After a few weeks of being a college student, me and Razen had a new friend from our room. His name is Deyl Contreras. Napansin kasi ni Zane na palagi raw mag-isa si Deyl, kaya naman ay kinausap na niya ito. Hanggang sa palagi na siyang sumasama sa aming dalawa ni Zane Ayos na rin naman na may isa pa kaming kasama, para hindi ako maumay na si Zane lang ang kasama ko. Sa aming dalawa ni Zane ay siya ang mas pala-kaibigan sa amin. So far ay maayos naman ang ugali ni Deyl and I like him to be my friend. Kapag naman nagkakasama-sama kaming magkakaibigan kapag Wednesday sa break time ay kasama na rin namin si Deyl. Ayos din naman sina Francis at Razen sa kanila.
Marami na agad akong natututunan sa mga subjects namin na tungkol sa arts. Natutuwa ako kapag nalalaman ko ang history ng isang art o painting. Kahit ang iba ay naaral ko na dahil nag-advance reading ako tungkol sa mga famous arts sa bansa pa lang namin. Nakakatuwa na malaman kung ano ang kwento sa likod ng mga sining na 'yon.
"I will give five examples of a short-story about an art or an artist. I want you to choose of just one short-story from those five and read it in our class. Explain also why you chose that. Pick a title that you want to read in front. I want five volunteers," panimula naman ng aming professor. Mas naging aktibo naman kaming mga estudyante at nagsimula nang makinig ng ayos sa kaniya.
Nag-angat agad ako ng isang kamay ko. Gusto ko na mag-participate sa mga ganitong klase ng activity. Tinawag naman agad ako ng professor. Saka niya tinawag din ang apat pa na nag-volunteer. May isa pang lalaki at tatlong babae na ang iba. Nagsimula naman na akong magbasa. Mabilis ko lang naman na nabasa ang limang short stories na 'yon ngunit mayroon na agad isang kwento ng painting ang nakakuha ng atensyon ko. Ang painting ay mayroong dalawang sinaunang lalaki roon na nakatayo sa isang tulay. Ang title ay TIME AND TIDE at isa ring sikat na artists ang gumawa ng sining na 'yon noon.
"I chose Time and Tide painting and short story," sambit ko. Tinanguan naman ako ng professor. "If you're done, then you can now start to read it in front and explain to us your own feelings and understanding about the painting."
Tumayo na ako at nagpunta sa harapan. Hindi ko na kailangan pang dalhin ang handbook namin. Nakita ko pa na may mga kaklase akong nagtaka dahil hindi ko na dinala pa ang handbook. Hindi ko na kailangang basahin pa dahil saulo ko na agad kung ano ang mga nakasulat doon. Kami lang lima na nag-volunteer ang hinayaan na magbasa sa handbook. Para naman may kwenta pa rin kapag binasa namin sa harapan dahil wala pang ideya ang aming mga kaklase.
"Time and Tide by Theo Michael. They met on the pier, where the sound of the waves on the beach drowned out their voices from anyone who may be passing. Jim liked this particular spot that he could see most of the town from their position and if anyone approached, he would have plenty times to get rid of any evidence. Another man joined him and asked him if he's accepting a target. They don't know each other. Then Jim answered him and asked if he can pay him. The man just handed him an envelope that has money inside and Jim immediately put it in his pocket. Then he got his pistol and put silencer to it, then he walked away to the man. He doesn't want to do this job, but he needs the money. The man was confused because he wants Jim to target someone else. But it turns out that Jim killed the man and he fell into the sea. Jim immediately went to the airport and brought the money for her daughter."
Nang matapos kong maikwento ang painting ay saka ko ipinakita sa kanila kung ano ang itsura no'n. Itinuro ko naman ang dalawang lalaki na nakatayo roon. "Sa unang tingin ay iisipin natin na magkaibigan ang dalawang lalaki na 'to. Pero iba pala ang kwento behind this art. Jim betrayed the man for the money. Jim risked his life just to get the money and give it to his daughter. I learned one thing from this art. It means that a parent will do everything or anything for their child. That's how the parents give love. So we should be thankful to our parents for everything that they have done to us throughout our lives. That's all. Thank you."
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko nang matapos na akong magsalita sa unahan. "Very good, Mr. Cash! You understood the art very well!" puri pa sa akin ng professor.
"Woah, Dude. You're really interested in this course, huh?" sambit naman sa akin ni Zane nang makabalik na ako sa pwesto ko.
"You should learn from me. Don't you think?" bahagyang pagyayabang ko pa sa kaniya. Sinuntok naman niya ako ng mahina sa braso ko dahil sa aking sinabi. Dahil wala naman akong kasintahan, tanging mga magulang at kakambal ko lang ang mas pinapahalagahan ko ngayon. Kaya nakuha ko rin agad ang mensahe na pinarating sa kwento ng art na 'yon.
Kaya nga hindi lahat ng mga nakikita sa isang art, painting, o drawing ay 'yon na 'yon. May kwento ang bawat sining na 'yon. Sa likod ng mga magagandang larawan na nakikita ng mga tao ay mayroong mga malalalim na kahulugan ang mga 'yon. Kung talagang mahilig sa art ang isang tao, kahit gaano pa kagulo ang isang sining ay maiintindihan pa rin ng tao na 'yon ang gustong iparating ng artist.
Nang mag-break time kami ay agad na lumapit sa akin ng karamihan sa mga babaeng kaklase namin. Nagulat pa nga ako nang bigla nila akong lapitan. "Hi, Vaughn! Can we ask you for a favor?" sambit ng isang babae.
"Uh, what is it?"
"Actually medyo nahihirapan kasi kami sa pag-intindi ng ibang arts... That's why we just want to get a help from you?"
"Oo nga, Vaughn. Baka naman pwede mo kaming maturuan para mas maintindihan namin ng mabuti ang mga arts."
Mga nagpapa-cute pa ang mga babae na ito sa harapan ko. Hindi ko naman sila type. I will be honest, hindi rin naman kagandahan ang mga babae na nasa harapan ko ngayon. Mga mapera nga sila at mula sa mayaman na pamilya, pero 'yong iba talaga ay hindi naman maganda ang lahi. Hindi ako lumalapit sa mga babae na ganito ang itsura. Kung magaganda ang mga ito ay baka pumayag na agad ako. Namana ko yata kay Dad ito.
"You can still shift to another course if you can't understand the arts."
Hindi ko na hinintay pa na makasagot sila dahil agad ko na rin sila na iniwan. Nakita ko pa na hindi sila makapaniwala sa isinagot ko. Isa rin 'yon sa ugali ko. Deadma sa akin ang babae basta hindi maganda. They are not on my level. Halata naman na gusto lang nila akong landiin at nagkukunwari lang na magpapaturo sa akin. I don't want to waste my precious time to girls like them.
"Woah, sungit mo a? Maselan ka pala sa mga babae?" sambit naman ni Deyl sa akin. Nginisian ko siya. "Maselan ako sa mga hindi kagandahan na babae."
Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ko. "Mayabang ka, gago!" natatawa pa na sigaw sa akin ni Zane. Na-miss na yata akong kainuman ng mga 'to. "Should we party later? Tutal naman ay walang pasok bukas," yaya ko sa kanila.
"Iyan ang hinihintay ko sa 'yo! G na agad ako d'yan. Akala ko ay puro aral na lang ang alam mo na gawin ngayon."
"That would never happen. Hindi ko pa rin kakalimutan ang lasa ng alak," sagot ko pa kay Zane.
"Mabuti naman at naisipan mo nang magyaya. Magpapalit na sana kami ng kaibigan nina Francis at Razen kung nagbago ka na talaga at hindi na ikaw ang dating Vaughn na nakilala namin," pagdadrama pa sa akin ni Zane. Nilingon naman namin si Deyl. "Ikaw ba? Sasama ka mamaya?"
"Yes, I know a great bar. Baka gusto niyo na roon tayo magpunta mamaya?"
"Sure! Tutal naman ay ito rin ang unang beses na makakasama ka namin sa inuman. Kaya ikaw na ang magdala sa amin sa isang bar," pagpayag naman agad ni Zane sa kaniya.
"Doon ba tayo sa maraming mga babae?" nakangisi pa na tanong sa amin ni Deyl. Natawa na naman si Zane at inakbayan siya. Gustong-gusto niya ang balita na 'yon. "Pare, tinatanong pa ba 'yan?"
"Ang mahalaga ay puro magaganda ang mga babae na makikita namin doon mamaya. Hindi kami napatol sa mga pangit," dagdag ko pa.
Ngayon na lang muli ako magpa-party kasama ang mga kaibigan ko. I think this night will be filled with happy moments. Baka roon ko na makita ang babae na magiging girlfriend ko.