Abala si Hansel sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila, matapos ang hapunan kasama ang magkapatid na sundalo, nang tulungan siya ni Richard sa ginagawa nitong pagliligpit. "Si-sir! Ako na lang at nakakahiya!" nababahalang saad ni Hansel sa pagtulong na 'yon ni Richard. "Hansel, okay lang. Para mas madali tayong matapos." sagot ni Richard at baliwala nito kay Hansel. Nakita ni Erick ang pagtatalo ng dalawa, kaya naman nilapitan niya ang mga ito na kasalukuyan ng nasa lababo sa kusina. "Hindi ka mananalo d'yan kay Richard, Hans, hayaan mo na siyang tulungan ka niya." saad ni Erick na masaya sa nakikitang samahan ng dalawa. "Tama si kuya Hansel, para saan pa at Manalo ang apelyido namin, at sa tingin ko'y hindi ka rin nananalo pagdating kay kuya hindi ba?" ngising baling ni Richard kay H