Gaya nga ng sinabi ng mga kaibigan, hindi na nasolo ni Sebastian si Richard sa gabing 'yon. Bukod pa sa bantay-saradong mga kuya, nakadagdag pa ang panaka-nakang pagtingin ng Heneral sa kanyang mga kilos laban kay Richard.
At kahit sa simpleng pag-akbay lang kay Richard ay 'di na nagawa ni Sebastian. Inaamin niya na wala siyang kinatatakutan, pero ibang usapan na kapag isang Heneral na ang kanyang katapat bukod sa nirerespeto niya ito, ama pa ito ng kanyang mahal at ayaw ni Sebastian na gumawa ng lalong ikagagalit nito.
Hanggang sa nagpaalam ng matulog si Richard sa mga kapatid at sa mga magulang nito. At 'yon ang pagkakataon na hinihintay ni Sebastian para makapag-usap sila ng una.
Nakita ni Heneral Manalo ang pagsunod ni Sebastian sa kanyang anak, pero hinayaan na lang niya ang dalawa. Sa mga araw na nagpapagaling si Sebastian sa kanila, nahalata na ng Heneral ang pagiging malapit ng dalawa sa isa't-isa, ngunit hindi niya akalain na higit pa sa pagiging magkaibigan ang mabubuo na mga ito. At sa araw ng pagbalik ni Sebastian para dalhin sa kanya ang nakuha nitong intel sa mga terorista, nagkaroon na ng ideya ang Heheral na kaya dito mismo sa kanilang bahay dumiretso ang sundalo na 'di naman nito dating ginagawa, napatibay pa ang hinala nitong dahil 'yon kay Richard. Inaamin ng Heneral na nabahala ito sa mga nalaman, na may relasyon nga ang dalawa, pero hindi nito kaya ang paghiwalayin sila, na alam nitong ikagagalit ng kanyang bunso kapag ginawa niya iyon. Kaya naman kinompronta niya si Sebastian tungkol dito at lihim itong natuwa sa kanilang pag-uusap ng Komandante, nasiguro din niya na bukod sa pagiging matapang ng sundalo sa pakikipag-laban sa giyera, napatunayan nito ang paninindigan sa nararamdaman nito sa kanyang anak at maging ang kondisyon niya rito ay walang pagdadalawang isip na tinanggap ng Komandante.
"Mga anak, alam kong alam niyo na rin ang tungkol sa dalawa, anong reaksyon niyo rito." seryosong baling ng Heneral sa dalawang anak ng iwan na rin sila ni Aurora.
"Pa!" sabay na saad nila Erick at Vince sa narinig.
"Matagal ko ng alam, pero may kondisyon ako kay Baste para tuluyan ko ng hayaan ang relasyon nila." paliwanag ng Heneral.
"Mabuti naman pa, alam kong gagawin ni Baste para matupad 'yon. Siya nga ang tumawag sa amin ni Vince para ipaalam ang tungkol sa kanila ni bunso, nung una nagalit ako pero napatunayan naman nila na mahal nila ang isa't-isa kaya hinayaan ko na rin." saad ni Erick sa kanyang saloobin tungkol sa dalawa.
"Oo nga pa at alam namin na mabuting tao si Baste at hindi niya pababayaan si Chard." sang-ayon naman ni Vince.
"Tama kayo mga anak." saad ng Heneral at tumayo na ito para sundan na rin ang asawa sa kanilang kwarto.
"Kinabahan ako kay papa." saad ni Vince ng maiwan silang dalawa ng kuyang si Erick.
"Eh ako nga rin, pero mabuti na lang at hindi tumutol si papa." saad ni Erick.
"Oo nga kuya, pero sundan na natin si Chard at baka kinulong na 'yon ni Baste." natatawang saad ni Vince.
"Mabuti pa nga." naiiling na sang-ayon ni Erick.
...
"I love you baby." saad ni Sebastian at hinalikan sa labi si Richard.
"I love you sir." sagot ni Richard at hinalikan ulit sa labi si Sebastian.
At bago tuluyang maghiwalay ang labi ng dalawa ay bumukas ang pinto sa kwarto ni Richard.
"Sabi ko na nga ba! Baste tama na 'yan at baka mapudpod na ang mga labi ni bunso." saad ni Erick pagkapasok nila ni Vince sa kwarto ni Richard.
"Kuya!" nahihiyang saad ni Richard, bukod sa sinabing 'yon ng kanyang kuya ay nahihiya rin ito sa nahuling paghahalikan nila ni Baste.
"Oo nga Baste, iligo mo na lang 'yan." asar naman ni Vince.
"Tol naman." sagot naman ni Sebastian.
"Baste mabuti pa lumabas ka na, sigurado akong hindi tayo titigilan nila kuya." saad ni Richard.
"Hehe, tama si bunso, isa pa kami naman ang tatabing matutulog sa kanya." saad ni Erick.
"Bye Baste." asar muli ni Vince.
Wala ng nagawa pa si Sebastian at napakamot na lang ito ng ulo.
"Chard baka naman pwedeng makahingi na goodnight kiss." baka-sakali pa ni Sebastian.
"Itong kamao ko tol, gusto mo?" biro ni Erick sa kaibigan.
"Kuya!" saway ni Richard sa kapatid.
"Sabi ko nga lalabas na ako." saad ni Sebastian at lumabas na ito ng kwarto pero muli nitong binuksan ang pinto.
"Baste." saad ni Richard ng makita si Sebastian.
"Goodnight pala baby." masayang saad ni Sebastian.
"Baste!" saad ni Richard sa sinabing 'yon ni Sebastian lalo pa't kasama nito ang mga kapatid, pero inaaamin niyang kinilig ito, kaya lang napalitan din kaagad ng hiya dahil sa nakita nitong nakangising mukha ng dalawa niyang kuya.
"Baby pala bunso ah." asar ni Erick sa kapatid.
"Kuya!" saway ni Richard sa kuyang si Erick.
"Kung baby ka ni Baste, Chard. Anong tawag mo sa kanya? Daddy?" ngising saad naman ni Vince.
"Kuya Vince! Ewan ko sa inyong dalawa, matutulog na ako." saway ni Richard sa kuyang si Vince at minabuting mahiga na para makaiwas sa mga ito.
"Goodnight baby." panggagaya ni Erick kay Baste.
"Goodnight Daddy." sagot naman ni Vince at nag-apir pa sila ni Erick sa kalokohan nila bago samahan ang bunso nila sa kama.
...
Pagkagising ni Richard ay wala na ang mga kasama nitong mga kuya niya na nakatabi nyang matulog. Nakasanayan na nilang tatlo ang matulog ng magkakasama, sa tuwing matagal na nawawala ang mga kuya niya dahil sa mga misyon.
...
Pagbaba sa kusina ay tanging ang kuya Erick niya ang naabutan nitong kumakain sa hapag.
"Morning bunso, halika sabayan mo na akong kumain." bungad ni Erick sa kapatid.
"Morning, sige kuya." bati ni Richard sa kapatid at pagpayag nito.
"Oo nga pala, asan silang lahat kuya?" tanong ni Richard matapos nitong umupo.
"Si mama inihatid ni papa sa ospital, sila Vince at Baste ay pumunta sa kampo at may importanteng gagawin." sagot ni Erick sa kapatid.
"Ah, buti hindi ka nila kasama kuya?" tanong ni Richard.
"Pass muna ako, dadalawin ko rin ang ate Roxanne mo." sagot ni Erick.
Sandaling natahimik naman si Richard sa narinig sa kuyang si Erick.
"Kung gusto mo kuya, sasamahan kita." mungkahi ni Richard.
"'Di na bunso, pero salamat. Mabuti pa mamasyal ka na lang, pumunta ka sa mall o kaya kahit saan basta yung mag-eenjoy ka." tanggi ni Erick sa kapatid.
"Naiintidihan ko kuya, pero promise nandito lang ako lagi kung gusto mo ng kausap." saad ni Richard.
"Alam ko bunso, pero maiba ako, nabalitaan mo na ba ang malapit ng pag-uwi ng Pilipinas ni Hector?"
Sa narinig sa kapatid ay natigilan si Richard sa pagkain.
"Seryoso kuya? Babalik na si Hector!?" gulat na saad ni Richard.
"Oo, 'yun ang sabi sa'kin ni mama kanina. At mukhang ayaw pang ipasabi sa'yo ni Hector na uuwi siya, pero malas na lang n'ya at sinabi ko na sa'yo."
"Hehe oo nga, siya ang susupresahin ko pagdating niya. Oo nga pala, itatanong ko kay mama kung kailan siya darating at nang masalubong ko siya sa airport." nakangiting saad ni Richard.
"Mabuti pa nga, sigurado akong ikaw lang ang gustong makita ng amboy na 'yon kaya bumalik siya ng Pilipinas." naiiling na saad ni Erick.
"Oo nga, eh asar na asar sa inyo ni kuya Vince 'yon." sang-ayon ni Richard.
...
Sa kampo
"Men, pinaka-priority natin sa misyon nating ito ay mahuli o kaya'y mapatay ang isa pang lider ng mga teroristang grupo. At itong nakikita nyong larawan ngayon sa screen ay walang iba kungdi ang isa pa nilang lider na si Husami Muhamad na kapatid rin ng nauna na nating nahuli ng buhay na si Al Jaggar Muhamad." saad ni Major Manlangit at paliwanag nito sa mga kasamahang sundalo ng kanilang misyon.
"Tama si Major Manlangit at alam kong mapagtatagumpayan natin ang misyon na ito gaya ng naunang misyon ng AFP sa Maguindanao. At heto ang kanilang kinaroroonan ngayon, base sa pinadalang impormasyon ng isa sa ating asset at nakumpirma na rin ito ng kapwa nating sundalo." dagdag na paliwanag naman ni Captain Vince Manalo na minabuting samahan ang kaibigang si Sebastian sa misyon.
Ilang sandali pang ipinaliwanag ni Major Manlangit at Captain Manalo sa mga kasamang sundalo ang estratehiya at gagawing pagsalakay sa lugar na pinagtataguan ng mga natirang miyembro ng mga terorista. Pagkatapos pa nang ilang oras at matiyak na alam na nang lahat ang bawat detalye ng kanilang misyon, naghiwa-hiwalay na ang mga sundalo at muling magkikita-kita matapos ang limang araw na siyang napagkasunduan na petsa ng kanilang pagsalakay sa mga terorista.
Matapos ang ginawang pagpapaliwanag ni Major Manlangit at Captain Manalo, sumabay na rin si Private Lorenzo Velasco sa pag-alis sa mga kasamang sundalo. Habang naghihintay ng masasakyang taxi pauwi sa tinutuluyang apartment ay nakatawag ng pansin ang sumunod na narinig ni Lorenzo.
"Beep! Beep!"
Pagtingin ni Lorenzo sa bumusina ay galing pala ito sa isang dark green na sports car at nakita na lang nito ang pagbaba ng bintana ng driver's seat ng nasabing sasakyan.
"Velasco, pauwi ka na ba?" sigaw ng boses at kasabay nang makilala ni Lorenzo ang boses ay nakita rin nito ang mukha ng kapatid ni Richard na si Captain Vince Manalo.
"Oo sir!" malakas na sagot ni Lorenzo para marinig siya ng kapitan, dahil malakas rin ang ingay ng mga sasakyan sa kalsada.
"Saan ka? Ihahatid na kita." saad ni Vince.
"Hindi na sir! Baka mapalayo ka pa." tanggi ni Lorenzo sa kapitan.
"I insist, wala naman akong gagawin at ayoko pa naman umuwi." pilit pa ni Vince.
"Hindi na sir, isa pa nakakahiya rin." tanggi muli ni Lorenzo.
"Private Velasco, hindi ako sanay na tinatanggihan, isa pa 'wag kang mahiya sa akin dahil ilang araw rin tayong magkakasama sa darating na misyon natin." saad ni Vince at gaya nga ng sabi nito, isa ang pagiging makulit sa ugaling meron ang kapitan.
"Si-sige sir, pero 'wag mo akong sisihin kapag ginabi kang nakauwi." wala nagawa pang saad ni Lorenzo at pumayag na rin sa gusto ng kapitan.
"Hehe, promise hindi kita sisisihin." sagot naman ni Vince.
At sumakay na nga si Lorenzo sa sasakyan ng kapitan. Pagkasakay ay ipinaalam ni Lorenzo ang lugar kung saan ito tumutuloy sa nagmamanehong si Vince.
Ilang minuto na rin nagmamaneho si Vince at napansin nitong tahimik ang kasama, kaya naman para mabasag ang katahimikang 'yon. Inumpisahan nito ang pagtatanong sa kasama.
"Lorenzo, hindi ba nakasama ka ni Chard sa misyon niyo sa Maguindanao?"
Napatingin naman si Lerenzo sa gawi ni Vince at nakita nitong seryosong nakatingin ang kapitan sa daan habang nagmamaneho parin ito.
"Oo sir, kasama rin namin si Major Manlangit." sagot ni Lorenzo.
"I see, pwede bang tanungin kita ng personal na bagay?" tanong ni Vince na nasa daan parin ang mga mata.
"O-okay lang sir." maagap na sagot ni Lorenzo.
"Nalaman ko kay Sebastian na may gusto ka raw kay Richard, ibig ba nitong sabihin ay bading ka?" tanong ni Vince.
Sandaling natigilan si Lorenzo sa narinig na tanong ng kapitan, inaamin niya maging s'ya ay hindi nito alam, kung ano na ang kanyang kasarian dahil ang pagkakaroon niya ng damdamin kay Richard ay unang beses lang niyang maramdaman sa kapwa niya lalake.
"Sa totoo niyan sir, hindi ko rin alam kung ano na ang sekswalidad ko, si Richard palang kasi ang unang lalaking nagustuhan ko." tapat na sagot ni Lorenzo.
"Oh ganun ba, pasensya na sa tanong ko. Gaya mo ganun din ang kaibigang kong si Sebastian at pati na si Chard na unang beses rin na magkagusto sa kapwa rin lalake."
"Ayos lang 'yon sir." saad ni Lorenzo.
Matapos ang pag-uusap na 'yon ay muling bumalot ang katahimikan sa dalawa. At ilang saglit pa ay narating na nila ang apartment na tinutuluyan ni Lorenzo.
"Salamat sir." pasalamat ni Lorenzo at tinanggal na ang seatbelt na suot nito.
"Walang anuman." sagot ni Vince.
Nang tuluyan ng matanggal ni Lorenzo ang seatbelt na suot ay binuksan na nito ang pinto ng sasakyan.
Bago pa tuluyang mabuksan ni Lorenzo ang sasakyan ay...
"Sandali Enzo." tawag ni Vince. Samantalang natigilan naman si Lorenzo ng marinig ang pagtawag na iyon ng kapitan sa kanyang palayaw na matagal na rin niyang hindi naririnig.
"Bakit sir?" tanong ni Lorenzo sa kapitan.
"Mayroon lang akong gustong malaman." sagot ni Vince at inilapit nito ang mukha sa naguguluhang mukha ng kaharap at pinagtapo nito ang mga labi nila ni Lorenzo.
...
Hindi alam ni Rachelle, kung bakit bigla siyang kinabahan, bago niya buksan ang email na ipinadala sa kanya ng private investigator na inirekomenda sa kanya ng kaibigan. Matapos kasi niyang mapanood sa balita ang nangyari sa kanyang iniwang nobyo sa Pilipinas na si Sebastian Manlangit, naisip nitong maghire ng private investigator para malaman ang mga nangyayari sa mahal nitong sundalo. At makalipas lang ang dalawang linggo matapos niyang i-hire ang imbestigador, tumawag ito sa kanya kanina na ipapadala niya sa pamamagitan ng e-mail ang mga nalaman nito patungkol kay Sebastian. At ngayon nga ay nakatutok ang kanyang mga mata sa screen na kanyang laptop at sa isang pindot lang ng kanyang daliri ay malalaman na nito ang mga impormasyon patungkol kay Sebastian. Kasabay ng paghinga nito ng malalim, pinindot ni Rachelle ang keyboard ng laptop at bumulaga sa kanya ang 'di niya inaasahang katotohanan.
"No! This can't be true!" malakas na saad ni Rachelle sa nakitang mga larawan. Ito'y mga larawan ni Sebastian habang may kahalikan itong kapwa rin niya lalaki.
'This is impossible, lalaki si Sebastian at hindi siya magkakagusto sa lalaki.' naiiling na saad sa sarili ni Rachelle.
...
Sa ikatlong araw ni Sebastian sa pamamahay ng mga Manalo, maaga itong gumising at naisip nitong magjogging dahil ilang araw na rin niya itong hindi nagagawa.
Paglabas niya ng kwarto ay kasabay din nagbukas ang pinto ng katabing kwarto na pagmamay-ari ni Richard.
"Baste, ang aga mong nagising? Magjojoging ka?" mga tanong ni Richard ng makita ang ayos ni Sebastian.
"Yes baby, gusto mo bang samahan ako?" sagot at tanong ni Sebastian pabalik.
"Hindi na Baste, may pupuntahan kasi ako." sagot ni Richard.
"Saan ka pupunta? Ang aga naman yata?" usisa ni Sebastian.
"May susunduin lang kami ni mama." sagot ni Richard.
"Sinong susunduin niyo?" tanong muli ni Sebastian.
"Sandali Major Manlangit, imbestigador ka na rin ba ngayon?" tanong pabalik ni Richard ng makahalata sa pagtatanong sa kanya ng Komandante.
"Hindi naman baby, gusto ko lang malaman."
"Malalaman mo mamaya sir, sige puputahan ko na si mama at baka tulog parin siya." saad ni Richard at papunta na sana sa kwarto ng mga magulang.
"Oops may nakakalimutan ka pa baby." saad ni Sebastian na kaagad nahuli ang isang kamay ni Richard.
"Anong nakali-." hindi na natapos pang tanong ni Richard ng hilahin siya ni Sebastian at sa isang-iglap lang ay hinagkan ng huli ang kanyang mga labi.
"Yan ang nakalimutan mo baby, para ganahan ako sa gagawin kong pagtakbo." nakangising saad ni Sebastian.
"Ang dami mo talagang alam Baste, sige na pupuntahan ko na si mama at baka makita pa tayo nila kuya at aasarin na naman tayo ng mga 'yon." naiiling na saad ni Richard pero inaamin niya na namiss niya ang mga labing 'yon ni Sebastian.
"Ikaw kasi baby, bakit hindi ka na lang sa kwarto ko matulog." suhestyon ni Sebastian na nakangisi pa sa mga oras na 'yon.
"Naku Major Manlangit, sumunod na lang tayo kay papa at baka magbago pa ang isip nun." paalala ni Richard.
'Oo nga pala.' saad sa isip ni Sebastian na muntik ng madulas sa kasunduan nila ng Heneral.
...
Gaya nga ng nalaman ni Richard sa mommy niyang si Aurora. Kasalukuyan nilang hinihintay ang pagdating ng kanyang kababatang si Hector na matagal rin niyang hindi nakita, magmula ng umalis ito patungo ng Amerika.
Ilang saglit pa at dumating na ang eroplanong lulan ang kababata ni Richard, na si Hector.
"Hector!" sigaw ni Aurora. Napatingin ang half American at half Filipino na si Hector sa gawi ng tumawag sa kanyang pangalan at kaagad niyang nakilala ang pamilyar na mukha ng kanyang ninang, na si Aurora.
"Aunt Rora!" masayang saad ni Hector at mabilis na nilapitan ang kanyang ninang.
Nakita ni Richard ang papalapit sa kanilang lalaki at inaaamin niya na napakalaki ng pinagbago ng kanyang kababata. Ang chubby nitong pangangatawan noong bata pa sila ay napalitan ng makisig at parang modelo itong naglalakad habang papalapit sa kanila ng kanyang mama
"Richard, ikaw na ba yan?" baling ni Hector kay Richard, habang kasalukuyang nakayapakap ito sa ninang Aurora n'ya.
"Oo, ikaw na ba talaga si Hector." 'di parin makapaniwalang saad ni Richard.
"Yeah, ako nga ito." sagot ni Hector na masaya na muling makita ang kababata.
"Hindi na kita nakilala, ang laki ng pinagbago mo." saad ni Richard.
"Ikaw rin, namiss kita Richi." saad ni Hector.
"No, not that nickname again Hecky at namiss rin kita." balik nito sa palayaw na tawag niya noon kay Hector.
"Glad, that you still remember me." saad ni Hector at yakap ng mahigpit kay Richard.
"I can't wait to see also, your two annoying brothers." saad pa ni Hector pagkahiwalay sa yakapan nila ni Richard.
"Don't worry Hector, their still the same old annoying brothers of mine." sagot ni Richard.
"How about you ninang? Are you still working as a midwife?" tanong ni Hector sa ninang niya na siya ring nagpanganak sa mama niya nung pinagbubuntis siya nito.
"Yes inaanak, how about your mom and dad, how are they?" sagot ni Aurora at tanong rin sa inaanak.
"Si papa still with the company, while mom's busy with her new hobby which is baking cakes and more cakes." natatawang kwento ni Hector.
"Mama and tita will surely get along." bulong ni Richard sa tenga ni Hector na ikinatawa ng huli.
...
Sa bahay ng mga Manalo dumiretso si Hector sa nais na rin ng ninang Aurora niya. Masaya si Hector na katulad parin ang pagtanggap sa kanya ng mga Manalo at inaamin niya na namiss niya ang mga ito na isa sa dahilan kaya nasasabik siyang makabalik ng Pilipinas.
Pagdating sa bahay ng mga Manalo ay kaagad nagpahanda ng tanghalian si Aurora sa mga kasambahay para na rin sa bisita nilang si Hector.
Samantala, sinamahan naman ni Richard si Hector sa magiging silid nito, habang hindi pa ito nakakahanap ng pansamantala nitong tutuluyan.
"Hector, just like the old times, feel at home." saad ni Richard ng makapasok sila ni Hector sa silid ng huli.
"Salamat Richi." pasalamat ni Hector.
"Come on leave your bags, sigurado nakapaghanda na ng pagkain natin si mama." yaya ni Richard sa kababata.
"Go ahead first, I'll just unpack some of my gifts for everyone." sagot ni Hector.
"Ok, just be quick." saad ni Richard at iniwanan na nito si Hector.
...
Sa hapag ay nakahanda na ang tanghalian sa mga oras na 'yon. Nandoon na rin at nakaupo na ang buong pamilya Manalo pati na si Sebastian.
Samantala, habang hinihintay nila ang pagsama sa kanila ni Hector para sabay-sabay na silang kumain. Si Sebastian ay nalaman na sa mga kaibigan kung sino ang bisitang tinutukoy kanina ni Richard at sa nalamang kababata 'yon ng huli at bukod dun ay lalaki pa ito, nagsisimula na naman na makaramdam ng selos ang Komandante lalo pa't nalaman rin nito sa mga kaibigan na close na close ang dalawa nung mga bata pa sila.
Ilang saglit pa nga at sinamahan na sila ni Hector.
"Hi tito, kuya Vince, kuya Erick and who is he?" bati ni Hector sa mag-aama at tanong nito sa 'di pamilyar na mukha.
Dahil sa kanya bumaling ng tingin ang kababata sa tanong nito kung sino si Sebastian, sinagot naman ni Richard ang tanong na 'yon ni Hector.
"He's Sebastian and kaibigan siya nila kuya Erick at kuya Vince."
Hindi na nagulat pa si Sebastian sa narinig na pakilala sa kanya ni Richard.
"Oh, hi Sebastian, I'm Hector and Richard's soon to be husband." saad ni Hector at pakilala pa nito kay Sebastian.
"What?!" gulat na saad ni Richard at napatingin ito kay Hector na may malapad na ngiti sa mukha sa mga sandaling 'yon.
Samantala, masamang tingin naman ang ipinukol ni Sebastian kay Hector sa 'di niya nagustuhang narinig na sinabi ng huli.
"Oh come on love, remember when we were younger and we had this promised na pakakasalan natin ang isa't-isa kapag bumalik ako ng Pilipinas at wala ka pang asawa?" paalala ni Hector kay Richard sa sumpaan nila noon.
"Hector, that was just a silly promised and it happened because we're both just a kid." paliwanag naman ni Richard at napatingin kay Sebastian at kita nitong seryoso ang mukhang meron ang Komandante.
"But I'm very much serious about it or are you telling me, that it is not possible 'cause you're already inlove with someone else?" saad ni Hector at tanong nito kay Richard.
Mula pa kanina ay nasa dalawa na ang atensyon ng mga kasama nila sa hapag.
Ang mga kapatid ni Richard ay hindi na makapaghintay kung ano ang magiging reaksyon ng kanilang kaibigan na si Sebastian sa mga nalaman nito sa bisita nila.
Ang Heneral naman ay interesado rin kung anong magiging sagot ng anak sa tanong na 'yon ng inaanak.
Si Aurora ay lihim na natutuwa sa inaanak at excited din na marinig ang sagot ni Richard.
Samantala, gustong-gusto ng magsalita ni Sebastian para sagutin ang tanong na 'yon ni Hector at ipaalam na siya ang mahal ni Richard, ngunit pinigil nito ang sarili, inisip nitong tanging ang huli lang ang dapat sumagot sa tanong na 'yon ni Hector.
"You're right Hector, I'm already inlove with someone at ang taong 'yon ay si Sebastian." sagot ni Richard kay Hector at tumingin ito sa mukha ni Sebastian.
Ibayong tuwa at saya ang nararamdaman ni Sebastian sa narinig na 'yon kay Richard, kaya naman ang inis at selos na nararamdaman niya dulot ng bisita ng mga Manalo ay nawala na nang parang bula.
Hindi naman na nagulat ang mga lalaking miyembro ng pamilya Manalo sa narinig kay Richard, pero gulat na gulat si Aurora sa mga nalaman.
"You heard him, we're inlove with each other and it's me that Richard will be going to marry soon." saad naman ni Sebastian.
Naramdaman ni Richard na uminit ang mukha niya sa narinig na 'yon kay Sebastian at nakita rin nito ang mga masayang mukha ng mga kapatid.
"Sandali! Ako na lang ba ang hindi nakakaalam na may relasyon kayong dalawa?" baling ni Aurora kay Richard at Sebastian.
Natigilan naman ang lahat sa narinig na sinabing 'yon ni Aurora.
"Mom, hindi pa kami opisyal na magnobyo ni Baste, pero mahal namin ang isa't-isa." sagot ni Richard sa mama nito.
"Tama po si Richard, tita. At sana hayaan niyo ako sa panliligaw sa anak niyo." saad naman ni Sebastian.
Kinabahan naman sina Richard at Sebastian dahil nananatiling tahimik ang ginang.
"Ano pang magagawa ko, sige payag na'ko basta 'wag mo lang sasaktan ang anak ko." saad ni Aurora at kondisyon nito kay Sebastian.
"Makakaasa po kayo." maagap na sagot ni Sebastian.
"Oh by the way Richard and Sebastian, I'm already engaged." saad ni Hector sabay pakita nito sa singsing na suot sa daliri.
"What!" gulat na saad ni Richard at napatingin kay Hector.
Samantala, sumunod ang mga tawanan pagkatapos ng reaksyon na 'yon ni Richard.
At si Aurora na ang nagpaliwanag kila Richard at Sebastian, na planado nito ang lahat para mapaamin n'ya ang dalawa, na buong akala ng ginang na wala pang alam ang asawa at ang mga anak nila tungkol sa dalawa.