bc

Art of Loving a Billionaire

book_age16+
12.6K
FOLLOW
58.1K
READ
billionaire
sex
badboy
sweet
bxg
female lead
male lead
realistic earth
first love
seductive
like
intro-logo
Blurb

WARNING| R18 STORY

The story of Adonis Vaughn Cash, the son of Vivian Ruth and Apollo Cash from the story FOR RENT: Bride for the Billionaire.

“All art, like all love, is rooted in heartache.”

Art heals everything. Art can represent love. But art can also be the cause of pain and sadness. To create an art, you should have a motivation and inspiration. I started to make an art out of boredom, until it became a habit. Then my journey continues as I also continued to make art with happiness and joy. But it became hatred and sadness after love came to my life. Love that I didn’t expect to come and ruin my arts. Art became my life. How am I able to continue making art with happiness when my heart died due to that one heartbreak?

“You’re my first ever heartbreak. And it hurts like hell.” - Adonis Vaughn Cash

Let us all read the story of Adonis Vaughn Cash!

chap-preview
Free preview
ART 1
“Sure ka na ba na ‘yan ang gusto mong kunin na kurso?” tanong naman sa akin ng aking kaibigan na si Zane. “Why? I don’t seen anything wrong with the course that I took,” simpleng sagot ko sa kaniya. “Dude, we took a business course. Why don’t you just take a business course too? Para naman magkakasama pa rin tayo nina Razen at Francis,” pagpupumilit pa sa akin ni Zane. “Zane is right, Vaughn. Bakit ba hindi mo na lang sundan ang yapak ng mga magulang mo? They are known as successful businessman and businesswoman. Successful din naman ang mga kumpaniya nila na pwedeng ipamana na agad sa ‘yo kapag tapos ka nang makapag-aral. So why don’t you just take the same course as ours?” dagdag naman ni Francis. Inilingan ko naman sila dahil sa kanilang mga sinasabi sa akin. My parents, Vivian and Apollo Cash, the famous businesswoman and businessman around the world. Marami silang mga malalaking kumpaniya dahil kilalang bilyonaryo noon ang kanilang mga magulang, which are my grandparents. Kaya ipinipilit nila sa akin na sundan ko ang landas ng aking mga magulang. “Hindi naman porket mga business-minded ang mga magulang ko ay dapat ako rin. Yes, I know that their businesses are well-known worldwide. Pero hindi naman ibig sabihin na dapat ay gano’n na rin ako. Hindi naman required na kapag business persons ang mga magulang ay dapat gano’n din ang anak. I have my own life and decisions.” Palibhasa sila kasi ay kaya lang naman nag-business course sa college ay dahil naisip nila na gano’n dapat ang gawin nila. Normal na ang gawain na ‘yon sa mga mayayaman na pamilya. Nakasanayan na nila na kapag ang mga magulang nila ay may malaking kumpaniya, hindi na sila magsusumikap pa. Maghihintay na lang sila na ipapamana sa kanila ang mga negosyo na ‘yon at sila ang magtutuloy, kaya business course ang kinuha nila. Pero naiiba ako sa kanila. I don’t want an easy life. Gusto ko na may sarili akong mapapatunayan nang hindi ako tinutulungan ng mga magulang ko. “But you can just pick other courses than that. I mean, why Fine Arts? You’re good in almost everything. Kaya bakit Fine Arts pa?” tanong naman sa akin ni Razen. Alam ko naman na hindi ako maiintindihan ng mga kaibigan kong ‘to, kung bakit iyon ang napili ko na kurso sa college. “I just love… arts.” Hindi naman na nila ako mapipilit pa kung ano ang kurso na gusto kong kunin. Wala silang magagawa sa desisyon ko. Bata pa lang naman ako ay ito na talaga ang pangarap ko. Gusto ko talaga na maging isang illustrator o artist. Masaya ako sa paggawa ng iba’t-ibang klase ng arts at paintings. Alam ko naman na hindi pa ako masiyadong magaling sa larangan na ‘to. Pero alam ko sa sarili ko na mas magiging masaya ako kapag ito ang pinili ko na landas. When I was a kid, I started making my first ever drawing. I was alone in our big house that night. Nasa kumpaniya pa si Dad noong gabi na ‘yon, habang si Mom at ang aking kakambal na si Apple Vivianna ay nag-shopping. Gusto ko silang hintayin na umuwi at salubungin, kaya naman ay nagpunta muna ako sa garden ng bahay namin. Para makikita ko agad kapag nakauwi na sila. Habang naghihintay ako ay napatingin ako sa langit. Napakaraming mga bituin noong gabi na ‘yon at maliwanag ang buwan. Dahil wala naman akong magawa ay may naisip ako. Nanakbo agad ako no’n papunta sa loob ng aming malaking bahay. Kumuha ako ng papel at lapis saka ako muling bumalik sa aking pwesto. Sinubukan ko na gayahin kung ano ang mga nakikita ko sa langit. Nag-drawing ako at saka kinulayan ko pa ‘yon. Nang matapos ako ay bigla na lang akong natuwa nang makitang gayang-gaya ko ang nakita ko mismo sa langit. Sakto na umuwi na ang mga magulang at kapatid ko. Nanakbo ako palapit sa kanila noong gabi na ‘yon, saka ko ipinakita ang drawing ko sa kanila. Nakita ko na proud na proud ang mga magulang ko sa akin nang makita ang unang drawing ko sa murang edad pa lamang. Simula no’n ay naging hobby ko na ang pagdo-drawing. Hanggang sa nag-high school na ako ay nagpa-participate ako sa mga contests at extracurricular activities sa Cashland University na pagmamay-ari ng aking ama. Ito ang unibersidad na hindi lang sa bansa namin mayroon, kundi pati na rin sa iba pang mga bansa ngayon. Sikat ang unibersidad namin sa buong mundo. Dahil isa ito sa pinakamagandang unibersidad na kinikilala ngayon. “Today is your first day of college, right?” tanong sa akin ni Mom. Inayos ko naman ang aking mga gamit. “Yes, Mom. Si Apple ba ay handa na rin?” tanong ko pabalik sa kaniya. “I’m so happy for you and for your twin,” bigla ay sambit sa akin ni Mom. Nginitian ko naman siya dahil para na siyang maiiyak na nakatingin sa akin. “Wala pa naman kaming nararating ni Apple, Mom. Bakit proud ka na kaagad sa aming dalawa?” “Kahit wala pa kayong nararating ay proud na proud na ako sa inyo. Lalo na ngayon na nagawa ninyong magkaroon ng sarili ninyong desisyon kung ano ang kukunin niyong kurso sa college. Doon pa lang ay masaya na ako para sa inyo.” “Thank you so much for supporting us, Mom. Maswerte kami ni Apple na kayo ni Dad ang naging mga magulang namin.” We’re so blessed to have them as our parents. Hindi sila nagalit nang malaman na hindi business ang kukunin namin na kurso ng kakambal ko. Suportado nila kami sa lahat ng mga bagay na makakapagpasaya sa amin. They motivated us a lot. Kaya naman ang pinapangarap ko ngayon ay para sa mga magulang ko. I want to make them happy. “Vivianna! Bilisan mo nang kumilos d’yan at may ibibigay kami sa inyo ng Daddy Apollo ninyo!” sigaw naman ni Mommy. Tinatawag na niya si Apple sa kwarto niya. I am Adonis Vaughn Cash. Vaughn ang tawag sa akin ni Dad at ng kakambal ko, samantalang Adonis naman ang tawag sa akin ni Mom. Sa kakambal ko naman, mas gusto ni Mom na tawagin niyang Vivianna si Apple. While kami ni Dad ay Apple lang mismo ang tawag. Si Mom lang naman ang may gusto na naiiba siya ng tawag sa aming dalawa ni Apple. Then the rest of the people around us calls us by our second name. Mas sanay din naman kami roon. Tutal ang gusto ni Mom ay siya lang daw mismo ang tatawag sa amin sa first names namin. Gusto namin na mapasaya palagi si Mom, kaya naman ay hinayaan na namin siya sa kung ano ang gusto niya. “Gosh, Mommy! Kanina pa po ako ready for school. Kanina ko pa nga hinihintay si Vaughn for breakfast!” sagot naman ni Apple mula sa baba. Ibig sabihin ay wala na siya sa kaniyang kwarto. Napatingin ako sa orasan. “Himala naman at ang aga niyang kumilos ngayon?” reaksyon ko. Tamad kasing kumilos ang isang ‘yon. Minsan lang naman siya sumisipag, kapag gusto niya talaga ang gagawin niya sa araw na ‘yon. “Gano’n talaga kapag excited sa unang araw ng college,” sagot na lang ni Mommy sa akin. Sumunod na ako sa kaniya sa baba at nagpunta na kami sa dining area. Naroon na si Dad at Apple at nakahanda na rin ang lahat ng mga pagkain sa harapan namin. “Good luck on your first day of college. Don’t hesitate to tell us if there’s any problem, okay?” bilin naman ni Dad sa amin. “Wala namang magiging problema roon, Daddy. Kaya huwag na kayong mag-alala sa amin. Excited na talaga ako na pumasok!” masaya naman na sagot ni Apple. “Why are you so excited today?” tanong ko naman sa kaniya. Nagkibit-balikat pa siya sa akin nang itanong ko ‘yon. “Well, s’yempre ay masaya ako dahil may bago na naman akong matututunan at mae-experience. Lalo na at gusto ko talaga ang course na nakuha ko. Why? Hindi ka ba excited for the first day of our college life?” tanong niya rin sa akin pabalik. “I’m happy, but I am also not that showy. Excited din naman ako ngayon dahil mapag-aaralan ko na ang pangarap na gusto kong makamit.” Nagkwentuhan pa kami bago kami nagpaalam kina Mom at Dad na aalis na kami. Ngunit laking gulat pa namin ni Apple nang biglang maglabas ng dalawang susi si Dad. Iniabot niya sa akin ang susi na may chain na blue, samantalang pink naman ang kay Apple. “You will have your own car from now on.” We’re so very lucky to have them as our parents. I am thankful to God.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.7K
bc

His Obsession

read
89.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook