Hindi parin makapaniwala si Richard na ikakasal na ang kababata nito at ito rin ang dahilan ni Hector kung bakit ito umuwi ng Pilipinas. Masaya si Richard para sa kaibigan at nakilala rin nito ang pakakasalan ni Hector, inaamin niya na nagulat siya ng malaman na lalaki rin ang magiging asawa nito. At abala ito sa pakikipag-usap sa fiancee ni Hector ng sumagi sa isip niya ang sinabi ni Sebastian kanina.
"You heard him, we're inlove with each other and it's me that Richard will be going to marry soon."
Inaamin ni Richard na sobrang kinilig ito sa narinig niya kanina, na sa ilang buwan palang na magkakilala sila ni Sebastian ay sumagi na sa isip ng huli ang bagay na 'yon. Ganun man, umaasa si Richard na sana'y mangyari sa kanilang dalawa 'yon ni Sebastian balang araw.
...
Samantala, dumating na sa Amerika si Rachelle na galing nang France. Dito niya sisimulan ang mga plano, para mabawi ang kaisa-isang lalaking mahal niya. Hindi ito makakapayag na sa isang lalaki lang siya ipagpapalit ni Sebastian, kaya gagawin niya ang lahat na makakaya niya para mapasakanya muli ang sundalong pinakamamahal niya.
...
Hindi nakatulog ng maayos si Private Lorenzo Velasco, sariwa pa sa kanyang isip ang mga ginawa nila ni Captain Vince Manalo. Hindi rin niya alam kung bakit nagpatianod lang siya sa mga kilos na 'yon ni Vince at ang halikan na nagsimula sa sasakyan ng kapitan ay nauwi sa mainit na pag-iisa ng kanilang katawan sa inuupahan niyang apartment. Alam rin niyang hindi niya maiiwasan na muling magkita sila nito at gustong-gusto ng iuntog ni Lorenzo ang sariling ulo dahil sa nangyari.
'Bakit ba hindi ako tumutol, ano bang nangyari sa'kin?' kausap ni Lorenzo sa sarili.
...
Hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Captain Vince Manalo matapos maalala ang mga nangyari sa kanila ni Lorenzo. Inaamin niya na gusto lang niyang malaman kung bakit na attract ang kapatid na si Richard at ang kaibigang si Sebastian sa isa't-isa. Kaya ang maranasan ito sa kapwa niya lalaki, ang naisip niyang paraan para masagot ang kuryosidad na iyon ng kapitan.
Napansin ni Erick ang mga ngiting 'yon ng katabing si Vince habang naririto sila sa sala at nanonood.
"Alam ko ang mga ngiting 'yan kapitan, 'wag mong sabihing may bago ka na namang pinaglalaruan." naiiling na saad ni Erick. Sa kanilang tatlong magkakapatid, alam nila ni Richard na mapaglaro ang kapatid pagdating sa pag-ibig.
"Kilala mo talaga ako kuya, 'wag kang mag-alala, malabong mabubuntis ko siya sa pagkakataong ito." ngising sagot ni Vince sa kapatid.
Natigilan si Erick sa narinig at nanlalaking mata itong bumaling sa nakangisi parin na si Vince.
"Anak ng! Sinasabi ko sa'yo Vince, darating ang araw na makikita mo rin ang katapat mo." naiiling na saad ni Erick at pangaral pa sa kapatid.
"Malabong mangyari 'yon kuya, ang sabi nga nila, collect and collect but never ever select." natatawang saad ni Vince na binago pa ang kasabihan.
...
"Handa ka na ba baby?" tanong ni Sebastian kay Richard.
"Pwedeng time-out muna sir?" balik na tanong ni Richard.
"Baby naman, akala ko ba may round two?" nakangusong saad ni Sebastian.
"Sir naman, maawa ka naman sa akin, ayaw mo bang maghanap na lang ng iba, okay lang sa akin." sagot ni Richard, ewan ba niya kung bakit napakalakas ng stamina ng Komandante pagdating sa s*x.
"Baby naman, pinamimigay mo na ba ako, nagsawa ka na ba sa'kin?" nakanguso parin na saad ni Sebastian.
Hindi alam ni Richard kung maaawa ito o matatawa sa itsurang 'yon ng Komandante.
"Sir mabuti pa matulog na tayo, sigurado akong kailangan mo pang gumising ng maaga bukas." kumbinsi at rason pa ni Richard.
"Sige na baby, kahit ako na lang ang trumabaho." pakiusap ni Sebastian na hindi parin humuhupa ang nararamdamang pananabik sa tuwing kasiping si Richard.
"Hay ano pang magagawa ko, pero sa-sandali nga, anong ginawa mo para mapapayag ang mga kuya ko na magtabi tayong matulog?" tanong ni Richard, dahil alam nitong tuso ang mga kapatid at 'di basta hahayaan na lang sila ni Sebastian.
"Secret 'yon baby, dali na gawa na ulit tayo ng baby." saad ni Sebastian at muling hinawakan ang puwet ni Richard, na katatapos lang nitong pasukin.
"Baste!" gulat na reaksyon ni Richard sabay palo nito sa kamay ni Sebastian.
"Sige na baby, alam mo naman na ilang linggo rin akong tigang." sumamo pa ni Sebastian.
'Ano ba 'tong napasok ko?' saad ni Richard sa sarili dahil alam nitong kukulitin siya ng Komandante hangga't hindi ito nakakadalawang round.
"Sige na nga, pero last na ito Major Sebastian Manlangit dahil kapag humirit ka pa ng isa pa, manigas kang mag-isa mo." sukong saad ni Richard at banta pa nito sa Komandante.
"Promise last round na 'to at tama ka, talagang matigas ito lalo na't dahil 'yon sayo." saad ni Sebastian at ginawang biro lang ang banta na 'yon ni Richard.
"Malibog." naiiling sa saad ni Richard.
"I love you too baby." sagot lang ni Sebastian kay Richard sa sinabing 'yon ng huli.
"Mahal mo ako, o dahil lang 'yon sa katawan ko." saad ni Richard.
Sa sinabing 'yon ni Richard ay nakita nito ang pagseryoso ng mukha ni Sebastian, nabatid ng una na 'di nagustuhan ng huli ang narinig nito. Kasunod nga nun ay humiwalay ang katawan ni Sebastian sa kanya, na kanina lang ay hindi na makapaghintay na muling magtagpo ang mga katawan nila.
"Alam mong totoong mahal kita Richard, pasensya na kung naging mapilit ako." saad ni Sebastian na nanatiling seryoso ang mukha at bago pa makasagot si Richard ay mabilis na nagsuot ng mga damit ang Komandante at lumabas na ng kwarto.
Pag-alis ni Sebastian ay nagsisisi si Richard sa mga nasabi at nagawa nito. Hindi niya intensyon na saktan ang damdamin ng Komandante at gusto man nitong sundan ito, minabuti ni Richard na hayaan na lang muna si Sebastian.
...
Napatingin ang magkapatid na nanood parin ng tv sa mga oras na 'yon, sa lumabas na si Sebastian sa kwarto ni Richard.
Pansin rin ng dalawa ang seryosong mukha ng kaibigan, na kabaligtaran ng masayang mukha nito nang pagbigyan nila na samahan si Richard sa kanyang kwarto.
"Mga tol, inom tayo." saad ni Sebastian ng lumapit sa kinaroroonan nila Vince at Erick
Nagkatinginan ang magkapatid at batid nilang kailangan sila ngayon ng kaibigan.
"Sige tol, kuya dun na kayo sa hardin ni Baste at kukuha lang ako ng alak na iinumin natin." saad ni Vince at tumayo na para tunguhin ang mini bar ng kanilang bahay.
"Sige, damihan mo na ang kunin mo at matagal na rin akong 'di nakakainom ng alak." sagot ni Erick.
"Tara tol." baling naman nito kay Sebastian at inakbayan nito ang seryoso parin na kaibigan.
...
Makalipas ang isang oras na pag-iinuman nilang magkakaibigan at batid ni Erick na may gumugulo sa isipan ni Sebastian, na dahilan ng kanilang pag-inom, minabuti na nito na pag-usapan na nila ang bagay na 'yon.
"Sabihin mo na tol kung anong problema mo, makikinig kami ni Vince." simula ni Erick.
Napatingin si Sebastian sa nagsalitang kaibigan at bago sagutin ito, nilagok na muna niya ang basong hawak na may lamang alak.
"Hindi naman sa may problema ako tol, hindi ko lang maiwasan na magtampo sa kapatid mo." saad ni Sebastian sa damdamin nito.
"Oh anong nagawa ni bunso." tanong ni Erick. Minabuti naman ni Vince na makinig na lang sa usapan ng dalawa.
"Sa totoo niyan tol, hindi naman kami nag-away at sa tingin ko'y mababaw lang na dahilan ito para sa inyo ni Vince." umpisang kwento ni Sebastian sa nangyari.
Mataman naman na nakikinig ang magkapatid sa kaibigan.
Nagpatuloy naman si Sebastian sa pagkukwento.
"'Yun nga, alam kong lalaki rin kayo at maiintindihan niyo ako, lalo na kapag ang usapin ay tungkol sa pakikipagtalik, nakulitan siguro sa akin ang kapatid niyo kaya nasabi rin niya ang ganung bagay."
Naiintindihan naman ni Erick at Vince ang naging saloobin ng kaibigan.
"Gaya nga ng sabi mo tol, alam kong alam mo na 'di sinadya ni Richard ang nasabi niya at sigurado kami ni Vince na nagsisi na 'yon ng malaman niyang hindi mo nagustuhan ang mga nasabi niya sa'yo." saad ni Erick.
"Tama si kuya tol, isa pa normal lang na magtampo ka dahil dun at para kasing kinwestyon ni Chard ang nararamdaman mo sa kanya, pero nanggaling na rin sa'yo na baka nakulitan lang si bunso." saad naman ni Vince.
Sa mga narinig sa mga kaibigan ay unti-unting naliwanagan si Sebastian. Alam niyang mahal nila ni Richard ang isa't-isa at tama ang kaibigang si Erick sa sinabi nitong hindi sadya ng bunso nila, ang mga nasabi nito.
"Salamat sa pakikinig at payo ninyo mga tol, asahan niyo lalawakin ko pa ang pang-unawa ko pagdating sa kapatid niyo." saad ni Sebastian.
"Wala yon tol, isa pa darating din ang araw na magiging bayaw ka rin namin ni Vince." nakangiting saad ni Erick.
"Kaya naman, kampay tayo para dyan." saad ni Vince.
"Para sa pagiging magbayaw!" saad muli ni Vince at taas nito sa basong hawak.
Kaagad naman sumunod si Erick at Sebastian sa gustong mangyari ni Vince.
"Cheers para kay bayaw!" saad ni Erick.
"Cheers salamat mga bayaw!" sagot ni Sebastian sa mga kaibigan.
...
Kinaumagahan, nagising si Richard na wala sa tabi niya si Sebastian.
'Galit parin siguro sa nasabi ko.' saad sa isip ni Richard.
Minabuti nang bumangon ni Richard para makapag-usap sila kaagad ni Sebastian, hihingi ito ng tawad sa huli at ipapaliwanag na walang ibig sabihin ang mga nasabi nito.
Matapos maayos ang kama ay nagtungo na sa pinto si Richard, bubuksan pa lang sana niya ang pinto ng bumukas ito bago pa niya mahawakan ang door knob.
Pagbukas ng pinto ay bumungad ang bagong ligong si Sebastian at may hawak na tray na punong-puno ng mga pagkain.
"Morning baby." nakangiting bati ni Sebastian sa natigilang si Richard.
"Breakfast in bed sana ito, kaya lang nakabangon ka na pala." saad muli ni Sebastian na nilapag ang dalang mga pagkain sa maliit na mesang malapit sa kama ni Richard.
"Baste, I'm sorry." nakayukong saad ni Richard.
"I'm sorry rin baby, don't worry hindi ako galit sa'yo at heto nga may dala akong breakfast bilang peace offering." saad ni Sebastian at hinakawan ang baba ni Richard at itinaas nito ang nakayukong mukha ng huli.
"Kung hindi ka galit sa'kin, bakit hindi mo ko tinabihang matulog." saad ni Richard.
"Alam mo baby, ang makatabi kita palagi ang gustong-gusto kong mangyari, hindi mo ba natatandaan na magdamag mo akong yakap?" sagot ni Sebastian.
"Talaga sir?!" nakangiting tanong ni Richard, na buong akala'y hindi kasamang natulog si Sebastian.
"Yes baby at alam ko rin na hindi mo sinadya ang mga nasabi mo, mabuti pa kumain ka na, pagkatapos ay may pupuntahan pa tayo." nakangiting saad ni Sebastian at hinalikan ang noo ni Richard.
"Sige sir, pero sabayan mo ako." nakangiting saad ni Richard at masaya itong ayos na sila ni Sebastian.
...
Maaga naman umalis si Major Erick Manalo para muling bisitahin ang nobya nitong si Roxanne.
Matapos ang humigit kumulang na isang oras na biyahe, narating din nito ang ospital.
Mabilis na tinungo ni Erick ang ICU ng nasabing ospital. Dito sa bahaging ito, nakaratay ang nobya nitong si Roxanne, na limang buwan ng wala paring malay dulot ng isang aksidente sa kalsada.
Pagapasok sa ICU ay nadatnan niyang naroroon at nagbabantay ang nakababatang kapatid na lalaki ni Roxanne na si Hansel.
"Sir." saad ni Hansel, nang makita ang pagpasok ng nobyo ng kanyang ate.
Hindi pinansin ni Erick ang pagbati na iyon ni Hansel.
"Anong balita sa lagay ni Roxanne?" tanong ni Erick kay Hansel at nanatiling sa nakaratay na nobya ang kanyang mga mata.
Hindi na nagtaka pa si Hansel sa malamig na pakikitungo ng Komandante, ganun man ay sinagot parin nito ang tanong na 'yon ng huli.
"Wa-wala pa kuya, gaya parin ng dati, walang katiyakan kung magigising pa si a-ate." sagot ni Hansel, na 'di maiwasang maiyak sa hindi bumubuting lagay ng kanyang ate.
Napabuntong hininga na lamang si Erick sa narinig kay Hansel. Inaamin ni Erick, bukod sa sinisisi nito si Hansel sa nangyari sa kanyang nobya, sinisisi rin nito ang kanyang sarili.
"Ku-kuya, I'm sorry, alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo ni ate at hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko, kung sana hindi nangyari-."
"Pwede bang tumigil ka na!" galit na saad ni Erick at putol nito sa mga sasabihin pa ni Hansel.
"I-Im sorry kuya." saad ni Hansel na napayuko pa dahil sa takot nito sa galit na Komandante.
"Kung sana-." 'di na natuloy na saad ni Erick ng pumasok ang doktor sa kwarto para tignan ang lagay ng pasyente.
"Dok." saad ni Hansel pagkapasok ni Dr. Zamora.
"Here, take this." saad ni Dr. Zamora kay Hansel, sabay abot nito ng panyo sa huli dahil sa nakita nitong mugtong mga mata ni Hansel.
"Salamat po dok." saad na pasalamat ni Hansel at inabot nito ang panyo.
Napansin ni Erick ang ginawa ng doktor at ang pagtanggap ni Hansel sa panyo nito, kaya naman napakunot-noo ito sa nakita.
Tahimik lamang si Erick at Hansel habang ginagawa ni Dr. Zamora ang pagcheck nito kay Roxanne at ilang minuto rin na nagtagal ang doktor sa pagtingin sa pasyente.
"So, how is she dok?" tanong ni Erick sa doktor.
"She still in a coma and there's no sign that she was able to wake up anytime soon. I'm sorry, I know it's hard for both of you, but all we have left is to pray and hope for her recovery." malungkot at simpatya ni Dr. Zamora sa mga mahal sa buhay ng pasyente.
Sa narinig ay napaiyak muli si Hansel sa lagay ng kapatid.
'I'm sorry ate.' saad sa sarili ni Hansel.
Si Erick man ay pinipigilan rin nito ang maiyak sa nalaman sa doktor.
'I'm sorry Roxanne.' saad sa isip ni Erick at hinawakan ang parang wala paring buhay na kamay ng nobya.
...
Gaya ng dati, tahimik lang na pinagmamasdan ni Richard ang mga dinadaanan nila ni Sebastian, habang patuloy naman sa pagmamaneho ang huli, patungo sa pupuntahan nila.
Makalipas ang ilan pang minuto ay huminto na ang minamanehong sasakyan ni Sebastian.
Sandaling tinignan ni Richard ang paligid at kita niya ang mga mayayabong na puno sa lugar.
"Tara na baby." yakag ni Sebastian na nakalahad pa ang isang kamay, pagbukas nito sa pinto ng sasakyan para bumaba na si Richard.
Inabot ni Richard ang kamay na 'yon ni Sebastian at habang magkahawak ang kanilang mga kamay, hinayaan nito ang huli at nanatiling itong nakasunod kung saan man ang punta nila.
Ilang minuto rin sila ni Sebastian sa paglalakad at nabatid ni Richard na nasa gitna na sila ng kakahuyan, dahil kahit saan nito ibaling ang kanyang tingin ay mayayabong na mga puno ang bumubungad sa kanya.
"Baste hindi mo naman siguro ako iiwanan dito, hindi ba?" kabang saad ni Richard, na napahigpit pa ang kapit sa kamay ni Sebastian.
Lihim na napangiti si Sebastian sa narinig, sa ilang linggo na nakilala nito ang bunso ng Heneral, marami itong natuklasan tungkol rito, hindi niya inasahan na sa likod ng matapang na sundalong una niyang nakilala sa Maguindanao ay marami pala itong kinatatakutan. At ang tulungang harapin ni Richard ang mga kinatatakutan nito, ang isa mga gustong gawin ni Sebastian.
"Don't worry baby, may mga baboy ramo, mga ahas at mga leon lang naman ang nakatira sa gubat na ito." saad ni Sebastian para matakot pa si Richard.
"Baste!" malakas na saad ni Richard sa narinig nito sa kasama at mahigpit muling hinawakan ang kamay ni Sebastian.
"Hahaha, matatakutin pala ang baby ko." nakangiting saad ni Sebastian at pagtingin nito sa mukha ni Richard ay halata nito ang takot ng huli.
"Major Manlangit, humanda ka talaga sa'kin kapag nakalabas na tayo dito." inis na saad ni Richard at 'di niya inaasahan na sa isang gubat ang punta nila ng Komandante.
"Tignan natin bukas, baby." saad ni Sebastian.
"Ba-baste anong ibig mong sabihin?" kabang tanong ni Richard.
"Dito tayo magpapalipas ng gabi." kaagad na sagot ni Sebastian.
"Ano! Ba-bakit? Baste 'wag mo akong pinagbibiro, anong gagawin natin dito?" kabang reaksyon ni Richard sa nalaman at tanong nito kay Sebastian.
"Narinig mo na ba ang salitang camping baby? 'Yun ang gagawin natin." paliwanag ni Sebastian.
"Pe-pero, hindi ba ang sabi mo, maraming mababangis na mga hayop na naririto sa gubat?" kabang saad ni Richard.
Isang tango lang ang naging sagot ni Sebastian. Kaya naman...
"Baste, umuwi na lang tayo, ayoko dito at natatakot ako kapag nasa gubat ako." saad ng takot na takot na si Richard.
Tama nga ang mga kapatid ni Richard sa nalaman ni Sebastian sa mga ito. Kagabi sa pag-iinuman nilang magkakaibigan, naikwento ng dalawa ang takot ng kanilang kapatid sa gubat, hindi alam ng dalawa kung anong naging dahilan kung bakit ganun na lang ang takot ng kanilang bunso kapag nasa gubat na ito. Ang tanging alam ng dalawa ay nagsimula ito matapos ang ginawang camping ng kapatid nila noong nasa elementarya ito.
Sa nakitang takot ng kanyang mahal ay mabilis na ikinulong ni Sebastian sa kanyang mga bisig ang takot na takot parin na si Richard.
"It's okay baby, nandito lang ako, promise hindi kita iiwan." pangako ni Sebastian, habang mahigpit paring yakap si Richard.
"Natatakot ako sir." saad ni Richard na naiyak na rin sa mga sandaling 'yon.
"Baby, nandito lang ako at pwede mong ikwento sa akin kung bakit ka takot sa tuwing nasa gubat ka." saad ni Sebastian at hinalikan ang ulo ni Richard para maibsan ang takot na nadarama parin ng huli.
...
Samantala sa Ospital.
"Kuya, bibili lang ako saglit ng makakain, ikaw anong gusto mo para maibili na rin kita" paalam at tanong ni Hansel sa Komandante.
"Ayos lang ako." maikling sagot ni Erick at nanatiling pinagmamasdan si Roxanne.
"Si-sige, pero ibibili na rin kita at kainin mo na lang kapag nagutom ka." saad ni Hansel at lumabas na ito para bumili ng pagkain.
Habang papunta si Hansel sa malapit na karinderya sa ospital, nahagip nito ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.
'Anong ginagawa niya dito?' saad sa isip ni Hansel at mabilis itong bumalik ng ospital para sundan ang lalaki bago pa ito makarating sa kinaroroonan ng kanyang ate.
Tama nga ang naging hinala ni Hansel at nakita nito ang pagpasok ng lalaki sa ospital, kaya naman bago pa makagawa ng gulo ito ay mabilis na hinabol ni Hansel ang lalaki.
"Benedict!" sigaw ni Hansel para makuha ang pansin ng lalaki.
Sa narinig na tumawag sa kanyang pangalan ay huminto sa paglalakad ang lalaki.
"Hansel, bakit mo 'ko tinawag?" tanong ng lalaki ng makalapit si Hansel sa kanya.
"Nandyan si kuya Erick, pakiusap hayaan mo muna siyang umalis bago ka dumalaw kay ate." pakiusap ni Hansel.
"Ano! Pakialam ko sa gagong 'yon, pupuntahan ko si Roxanne kahit naroon pa ang sundalong 'yon." galit na saad ni Benedict.
"Gusto mo ba talagang gumawa ng gulo don? Para na lang kay ate, alam mong karapatan niyang siya ang magsabi ng totoo kay kuya Erick." saad ni Hansel.
Sandaling natahimik ang lalaki at pinag-isipan ang mga sinabi ng kapatid ng babaeng pinakamamahal niya.
"Sige, pero bukas babalik ako at kahit nandito parin ang lalakeng 'yon ay wala na akong pakialam." saad ni Benedict at lumabas na ito ng ospital.
Nakahinga ng maluwag si Hansel kahit papaano, pero alam niyang pansamantala lang ang lahat, kaya gagawa siya ng paraan para 'wag na munang dumalaw si Erick sa kanyang ate bukas. Bumalik na rin ito sa karinderya, para bumili ng mga kakainin nila ng lalaking matagal niya nang lihim na minamahal.
...
Gaya nga ng plano ni Sebastian, tutulungan niya si Richard na maharap ang mga takot ng huli. Kasalukuyan silang naririto parin sa gitna ng kakahuyan at hinihintay nila ang pagdating ng dalawang taong nagbabantay dito sa gubat, para dalhin sa kanila ang mga gagamitin nila sa gagawin nilang camping mamayang gabi.
Kahit papaano ay nabawasan na ang takot ni Richard sa tulong na rin ni Sebastian. Nasa taas ngayong ng puno ng niyog ang Komandante, na kasalukuyang kumukuha ng mga bunga ng nasabing puno.
Abala naman si Richard sa pag-iipon sa mga hinuhulog na mga buko ni Sebastian, lalo pang humanga ang una, sa mga nalaman na mga kayang gawin ng Komandante, na ngayon lamang niya natutuklasan.
"Sir, marami na ito, pwede ka ng bumaba!" sigaw ni Richard, para marinig siya nang nasa puno parin ng niyog na Komandante.
"Sige baby!" sagot ni Sebastian na ikinapula ng mukha ni Richard ng mapansin nito, na malapit ng makarating ang dalawang lalaking nakausap ni Sebastian kanina para dalhin ang mga gagamitin nila.
"Sir, heto na po 'yung mga pinakuha ninyo." saad ng isang lalaki, na sa tingin ni Richard ay kaedad lang niya.
"Salamat kuya, hintayin niyo na ang kasama ko at pababa na rin 'yon." sagot ni Richard.
"Sige sir." sagot ng lalaki.
"Mga tol, salamat sa inyo, heto tanggapin ninyo kahit pambili lang ng maiinom." saad ni Sebastian pagkababa nito sa puno sabay abot nito ng isang libo sa dalawang lalaki.
"Naku sir, 'wag na nakakahiya naman." tanggi ng lalaking kausap ni Richard kanina.
"Tanggapin niyo na kuya at inabala namin kayo." saad ni Richard at ito na ang nag-abot ng pera sa lalaking nanatili lang na tahimik magmula pa kanina.
"Salamat mga sir at tawag lang kayo kung may kailangan pa kayo." saad ng lalaking kaedad ni Richard.
"Sige kuya salamat ulit." sagot ni Richard.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Sebastian at inihanda nito ang mga gamit, para maitayo kaagad ang tent na magiging silong nila ni Richard mamayang gabi.
Tumulong naman si Richard sa paghahanap ng mga sanga at kahoy na gagamitin nilang bonfire mamayang gabi ni Sebastian. Gamit ang walis tingting ay nilinis rin nito ang paligid nang kanilang tent.
"Baby nagugutom ka na ba?" tanong ni Sebastian pagkatapos magwalis ni Richard.
"Okay lang ako sir, paano ba 'yan? At tutulungan na kita." sagot at tanong ni Richard kay Sebastian na abala parin sa pagtatayo ng tent.
"Di na baby, malapit na rin matapos ito." sagot ni Sebastian.
...
Abala si Captain Vince Manalo sa pagtawag sa numero ni Private Lorenzo Velasco, pero palagi lang itong nag-riring at hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag.
Kaya naman naisipan nang mapaglarong sundalo, na puntahan na lang sa apartment ang bagong pagkakabalahan niya.
...
Alam ni Lorenzo ang pagtawag sa kanya ng kapitan, pero minabuti nitong 'wag sagutin ang tawag na 'yon, dahil wala naman itong gustong sabihin sa sundalo, na hindi naman niya lubusang kilala pero nagawa nitong hayaan na may mangyari sa kanilang dalawa.
'Yon na ang una at huling beses na mangyayari ang bagay na 'yon.' tatak sa isip ni Lorenzo.
Inabala na lang ni Lorenzo ang sarili sa paglilinis ng kanyang maliit na inuupahan. Matapos maglinis ay naligo na rin ito at naisip na lalabas na lang, para maalis ang mga gumugulo sa isipan niya.
Matapos maligo at magbihis ay lumabas na si Lorenzo sa apartment na inuupahan. Pero hindi niya inaasahan ang unang taong makikita niya sa paglabas nito.
"Mukhang may lakad ka Enzo, saan ka at ihahatid na kita." nakangiting bungad ni Vince pagkakita kay Lorenzo.
Kita ni Lorenzo ang angking kisig at kagwapuhan ng kapitan at kasunod nitong naalala ang nasilayan nitong hubad na katawan ng kaharap ng may mangyari sa kanila, ilang araw palang ang lumipas. Sa naisip ay mabilis na umiling-iling si Lorenzo.
"Ayos ka lang Enzo?" tanong ng kapitan sa nakitang ginawa ni Lorenzo.
"A-ayos lang ako, sige maiwan na kita." sagot ni Lorenzo at iniwanan na ang kapitan.
Mabilis naman nahuli ni Vince ang isang kamay ni Lorenzo.
"Sandali Enzo."
Natigilan si Lorenzo sa ginawang 'yon ni Vince pero mabilis nitong nabawi ang kamay na hawak ng kapitan.
"Galit ka ba sa nangyari sa atin?" tanong ni Vince sa nanatiling tahimik na kasama.
"Kalimutan na lang natin 'yon, sige na at may pupuntahan pa ako." sagot ni Lorenzo at muling naglakad papalayo sa kapitan.
"Paano kung sabihin kong nagustuhan ko ang nangyari? At alam kong ganun rin ang nararamdaman mo." saad ni Vince, na alam nitong narinig ni Lorenzo at dahilan ng huli sa pagtigil nito sa paglalakad. Kaya naman lihim na napangiti ang pilyong kapitan.
Natigil nga sa paglalakad si Lorenzo sa narinig nito sa kapitan, pero kaagad rin ipinagpatuloy ang ginagawa nitong paglayo sa kapitan.
'Walang ibig sabihin ang sinabi niya.' saad sa isipan ni Lorenzo, habang kasalukuyan itong nakasakay sa pampasaherong jeep, ganunman tinanaw nito sa salamin ng jeep ang iniwan na kapitan.
...
Sa ospital.
Tinanggihan man niya kanina si Hansel sa pag-alok nito sa kanyang ibili siya ng makakain, ramdam ni Erick ang kumakalam na nitong tiyan at hindi na makapaghintay pa sa dalang pagkain ni Hansel, na alam niyang binili rin para sa kanya ng nakababatang kapatid ng nobya.
Sandaling lumabas ng ICU si Erick para tanawin kung parating na si Hansel. Pero hindi nito nagustuhan ang sunod na nakita. Ito'y ang sabay na paglalakad ni Hansel at ni Dr. Zamora, na halata nito sa dalawa ang saya habang magkausap ang mga ito.
"Salamat po dok." saad ni Hansel sa doktor.
"Youre welcome Hans, next time mag-ingat ka sa pagtawid." sagot ng doktor.
Rinig ni Erick ang usapan ng dalawa at 'di nito nagustuhan ang ginawang pagtawag ng doktor sa palayaw ni Hansel.
"Kaya pala ang tagal mo, nakipaglandian ka pa sa doktor na 'yon." 'di na napigilang saad ni Erick ng makitang silang dalawa nalang ni Hansel ang naiwan.
"Ku-kuya, hindi naman sa ganun." nakayukong saad ni Hansel sa narinig na sinabi ng Komandante.
Sa nakitang itsura ng kasama ay lihim na pinagalitan ni Erick ang sarili. Hindi niya gustong sabihin ang mga 'yon, pero hindi na niya mababawi ang mga nabitawan nitong 'di magandang salita kay Hansel.
"He-heto kuya ang mga pagkain, sige maiwan na muna kita." saad ni Hansel, bago pa muling makarinig ng hindi maganda sa Komandante at iniwanan na niya ito.
Sa paglayo ni Hansel kay Erick, kasabay din na tumulo ang mga luha ng una, dahil sa sakit nang narinig nitong tingin sa kanya ng Komandante.