ART 6

1000 Words
"Anong nangyari, Vaughn? Ano na naman ang article na lumabas tungkol sa 'yo?" natatawa na tanong sa akin ni Razen. Imbis na sumasakit sana ang ulo ko sa mga school works namin ay mas sumasakit pa ang ulo ko sa mga issues na lumalabas ngayon tungkol sa akin. "She just asked me if I could just pretend to be his boyfriend for a couple of weeks. Dinamay na niya ako sa problema niya personally. Damn her," inis na sagot ko sa kaniya. Mas nagtawanan naman ang tatlo kong mga kaibigan. Wala na rin naman akong magagawa pa kundi ang pumayag na lang kay Jenive. Tutal naman ay makikinabang din ako roon dahil hindi naman iisipin ng ibang tao na nakipag-one night stand ako sa kaniya. Mas mabuti na rin ngayon na magpapanggap kami na nasa iisang relasyon para humupa na rin ang issue tungkol sa amin na nakitang nag-check in kami sa hotel. Ang article na kumakalat ngayon ay nagpalit ng status si Jenive sa social media niya na in a relationship siya sa akin. Gano'n din ang ginawa ko para makumpirma sa lahat at maniwala sila na nasa iisang relasyon nga kami. Mabilis kumalat ang balita dahil marami naman ang nakaabang sa aming dalawa. "Nakakagulat na ang isang Adonis Vaughn Cash ay nagkaka-issues na ngayon. Hinintay mo lang pala na mag-college ka bago mo paingayin ang pangalan mo sa mga babae, ha!" sambit pa ni Zane sa akin. Itinaas ko naman ang gitnang daliri ko para sa kaniya. "Gago. Hindi rin naman siya magtatagal dahil tatapusin ko na rin kapag nakalipas na ang isang linggo. Pumayag na lang din ako sa plano niya, tutal naman ay makikinabang din ako. Ayokong isipan ako ng mga estudydante rito na nakikipag-one night stand ako sa mga babae. Ayoko rin naman na makarating ang ganoong balita kina Mom and Dad." Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring reaksyon si Apple sa issues na kumakalat tungkol sa akin. Hinihintay ko na bungangaan niya ako, pero tahimik siya ngayon. Kinakausap din naman niya ako ng normal sa bahay namin, kaya nagtataka talaga ako. Napapaisip ako kung may alam na ba siya tungkol sa issue o wala. "Baka naman totohanin niyo na ang pagpapanggap na relasyon na 'yan, ha? Maganda rin naman si Jenive, ah? Bakit hindi mo na lang siya jowain ng totoo?" sambit naman ni Deyl. Agad naman akong umiling dahil sa naging suhestiyon niya. "No way. Ayokong magkaroon ng girlfriend na maraming family issues. Ayokong problemahin din ang mga pinoproblema niya sa buhay niya. Mukha namang marami siyang problema sa mga magulang niya," sagot ko naman sa kaniya. "Malalaman na lang natin 'yan kapag naging close na sila. Makikilala rin naman nila ang isa't-isa tapos magugulat na lang tayo na totoo na pala ang relasyon nila. S'yempre hindi niyo naman 'yan agad pwedeng tapusin ang pekeng relasyon ninyo. Kailangan niyo pang ipakita sa mga tao na talagang mag-boyfriend at girlfriend kayo para humupa na ng tuluyan ang issue tungkol sa inyo na nasa hotel," dagdag naman ni Francis sa usapan namin. Ang plano kasi ni Jenive ay magde-date kami bukas at magpo-post siya ng picture na mayroong caption na nakalagay ay 'Happy 2nd anniversary'. Para raw masabi na medyo may katagalan na ang relasyon namin at nag-check in kami sa hotel dahil nag-party kami kasama ng mga kaibigan ko. Napag-alaman ko rin na wala pala siyang kasama noong gabi na nakita ko siya sa labas ng bar. Sa malayo siyang bar nag-inom para raw walang makakita sa kaniya na kakilala niya at hindi siya ma-issue-han dito sa C.U. Dahil nga mukhang may family problem siya kaya nag-inom siya. Ngunit dahil sa problema niyang 'yon ay nadamay tuloy ako sa issue niya. "I will assure all of you that I won't be in a real relationship with her. May isang salita ako. Besides, hindi siya ang tipo kong babae. Ayoko ng problematic masiyado ang buhay." "Choosy mo sa babae. Ako kasi basta mukhang masarap ay jojowain ko na agad," sagot ni Francis at nagtawanan muli sila. Maya-maya ay may bumato sa mukha ni Francis na isang papel, kaya natigil siya sa pagtawa. Nang tingnan namin kung sino ang nangbato sa kaniya ay hindi ko naman inaasahan na si Apple 'yon. Masama na ang tingin niya ngayon kay Francis. "Ang manyak mo talaga kahit kailan," sambit ni Apple sa kaniya. Napakamot na lang si Francis sa ulo niya. "Biro lang naman hehe." Sanay na ang mga kaibigan ko sa kakambal ko na 'to. Masungit siya minsan pero mabait pa rin naman sa kanila. Nakaka-bonding din naman ng mga kaibigan ko si Apple. Lalo na at gusto rin ni Apple ang mga naging kaibigan ko. Kaya magaan ang loob niya kina Francis. Lumipat naman ang masamang tingin sa akin ni Apple. Napalunok naman ako. Ito na nga ba ang hinihintay ko. Mukhang alam na ni Apple ang tungkol sa kumakalat na issues tungkol sa akin ngayon. Nilapitan naman niya ako. "You better explain this, young man," seryosong sambit niya sa akin. Saka niya iniharap ang kaniyang phone sa akin at nakita ko roon ang status ko na in a relationship sa account ko. "I will explain it to you. Kaya huminahon ka muna at huwag ka munang maghi-hysterical," sagot ko agad sa kaniya. Pinangunahan ko na siya dahil alam ko naman na mag-iinit na agad ang ulo niya. Mabuti na lang at kami lang ang tao ngayon dito sa classroom namin dahil breaktime pa namin. "How am I supposed to calm down kung nasa iisang relasyon ka na pala at wala man lang akong kaalam-alam?! Tapos nag-check in pa kayong dalawa sa hotel noong isang gabi. My gosh, Vaughn. Wala ka bang balak na ipaalam muna sa akin? Akala ko ba ay walang sikreto between us?" nagtatampo na sambit niya sa akin. "We're just pretending, okay? I will explain everything to you." Ipinaliwanag ko na agad kay Apple ang lahat-lahat ng tungkol sa amin ni Jenive. Damn, hindi maganda ang pinasok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD