Dumiretso si Erick sa kanyang sasakyan matapos ang mga nalaman nito sa loob ng ospital. Nanatili lang ito sa loob ng sasakyan at iniiisip parin ang mga nangyari sa mga nakalipas na sandali. Hindi na niya ikinagulat pa ang pagtataksil sa kanya ng kasintahan na nahalata na nito ang panlalamig sa kanya, bago pa mangyari ang pagkakaaksidente nito, ang mas gumugulo ngayon sa isipan ng Komandante ay kung bakit hindi ito nasaktan ng sobra gayung matagal na pala siyang niloloko ng minahal niyang babae.
'Minahal.' saad sa isip ni Erick at kasunod ng naisip nitong si Roxanne, ang mga ala-ala naman ng pinagsamahan nila ng nakababatang kapatid ng dating nobya, ang isa-isang pumasok sa isipan niya.
'Hans.' saad sa isip ng Komandante at pinaandar na nito ang kanyang sasakyan para lisanin na ang ospital.
...
'Malamang galit na galit si kuya Erick sa amin dalawa ni ate." saad sa isip ni Hansel.
At malungkot ngayon si Hansel, na alam nitong ang kaninang magkasama sila ni Erick ang huling sandaling ala-ala niya sa Komandante.
'Sana mapatawad mo kami ni ate kuya at hangad kong dumating ang taong mamahalin ka at mamahalin mo rin.' saad muli sa isip ni Hansel at kasunod ang pagbagsak ng mga masaganang luha nito.
...
Nalaman ni Vince ang pag-imbita ng amang Heneral sa sundalong si Lorenzo at isang plano ang naisip ng pilyong sundalo para dito.
"Si Lorenzo lang ba ang inimbitahan ni papa?" tanong ni Vince, sa kapatid na si Richard na katatapos lang mag-ensayo sa pagbaril.
"Oo kuya, bakit mo natanong?" sagot at balik na tanong ni Richard.
"Wala lang, oo nga pala mukhang problemado na naman si kuya." sagot ni Vince at inilihis pa ang usapan.
"Oo nga kuya, hayaan na muna natin siya." saad ni Richard.
"Tama ka." sang-ayon ni Vince at alam nitong walang 'di kayang lutasin na problema ang kanilang kuya.
...
Matapos maligo ni Lorenzo ay 'di nito alam kung tutuloy ba ito o hindi sa bahay ng mga Manalo. Bukod sa nais nitong pag-iwas kay Vince, nakaramdam rin ng kaba ito kung bakit ang isang simpleng sundalong gaya niya ay naimbitahan ng isang Heneral.
'Bahala na, siguro ay tungkol sa misyon ang dahilan ni Heneral.' saad sa isip ni Lorenzo at nag-abang na ito ng masasakyan papunta sa bahay ng Heneral.
...
Nangingiti si Vince habang tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin, nang makuntento sa kanyang ayos at itsura ay tsaka pa lamang ito nagdesisyon na lumabas na ng kwarto.
At habang pababa ito papunta sa hapag na magiging salu-salo nila kasama si Lorenzo.
'Tignan mo nga naman, hinanap ko pa kahapon, ngayon siya rin pala ang lalapit papunta sa akin.' saad sa sarili nang nangigiting kapitan.
...
"May lakad ka kuya?" tanong ni Richard ng makita ang ayos na ayos na si Vince.
"Wala sa ngayon, pero baka mamaya meron." ngiting sagot ni Vince at umupo na sa hapag kasama ng mga kapatid.
Abala naman si Aurora sa paghahanda ng mga pagkain ng magiging salu-salo nilang mag-anak.
"Oo nga pala, buti at wala sa tabi mo si Baste?" baling pa ni Vince kay Richard.
"May inasikaso lang tungkol sa negosyo nila." sagot ni Richard.
Samantala, tahimik lang na nakikinig si Erick sa usapan ng mga kapatid, gayunman sumagi rin sa isipan ng Komandante ang magiging hakbang nito sa magkapatid na Cortez.
Abala parin sa pag-uusap si Richard at Vince ng tumunog ang doorbell ng kanilang bahay.
"Teka lang kuya, siguradong si Renz na 'yon." saad ni Richard na tumayo na para salubungin si Lorenzo.
"Chard ako na lang, may importante rin akong sasabihin kay Velasco." pigil ni Vince sa kapatid.
Nahinto naman si Richard sa paglalakad sa narinig nito sa kanyang kuya.
"O sige kuya." pagpayag ni Richard at bumalik na ito sa hapag.
At si Vince na nga ang sumalubong sa dumating na si Lorenzo.
...
Habang naghihintay na pagbuksan siya ng pamilya Manalo, kinakabahan parin si Lorenzo kung anong maaaring mangyari sa hapunan kasama ang mag-anak ng Heneral.
"Velasco, masaya akong nakapunta ka."
Napatingin si Lorenzo sa nagsalitang boses at bumungad sa kanya ang guwapong kapitan na nakangiti pa sa kanya.
"Magandang gabi sir." saad ni Lorenzo at sumaludo pa ito sa kapitan, bilang pagbibigay galang sa nakatataas sa kanya.
Lihim na napangiti ang pilyong kapitan, sa nakitang ginawang paggalang sa kanya ng sundalong bisita nila.
"Enzo magandang gabi rin sayo, pero tama na ang pormalidad kapag kausap mo ako." simula ni Vince at lumapit ito sa kinatatayuan ni Lorenzo.
"Para naman walang namagitan sa atin." bulong ng pilyong kapitan sa tenga ni Lorenzo.
Hindi inaasahan ni Lorenzo ang ginawang 'yon ng kapitan, kaya naman sumunod na namula ang mukha nito na dulot ng kaharap.
Gaya ng inaasahan ni Vince, nakita niya ang reaksyon na 'yon ni Lorenzo at 'di na makapaghintay pa ang una sa mga mangyayari pa ngayong gabi.
"Pasok ka Enzo." saad ni Vince at isang kindat pa ang pinakawalan nito sa namumulang mukha parin ni Lorenzo.
Nauna na ngang naglakad papasok si Vince at nakasunod sa kanyang likuran ang bisitang si Lorenzo.
Tahimik na sinusundan lang ni Lorenzo ang kapitan at 'di niya maitatanggi na sa simpleng ginawa kanina ng huli ay malaki ang naging epekto nito sa kanya.
'Huwag mo na lang siyang pansinin.' kastigo ni Lorenzo sa sarili.
"Mabuti naman Lorenzo at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko sa'yo." saad ng Heneral ng makita ang sundalong kaibigan ng bunso niyang anak.
"Salamat naman po sir sa pag-imbita sa'kin." magalang na sagot ni Lorenzo sa Heneral at sumaludo pa ito.
"Tama ka nga Aurora, ang galang naman ng batang 'to, tawagin mo na lang akong tito at maupo ka na rin." saad ng Heneral sa asawa at makangiting baling rin nito kay Lorenzo.
Umupo na nga si Lorenzo, kahit pa ang tanging upuan na bakante ay sa tabi ng kapitan na nais na nitong iwasan.
"Renz kain ka lang at huwag kang mahiya." nakangiting saad ni Richard.
"Salamat Chard." ngiting sagot ni Lorenzo.
Kahit papaano'y nabawasan na ang kaba ni Lorenzo dahil na rin kay Richard, gayunman ay naiilang parin ito lalo na't katabi nito ang kapitan.
"Enzo, subukan mo itong specialty ni mama na Kare-kare." saad ni Vince at lagay ng ulam sa plato ni Lorenzo.
"Sa-salamat sir." saad ng naiilang parin na si Lorenzo
Nakaramdam ng hiya si Lorenzo sa ginawang 'yon ng kapitan, lalo na't kita nitong sa kanilang dalawa ni Vince napunta ang atensyon ng mga kasama nila sa hapag.
Sa nakitang ginawa ng kapatid na si Vince sa bisita nila, bumalik sa isipan ni Erick ang naging usapan nila ng kapatid ilang araw pa lang ang nakararaan.
"Kilala mo talaga ako kuya, 'wag kang mag-alala, malabong mabubuntis ko siya sa pagkakataong ito."
'Sira ka talaga Vince.' saad sa isip ni Erick at nagdesisyon itong kakausapin ang kapatid mamaya.
"Kuya hayaan mo ng mag-isang kumain si Renz, nahiya na tuloy ang tao." saway ni Richard sa kuyang si Vince.
"A-ayos lang ako Chard." saad ni Lorenzo.
"Oo nga naman Chard, isa pa hindi na maiilang pa sa akin si Enzo, lalo na't close na kaming dalawa, hindi ba Enzo?" saad ni Vince sa kapatid at baling naman sa katabi na inakbayan rin nito.
Isang tango lang ang naging sagot ni Lorenzo sa kapitan, kahit na gustong-gusto na nitong tumayo at umalis sa kanyang pwesto, ang ilang at kabang nararamdaman nito sa kapitan ay nadagdagan pa ng 'di niya maipaliwanag na pakiramdam sa ginawang pag-akbay sa kanya ng huli.
'Di nakaligtas kay Vince ang pamumula ng mukha ng akbay-akbay niyang sundalo.
'Ang cute rin pala nito.' saad sa isip ng kapitan at minabuti ng tanggalin ang brasong nakaakbay kay Lorenzo.
Ginawa lahat ng makakaya ni Lorenzo para hindi maging kahiya-hiya sa hapag kasama ang mag-anak na Manalo, kahit papaano ay tumigil na rin sa pang-aasar ang kapitan matapos ang ginawang pag-akbay nito sa kanya.
Matapos nilang kumain ay inaya ni Richard sa sala si Lorenzo para manood ng TV.
Samantala, pinigilan ni Erick ang kapatid na si Vince na susundan sana ang dalawa sa sala.
"Vince sundan mo 'ko sa kwarto ko." seryosong saad ni Erick.
"Bakit ku-." 'di na natapos pang sagot ni Vince ng iwanan na siya ng kapatid.
'Anong problema nun.' saad sa isip ni Vince pero sumunod naman ito sa kapatid.
...
"Tigilan mo kung anuman ang binabalak mo kay Lorenzo." walang paligoy-ligoy na saad ni Erick ng pumasok sa kwarto si Vince.
"Te-teka lang kuya, anong ibig mong sabihin?" kunwaring naguguluhang tanong ni Vince.
"Alam mo kung ano 'yon Vince, paano kapag nalaman ni bunso ang ginagawa mo sa kaibigan niya?" saad ni Erick.
"Come on kuya, ano bang mawawala sa amin ni Enzo, isa pa matatanda na kami at nasa wastong edad na kami para magdesisyon sa mga kilos namin." 'di makapaniwalang saad ni Vince sa pakikialam ng kapatid.
"Hindi kita pinakialaman sa mga mali mong gawain, pero 'wag mo nang idamay pati si Lorenzo." seryosong saad ni Erick.
"Gaya nga ng sabi mo, hinayaan mo ako noon, kaya 'wag mo rin akong papakialaman ngayon, mas mabuting humanap ka ng sarili mong pagkakaabalahan." saad ni Vince sa kapatid at lumabas na rin ito sa kwarto.
Napabuntong hininga na lamang si Erick. Sa isip ng Komandante, may punto naman ang kapatid dahil 'di siya nakialam sa mga maling gawain ni Vince noon, pero hindi rin maiaalis sa kanya ang mag-alala hindi lang para kay Lorenzo pati na rin sa kapatid.
'Isa pa tama rin si Vince, may sarili rin akong problema at ang magkapatid na Cortez ang dapat kong pagkaabalahan.' saad sa isip ni Erick.
...
Hindi alam ni Hansel kung anong mangyayari ngayon sa kanilang dalawa ng ate niya. Sigurado kasing hindi na sasagutin pa ng kuya Erick niya, ang mga magiging hospital bills ng kanyang ate at sigurado rin si Hansel na ang pag-alis ng Komandante kanina dulot ng nalaman nitong pagtataksil ng kanyang ate sa kanya ay nangangahulugan, na wala ng pakiaalam pa ang sundalo sa kanilang mag-ate.
'Wala na akong ibang mapagkukuhanan pa ng pera, hindi ko naman maaaring pabayaan si ate.' saad sa isip ni Hansel at kasunod nun ay naisip nitong ibenta na, ang tanging naiwang ari-arian na pamana sa kanila ng pumanaw na nilang mga magulang.
...
Isang tawag ang gumising kay Erick kinabukasan, nang makita na ang abogado nito ang tumatawag ay sumilay ang ngiti sa mukha ng Komandante.
"I hope this is a good news." bungad ni Erick sa kausap sa kabilang linya.
"As a matter of fact Mr. Manalo, it is. Like what you said, Mr Cortez sell's their property." sagot ng abogado.
Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ni Erick at umaayon sa kanya ang pagkakataon.
"He's really a predictable one, and I think Attorney you already know what to do." saad ni Erick.
"Of course Mr. Manalo, I'll just inform you about it and as always, consider it done." sagot ng abogado.
Matapos ang kanilang pag-uusap ni Atty. Cruz, hindi na makapaghintay pa si Erick sa magiging reakyon ni Hansel, kapag nalaman ng huli, kung sino ang taong bumili sa kanilang bahay.
'Hindi ka basta-basta makakawala sa akin, Hans.' saad sa isip ng Komandante.
...
Ang plano ni Vince kay Lorenzo sa nakalipas na gabi ay 'di na nito nagawa. Sa naging pag-uusap nila ng kuya Erick niya, napaisip si Vince sa mga sinabi ng kanyang kuya. Alam niyang kahit 'di sabihin ng nakatatandang kapatid, hindi nito kinukunsinti ang pagiging mapaglaro niya sa pag-ibig. Ngunit mali man ang kanyang ginagawa, tanging ang kuyang si Erick lang ang may alam sa likod ng pagiging mapaglaro ng kapitan. Sa katunayan, seryoso at tapat sa iisang minamahal noon si Vince, ngunit nabago ito dahil sa ginawa sa kanya ng unang babaeng inalayan nito ng totoo at wagas niyang pag-ibig.
'Tama si kuya, bakit ba palagi kong iniisip na pare-pareho lang silang lahat.' saad sa isip ng kapitan, na bumangon na rin para harapin ang bagong umaga at nasa isip na susubukang tigilan na, ang nakagawian nito sa nakalipas na ilang taon.
...
Habang nagluluto ng simpleng almusal sa kanyang aparment, hindi maalis sa isipan ni Lorenzo ang itsura ng tahimik na kapitan habang nagmamaneho ito kagabi, para ihatid siya. Dala rin ng pagkailang sa tuwing kasama niya si Vince, tanging pagpapasalamat lang ang lumabas sa bibig ni Lorenzo sa buong biyaheng kasama ang kapitan at isang tango lang ang naging tugon sa kanya ng huli.
'May problema siguro.' saad sa isip ni Lorenzo.
'Teka lang bakit ko ba siya naiisip.' kausap muli ni Lorenzo sa sarili.
...
Hindi makapaniwala si Hansel na matapos niyang ipost na for sale ang kanilang bahay at lupa, marami kaagad ang nagkainteres na bilhin ang nasabing property. Lalong 'di siya makapaniwala ng makita nito ang isang interesadong buyer na handang magbayad ng halagang sampung milyon, para lang sa dalawang palapag nilang bahay. Ganunman ay sinunggaban ni Hansel ang buyer na may pinakamalaking halaga ibabayad para sa kanilang property, dahil kakailanganin niya ang mas malaking pera para sa wala parin niyang malay na ate.
'Salamat kung sino ka man na buyer ka at sana bago maubos ang perang 'yon ay magising na si ate.' saad sa isip ni Hansel.
...
Pauwi na ngayon si Sebastian sa bahay ng mga Manalo, na galing sa pag-aasikaso sa kanilang negosyo. Minabuting tapusin na ng Komandante ang mga kailangan nitong gawin, dahil may pupuntahan sila ni Richard sa natitirang dalawang araw bago ang kanilang misyon.
...
Matapos ang pag-uusap nila ni Sebastian, hinihintay na lang ni Richard ang pagdating ng Komandante para sa biyahe nila patungo ng Baguio.
"Bunso pasalubong ko ha, kahit Strawberry Jam lang." paalala ni Erick.
"Sige kuya." sagot ni Richard.
"Ako Chard kahit peanut brittle lang." saad naman ni Vince.
"Mahilig ka talaga sa mani, Vince." asar ng Komandante sa kapitan.
"Alam mo 'yan kuya, pero malay mo maging katulad rin ako ni Richard na magustuhan ang hotdog." natatawang saad ni Vince.
"Kuya!" saway ng namumulang si Richard.
"Hayaan mo na si kapitan bunso 'di ka pa nasanay sa kanya." saad naman ni Erick.
"Parang ikaw tol hindi ah, nakita ko nga ang mga inilagay mong mga condoms sa mga gamit ni Chard." ganti naman ni Vince.
"Kuya Erick!" 'di makapaniwalang saad ni Richard sa nalaman nito.
"Mabuti ng sigurado bunso, baka mabuntis ka ni Baste, mahirap na." saad ng seryosong si Erick.
"Ewan ko sa inyong dalawa, bakit ba wala pa kasi si Baste." saad ni Richard na 'di na makapaghintay pang iwanan na ang mga mapang-asar na mga kuya.
"Hayan na at parating na ang daddy mo Chard." asar muli ni Vince ng makitang padating na ang sasakyan ni Sebastian.
'Salamat naman.' saad sa isip ni Richard.
Pagkahinto ng sasakyan ni Sebastian ay mabilis itong bumaba para kuhanin ang mga gamit na dala ni Richard.
"Mga tol, mauna na kami." paalam ni Sebastian sa mga kaibigan.
"Sige tol, ingat sa pagmamaneho." paalala ni Erick.
"Oo tol." sagot ni Sebastian.
"Mag-enjoy kayo ni Chard, Baste." saad naman ni Vince.
"Sigurado 'yon tol." sagot ni Sebastian.
"Tara na Baste, bago pa tayo asarin nila kuya." saad ni Richard na ikinatawa naman ng kanyang mga kuya.
"Sige mga tol." saad ni Sebastian at pinaandar na nito ang sasakyan.
...
Kasalukuyang nakasakay ng taxi si Hansel para kitain ang buyer ng kanilang bahay at lupa. Dala ang plastic envelope ay tinignan muli ni Hansel ang dalang mga dokumento kung kumpleto ba ang mga ito.
'Paalam na sa'yo.' saad sa isip ni Hansel habang kasalukuyang hawak ang titulo ng kanilang lupa.
...
Pagdating sa cafe ni Hansel na pagkikitaan nila ng kanyang buyer, kaagad nitong hinanap ang kanyang sadya sa nasabing lugar at ilang liko pa ng kanyang ulo ay nakita nito ang taong nakasuot ng eksaktong damit, base sa kanyang natanggap na deskripsyon sa text sa kanyang cellphone.
"Mr. Cruz." saad ni Hansel para makuha ang atensyon ng nakaupong lalake.
"Have a seat Mr. Cortez." saad ng abogado na tauhan rin ni Major Manalo.
Kaagad naman tumalima si Hansel sa nais ng lalaki.
"Hindi na'ko magpapaligoy-ligoy pa Mr. Cortez, dala ko ngayon ang check na nagkakahalaga ng sampung milyong piso at ngayon mismo ay ibibigay ko ito sa'yo kapalit ng titulong alam kong dala-dala mo." mahabang saad ni Atty. Cruz.
Sandaling natigilan si Hansel matapos magsalita ng kaharap, gayunpaman buo na ang pasya niya na ibenta ang kaisa-isang ala-ala nila ng kapatid sa mga nasira nilang mga magulang.
"Tama ka Mr. Cruz dala ko nga ang titulo pero bago ko ibigay sa iyo ito, maari ba kitang tanungin ng isang bagay?" saad ni Hansel at nagbasakali itong tanungin ang kausap.
"Go ahead Mr Cortez, ano 'yon?"
"Don't get me wrong, alam kong alam mo rin na malaki ang halagang ibabayad mo sa akin, kapalit ng ibinebenta ko. Gusto ko lang malaman, bakit interesado ka sa property ko?" saad at tanong ni Hansel.
"You're right Mr. Cortez, malaki nga ang ibabayad ko, pero not to dissappoint you, ang kliyente ko ang interesado sa ari-arian mo at hanggang dun lang ang pwede kong sabihin sa'yo." sagot ni Atty. Cruz.
"Naiintindihan ko, sige heto na ang titulo ng bahay at lupa ko." saad ni Hansel at abot nito sa titulo kay Atty. Cruz.
"Heto muna ang check Mr Cortez, para makasiguro kang totoong buyer ako at hindi kita niloloko." saad ni Atty. Cruz bago kuhanin ang titulo kay Hansel.
"Oh, oo nga, pero tiwala naman akong hindi ka manloloko." saad ni Hansel at inabot na nito ang check na nagkakahalaga ng sampung milyong piso.
Tama nga ang kanyang kliyente, sadyang mabuti nga ang kanyang kausap na kaagad nagtitiwala sa ibang tao kahit na 'di pa nito lubusang kilala.
"Nice to do business with you Mr. Cortez." saad ng abogado sabay lahad pa ng kanyang kamay.
"Ako rin Mr. Cruz at hangad ko kung sino man ang kliyente mo, na mamahalin niya ang bahay at lupa na dating pagmamay-ari ng pamilya ko." saad ni Hansel at abot nito sa kamay ng kausap.
"Tignan na lang natin Mr. Cortez, sige I have to go." saad ni Atty. Cruz at nagpaalam na ito.
Naiwan si Hansel sa cafe at muli nitong naisip ang sinabi ni Atty. Cruz bago umalis ito.
"Tignan na lang natin Mr. Cortez."
'Anong ibig niyang sabihin.' saad sa isip ni Hansel.
...
Matapos ang dalawang oras na biyahe ay nakarating na sa Baguio City sina Sebastian at Richard.
"Grabe Baste, ang lamig talaga dito sa Baguio." saad ni Richard sabay kiskis sa dalawa nitong palad.
"Tama ka baby, pero hayaan mo at magpapainit tayo mamaya." ngising saad ni Sebastian.
"Baste, ipinaaalala ko lang sa'yo, nandito tayo sa Baguio para mag-enjoy, hindi para maghoneymoon." asar naman ni Richard.
"Baby naman, alam mo naman na ang palaging makasiping ka ang tanging kaligayahan ko." biro muli ni Sebastian.
"Sorry na lang sir at dalawang araw kang magsasariling sikap dahil nakapagpareserba na ako ng dalawang kwarto dito sa hotel." ngising asar ni Richard.
"Baby naman." reklamo ni Sebastian.
"Don't worry sir, baka naman lamigin ako mamaya at katukin kita sa kwarto mo." kagat-labing saad ni Richard at nauna ng naglakad papasok sa hotel.
'Damn baby, humanda ka mamaya sa akin.' saad sa isip ni Sebastian at sinundan na ang bunso ng Heneral.
...
Hawak na ngayon ni Erick ang titulo ng property na pag-mamay-ari ng mga Cortez at minabuti na nitong umpisahan ang magiging plano niya sa magkapatid na Cortez, lalong-lalo na sa gumulo 'di lamang sa isip niya pati na rin sa kanyang puso.
...
Pagbalik ni Hansel sa ospital ay 'di niya inasahan ang lalaking dadatnan niyang naririto ngayon sa ospital.
"Ku-kuya Erick." saad ng gulat parin na si Hansel.
"Don't worry Hansel, hindi ako narito para gumawa ng gulo, nasaan pala ang kuya Benedict mo, na boyfriend ng ate mo." saad ni Erick na diniinan pa ang salitang boyfriend para maiparating sa kausap ang pagkainis nito.
"Ku-kuya, pasensya na kung hindi ko sinabi sa'yo ang mga nalaman ko, alam kong walang kapatawaran ang panloloko sa'yo ni ate pati na ang pagtatakip ko sa kanya." nakayukong saad ni Hansel.
"Hindi ko kailangan ang pasensya mo Hansel, isa pa hindi para pag-usapan natin ang kakatihan ng ate mo ang ipinunta ko rito." simula ni Erick at nakita nitong nasaktan ang nakayukong si Hansel sa kanyang nasabi patungkol sa ate ng huli.
"Nandito ako ngayon para singilin ang mga nagastos ko sa kapatid mo." pagtatapos ni Erick.
"Ku-kuya?!" nagulat na reaksyon ni Hansel sa huling narinig nito kay Erick.
"Nalaman kong ibinenta mo ang bahay at lupa ninyo, siguro naman dapat lang na bayaran mo ako sa mga nagastos ko sa ate mo." saad ni Erick.
Hindi naman masisisi ni Hansel ang Komandante, na galit ngayon sa kanila ng kanyang ate. Nanlulumo man, handang bayaran ni Hansel ang hinihingi ni Erick.
"Naiintindihan ko ku- sir." saad ni Hansel na minabuti ng tawagin na lang ng sir si Erick, kaysa sa nakagawian na nitong pagtawag niya ng kuya sa Komandante.
"Mabuti naman, sampung milyon na ang nagastos ko sa ate mo at sa hospital bills palang ang mga 'yon, isama mo pa ang mga gamot na umabot na ng kalahating milyon, suma total, sampung milyon at limandaang libong piso lahat ng kailangan mong bayaran sa akin." mahabang saad ni Erick.
"Si-sir, pupwede bang kalahating na muna ang ibigay ko?" pakiusap ni Hansel na nagsisimula ng maluha sa kanilang sitwasyon ng kanyang ate.
"Nagpapatawa ka ba Hansel, at kailan mo na naman ako mababayaran sa natitirang kalahati pa?" panggigipit pa ni Erick.
"Sa totoo niyan, hindi ko rin alam sir. Kaya nga kinapalan ko na ang mukha ko, kahit na alam kong 'di karapat-dapat pa akong makiusap sa'yo matapos ang lahat." saad ng naluha ng si Hansel habang nakayuko parin ito.
Sumikip ang dibdib ni Erick sa nakitang ayos ngayon ni Hansel, kaya umiwas ito ng tingin sa naluluha parin na huli.
"Sige, papayag ako na kalahati palang ang ibayad mo, pero sa isang kondisyon." saad ni Erick.
Kaagad na tumingala ang basa parin ng luha na si Hansel, matapos marinig ang sinabi ni Erick.
"Ano 'yon sir? Kahit ano gagawin ko." maagap na tanong ni Hansel at baka magbago pa ang isip ng Komandante.
"Be my personal maid." sagot ng nakangising si Erick.