ART 5

1500 Words
“Guess what? Kaya pala nawala ang kaibigan natin sa bar last Saturday ay dahil may natipuhang babae at pinunta na sa hotel!” “Shut it, Razen. Mali ‘yang naiisip mo.” Lunes pa lang ay inaasar na ako ng mga kaibigan ko. Inaasahan ko naman na ‘to. Kahapon ko pa sila hindi pinapansin sa mga messages nila sa akin, dahil sinisisi ko sila. Paggising ko kahapon ay kalat na agad ang balita na nasa isang hotel ako, kasama si Jenive Laura. Hindi ko naman akalain na sikat din pala ang babae na ‘yon sa C.U. May sariling group sa social media ang Cashland University. Ang mga pwedeng sumali lang doon ay mga estudyante ng C.U. at sila lang din ang may access. Naroon lahat naka-post ang mga announcements, mga issues, at kung ano-ano pa na tungkol sa C.U at sa mga estudyante na nag-aaral doon. Active pa naman ang lahat ng mga estudyante roon, dahil ayaw nila na may makaligtaan na kahit na anong balita. Kaya malamang ay alam na ng lahat ang tungkol sa naka-post kahapon. A photo of me and that girl, Jenive, ang naka-post. Nakaalalay ako sa kaniya sa photo, pero dahil hindi alam ng iba ang tunay na kwento ay iisipin nila na nakaakbay ako sa kaniya dahil naglalandian kami. Lasing si Jenive at siya naman ang nagpumilit sa akin na sa isang hotel na lang siya dalhin at inalalayan ko siya hanggang sa makarating siya sa hotel room niya. Ako pa nga ang nagbayad ng stay niya sa hotel. Kitang-kita pa ang mga mukha namin doon sa iisang litrato na ‘yon. I am really not into issues. Ayoko na nababahiran ng kung ano-ano ang pangalan ko. Ayoko naman na mabansagan akong f**k boy o mahilig sa one night stand sa sariling unibersidad na pagmamay-ari ng ama ko. “E ano ba ang dapat naming isipin? Bigla ka na lang nawala sa bar no’n. Tapos malalaman na lang namin na naka-post ka na sa group at may kasamang babae sa hotel! HAHAHA!” sambit pa ni Razen sa akin. “HAHAHAHA! Kunwari ka pa na ayaw mong mag-enjoy sa bar, pero makakahanap ka pa pala ng dadalhin mo sa hotel. ‘Yan ang sana all!” dagdag pa ni Zane. “Tigilan niyo ako. Kasalanan niyo naman kung bakit nadawit ang pangalan ko sa ganitong issue.” “Malas ka lang talaga dahil ang babae na nabingwit mo ay dito pa sa C.U. nag-aaral. Next time, humanap ka ng babae na hindi taga-rito sa city natin,” sambit pa ni Francis. Akala ko ay may idadagdag pa na pang-aasar si Deyl kaya sinamaan ko na agad siya ng tingin. Napakamot naman siya sa ulo niya at alangain na tumawa sa akin. “Ah, hehe. Hindi na ako sasali pa. Alam ko kasi na na-badtrip ka talaga noong Sabado dahil hindi mo trip ang bar na sinuggest ko sa inyo,” sambit niya. “I don’t even know that girl. Uuwi na sana ako kaso nabangga niya ako sa labas ng bar. Lasing na siya kaya inalalayan ko. Tapos biglang nakilala niya ako. Kaya hindi ko siya maiwan doon. Ayoko naman na may kumalat na issue sa akin na iniwan ko lang ang isang babaeng lasing sa kalsada, kahit kilala pala ako. That would make me a bad guy. Tapos sabi niya ihatid ko raw siya sa bahay nila. But instead, she wants me to bring her to a hotel dahil ayaw niya raw umuwi sa bahay nila. She looked problematic. Kaya hindi na ako umangal pa at dinala na lang siya sa hotel. Then after that, iniwan ko na siya. Nothing more and nothing less. I just didn’t expect na may makakakilala sa amin,” mahabang paliwanag ko pa sa kanila. Tumango-tango naman sila sa akin, pero halata naman na parang nang-aasar pa rin talaga sila. Hindi na ako magtataka pa. Alam ko naman ang mga ugali ng mga ‘to. “Sure ka na wala na talagang iba pang nangyari? Malay mo lasing ka lang kagabi at hindi mo na natandaan— Okay! Okay! I’ll stop now!” natatawa pang sambit ni Zane. Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil sinamaan ko na agad siya ng tingin at umaamba nang sasapakin siya. “I believe in Vaughn. Gusto ko lang talaga siyang asarin. But we all know that he’s not that kind of guy. Si Francis lang naman ang mahilig sa one night stand,” sambit naman ni Razen. “Magka-vibes na kami ni Deyl d’yan. Mabuti na lang at naging kaibigan natin ‘to. Hindi na ako nag-iisa sa grupo,” pagyayabang pa ni Francis. Siya naman talaga ang dakilang f**k boy sa aming magkakaibigan. “Pero maganda ang babae na ‘yon, Vaughn. Why don’t you try her?” Nilingon ko naman si Razen at kinunutan ng noo. “What do you mean that I should try her?” “Malay mo, kayo pala talaga ang para sa isa’t-isa! You were destined to be with her!” “Puro kalokohan talaga ang iniisip mo, Razen. Wala akong balak na patunayan pa ang tungkol sa issue na kumakalat ngayon tungkol sa aming dalawa. Hindi mo ba nakita ang mga comments? Bina-bash na ngayon ang babae na ‘yon dahil sa mga nagkakagusto sa akin dito sa C.U.” May halong pagyayabang pa ng kaunti ang sinabi kong ‘yon. Hindi ko naman kasalanan na namana ko ang kagwapuhan ni Daddy Apollo. Kaya maraming mga babae ang nagkakandarapa sa akin ngayon dito sa C.U. Pero wala naman silang pag-asa sa akin. I would rather study than to entertain them. Marami silang mga bagay na ibinibigay sa akin as gifts, pero hindi ko tinatanggap. Kaya kong bilhin ang mga bagay na ‘yon kung gugustuhin ko. I don’t need anything from anyone. I am a billionaire’s son. Hindi kami mauubusan ng pera. “Speaking of! Dude, I think she will talk to you,” sambit naman ni Deyl. Nilingon namin ang likuran ko at doon ay nakita ko si Jenive na naglalakad na palapit sa pwesto namin ngayon. Halata naman na nahihiya siya at hindi siya komportable ngayon dahil sa mga tao sa paligid. Nakatingin na agad ang mga tao sa amin ngayon. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay tiningnan ko lang siya. “Vaughn, can we talk for a minute privately?” mahinang tanong sa akin ni Jenive. “Why should we?” walang gana na tanong ko sa kaniya. Ayoko nang dagdagan pa ang usapan tungkol sa amin. Siya na nga ang nadedehado ngayon sa kumalat na picture naming dalawa sa hotel. Babae naman ang palaging nasisira kaysa sa lalaki. “Dude, don’t be rude to a gorgeous girl like this. Kausapin mo na,” pang-uudyok pa sa akin ni Razen. Dumagdag pa ang iba kong mga kaibigan. Inilingan ko na lang sila at mabilis na hinila na si Jenive palabas sana ng Cafeteria. Ngunit napansin ko naman na kinukuhanan na kami ngayon ng litrato. Kailangan ko nang gamitin ang ayaw ko sanang gawin. “Delete all those photos about us. If I see anyone posting a photo of us on social media and if I detect someone that has a photo of us, you will automatically be kicked here in C.U. Spread my word now.” Binantaan ko na ang lahat ng mga estudyante na nakatingin sa amin ngayon. Dali-dali naman nilang binura ang mga nasa phones nila. Saka kami umalis doon ni Jenive. Narinig ko pa nga na nagpalakpakan ang mga gago kong kaibigan. Ayoko sanang gamitin ang kapangyarihan ko rito sa C.U. Pero wala na akong ibang choice pa kundi ang gawin na ‘yon. Tutal naman ay ‘yon ang pinaka-effective na panakot dito. Lalo na at anak naman ako ng may-ari ng unibersidad na ‘to. Dinala ko naman si Jenive sa rooftop ng building namin. Para wala masiyadong tao na makakarinig sa kung ano man ang pag-uusapan namin. Binitawan ko na ang kamay niya nang makarating kami roon. “Can you please stay away from me? Tama na ang isang issue na kumalat tungkol sa atin dahil nagpadala ka sa hotel due to your personal problem. I don’t want to have issues on my name. Kaya lumayo ka na sa akin para humupa na ang issue na ‘yon,” sambit ko agad sa kaniya. Ngunit mukhang hindi ‘yon ang gusto niyang mangyari. “I can’t do that, Vaughn. My life is at risk right now. Nakarating sa parents ko na nag-check in daw tayo sa hotel. I’ve tried to tell them many times na fake news ang kumakalat. Pero hindi sila naniniwala. I need your help. Iniisipan na nila ako ngayon na malandi ako at nakikipag-one night stand ako. That’s why I need you to pretend to be my boyfriend.” “What? Hell, no! I don’t want to do that.” “Please, help me. Kahit saglit lang na panahon.” Fuck. Paano pa ko makakaiwas sa issue?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD