PANG-LABING-APAT

3688 Words
Natigilan si Hansel sa narinig nito sa Komandante. Iniisip nito kung makakaya ba niya ang maging personal maid ni Erick, walang kaso kay Hansel ang mga gawaing bahay dahil namulat silang magkapatid na ang isa't-isa lang ang sandigan matapos ang pagkawala ng kanilang mga magulang sa mura nilang edad. Ang nararamdaman nitong pag-ibig para sa Komandante ang isa sa malaking rason kaya ito napaisip sa kondisyon ng sundalo, alam ni Hansel na kapag tinanggap niya ang alok ni Erick, malaking torture para sa kanya ang makasama ito sa iisang bubong. "Mukhang ayaw mo yata Hansel, madali naman akong kausap, sige bibigyan kita ng dalawang araw para pag-isipan mo ang kondisyon ko sa'yo o kung mababayaran mo ako sa loob ng isang linggo ay kalimutan mo na ang mga napag-usapan natin. 'Yun ay kung makakahanap ka kaagad ng malaking halaga." mahabang saad ni Erick at napangisi pa ito sa huling mga sinabi. "Hi-hindi na kailangan sir, tinatanggap ko ang kondisyon mo, nakahanda akong maging personal maid mo." sagot ni Hansel, na alam nitong kahit na anong gawin niya ay wala itong panalo sa Komandante. Lihim na napangiti si Major Manalo, sa narinig na sagot sa kanya ni Hansel. "Good decision then at para hindi mo isipin na masama akong tao, don't worry kada-araw sa pagiging personal maid mo, sampung libo ang ibabawas ko sa natitira mo pang utang na limang milyon dalawandaan at limampung libong piso. Sa madaling salita 525 days kang magiging dakilang utusan ko." nakangising saad ni Erick. Napayuko na lamang si Hansel sa narinig nito sa Komandante, gayunpaman nakahanda itong gawin ang kahit na anong gusto ng huli. Kung tutuusin kulang pa ang maging personal maid ni Erick, sa laki ng kasalanan nilang mag-ate sa kanya at malaking utang rin ni Hansel sa sundalo, kung bakit hanggang ngayon ay patuloy parin na lumalaban ang kanyang ate. "Ka-kailan ako mag-uumpisa sa aking trabaho sir." tanong ni Hansel sa Komandante. "Ikaw ang bahala, pero kung ako sa'yo, mas maaga ay mas mainam para kaagad mong mabayaran ang mga utang mo." kaagad na sagot ni Erick. "Sige sir, bukas na bukas ay mag-sisimula na ako." saad ni Hansel. "Mabuti kung ganun, heto ang calling card ko, tawagan mo ako bukas para maihatid na rin kita sa bahay kung saan mo sisimulan ang trabaho mo." saad ni Erick at abot nito sa card. Kaagad naman tinanggap ni Hansel ang calling card. "See you tommorrow then." huling saad ni Erick at iniwanan na si Hansel. 'See you tommorrow kuya.' saad sa isip ni Hansel at nanlalambot itong napaupo sa upuan. ... 'Tama ba ang mga ginawa ko.' saad sa sarili ni Erick, na kasalukuyang nasa loob ng sasakyan. 'Pero normal lang na makaramdam ako ng galit.' saad muli ni Erick sa sarili at pinaandar na nito ang sasakyan. ... Matapos ang ilang oras na pamamasyal sa Baguio, huminto sina Sebastian at Richard sa Burnham Park na isa sa mga lugar na palaging pinupuntahan ng mga turista sa nasabing siyudad. "Sir tara sumakay tayo ng bangka." yakag ni Richard sa Komandante. "Hindi ka pa ba pagod baby?" tanong ni Sebastian sa kasama. "Hindi pa sir, 'wag mong sabihin napagod ka na Baste." simula ni Richard. "Kunsabagay 'di kita masisisi, kaagad talagang napapagod ang mga may edad na." asar pa ni Richard. "Narinig ko 'yon baby, sige magbabangka tayo, pero mamayang gabi papatunayan ko sa'yo na matagal akong mapagod." ngising asar pabalik ni Sebastian. Pinamulahan ng mukha si Richard sa narinig sa Komandante. "Tignan na lang natin sir." sagot ni Richard ng makabawi. ... Kasalukuyang hinihintay ni Vince ang photographer na kaibigan, para sa isang pictorial ng bagong clothing line na ieendorso niya. At habang naririto siya loob ng studio, nahagip ng mga mata niya ang pamilyar na mukha ng isang lalake. 'Enzo.' saad sa isip ng Kapitan. ... Abala sa paglalaba ng mga damit si Lorenzo ng marinig nitong tumunog ang kanyang cellphone, nang makita na ang kapatid nitong babae na si Lorraine ang nasa kabilang linya ay kaagad nitong sinagot ang tawag "Ku-kuya! Si bunso." naiiyak na bungad sa kanya ni Lorraine. Sa narinig sa kapatid ay biglang kinabahan ang sundalo. "Huminahon ka Rain, anong tungkol kay Lexter?" tanong ni Lorenzo. "Ku-kuya, nasagasaan si bunso." saad ni Lorraine. Parang sinaksak ang puso ni Lorenzo sa narinig nitong nangyari sa kanilang kapatid. "A-anong lagay niya ngayon?" tanong ni Lorenzo na nagpipigil ng kanyang emosyon. "Nandito na kami sa ospital kuya, kasama ko sila tatay at nanay. Si bunso ay wala paring malay. Kuya, kailangan namin ng pera, para kung may operasyon man na gagawin kay Lexter ay kaagad itong maooperahan." sagot ni Lorraine at paalam nito sa kalagayan ng kanilang bunso. "Sige, magpapadala kaagad ako sa'yo. Balitaan mo ako kaagad kung anong magiging lagay ni Lexter." saad ni Lorenzo at ibinababa na nito ang tawag. Iniwanan ni Lorenzo ang ginagawa at nagbihis na ito para makapagpadala kaagad ng pera para sa kapatid nito. ... Ngayon nga ay naririto ito sa mall at kasalukuyang papasok ng remittance center, para ipadala ang ilang libong naging sahod nito sa ilang buwan. Pero bago ito tuluyang pumasok sa remittance center ay isang kamay ang naramdaman nitong humawak sa kanyang balikat. "Enzo." ... "Sabihin mo kay Ralph, na ikansela na ang photoshoot ay may biglaan akong lakad." saad ni Vince sa tauhan ng kaibigan at lumabas na ito ng studio, hindi alam ng Kapitan kung bakit parang may nagsasabi sa kanya na puntahan ang nakita nitong si Lorenzo. At ngayon nga ay naglalakad ito palapit sa sundalong pumukaw sa kanyang interes. "Enzo." tawag ng pansin ni Vince at tapik pa sa balikat ng nakatalikod sa kanyang si Lorenzo. "Vince." tanging salitang lumabas sa bibig ni Lorenzo. Pansin ni Vince, ang parang may malalim na iniisip na si Lorenzo. "May problema ba?" tanong ng kapitan. "Si Lexter, yung kapatid ko, naaksidente daw siya." sagot ni Lorenzo, na 'di nito alam kung bakit nagawa nitong ikwento sa kapitan ang tungkol sa kapatid. Sandaling natigilan ang kapitan sa nalaman nito. "I'm sorry, kaya ka ba nandito para magpadala ng pera sa kanila." kumpirma ni Vince ng makitang, isang remmitance center ang tungo sana ni Lorenzo. "Oo sir, sige maiwan na muna kita." sagot ni Lorenzo at aalis na sana. "Sandali, bakit hindi mo na lang iabot ng personal sa kanila." mungkahi ni Vince. Naguguluhan naman na humarap si Lorenzo sa Kapitan. "Sir, sa Cebu pa ang probinsya namin at isang araw mula ngayon ay mag-uumpisa na ang misyon natin." paliwanag ni Lorenzo. "Don't worry, I'll have a way." nakangiting saad ni Vince at kasunod nun ay hinawakan ng Kapitan ang isang kamay ni Lorenzo. ... Hindi alam ni Lorenzo kung bakit hinayaan nito ang Kapitan sa kung anuman ang balak nito. At sunod na nakita na lang ni Lorenzo na nasa rooptop na sila ng gusali. "Halika ka na Enzo, para mapuntahan mo na ang kapatid mo." nakangiting saad ni Vince. Hindi makapaniwala si Lorenzo sa nasaksihan, malapit sa kanilang kinalalagyan ng Kapitan ay isang private chopper ang naroroon. "Si-sir." tanging lumabas na salita sa gulat parin na pobreng sundalo. "Private Lorenzo Velasco, hinihintay ka na ng kapatid mo." saad ni Vince para matauhan ang gulat parin na sundalo. "Sir, yes sir." sagot ni Lorenzo at sinundan na ang Kapitan na papunta na ng chopper. "Just relax and don't worry, you're safe with me." nakangiting baling ni Vince kay Enzo at inumpisahan ng paganahin ang motor ng chopper. ... Matapos mapagod nila Sebastian at Richard sa ginawang pagsakay sa bangka sa Burham Lake ay minabuti ng dalawa na bumalik na sa kanilang tinutuluyang hotel. "Salamat sir sa pagbabakasyon natin dito sa Baguio." saad ni Richard sa nagmamanehong kasama. "Anything for you baby, tomorrow let's enjoy our last day here." saad ni Sebastian. "Yeah and later tonight, see you in my room." saad na akit ni Richard sa Komandante. "Sure baby." nakangising sagot ni Sebastian. ... Hapon na ng sandaling iwanan ni Hansel ang wala parin na malay na kapatid sa ospital. Minabuti na muna nito na kuhanin ang mga naimpakeng mga gamit nila ng kanyang kapatid na naiwan nito sa dati nilang bahay. Pagdating ni Hansel sa dating bahay ay nakita nitong nakabukas ang gate at may nakita rin siyang bulto na tao na nasa loob ng dating pamamahay. Sa isip ni Hansel ang bagong nagmamay-ari na ang taong nasa loob. Kanina, kasama na rin nitong ibinigay kay Mr. Cruz pati na ang susi ng ibinenta nitong bahay. Dala ng nakita nitong nakabukas na gate ay minabuting pumasok na ni Hansel sa dating bahay. Makikiusap ito sa bagong may-ari, na kuhanin ang mga naiwan nitong mga maleta. "Tao po." katok ni Hansel sa pintuan ng dating tirahan. Nang walang sagot na marinig, sinubukan muli ni Hansel ang pagkatok sa pinto. "Tao po." Sa ikalawang subok ni Hansel ay narinig nito ang mga yabag ng pababang tao at naisip nitong pagbubuksan na siya ng bagong may-ari. Hindi nga nagkamali si Hansel at sunod na nakita nito ang pagbukas ng pinto ng dating bahay, pero hindi ito makapaniwala sa taong bubungad sa kanya pagkatapos, ito'y walang iba kungdi si Major Erick Manalo, na mukhang katatapos lang maligo dahil sa basang buhok na meron ito at tanging puting tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang katawan nito. "Ku-kuya!" gulat na reaksyon ni Hansel at sumunod na namula ang mukha nito, sa nakitang ayos ng Komandante. "Excited ka naman yata masyado Hansel, alam ko, bukas ka pa lang mag-uumpisa sa trabaho mo." nakangising saad ng Komandante at 'di nakaligtas ang namumulang mukha ng nakababatang kapatid ng dating nobya. "I-ikaw ang nakabili sa bahay namin?" tanong ng 'di parin makapaniwalang si Hansel, na 'di magawang tignan ang hubad parin na katawan ng Komandante. "Ako nga, hindi mo na kailangan pang kuhanin ang mga maleta mo, dito rin sa bahay na ito mo sisimulan ang pagiging personal maid mo sa akin." saad ng Komandante, na hindi maalis ang tingin sa namumulang mukha ng kaharap. "Si-sige sir, iyon nga ang ipinunta ko rito. Puwede bang pumasok ako para kumuha lang ako ng mga damit ko." saad at pakiusap pa ni Hansel na 'di makatingin ng diretso. "Don't be rude, tumingin ka sa akin ng diretso kapag kinakausap mo ako." saad ng Komandante at umpisa nito sa larong sisimulan niya kay Hansel. "S-sir, puwede bang pumasok ako para kumuha lang ng mga damit ko." muling saad ni Hansel at sinubukang tumingin sa mukha ng Komandante. At dahil sa mas mataas 'di hamak ang sundalo sa kanya, hindi maiwasan na masilayan rin nito ang magandang hubog na katawan na meron ang kaharap, na lalong ikinapula ng mukha ni Hansel. Kita ni Erick ang lalong namulang mukha ng kaharap at 'di na nito napigilan ang kanyang sarili. "Sure, Hansel." saad ng Komandante at inilagay nito ang kamay niya, para guluhin ang buhok ng namumulang si Hansel, na isa sa gustong-gusto nitong gawin sa huli. Parang bumalik lang si Hansel sa nakaraan sa ginawang 'yon ng Komandante sa kanyang buhok. Ang unang lalaking hinangahan niya na siya rin nagligtas sa kanya noon. ... Matapos ang higit-kumulang na dalawang oras, huminto sa rooftop ng mismong ospital na kinaroroonan ng kapatid ni Lorenzo, ang private chopper na pinalipad ng piloto rin na si Captain Vince Manalo. Paghinto ng chopper ay sabay na bumaba sina Vince at Lorenzo, para puntahan ang bunsong kapatid ng huli na naririto ngayon sa ospital. Mabilis na hinanap ni Lorenzo, ang kwartong kinaroronan ng bunso nitong kapatid, na ipinaalam sa kanya ng kapatid na si Lorraine sa mensaheng ipadala sa kanya kanina. Nakasunod naman ang Kapitan sa likod ng nagmamadaling si Lorenzo. Ilang minuto pa ang lumipas ng huminto na si Lorenzo sa kwarto ng naaksidente nitong kapatid. Hinayaan muna ni Kapitan Manalo ang kasamang sundalo, para makasama ang pamilya nito sa loob ng kwarto, na alam nitong kasalukuyang nag-aalala para sa kanilang bunso. Pagpasok ni Lorenzo sa kwarto, kung saan nakaratay ang bunsong kapatid, nagulat ang mga magulang nito pati na rin ang isa pa nitong kapatid. "Anak!" saad ni Celia ng makita ang panganay nito at mahigpit nitong niyakap ang sundalong anak, kasunod ay tumulo ang luha ng ginang dahil sa kalagayan ng bunsong anak. "Tahan na nay, kamusta na ang lagay ni Lexter?" alo nito sa ina at tanong nito sa kalagayan ng kapatid. Humiwalay naman si Celia sa panganay na anak at lumapit sa wala parin na malay na bunsong anak. "Hinihintay pa lang namin ang resulta ng ginawang mga tests sa kanya ng duktor." sagot ni Celia sa anak. Si Lorraine naman ang sumunod na yumakap sa kapatid na si Lorenzo. "Mabuti anak at nandirito ka, hindi ba ang sabi mo'y may misyon kayong mga sundalo." saad naman ni Lito na ama ni Lorenzo at lumapit ito sa asawang nagsisimula na naman maging emosyonal. "Kasama ko ho si Kapitan Manalo tay at sa tulong niya ay naging posible na makarating ako rito ngayon." sagot at paliwanag ni Lorenzo sa ama. "Salamat sa kanya kung ganun anak, halika Celia, iwanan na muna natin ang mga anak mo, para makapagpasalamat tayo sa tao." saad ni Lito at yakag nito sa asawa. "Sige mga anak, kayo na muna ang bahala sa kapatid ninyo at sasaglit na muna ako sa bahay natin, para makapagdala ng mga gamit ni Lexter." sang-ayon ni Celia sa asawa, na minabuti rin umuwi na muna. "Sige po nay, tay." sagot ni Lorenzo. Nakaupo sa mga upuang nasa hallway ng ospital si Kapitan Manalo, nang bumukas ang pinto ng kwarto ng kapatid ni Lorenzo. Kita ng mag-asawang Velasco ang makisig na lalaki, na nakaupo sa labas ng ospital, malapit sa kwarto ng kanilang anak. "Kayo po ba si Kapitan Manalo?" tanong ni Lito sa lalaki, kahit pa may ideya na ito na siya nga ang Kapitan na tumulong sa kanilang anak na si Lorenzo. "Ako nga po sir." magalang na sagot ng Kapitan, na sa isip nito'y ang mga magulang marahil ni Lorenzo ang kanya ngayong kausap. "Tawagin mo na lang akong Manong Lito sir at nagpapasalamat kaming mag-asawa, sa ginawa ninyong tulong para makauwi at mapuntahan ng panganay namin na si Lorenzo ang bunso namin." saad at pasalamat ni Lito sa Kapitan. "Wala ho 'yon Manong Lito, ano pa't kaming magkakabaro rin ang magtutulungan." sagot ni Vince na nilagay pa ang kamay sa likod ng ulo, dulot ng hindi ito sanay na makatanggap ng pasasalamat sa ibang tao. "Naku sir hindi lang wala ang ginawa ninyo, ako naman si Celia ang nanay ni Enzo at Manang Celia na lang ang itawag mo sa akin." saad at pakilala naman ni Celia sa mabuting Kapitan na tumulong sa kanyang anak. "Sige po Manang Celia, maiba po ako, may alam na ho ba kayo kung sino ang nakasagasa sa anak ninyo?" tanong ni Vince sa mag-asawang Velasco at sa isip ng sundalo'y gagawin nito ang lahat para mapanagot ang gumawa sa pagkakasagasa sa bunsong kapatid ni Lorenzo. Nagkatinginan ang mag-asawa sa narinig nila sa Kapitan at si Lito na ang sumagot sa tanong na 'yon ng sundalo. "May mga nakakita dun sa kotseng nakahit and run sa anak namin, kaya lang hindi naplakahan ang sasakyan, gawa ng minabuting tulungan na kaagad ang anak naming nasagasaan." "I see, hayaan ho ninyo, ako ng bahalang magpaimbestiga sa nangyari kay Lexter." saad ni Vince. "Naku sir, nakakahiya naman at malaking tulong na ang makasama namin ngayon si Enzo, ayaw na namin na makaabala pa sa inyo." nahihiyang saad ni Lito. "Manong Lito huwag niyo po akong alalahanin, mas ikakasasaya ko po na matulungan ko ang pamilya ni Lorenzo sa abot ng makakaya ko. At siguro naman, mas magandang pong pakinggan, kung Vince na lang rin ang itatawag ninyo sa akin." nakangiting saad ni Vince sa mag-asawang Velasco. "Naku kung ganun hindi na namin tatanggihan ang tulong mo Vince." nakangiting saad ni Celia at 'di na napigil ang sarili na yakapin ang Kapitan. Natigilan naman si Vince sa ginawang 'yon ng matanda, ganunman ay niyakap nito pabalik si Celia. "Salamat ng marami Vince." saad ng nagpipigil na maluhang si Celia. "Wala hong anuman Manang Celia." sagot ng Kapitan. ... Pinapasok nga ni Erick si Hansel sa bahay na dating pagmamay-ari ng huli. "Nasa bodega ang lahat ng mga gamit ninyo ng ate mo. At kung gusto mong matulog na rin dito ngayong gabi, tanging ang kwarto ko lang ang maari mong matulugan. At 'yon ay ang dating kwarto mo." saad ni Erick na nakapagsuot na nang damit sa oras na iyon. "Bakit sir, hindi ka dito matutulog?" naguguluhang tanong ni Hansel, sa magiging amo na nito simula bukas. "Mali yata ang pagkakaintindi mo Hansel, ibig kong sabihin kung gusto mong matulog dito sa loob ng bahay ko, tanging ang kwarto mo dati, na kwarto ko na ngayon ang maaari mong tulugan at sa madaling salita makakasama mo ako sa kwarto, yun ay kung gusto mo lang naman, pero kung ayaw mo, maluwang ang hardin sa labas." nakangising saad ni Erick. Nanlalaking mata si Hansel sa narinig na paliwanag ni Erick sa kanya. "Hi-hindi ba maari sir na dito na lang ako sa sala matulog." pakiusap ni Hansel sa Komandante. "Hindi, anong problema kung magkatabi tayo? Hindi ba marami ka naman nang nakatabing lalaki dito sa bahay ninyo." inis na saad ni Erick. "Si-sir! Hi-hindi ko alam ang sinasabi ninyo." nakayukong saad ni Hansel na nasaktan sa paratang na 'yon ni Erick. "Oh come on! 'Wag ka ng magmalinis, kanino ka pa ba magmamana kung hindi sa makati mo ring ate." saad ni Erick. Ginawa ni Hansel ang lahat para pigilan ang mga luha nitong nagsisimula ng tumulo, hindi ito makapaniwala na ganito pala kababa ang tingin sa kanya nang lalaking lihim nitong minamahal. Ganunman susubukan nitong intindihin ang magiging amo nito, inihanda na rin ni Hansel ang sarili na hindi magiging madali ang makasama si Erick, na alam nitong galit na galit ngayon sa kanila ng kanyang ate. "Sige na, kuhanin mo na ang mga kailangan mong damit." saad ni Erick at iniwanan na ang nakayuko parin na si Hansel. Sa pagtalikod ng Komandante, hinayaan ni Hansel tumulo ang mga luhang kanina lang ay pinipigilan niya. 'Kaya mo 'to Hansel, para kay ate.' saad sa isip ni Hansel at minabuting tunguhin na ang bodega, para kuhanin ang mga damit na gagamitin niya mamaya sa pagbalik nito sa ospital. ... Gaya nga ng parehong gusto ng dalawang sundalo, ang malamig na klima sa Baguio ay pinainit ng walang kasawaang pagpapadama ng init ng pagmamahalan nila Richard at Sebastian sa isa't-isa. "Damn baby, I can't get enough of making love with you." saad ng pawis na pawis na si Sebastian, habang nakatihaya ang katawan sa kama, matapos ang round two na ginawa nila Richard. "Me too sir, come on, let's start our round three." kagat-labing saad ni Richard, na mabilis na inuupuan ang nagsisimulang mabuhay muli na malaking laman ng barakong Komandante. "Yeah, we shall." sagot ni Sebastian, na muling sinibasib ng halik ang magang mga labi ni Richard. ... Minabuting samahan na ni Lito ang asawang si Celia pauwi sa kanila at umalis na ang mag-asawang Velasco matapos makapagpaalam sa mga anak pati na kay Captain Manalo. "Rain ikaw na muna ang magbantay dito kay Lexter, sasamahan ko lang si Captain Manalo." saad ni Lorenzo sa kapatid. "Sige kuya, oo nga pala kaanu-ano kaya ng kasama mo kuya 'yung sikat na modelo na crush ko." saad ng dalagitang si Lorraine. "Rain sinong crush ang sinasabi mo? At teka lang masyado kapang bata para magkaroon ng crush." pangaral ni Lorenzo sa kapatid na babae. "Kuya anong masama sa pagkakaroon ng crush!!" gulat na bulalas ni Lorraine nang makita ang lalaking kasalukuyang pumasok sa kwarto. ... Pag-alis ng mag-asawang Velasco, minabuting bumili muna ni Vince ng mga pagkain, para sa kanilang naiwan dito na nagbabantay sa bunso ng mga Velasco. Matapos makabili ay minabuti nitong pumasok sa kwarto, para makain na nila ang mga dala nitong pagkain. Pero pagpasok ni Vince sa kwarto ng kapatid ni Lorenzo, nakita nito ang gulat na reaksyon ng dalagita, na sa isip ng Kapitan ay kapatid rin marahil ni Enzo. Hindi makapaniwala si Lorraine, na nandirito ngayon ang modelong crush halos lahat nilang magkakaibigan, kaya naman mabilis itong lumapit sa idolo nito at yumakap pa rito. Natigilan pareho ang dalawang sundalo sa ginawang pagyakap na 'yon ni Lorraine. Si Lorenzo ay nahihiya sa ginawang 'yon ng kapatid sa Kapitan. Si Vince naman ay hindi alam kung paano ang magiging reaksyon sa ginawang pagyakap sa kanya ng dalagita. "Lorraine, baka naman 'di na makahinga si Kapitan sa'yo." saway ni Lorenzo sa kapatid. Humiwalay naman si Lorraine sa Kapitan, nang marinig ang sinabing 'yon ng kanyang kuya, pero nanatili ang mga mata nito sa guwapong idolo niya. "May dala pala akong pagkain." saad ni Vince. "Sir, hindi ka na sana nag-abala pa, yung nandito ako kasama ng kapatid ko'y sobrang laking tulong mo na sa akin." nahihiyang saad ni Lorenzo. "Ano ka ba Enzo, sino pa ba ang magtutulungan kungdi tayong magkakabaro." sagot lang ni Vince. "Lorraine tama ba? Heto kumain ka na at marami ito para sa atin." baling naman ni Vince sa kapatid na babae ni Lorenzo na nakapako parin ang tingin sa kanya. "Si-sige po kuya." sagot ni Lorraine na namumula sa sobrang kilig, na kasama nito ngayon ang kanyang crush at nakausap pa niya ito. "Kamusta ang lagay ng kapatid mo, Enzo?" baling na tanong ng kapitan kay Lorenzo. "Wala pang sinabi ang duktor sir, pero marami na daw na tests ang ginawa sa kanya." sagot ni Lorenzo. "Sana naman ay hindi malubha ang lagay niya, 'wag mo na rin alalahanin ang bayarin sa ospital at sasagutin ko na ang lahat." saad ni Vince. "Si-sir! Hindi ko na matatanggap pa iyon, hayaan niyong ang pamilya ko ang bahalang magbayad sa pagpapagamot ni bunso." gulat na saad ni Lorenzo at tanggi nito sa tulong ng Kapitan. "Velasco, tinatanggihan mo ba ang pagtulong ko." seryosong saad ni Vince. "Oo sir." maagap na sagot ni Lorenzo. Napabuntong hininga na lamang ang Kapitan dahil dun, tunay ngang mabuti ang kapwa niya sundalo. "O sige, kung 'yan ang gusto mo, pero 'wag kang mahihiyang magsabi sa akin kapag pera lang ang pinag-uusapan." saad ni Vince. Isang tango naman ang tanging naging sagot ni Lorenzo, na walang balak na humingi ng tulong sa iba hangga't may paraan pa itong alam. Lalo namang humanga si Lorraine sa kanyang idolo, bukod kasi sa guwapong mukhang meron ang modelo, nalaman rin nitong mabait ito sa totoong buhay. ... Habang naririto ngayon sa ospital si Hansel, na nagbabantay parin sa ate nitong si Roxxane. Bumalik ang mga napag-usapan nila ng magiging amo nito magmula bukas. 'Anong gagawin ko? Hindi ko kayang matulog kasama sa iisang kuwarto si kuya, pero kapag hindi ko sinunod ang gusto niya, sa labas naman ako matutulog.' saad sa isip ng tulirong si Hansel. 'May iba pang paraan, dito na lang ako sa ospital magpapalipas ng gabi.' saad muli ni Hansel sa sarili. 'Pero ang layo naman masyado ng dati naming bahay dito sa ospital.' kausap pa ni Hansel sa sarili ng maalala nito na imposibleng makarating ito kaagad sa dalawang magkalayong lugar. 'Ano ba itong napasok ko.' nawawalang pag-asang saad ng problemadong si Hansel, sa sitwasyong siguradong haharapin na niya bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD