ART 7

2000 Words
“Is this really necessary to do?” tanong ko agad kay Jenieve. Narito na kami ngayon sa isang sikat na restaurant. Hindi ako masiyadong mahilig kumain sa mga ganitong lugar, pero nakakain naman na ako rito. Basta si Mom ang nagyaya na kumain sa isang restaurant, kailangan ay kasama ako at kumpleto kaming apat. Malakas kasi magtampo si Mom. Pero ngayon ay narito kami ni Jenieve para sa isang ‘date’ kuno naming dalawa. Magpasalamat na lang siya at sinipot ko siya ngayon. Mabuti na lang at hindi naman ako masiyadong busy ngayon. Wala pa akong inaasikaso sa ngayon. Naisip ko lang na baka kapag hindi ko sinipot si Jenieve rito ay baka may makakita na naman at ikalat pa sa C.U. Mahirap na, mabilis pa namang kumalat ang mga balita. Baka kapag nakita lang na mag-isa rito si Jenieve at mukhang naghihintay, sasabihin na agad ng mga tao na hindi ko siya sinipot dito. Ako lang ang masisisi. Ayoko nang umingay pa ang pangalan ko, kaya sasakyan ko na lang ang plano nitong si Jenieve. Panandalian lang din naman ‘to. All I have to do is to be patient. “Of course! Para naman may history talaga na nag-date tayong dalawa at hindi nagpapanggap lang. Mahirap na dahil baka mamaya ay may gumawa pa ng issue na nagpapanggap lang tayo na nasa iisang relasyon,” sagot naman niya sa akin. “Why do we need to make an history that we dated? As if we’re heroes here in our country,” sarkastiko naman na sagot ko sa kaniya. Inirapan naman niya ako. “You know what? Akala ko talaga ay mabait ka at hindi ka bad boy katulad ng ibang mga lalaki sa C.U. Pero ngayon na nakakausap na kita, nagbago na ang impresyon ko sa ‘yo.” “As if I care about your impression to me. I don’t give a damn. Let’s finish this immediately. As you know, I am a busy person.” Paninindigan ko na lang ang pagiging masungit ko sa kaniya. Para na rin hindi siya magkagusto talaga sa akin. Alam ko naman na malakas ang dating ko sa mga babae. Kailangan ko nang linawin sa kaniya ng mabuti na hanggang pagpapanggap lang kami at walang mangyayari na totohanan. Hindi ko rin naman papanindigan ang nararamdaman niya sa akin kung sakali man na magkagusto siya sa akin ng totoo. “I want to order these.” Itinuro naman niya sa akin ang mga pagkain sa menu na gusto niya. Bahagyang tumaas pa ang isang kilay ko. Namamana ko tuloy ng kaunti ang kamalditahan ni Apple. Baka isipin pa nito na kalalaki kong tao pero ang taray kong tumingin. Pero hindi ko lang napigilan ang kilay ko. “Bakit sa akin mo itinuturo at sinasabi? Ako ba ang waiter sa restaurant na ‘to?” sarkastiko muli na tanong ko pa sa kaniya. Muling umikot ang kaniyang mga mata. Buti hindi siya nahihilo sa kakairap niya sa akin? Bilib talaga ako sa mata ng mga babae. Kahit ilang beses pa silang umirap ay hindi sila nahihilo. “Since this is our first ever date, hindi ba dapat ay lalaki ang gagastos? Oh, gosh. Don’t tell me na wala ka bang balak gastusan ako at mas gusto mo pa na ikaw ang gagastusan ko ngayon?” maarte pa na sambit niya. Napatakip pa nga siya sa kaniyang bibig na para bang nagugulat siya ngayon. Ang OA naman ng babae na ‘to. Nakakairita talaga kapag ang mga babae ay ang daming arte sa buhay. Mabuti na lang at hindi ganito kaarte ang kakambal ko. “Bakit kita gagastusan? Ikaw naman ang nagyaya sa akin sa restaurant na ‘to. Don’t you have any money?” “I have money! What do you think I am? Poor? Huh! I didn’t know that you’re this kind of person, Vaughn. You’re so cheap. Sayang naman ang bansag sa ‘yo na anak ng bilyonaryo kung napaka-cheap mo naman pala,” reklamo na agad niya sa akin. Mabuti na lang at medyo malayo ang lamesa ng ibang customers sa amin. Kaya kahit napapalakas na ang kaniyang boses dahil napipikon na siya sa akin, hindi pa rin naririnig ng iba ang kaniyang mga sinasabi. Nginisian ko naman siya. “Okay, fine. Consider yourself lucky today. But this will be the first and last day that we will have a so-called date,” sagot ko na lang sa kaniya. Hindi na siya nakapagsalita pa at itinaas ko na ang aking kamay ng bahagya. Mabilis naman na may lumapit na waiter sa lamesa namin. Sinabi ko na ang order ko at sinabi na rin ni Jenieve ang kaniyang mga order. Hindi na niya masiyadong dinamihan, malamang ay nahiya siya sa akin. Alam ko naman na mayaman talaga ang mga magulang ko. Bilyonaryo at bilyonarya parehas ang mga magulang ko. Pero kahit na marami kaming pera, para sa akin ay hindi pa rin tama na gastusin ko ‘yon ng sobra. Pera pa rin ‘yon ng mga magulang ko. Saka na ako magwawalgas ng sobra kapag sariling pera ko na mismo ang gamit ko. Gano’n din ang mindset ni Apple. Hindi siya masiyadong maluho. Pero binibigay naman sa amin nina Mom at Dad ang lahat, kahit hindi namin hinihingi. Minsan nga ay kami na mismo ang tumatanggi sa mga gusto nilang ibigay sa amin. Ang lagi lang nilang sinasabi sa amin ni Apple ay; ‘Money is not an issue to our family. We have a lots of money. Hindi tayo mauubusan niyan kahit ilang henerasyon pa sa pamilya natin ang dadaan.’ “Thanks. I enjoyed your treat for me,” sambit ni Jenieve. Katatapos lang namin ngayon na kumain. Tumayo na ako dahil tapos ko na rin namang bayaran ang bill. Hinintay ko lang na magsabay kami ni Jenieve palabas ng restaurant. “Dito na siguro matatapos ang pagpapanggap natin, right? Pwede ka nang gumawa ng kwento na naghiwalay na tayong dalawa. I have my car with me and I guess you have yours too. Kaya hindi ko na kailangan pa na ihatid ka pauwi,” sambit ko naman sa kaniya nang makalabas na kami. “Nagpahatid lang ako sa driver ko kanina. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao kapag hindi tayo sabay na papasok sa iisang kotse? Who knows, baka mamaya may nakakakilala pala sa atin dito at inoobserbahan na tayo. Baka masaya lang ang date natin ngayon kapag mabubuking din pala tayo.” Ang dami namang alam ng babae na ‘to. Pwede naman na dinala na lang sana niya ang sasakyan niya. Tsk. Hindi na lang ako pumalag pa. Tutal ito na rin naman ang huling araw na magsasama kami ng ganito in public, pagbibigyan ko na siya. Naglakad na kami papunta sa sasakyan ko. Pinagbuksan ko pa siya ng pinto sa passenger’s seat. Saka ako umikot papunta sa driver’s seat. “Where should I drop you off?” “Hindi ba pwede na gumala muna tayo sa mall or what? Ang boring mo naman kasama. Deretso uwi agad after kumain? Ang aga pa kaya,” reklamo pa niya sa akin. Nilingon ko naman siya. “I am a busy person, Jenieve. I already spared you some time earlier and that’s enough. Kung gusto mo pang gumala sa mall, I can drop you there.” Inirapan na naman niya ako. “I just want to have some fun,” medyo malungkot nang sambit niya. “Don’t you have any friends? Sila ang yayain mo para makapagsaya ka sa mall.” “I do have some friends, but they’re busy. Isa pa, ayoko pang umuwi sa bahay. Sobrang aga pa.” “Ayan ka na naman. ‘Yang hindi mo pag-uwi sa bahay ninyo last time ang nagpahamak sa akin. Kaya nga tayo nagpapanggap na ngayon na nasa iisang relasyon dahil sa ayaw mong umuwi. Baka may mangyari na namang hindi maganda ngayon dahil ayaw mong umuwi,” sagot ko sa kaniya. Napabuntong-hininga naman siya, kaya nagtaka ako. Para bang may malaki talaga siyang problema sa bahay nila, kaya ayaw niyang umuwi. Bakit hindi na lang siya bumukod ng bahay kung gano’n? Or maybe may rason na hindi ko naman alam at wala akong balak alamin pa. “Tsk, fine. I’ll just spare you another one hour and that’s it, uuwi na ako after that. Bahala ka na sa mga gusto mo pang gawin kapag natapos na ang isang oras. Lalo na at wala naman akong hilig sa malls.” Napapalakpak naman siya dahil sa tuwa at tumango-tango pa sa akin. “One hour is enough. Ayos na sa akin ‘yon.” Nagmaneho na lang ako papunta sa pinakamalapit na mall dito sa restaurant na kinainan namin. Nang makarating kami roon ay sumusunod lang naman ako sa kaniya. Tahimik lang ako na sinusundan siya sa mga pinupuntahan niya. Nagtitingin-tingin siya ng mga damit sa bawat boutique. Napansin ko na may mga nagugustuhan siya, pero hindi niya binibili. Pinigilan ko naman siya sa paglalakad. “What?” tanong niya sa akin. Nakakunot ang noo ko na nakatingin sa kaniya. “Bakit hindi ka bumibili? Mukha namang marami kang nagugustuhan sa bawat boutique na napasukan natin. We already entered six boutiques. Kaya bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring nabibili na kahit isa?” nagtataka naman na tanong ko sa kaniya. Umiwas naman siya ng tingin sa akin. “I just don’t want to buy them. Mukha lang gusto ko, pero hindi ko talaga bet.” “Don’t tell me you don’t have money to buy those clothes? Kaya ba in-ask mo rin ako kanina na sagutin ang pagkain sa restaurant? Is that it?” tanong ko pa sa kaniya. Inis naman niyang inalis ang hawak ko sa kaniyang kamay. “Hell, no! I have money. Tsaka isa pa, tama lang naman na ikaw ang nagbayad kanina ng pagkain natin. Lalaki ka. Hindi mo dapat pinapagastos ang babae kapag first time kakain sa labas. Ayoko lang talaga na bilhin ang mga ‘yon. Naghahanap pa ako ng pinakamagugustuhan ko na damit,” sagot pa niya sa akin. “It doesn’t matter if you admit that you don’t have money. Mukha namang may dahilan kung bakit gano’n.” Sigurado ako na wala siyang pera ngayon. Is she grounded or what? Mukhang may problema nga sa bahay nila kaya ayaw niyang umuwi. “Fine! Kinuha ni Dad ang mga debit cards ko. Simula noong nalaman na nag-check in daw tayo sa isang hotel at galing pa sa bar. Kaya ayoko munang umuwi sa bahay ng maaga. Gusto ko munang magliwaliw at maalis sa isipan ko ang mga pinoproblema ko ngayon sa buhay. Okay na ba? Hindi ako mahirap ha. Baka isipin mo pa na mahirap lang ang pamilya ko. Hindi rin kami nagkakaroon ng financial problem. Sadyang… may problema lang ako sa parents ko,” pag-amin niya sa akin. And again, nanlambot na naman ang puso ko sa kaniya. Ayoko talaga sa lahat ay may isang tao na namomroblema dahil sa kaniyang mga magulang. Hindi kasi naparamdam nina Mom at Dad ang gano’n sa amin ni Apple. Maayos ang pagpapalaki nila sa amin at magaling silang mga magulang. Kaya nalulungkot din ako kapag mayroon akong kakilala na may problema sa magulang. I don’t want them to feel that kind of pain. Kaya tutulong na lang ako sa kahit na anong paraan para mapasaya sila. “Since you’re still my girlfriend now, well dahil nagpapanggap pa rin tayo. Just get everything that you want here. Ako na ang bahala na magbayad sa mga gusto mo. Again, consider yourself lucky today.” “Talaga? But, wait. Baka naman isumbat mo ‘yan sa akin at may magsabi pa na gold digger ako.” “I am doing this as your so-called boyfriend. Kaya huwag ka nang umangal pa.” Natuwa naman siya nang marinig ang sinabi ko. Baka sakali na kapag nag-shopping siya ay mapasaya ko siya sa ganoong paraan at mawala ang mga pinoproblema niya sa buhay ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD