Pagkagising ni Erick ngayong umaga, ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina ang bumungad kaagad sa kanya. Sa naisip na si Hansel na marahil na nagsimula na sa pagsisilbi sa kanya ang may gawa nun, sumunod na lumawak ang ngiti sa mukha ng Komandante.
Kaagad ng bumangon si Erick para makaligo at 'di na ito makapaghintay, na muling matikman ang masarap na luto ni Hansel.
...
Kasalukuyang inihahanda ni Hansel ang almusal ng among sundalo, alam nitong anumang oras ay lalabas na rin ang Komandante, na noon kapag dito nagpapalipas ng gabi sa kanila na dulot ng kanyang ate ay madalas na maaga itong gumising. Nagtimpla na rin si Hansel ng paboritong kape ng sundalo, na alam nitong 'di nakukumpleto ang umaga ng huli, kapag hindi nakakainom ng nasabing inumin.
...
Pagbaba sa kusina ni Erick ay bumungad ang mga nilutong agahan ni Hansel. Pansin rin nito ang umuusok na galing sa katitimpla pa lang na kape, na nasa tasa.
"Goodmorning sir, nakahanda na po ang almusal." bati ni Hansel sa kanya.
'Di pinansin ni Erick ang pagbating 'yon ni Hansel, na umupo kaagad sa upuan para magsimula ng kumain.
Isinawalang bahala na lang ni Hansel ang hindi pagpansin sa kanya ng amo. At minabuting umpisahan na lang nito ang pagsisilbi sa sundalo.
"Ayos na po ba itong almusal? Kung may gusto pa po kayo ay sabihin niyo lang sa akin." saad ni Hansel habang naghihintay sa magiging reaksyon ng amo na nagsimula ng tikman ang niluto nitong sinangag, piniritong itlog, bacon, ham at hotdog, na nakita nitong laman ng bagong malaking refrigerator, na marahil binili ni Erick na unang napansin kaagad ni Hansel sa dating bahay pagdating niya kanina.
Gaya kanina ay tahimik lang na nagpatuloy sa pagkain si Erick, samantalang nakatayo parin si Hansel, na naghihintay sa kung anong magiging utos o reklamo ng amo sa kanya.
Hanggang sa matapos kumain si Erick at wala ni isang lumabas na salita sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Hansel, na ramdam na hindi magiging madali ang kanyang mga susunod na mga araw kasama ng amo.
Matapos kumain ni Erick ay nagbihis ito ng kanyang uniporme. Habang inuumpisahan niya ang ganti nito sa magkapatid na Cortez, napapayag niya ang Amang Heneral na magtrain na lamang siya ng mga baguhang sundalo ng sa ganun ay makakauwi siya dito sa nabili nitong bahay.
Nakita ni Hansel ang nakabihis na uniporme na Komandante pagbaba nito. At bago pa tuluyang lumabas ang sundalo ay kinausap ito ni Hansel, sa isang bagay na gusto nitong ipagpaalam sa Komandante.
"Si-sir, maari bang humingi ako ng dalawang araw na day off, para sa isa ko pang trabaho?" tanong ni Hansel sa Komandante.
Nahinto naman sa paglalakad ang sundalo at bumaling sa nagsalitang si Hansel.
"Anong trabaho?" seryosong tanong ni Erick.
Natigilan naman si Hansel sa tanong na 'yon ng amo at inaaamin nito na kinabahan ito sa tono ng pagtatanong sa kanya ng sundalo.
"Ba-barista ako sir sa isang coffee shop, nag-apply ako noong isang araw at natanggap naman ako at tuwing weekend lang ang pasok ko." sagot ni Hansel at umaasa itong pagbibigyan siya ng amo.
"Anong oras ang pasok at pag-uwi mo?" usisa ng Komandante.
"2 PM to 10 PM sir." kaagad na sagot ni Hansel.
"Sige payag ako, pero dahil sa day off mo 'yun, nangangahulugan na walang bawas ang mga araw na 'yon sa mga utang mo sa akin."
"Opo naman sir, itatanong ko rin po kung dito kayo manananghalian mamaya." saad ni Hansel.
"Hindi, almusal at hapunan lang ang ihanda mo, heto ang card ko, mamalengke ka na rin ng mga kakailanganin pa sa bahay." sagot ng Komandante.
"Sige po sir, ingat po kayo." saad ni Hansel sa tumalikod nang sundalo.
...
Mabuting balita ang natanggap ng pamilya Velasco ng malaman sa doktor, na walang malaking pinsala ang natamo ng kanilang bunso sa nangyaring aksidente rito. Ipinaalam rin ng duktor na anumang oras ay magigising na ang pasyente na tulog parin dahil sa mga ipanainom na gamot sa kanya.
"Mabuti naman at okay lang ang anak natin." nabunutang-tinik na saad ni Celia sa asawa.
"Tama ka Celia." sang-ayon ni Lito sa asawa.
Bukod sa pamilya Velasco ay masaya rin si Vince sa narinig rin nito.
"Sigurado akong matutuwa ang bunso ninyo kapag nakita ka niyang naririto, Enzo." saad ni Vince sa katabing si Lorenzo.
"Tama ka sir at malaking utang na loob ko 'yon sa inyo sir." saad ng naluha ng si Lorenzo, dala ng sobrang tuwa sa mabuting lagay ng kapatid.
Kaagad naman iniabot ni Vince ang kanyang panyo sa naiyak na katabi.
"Iyakin ka pala Velasco." asar ni Vince sa kapwa sundalo.
"Pagdating sa kanila sir, oo inaamin ko." sagot ni Lorenzo na kinuha ang alok na panyo ng Kapitan.
"Normal lang 'yon Enzo at masaya rin ako para sa inyo." nakangiting saad ni Vince.
Sa nakitang pagngiting 'yon ng Kapitan ay inaaamin ni Lorenzo na lalong gumwapo sa paningin niya si Vince at masaya siyang sa likod ng pilyong sundalong nakilala niya ilang araw palang, nakita nito na mabuting tao rin pala ito.
"Oh 'wag mo kong titignan na ganyan Enzo, baka 'pag hindi ko napigilan ang sarili ko'y halikan kita dito mismo sa harapan nila." bulong ni Vince nang makitang napako ang tingin sa kanya ni Lorenzo.
Kaagad naman iniwas ni Lorenzo ang namumulang mukha nito, na dulot ng sinabing 'yon ng Kapitan.
"Pero Enzo, gusto kong makilala pa kita ng lubusan at sana bigyan mo ako ng pagkakataon." seryosong saad ni Vince sa mahinang boses, para tanging si Lorenzo lang ang makarinig.
"Si-sir." mahinang sagot ni Lorenzo na 'di makapaniwala sa narinig nito.
...
Sinimulan ni Sebastian at Richard ang pamamasyal pa, sa huling araw nilang dalawa dito sa Baguio.
"Baste, dito ka muna at may bibilhin lang ako." paalam ni Richard sa Komandante at minabuti na mag-isang bilhin ang gusto nitong regalo para sa mahal niyang sundalo.
"Sige baby, balikan mo na lang ako dito at ako nang bahalang bumili ng mga pasalubong sa mga magulang mo at kila bayaw." sagot ni Sebastian.
"Sige sir." sang-ayon ni Richard at pinuntahan na ang bilihan ng gusto nitong bilhin.
...
"Magkano itong bracelet kuya?"
"1,500 po sir, mura na po 'yan at pwede lagyan ng pangalan o initials, para ba sa kasintahan mo sir." nakangiting saad ng tindero na nakyutan sa gwapo nitong kostumer.
Sa narinig sa tindero ay kaagad na naisip ni Richard si Sebastian at tama ang tindero, para nga sa taong mahal niya ang kanyang bibilhin.
"Sige kuya pabili ako ng dalawa, magkano pala ang pagpapa-engrave ng initials?" tanong ni Richard at minabuting palagyan nga ng initials ang mga nabiling silver bracelet, para lalong maging personal ang pagreregalo nito kay Sebastian.
"For free na sir, lalo na't cute kayo." nakangiting sagot ng tindero.
"Oh salamat kung ganun kuya at kaya pala marami kang suki dahil bolero ka." nakangiting biro ni Richard sa tindero.
"'Di naman sir, nagsasabi lang ako ng totoo." nakangiting sagot ng tindero.
"O siya na naniwala na ako, isusulat ko dito sa papel ang mga initials hindi ba?" saad at tanong ni Richard sa tindero.
"Oo sir." maikling sagot ng tindero at kinuha ang dalawang bracelet, para makita ng malapitan ng guwapo nitong kostumer.
"Oo, itong dalawa nga kuya at heto ang mga initials." saad ni Richard at abot nito sa papel na may mga initials na S.M. na initials ng pangalan ni Sebastian at R.M na initials naman ng kanyang pangalan.
"Sige sir, ilang minuto lang ito at maaari mo rin na hintayin na, heto ang upuan para 'di ka mangawit." nakangiting saad ng tindero.
"Salamat kuya." nakangiting pasalamat ni Richard sa bolerong tindero.
...
Matapos makabili ng mga pasalubong ni Sebastian ay naghihintay na ngayon ito sa labas ng tindahan, nang mahagip ng mga mata nito ang isang magazine na cover ang dati nitong girlfriend na si Rachelle Ventura.
'Rachelle.' saad sa isip ng sundalo, na inaamin niyang ibang-iba na ang itsura ng dating nobya ngayon.
'Masaya akong natupad ang pangarap mo.' saad ni Sebastian sa sarili.
'Pero mas masaya ako, dahil kapalit ng pag-alis mo, ngayon ay nasa harapan ko ang lalaking pinakamamahal ko.' saad muli ni Sebastian sa sarili at isang ngiti ang lumabas sa mukha nito sa nakitang kumakaway na si Richard na palapit sa kanya.
"Nabili mo ba ang listahan ng mga pasalubong?" bungad sa kanya ni Richard ng makalapit ito.
"Yes baby, ikaw ano palang binili mo?" tanong ni Sebastian.
"Mamaya malalaman mo sir, tara na at kumain na muna tayo." saad at yakag ni Richard, sabay kuha ng isang kamay ni Sebastian.
"Tara." sang-ayon ni Sebastian at wala ng mahihiling pa, dahil hawak ng kanyang kamay ngayon, ang taong nais na rin nitong makasama sa susunod pang mga araw, buwan at mga taon.
...
Gaya nga ng utos ng among sundalo, matapos sumaglit sa ospital, kasalukuyang naririto sa supermarket si Hansel at namimili ng mga groceries. Naunang bilhin ni Hansel ang mga alam nitong paboritong pagkain ng Komandante. Hindi rin nito kinalimutan ang kape at ilang in can ng mga beers. Sunod ay mga toiletries, mga detergent powder at fabric conditioner. Nang makasigurong tapos na ang mga listahan ng mga para sa among si Erick, sunod na tinignan ni Hansel ang laman ng kanyang wallet. Sa nakita nitong limandaan na lang ang kanyang pera ay napabuntong hininga na lamang ito.
'Mabuti na lang at magsisimula na ako sa trabaho sa makalawa.' saad sa isip ni Hansel at minabuting mga instant noodless na lang ang bilhin para sa kanya.
Dala ang mga pinamili sa cart ay pumila na sa counter si Hansel, pero sandali itong natigilan sa pagbunggo sa kanya ng isang tao.
"I'm sorry." hinging paumanhin sa kanya ng lalaki.
Kaagad naman napatingin si Hansel sa pamilyar na boses.
"Dok?" saad ni Hansel ng makilalang si Dr. Zamora, ang taong nakabunggo sa kanya.
"Hans!? Pasensya na ha at tawagin mo na lang akong Anthony kapag wala tayo sa ospital." hinging paumanhin muli ni Anthony at nakangiting saad nito kay Hansel.
"Okay lang 'yon Anthony." saad ng ngumiti rin pabalik na si Hansel.
"O Sige at may bibilhin pa ako." saad ni Anthony at nagpaalam na ito kay Hansel, para bilhin ang sadya nito sa supermarket.
"Miss, pakihiwalay ang mga instant noodless." saad ni Hansel sa kahera at minabuti nitong unahin ang binili nito para sa sarili.
"100.00 pesos po." saad ng kahera.
Iniabot naman ni Hansel ang natitirang limandaan na pera na galing sa kanyang wallet at matapos makuha ang sukli, sunod nitong pinacounter ang mga groceries na para sa among sundalo.
Dala ng mga maraming pinamili ni Hansel, nadatnan pa siya ni Anthony ng pumila ang huli para sa kanyang mga pinamili.
"Ang dami naman niyan Hans, hindi ko alam na mahilig ka palang uminom." saad ni Anthony at komento pa nito sa mga nakitang mga in can beers na kasalukuyang nasa counter.
"Ikaw pala Anthony, hindi para sa akin ito, para kay ku- sa amo ko ang mga ito." sagot ni Hansel.
"Ah, akala ko para sa'yo. Mabuti naman at walang magandang epekto sa katawan ang alak." saad ni Anthony na lumabas ang pagiging doktor nito.
"Ibig sabihin kasi Anthony, hindi ka rin umiiinom ng alak?" komento ni Hansel matapos marinig ang sinabi ng doktor.
"Well umiinom naman, pero madalang lang." sagot ni Anthony.
"Alam ko na, siguro umiinom ka lang kapag na heart broken ka no doc?" biro ni Hansel.
"Haha siguro kapag nangyari 'yon, pero mabuti na lang at hindi ko pa nararanasan ang sinasabi mo. Ikaw, baka naman naranasan mo na at mukhang alam na alam mo eh." balik na biro ni Anthony.
"Hindi ko pa iniisip 'yun Anthony, ang magising lang si ate ang gusto kong mangyari ngayon." sagot naman ni Hansel.
"Tama ka Hansel, isa pa enjoyin mo muna ang pagiging single mo? lalo pa't bata ka pa lang naman." saad ni Anthony.
"Hehe tama ka Anthony." sagot ni Hansel at tinignan nito ang mga pinamili na malapit ng matapos sa counter.
"Sir, 7,550.25 pesos po lahat." saad ng kahera.
"Heto miss." saad ni Hansel at kita nitong nanlalaking mata ang kahera pagkaabot nito sa card sa babae.
"Hindi ko alam na bigtime pala ang amo mo Hansel." komento ni Anthony, na nakita rin ang klase ng card na ibinigay ni Hansel sa kahera.
"Oo nga Anthony." sang-ayon ni Hansel, na kailan lang nalaman na mayaman ang Komandante.
"Hindi bababa sa 100 million ang dapat na laman ng may mga card na ganyan, kahit ako na ilang taon pa lang sa pagiging doktor ay matatagalan bago ako magkaroon ng ganyan." komento pa ni Anthony.
"Ganun kalaki Anthony?!" gulat na saad ni Hansel.
"Tama ang kasama mo sir, heto po ang balance pa nang card na dala ninyo." sang-ayon ng babaeng kahera at ipinakita nito kay Hansel ang balance na laman ng card na 350 million plus pa. At muling nanlalaki ang mga mata ni Hansel sa nakita nito pagkatapos.
"Gusto ko tuloy malaman Hans kung sino ang amo mo, para naman makipagkaibigan ako." biro ni Anthony sa gulat parin na kasama.
'Ang yaman pala talaga ni sir.' saad sa isip ni Hansel.
"Si-sige Anthony mauna na'ko." paalam ni Hansel na nagpatulong pa sa isang empleyado ng supermarket sa pagbuhat sa ilang 'di nito mabitbit na pinamili.
"Sandali Hans, saan ka ba ng maihatid na kita?" tanong ni Anthony bago tuluyang makaalis si Hansel.
"Hindi na Anthony, baka mapalayo ka pa, magtataxi na lang ako." tanggi ni Hansel.
"I insist, hindi naman ako nagmamadali. Saan ka ba?" pilit pa ni Anthony.
"Sa Spade Village ako." sagot ni Hansel para kung malayo ito ay bakasakaling magbago ang isip ng doktor.
"Seriously? Eh dun din ang punta ko, para sa pamangkin ko na may birtday ngayon." natutuwang saad ni Anthony.
"Kung ganun hindi na kita tatangihan." nakangiting sagot ni Hansel, isa pa hindi tatanggapin ng taxi driver ang dala niyang card at tanging 400 na lang ang perang meron siya.
...
Magkasabay na nga si Hansel at Anthony sa sasakyan ng huli, matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin sila sa dating bahay nila Hansel.
"Akala ko kanina nagbibiro ka lang ng sabihin mong dito nakatira ang amo mo, akala ko kasi sa bigating subdivision ka uuwi." saad ni Anthony bago tuluyang bumaba ang kasamang si Hansel.
"Ewan ko nga dun sa amo ko, siguro may tinataguan kaya dito niya napiling manirahan." pagsisinungaling ni Hansel, na walang balak ipaalam sa kasama ang totoo.
"Sige kita na lang tayo sa ospital Hans at gaya mo, ipinagdarasal ko na magising na kaagad ang ate mo." saad ni Anthony.
"Salamat sa libreng sakay Anthony at salamat din sa pagdarasal kay ate." saad ni Hansel at bumaba na sasakyan ng doktor.
"Walang anuman Hans, sige mauna na'ko." sagot ni Anthony at pinaandar na nito ang sasakyan.
Pag-alis ni Anthony ay pumasok na rin si Hansel sa bahay ng amo, pero natigilan ito ng makita ang seryosong mukhang meron ang Komandante na nakauwi na rin.
...
Hindi nagustuhan ni Erick, ang nakita nitong pagbaba ni Hansel sa isang sasakyan ng kung sinuman. Naririto ito ngayon sa pinto ng bahay para hintayin si Hansel.
"Sino ang naghatid sa'yo? Yung lalaki mo?" 'di na napigilang tanong ng nagpipigil ng inis na Komandante.
"Si-sir hindi po, si Anthony po 'yon." sagot ni Hansel na 'di matignan ang seryoso parin na amo.
"Sinong Anthony? At kung hindi mo lalaki 'yon? Bakit sumabay ka sa kanya?" usisang mga tanong ng nakakunot-noong sundalo.
"Sir kaibigan ko lang po yung tao, Anthony Zamora ang buo niyang pangalan at kilala niyo po siya dahil doktor siya ni ate. At kaya po sumabay na ako sa kanya ay dahil dito rin ang punta niya." paliwanag ni Hansel na 'di parin magawang tingnan ang among sundalo.
"Sa susunod 'wag kang sasabay kahit kaninong lalaki, para 'di ko isipin na katulad ka rin ng ate mo. At lalong 'wag kong malalaman na may nagpupuntang lalaki dito sa bahay ko, dahil hindi mo magugustuhan ang mga kayang kong gawin Hansel." saad ng seryoso parin na Komandante at pumasok na ito sa loob ng bahay bago pa makasagot si Hansel.
Inaamin ni Hansel na natakot ito sa among sundalo at gaya ng sinabi ng Komandante, sisiguraduhin ni Hansel na hindi na muli itong sasabay kahit na kaninong lalaki at lalong-lalo na ang magpapasok ng lalaki sa bahay ng kanyang among sundalo.
Nakadalawang balikan si Hansel sa pagbitbit sa mga pinamili nito, kita rin nito na kasalukuyang nanonood sa bago rin na malaking flat screen tv na nasa sala ang kanyang amo.
Bago simulan ang paglalagay sa dapat na lalagyan sa mga pinamili nito, minabuti ni Hansel na tanungin na ang amo kung anong mga gusto nito para sa hapunan.
"Sir, itatanong ko lang kung anong gusto niyong iluto ko para sa hapunan." kabang tanong ni Hansel sa amo.
Bumaling naman si Erick sa personal maid nito.
"Gusto ko ng beef, ikaw na ang bahala kung anong klase ng ulam ang alam mong lutuin." sagot ni Erick at muling ibinalik ang tingin sa telebisyon.
"Sige po sir." saad ni Hansel at inumpisahan na ang pagluluto ng hapunan.
...
Gaya nga ng sabi ng doktor, nagising na ang bunso ng mga Velasco at sobrang natuwa ang lahat ng dahil dun.
"Kuya!?" unang lumabas na salita kay Lexter ng makitang narito sa ospital ang kanyang kuya Enzo.
"Ako nga bunso, wala bang masakit sa'yo?" saad at tanong ni Enzo, na lumapit sa nagkamalay na nitong kapatid.
"Medyo masakit ang katawan ko kuya, pero masaya ako na nandito ka." nakangiting sagot ni Lexter.
"Ako din bunso, kaming lahat nila tatay masaya na gumising ka na." saad ni Lorenzo.
"Sino siya kuya?" tanong ni Lexter sa lalaking ngayon lang niya nakita.
"Ako si Captain Vince Manalo, Lexter. Kasamahan akong sundalo ng kuya Enzo mo." sagot ni Vince na lumapit sa bunso ng mga Velasco at iniabot nito ang laruang baril-barilan sa bata.
"S-sa akin po to?" magalang na tanong ng bata sa Kapitan.
"Oo Lexter, naikwento sa akin ng kuya mo na gusto mo raw maging sundalo paglaki mo, kaya habang bata ka muna, hetong baril-barilan muna ang pwede sa'yo." nakangiting saad ni Vince.
"Salamat po kuya Vince!" masayang sagot ng bata dahil matagal na nitong gustong magkaroon ng laruang baril-barilan.
Lubos naman na nagpapasalamat ang pamilya Velasco, sa nagawang pagpapasaya ng Kapitan sa kanilang bunso.
"Salamat sir." mahinang saad ni Lorenzo na sapat na para marinig ng katabing Kapitan.
"Wala 'yon Enzo, sige magkita na lang tayo bukas sa rooftop ng ospital, para sabay na tayong makabalik sa amin." saad ni Vince na minabuti munang magcheck in na lang sa malapit na hotel para makapagpahinga na rin.
"Sige sir." sagot ni Lorenzo.
"Tay, nay, ihahatid ko na muna si sir." baling nito sa mga magulang.
"Sige po mauna na'ko, Lexter pagaling ka kaagad dahil alam kong matapang ang mga sundalo." paalam ni Vince sa mag-asawang Velasco at bilin nito kay Lexter.
"Sir, yes, sir." saludo ng bibong bata sa Kapitan.
"Mukhang may susunod kaagad sa yapak mo Velasco." baling ng Kapitan sa sundalo na kasama niyang palabas ng ospital.
"Oo nga sir. Pero salamat sa lahat ng tulong mo sir." muling pasalamat ni Lorenzo.
"Wala 'yon Enzo." sagot lang ng Kapitan.
Samantala, kinakabahan ngayon si Private Lorenzo Velasco, kung papaano gagawin na maipaabot sa Kapitan ang naging sagot nito sa pagkakataong hinihingi sa kanya ng huli.
Sandaling tumingin si Lorenzo sa paligid ng ospital, at nang makasiguradong walang taong makakakita sa gagawin. Hinawakan nito ang isang kamay ni Vince.
Sa naramdamang humawak sa kanyang kamay ay natigilan ang Kapitan. At nagulat ito sa sunod na ginawa ng kasamang si Lorenzo.
Matapos hawakan ang isang kamay ni Vince at nakita nitong natigilan ang Kapitan, isinandal ni Lorenzo ang katawan ng Kapitan sa pader ng ospital at mabilis nitong hinagkan ang mga labing 'yon ng huli.
Hindi man inaasahan ang matapang na aksyon na 'yun ni Lorenzo, kaagad naman tinugon ni Vince ang mga halik na 'yon ng una at ramdam niya na hinayaan siya ng sundalo na maging dominante sa halikan nila. Inaamin ni Vince na nagustuhan nito ang mga labing 'yon ni Lorenzo at masaya ang Kapitan na alam rin nito na pinagbigyan siya ng sundalo sa hinihingi nitong pagkakataon na makilala nila ng lubusan ang isa't-isa.
Nang kapwa mauubusan na ng hangin ay humiwalay na sa halikan ang dalawang sundalo.
Hindi makatingin ng diretso si Lorenzo sa kasamang Kapitan, matapos ang kanyang naging aksyon ay kaagad na nahiya ang pobreng sundalo sa nagawa.
"Si-sige sir, kita na lang tayo bukas." saad ng nahihiyang si Lorenzo na namumula rin ang mukha.
Napangiti naman si Vince sa nakitang nahihiyang si Lorenzo. At inaaamin ng Kapitan, na ang namumulang mukha ngayon ni Lorenzo ang siyang nais nitong makita.
"Sige Lorenzo, pero bago ako umalis." bitin na saad ng Kapitan.
Dun pa lamang tumingin si Lorenzo sa mukha ng Kapitan.
Nang makita ni Vince na tumingin sa kanya si Lorenzo ay 'di ito nag-atubili na muling mahagkan ang mga matamis na labi ng sundalo.
Pagkahiwalay sa kanilang halikan.
"See you in my dreams, Enzo." saad ng Kapitan at isang kindat pa ang pinakawalan kay Lorenzo bago tuluyan itong umalis.
'See you also, sir.' saad sa isip ni Lorenzo na inaamin na masaya sa nangyari sa kanila ng kapitan.
...
'Di gaya ng nakalipas na gabi, nakuntento ang dalawang sundalo na nakahiga lamang sa kama. Habang nakahiga sa dibdib ng Komandante, kinuha ni Richard sa kanyang bulsa ang maliit na box na may lamang bracelet na para sa mahal nitong sundalo.
"Sir may ibibigay ako sa'yo." saad ni Richard na tumingala para magtagpo ang mga mata nila ni Sebastian.
"Ano 'yon baby." lambing na saad ng Komandante sabay halik nito sa ulo ng minamahal.
"Heto sir." saad ni Richard sabay bukas sa maliit na kahon na may lamang bracelet.
Pagkakita ni Sebastian sa bracelet ay gumuhit ang ngiti sa mukha ng Komandante at hinayaan nito ang bunso ng Heneral na isuot sa kanyang braso ang regalo nito. Nang maisuot na sa kanya ni Richard ang bracelet ay tinignan ng malapitan ito ng Komandante.
"S.M. ibig bang sabihin nito ay sobrang malibog?" biro ni Sebastian sa nakahiga parin sa kanyang dibdib na si Richard.
"Ewan ko sa'yo Baste." inis na saad ni Richard na tinalikuran pa ang kasama, dulot ng ginawang biro ng una, ang para sa kanya ay romantic na sanang sandali sa pagitan nilang dalawa ng Komandante.
"Thank you baby, sorry na, alam ko naman ang ibig sabihin nun. At alam kong may ganito ka rin na bracelet, akin na at isusuot ko ang sa iyo." suyo kaagad ni Sebastian at niyakap ang matampuhin na mahal niyang sundalo.
Humarap naman kaagad si Richard at ibinigay nga nito ang bracelet na may initials ng sarili niyang pangalan.
"Sandali baby, hindi ba mas maganda kung ang mayroong initials mo ang isusuot ko, pagkatapos ang sa akin naman ang isusuot ko sa'yo?" suhestiyon ni Sebastian sa kanyang naisip.
Sandaling napaisip si Richard at nabatid nitong mas maganda nga, kung ang initials ng kay Baste ang kanyang isusuot at ang kanya naman ay ang isusuot ng Komandante.
"Oo nga sir." pagpayag ni Richard.
At ipinasuot nga nila ang bracelet para sa isa't-isa.
"Ako rin baby, may ibibigay ako sa'yo." seryosong saad ni Sebastian habang hinahaplos ng kanyang kamay ang buhok ni Richard.
Muling napatingin si Richard sa mukha ng Komandante at 'di ito makapaniwala sa nakita nitong hawak ngayon ni Sebastian sa kanyang kamay.
"Si-sir." saad ng nagsisimula ng maiyak na si Richard.
"Baby, hayaan mong isuot ko ang singsing na ito sa'yo, na simbolo ng pangako ko, na kapag nagkita tayong muli, hihingin ko na ang kamay mo kila Heneral at Tita Aurora, pati na rin kila bayaw." seryosong saad ni Sebastian at hinawakan nito ang kaliwang kamay ni Richard at isinuot sa palasingsingan ng bunso ng Heneral, ang singsing na binili nito bago pa ang pagbiyahe nila ni Richard patungo ng Baguio.
Hindi na nga napigil pa ni Richard ang mga luha, na dulot ng labis na kaligayahan, nang pag-ibig na palaging ipinapadama sa kanya ng Komandante.
Pinunasan naman ni Sebastian ang mga luha ng mahal nitong si Richard at sunod na hinalikan nito ang kaliwang kamay ng huli na may suot na ngayon na singsing.
"Thank you sir at mahal na mahal kita." saad ni Richard at hinalikan nito sa labi ang Komandante.
"Mahal din kita baby at pangako, ikaw na ang huli." sagot ni Sebastian at sinuklian ng mas malalim na halik ang halik kanina ni Richard.
"Hindi ba pwedeng humirit, kahit isang round lang bago tayo matulog?" saad pa ni Sebastian na hindi matiis na walang mangyari sa kanila ni Richard ngayong gabi.
"Sige na sir, pero isang round lang." pagpayag ni Richard sa alam nitong 'di titigil na Komandante.
"Yes baby." sagot ng Komandante na kaagad pumaibabaw kay Richard.
...
Kasalukuyang kumakain si Erick ng hapunan at alam nito bago pa maluto ni Hansel ang nasa kanyang harapan na Beef Broccoli, alam ng Komandante na siguradong masarap ito.
At di nga ito nagkamali, para kay Erick ang mga luto ni Hansel ang pinakamasarap para sa kanya at daig pa pati ang luto ng kanyang mama.
Nananatili naman na nakatayo si Hansel at gaya kaninang umaga ay hinihintay nitong magreklamo ang Komandante, na baka hindi nagustuhan ang luto niya, pero ng makita nito ang maganang pagkain ng sundalo ay lihim na nagbigay ito ng saya kay Hansel.
Hangang sa matapos ngang kumain ang among sundalo ay wala ngang narinig na reklamo si Hansel. Sunod na iniligpit ni Hansel ang mga pinag-kainan ng amo at hinugasan na rin niya ang mga ito. Nang makasigurong malinis na ang buong kusina, kumuha ng isang instant noodless si Hansel para siya naman ang kumain ng hapunan.
Habang hinihintay ni Hansel na maluto sa mainit na tubig ang instant noodless ay minabuti na rin nitong walisin ang sala habang nasa silid parin ang kanyang amo. Matapos magwalis ay binalikan ni Hansel ang kanyang hapunan at inumpishan na rin nitong kumain.
Bumaba naman si Erick sa sala, para manood ng paborito nitong sports channel at bago tuluyang makarating sa sala ay nakita nito ang kasalukuyang kumakain na si Hansel. Sa nakita ay napakunot-noo ang Komandante at minabuti nitong lapitan ang kanyang personal maid.
"Bakit iyan ang kinakain mo?" 'di na napigilang tanong ni Erick nang makalapit ito kay Hansel.
Nagulat naman si Hansel sa narinig nito sa Komandante.
"Si-sir, ano kasi, ito lang ang pagkain na kaya kong bilhin." sagot na kinakabahang si Hansel.
"Hindi ba ang dami naman laman ng ref at nagpabili pa ako sa'yo kanina." saad ni Erick.
"Eh kasi sir, hindi naman para sa akin ang mga 'yon. Okay lang naman ako kahit sa instant noodless lang." nahihiyang saad ni Hansel.
"Kung sa'yo okay, sa akin ay hindi. Nasaan ang mga pinamili mo pang ganyan?" saad ni Erick at tanong pa nito kay Hansel.
"Na-nasa isang plastic bag at nasa kabinet na nasa itaas sir." kabang sagot ni Hansel at nag-aalala ito sa gagawin ng amo.
Tinignan nga ni Erick sa kabinet ang mga biniling instant noodless ni Hansel, nang makita ang mga ito'y kinuha nito ang lahat at inilagay sa basurahan.
"Si-sir!" gulat na saad ni Hansel sa ginawa ng amo at tumayo ito para sana kuhanin ang mga nasa basurahan nang pagkain.
"Hansel!" galit na saad ng Komandante.
"Si-sir, yun na lang ang natitirang pagkain na meron ako." saad ng nagpipigil ng maluhang si Hansel.
Napahilamos na lang sa mukha si Erick nang hindi parin maintindihan ni Hansel ang gusto nitong sabihin.
"Hansel, kung anuman ang pagkain na meron dito sa bahay ay puwede mo rin kainin, bakit pinagtiyatiyagaan mo ang mga 'yan. Gusto mong ikaw naman ang magkasakit." mahinahon na saad ni Erick.
Napatingim naman si Hansel sa among sundalo sa kanyang narinig.
"Pero hindi ko naman gastos ang mga 'yun sir." saad ni Hansel.
"Oo nga pero bilang amo mo kailangan sundin mo ako at gaya ng sabi ko kanina, kung anong sa akin ay sa iyo rin, naiintidihan mo ba?"
"Si-sige sir." sagot na lang ni Hansel.
"Good, at ito na ang huling makikita kong kumakain ka ng ganyan." saad ni Erick.
"Opo sir." saad ni Hansel.
"Isa pa, magkatabi tayong matutulog mamaya." seryosong saad ni Erick.
"Si-sir!" gulat na sagot ni Hansel.
"Simple lang Hansel, hindi na ang matulog ka sa labas ang kapalit kapag hindi ka sumunod sa akin, ngayon mismo ay tanggal ka na sa trabaho mo at ibig sabihin nun ay kailangan mo na akong bayaran ng buo sa mga nagastos ko sa kapatid mo." ngising saad ni Erick.
"Pe-pero sir." tutol ng namumulang mukhang si Hansel, iniisip palang nitong magtatabi sila ng Komandante ay hindi na ito mapakali, paano pa kapag nangyari na ito.
"Walang pero-pero Hansel, tatanungin kita ng huling beses, magtatabi tayo o maniningil ako?" seryosong tanong ng wais na sundalo.
Gaya nga ng inaasahan ni Hansel, nagsisimula na ang pagganti sa kanya ng Komandante at wala naman itong magagawa kungdi ang sumunod sa among sundalo.
"Sige sir payag na ako." talong saad ni Hansel.
"Sabihin mo ng malinaw Hansel." saad ni Erick.
"Sige sir, magtatabi po tayo." nakayukong saad ni Hansel, para hindi makita ng Komandante ang namumula niyang mukha sa mga oras na 'yon.
"Smart decision then, Hans." saad ng nangingiting si Erick, sabay gulo sa buhok ng nakayuko parin na si Hansel.