ART 4

1000 Words
“Vaughn! Akala ko ba you came here to party? Bakit nariyan ka lang at nakaupo?!” rinig ko na sigaw sa akin ni Zane. Dinala na kami ni Deyl sa isang bar na wild na wild lahat ng tao. Hindi ko naman akalain na ganitong klaseng bar ang pupuntahan namin. Sa madalas kasi naming bar na pinupuntahan ay hindi naman ganito ka-wild masyado ang mga tao. Yes, may makikita ka na naghahalikan na sa gilid. But in this bar, damn. Nakakita ako kanina na nagse-s*x na sa gilid. Tangina, nakakadiri. They can just get a fvcking room in an hotel! “Kayo na lang. I’d rather prefer to be here than to see those horrible scenes,” walang gana na sagot ko kay Zane. Kulang na lang ay hambalusin ko si Deyl. Tinatawanan pa ako ni gago kanina dahil kitang-kita na nandiri ako sa nakita ko. Sa gitna kasi ng dance floor ay nagsasayawan ang mga tao. Tapos may mga sofa na nakapaligid sa dance floor. Doon ako nakakita ng nagse-s*x na kanina. May nakatuwad na babae sa sofa, may nakahiga sa sofa, at iba pang posisyon. Madali lang naman silang matitira ng mga lalaki. Hindi na kailangan pang maghubad masiyado dahil mga nakasuot ng dress ang mga kababaihan. O ‘di kaya ay sobrang maiiksing short, pero malaki ang butas sa suotan ng binti. Nakakadiri talagang tingnan. Samantalang ang mga kaibigan ko ay tuwang-tuwa pa sa mga nakikita nila. Madilim naman sa dance floor at tanging ang party lights lang ang nagsisilbing ilaw. Nagvi-video pa nga sina Francis at Razen kanina. “Totoo naman ang sinabi ni Deyl kanina! Masaya nga sa bar na ‘to!” sambit pa ni Francis. “Ang sabi ko kanina ay maraming magagandang babae na bar. Tapos ang dadatnan ko ay bar na maraming nagse-s*x sa paligid? Just f**k,” reklamo ko pa. Nag-shot ako ng alak dahil naiinis pa rin ako. Akala ko pa naman ay mag-eenjoy ang gagawin ko rito. Ngayon na nga lang ako sumama sa bar ulit kasama ang mga kaibigan ko. Tapos ganito pa pala ang mangyayari. Nakakasama lang ng loob. “HAHAHAHA! Para ka namang bading n’yan, Vaughn. Nakakita ka lang ng nagse-s*x sa bar, wala ka na agad sa mood?” pang-aasar pa sa akin ni Razen. Gago talaga ang isang ‘to. Nag-middle finger naman ako sa kaniya. “Oohh! ‘Wag mo kasing asarin si Vaugn, p’re! Alam mo naman na virgin pa ang ating kaibigan!” dagdag pa ni Zane. Inilingan ko na lang sila at saka nilayasan ko sila sa lamesa namin. Lalayasan ko na sila. Mas maganda pang umuwi na lang ako kaysa makipag-gaguhan sa mga ‘yon. Hindi ko rin naman magagawang ma-enjoy pa ang party dito dahil hindi ko trip ang bar na pinuntahan namin. Ito na ang una at huling beses na si Deyl ang magdedesisyon ng bar na pupuntahan namin. May mga adik pa nga rito. Ang iba sa mga babae ay high na dahil sa droga. Tapos lasing pa. Hindi na ako magtataka kung kinabukasan ay may sira na ang buhay sa kanila. Marami pa namang nagvi-video sa mga ginagawa nila. Kung tutuusin ay ilegal ang bar na ganito. Aalis na lang ako. Bahala na ang mga kaibigan ko na mahuli ng pulis kapag ni-rade ang lugar na ‘to. Nang makalabas na ako sa bar ay may bumangga sa akin na babae. Mabuti na lang at agad ko rin siyang naalalayan dahil muntik na siyang matumba. Ramdam kong nahihilo siya ngayon. “Are you okay?” tanong ko pa sa kaniya. Nang lingunin niya ako ay bigla siyang napangiti sa akin at itinuro pa ako. Mapupungay na ang kaniyang mga mata dahil sa kalasingan. “Oh, it’s Vaughn Cash! Why are you here?” Kinunutan ko naman siya ng noo dahil kilala niya ako. Sino naman kaya ang babae na ‘to? “Who are you?” tanong ko lang sa kaniya. “Ah, me? I’m your schoolmate! I’m Jenive Laura from business department,” pakilala pa niya sa kaniyang sarili. Maganda ang babae na ‘to. Namumula na ang maputi niyang pisngi. Halatang lasing na talaga. Mukhang kaedaran ko lang din naman siya, kaya siguro pwedeng ka-batch ko siya. “You’re already drunk, Miss. Wala ka bang kasama na pwedeng mag-alalay sa ‘yo? I need to go now,” sagot ko naman sa kaniya. Hindi naman pwede na ako ang mag-alalay sa kaniya at mag-alaga ngayong lasing siya. Kilala niya ako pero hindi ko siya kilala. Mahirap na. Baka kung ano pa ang isipin ng ibang tao, lalo na at schoolmate pa pala kami. Ayoko na may kakalat na issue sa akin sa sariling unibersidad na pagmamay-ari ng Dad ko. “Can you just drop me off to my house? I just… I just drank here alone,” biglang malungkot na sagot niya. Napabuntong-hininga naman ako at wala na akong ibang choice kundi ang ihatid na lang siya. Nakakaawa rin naman kung iiwan ko na lang siya na mag-isa rito. Baka mamaya ay siya pa ang mapagtripan ng mga lalaki na high na rin sa droga. Isinakay ko na siya sa kotse ko. Inayos ko siya sa passenger’s seat. Nang maayos na siya ay pumunta na ako sa driver’s seat. “Magpasalamat ka at kilala mo ako at nabanggit mo na parehas tayo ng unibersidad na pinapasukan. Saan ka nakatira?” tanong ko muli sa kaniya. “Hmm… Just drop me off in a hotel. I don’t want to go home.” “Ang sabi mo kanina ay sa bahay ninyo ikaw magpapababa. Tapos ngayon ay sa hotel naman?” “Just please let me…” Mukhang problemado talaga siya kaya hinayaan ko na lang siya. Ako na ang nag-check in sa kaniya sa isang hotel at inihatid ko pa siya sa kwarto niya. Ngunit hindi ko naman inaasahan na ‘yon pala ang kakalat na issue tungkol sa akin. Fuck. Ang bilis talagang kumalat ng balita sa Cashland University. Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD