Sakay ng sasakyan na minamaneho ni Mang Popoy at kasama ang isang bodyguard, pauwi na sila Hansel sa bahay ng among sundalo, na kagagaling lang sa pagdalaw sa wala paring malay na ate. Nang makatanggap ito ng mensahe sa among sundalo na ilang linggo rin niyang namiss, dulot ng sinamahan nito ang bunsong kapatid na nagtangkang magpakamatay. At sa natanggap ngang text na iyon ay pinakiusapan siya ng Komandante, na dagdagan ang kanyang ihahandang hapunan para sa kasamang bisita ng huli pagkauwi nito. Hindi maalis sa isipan ni Hansel, kung sino kaya ang bisitang kasama ng amo pag-uwi nito. Ito kasi ang kauna-unahan na may bisita itong isasama sa bahay. Kaya naman hindi maiwasan ni Hansel ang mag-isip, na baka isang babae ang kasama ng Komandante at posibleng girlfriend rin ito ng amo. Sa isip