us. And the reason that I couldn't tell you is bacause Im afraid of what you'll gonna do after you know everything." nakayukong sagot ni Sebastian sa Heneral habang nakaupo parin ito. "Well guess what Manlangit, I'm very much angry about it. And I will say it again, leave Richard alone." maotoridad na utos ni Heneral Diosdado Manalo kay Major Sebastian Manlangit. "Sir, please dont do this to us, we love each other and I will do anything, anything to prove it to you and your family that I love Richard but please, dont do this." sumamo ni Sebastian na tumayo na sa pagkakaupo nang sa ganun ay matignan ng diretso sa mga mata ang Heneral at para rin maiparating sa huli na nagsasabi ito ng totoo. "Manlangit, if you really love my son, give him the best thing, and a family with a wife, thats what Richard's need." "Sir, but your son loves me, is it not enough that he's happy with me?" "No, son. Youre right he's happy and inlove with you right now, but how about the next day, the next month and the next year? Trust me, Richard will be very much happy with a normal life with a wife and children in the future." "But sir, Richard can make his own choice and can choose whomever make him happy. Can we let him decide and give him that choice." pakiusap pa ni Sebastian sa Heneral. Sandaling natahimik si Heneral Manalo, sa narinig kay Major Manlangit. At inaamin nito na may punto ang Komandante. "You really a stubborn one Manlangit. Fine! I will let Richard choose whoever he likes, but with one condition?" saad ng Heneral at kondisyon nito para dito. "Sir, what is it?" maagap na tanong ni Sebastian at nabuhayan ito ng loob sa narinig. "Accomplished the mission." saad ng Heneral. "Sir, yes sir!" sagot ni Sebastian na tumayo ng tuwid at sumaludo sa amang Heneral ng taong mahal niya. At sa sandaling 'yon, ipinapangako nito na gagawin niya ang lahat maging matagumpay lang ang misyon para sa bayan at para sa pag-ibig nila ni Richard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD