ART 8

1500 Words
“Oohh! Here comes the sweet and lovable boyfriend!” Naghiyawan ang mga kaibigan ko nang pumasok ako sa room namin. Nakatambay pala ngayon dito ang dalawang mokong na sina Razen at Francis sa room namin. Napatingin pa ang ibang mga kaklase namin sa akin nang pumasok ako dahil sa isinigaw ng mga kaibigan ko. Sinamaan ko naman sila ng tingin. “What now?” walang gana na tanong ko sa kanila. Napapangisi naman sila sa akin ngayon. Kaya naman ay nagtataka ako kung ano na naman ba ang trip ng mga kaibigan ko na ‘to. Hindi pa naman ako late sa klase, sadyang napaaga lang ang pasok nila ngayon. “Oh, it looks like our friend here doesn’t have any idea what’s going on again,” sambit ni Francis. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Uh? What’s going on? Bakit ang aga niyo yata na pumasok ngayon?” tanong ko. Baka sakali ay ‘yon ang tinutukoy niya. Totoo naman na wala akong ideya kung bakit ang aga nila na pumasok at naunahan pa talaga nila ako. “Maaga kami pumasok para sa chismis. Mukhang huli ka na naman sa balita, pare.” “What? Kailan pa kayo naging mga chismoso? Ano na naman bang kabadingan ‘yan?” tanong ko pa sa kanila. Inilabas naman ni Deyl ang kaniyang phone saka ibinigay ‘yon sa akin. Nagtataka naman ako na tiningnan kung ano ang nakalagay doon. Nanlaki naman ako ng makita na naman ang mga litrato ko na naka-post sa C.U. group. “What the f**k is this again?” hindi makapaniwala na tanong ko sa mga kaibigan ko. Another article with my name on it! HEADLINE: Vaughn Adonis Cash - The lover boy and sweet boyfriend. Vaughn and Jeneive were spotted having a date in a fancy restaurant. After eating there, they went to mall and shopped with his girlfriend. He also held all the shopping bags for Jenieve. What a sweet boyfriend indeed! All women wants this kind of man in their lives. Source: Anonymous Litrato namin ni Jenieve na nakain sa restaurant at naggagala sa mall ang naroon. Dinaig pa namin ang isang celebrity at mukhang may mga paparazzi na nakasunod sa amin kahapon at kinukuhanan kami ng mga litrato. Nasapo ko na lang ang aking noo dahil sa nakita ko. Tawang-tawa naman ang mga kaibigan ko dahil doon. Hindi pa rin ako makapaniwala na may ganito na namang article. Akala ko pa naman ay puro issue lang ang ibabalita nila at hindi na ang ganitong mga bagay na maayos naman. “Bakit mukhang devastated ka na ngayon, Vaughn? Pagpapanggap pa rin ba ‘yang ginawa ninyo kahapon ni Jenieve?” nang-aasar pa na sambit sa akin ni Razen. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Mabuti na lang at medyo mahina ang pagkakasabi niya no’n. Para walang makakarinig na iba sa sinabi niya. Lalo na at may iba kaming mga kaklase na narito sa loob ng room. Mabilis pa naman kumalat ang balita. “Of course. Walang namamagitan sa amin ni Jenieve. It was all for our act as a couple. I just didn’t expected na may nakasunod pala sa amin. Ugh.” “Why don’t you just date in private para walang makakakita sa inyo?” suhestiyon pa ni Francis. Pero hindi ko alam kung seryoso ba siya roon o inaasar lang din ako. “Oohh! What kind of private date ba ‘yan? You mean, private date on a hotel?” tunog nang-aasar naman na sagot ni Zane. Nagtawanan na naman ang mga kaibigan ko, habang ako ay inis na inis na ngayon dahil sa mga sinasabi nila sa akin. Damn these fuckers. Bakit ba ganito ang mga kaibigan na napili ko? How I wish I could change my circle of friends. “Tigilan niyo nga ako. I already made it clear. Nagpapanggap lang kami ni Jenieve at hanggang doon lang ‘yon. Ayoko muna na ma-involve sa relasyon, lalo na at nagsisimula na tayo ngayon sa college. I want to focus on my studies first.” “Ano ka, babae? Study first? Pare, ‘wag ka namang ganiyan. Sa gwapo mong ‘yan, mas gugustuhin mo na maglugmok sa pag-aaral kaysa mambabae?” sagot naman sa akin ni Francis. “I am not like you, Francis. Seryoso ako sa kinuha ko na kurso. Kaya seryoso rin ako na rito muna ako magfo-focus kaysa sa mga babae. Ngayon pa nga lang na peke lang ang relasyon namin ni Jenieve ay sumasakit na agad ang ulo ko. Paano pa kaya kapag may totoong girlfriend na ako? Baka mas lalo pang dumami ang mga balita at araw-araw na may nag-oobserba ng mga galaw ko at ng girlfriend ko,” paliwanag ko pa sa kanila. Napakamot naman sa ulo sina Razen at Deyl. “Si Vaughn naman, masiyadong seeyoso sa buhay. Ayaw mo bang mag-enjoy man lang?” sagot naman sa akin ni Deyl. “I do want to enjoy, but not this kind of entertainment. Mas gusto ko na unahin ang career ko soon kaysa sa mga babae na sakit lang sa ulo.” “Hmm… Siguraduhin mo lang talaga na hindi ka magkakaroon ng girlfriend hanggang sa makatapos tayo ng college ha!” sarkastiko pa na sagot sa akin ni Razen. “Oo nga. Dapat wala kang girlfriend hanggang sa makapagtapos tayo. Tutal ang sabi mo naman ay mas gusto mong mag-focus sa studies mo. Kailangan ay mag-aral ka lang talaga,” dagdag pa ni Francis. Inilingan ko na lang ang mga kaibigan ko. Hindi naman ibig sabihin na sinabi kong gusto ko muna na mag-focus sa studies ay kailangan mag-girlfriend ako kapag tapos na kami sa pag-aaral. Hindi ko na lang sila sinagot para matapos na rin ang usapan namin. “Why don’t we have a bet?” bigla ay sambit na naman ni Zane. Akala ko pa naman ay matatapos na ang usapan namin ngayon. “Bet about?” “Pupusta ako ng ten thousand pesos, magkakatuluyan ng totoo ‘yang sina Vaughn at Jenieve. How about you guys?” sambit ni Zane. Nasapo ko na lang ang noo ko. Nagkakatuwaan na naman silang apat. Samantalang ako ay naiinis na talaga sa mga pakulo nila. “Call! I also bet another ten thousand pesos, magkakatuluyan ang dalawang ‘yan,” dagdag pa ni Francis. Ngunit napaisip naman sina Deyl at Razen. “Hmm… Then I bet na hindi talaga magkakatuluyan ang dalawang ‘yon. We know Vaughn for years now. Sa tingin ko ay may isang salita talaga siya. Lalo na at wala sa bokabularyo niya ang hindi sundin ang mga sinasabi niya. Sampung libo rin ang pusta ko para pantay lang,” sambit naman ni Razen. Nginisian ko naman siya. Natuwa ako ng bahagya dahil sa sinabi niya na ‘yon. “You will surely win, my friend,” sagot ko pa sa kaniya. Napapalakpak naman bigla si Deyl. “Pupusta rin ako ng sampung libo na hindi magkakatuluyan talaga sina Vaughn at Jenieve. Naniniwala ako sa mga sinabi ni Vaughn kanina.” “Tingnan na lang natin kung sino ang mananalo. Remember, hindi mapipigilan ng isang tao sa oras na magkaroon na siya ng nararamdaman sa isang tao pa,” sagot pa ni Francis. Akala mo naman ay marami talaga siyang alam sa pagmamahal. E puro pambababae lang naman ang alam niya na gawin at wala sa bokabularyo niya ang magseryoso sa isang babae. “Kaya nga! Huwag muna kayong magpakumpiyansa. I also know Vaughn for years. Alam ko na magkakaroon din ‘yan ng pagkakamali na hindi masunod ang sarili niyang salita,” dagdag pa ni Zane. Ngayon naman ay nagbabangayan na ang apat na mga kaibigan ko sa kung sino ang mananalo sa pustahan na ginawa nila. Hindi ko na talaga alam sa trip ng mga ‘to. Napapailing na lang ako at hindi na talaga sila pinansin pa. Maya-maya, akala ko ay papasok na ang professor namin para sa unang subject. Ngunit may isang lalaki ang biglang pumasok sa loob at padabog na binuksan ang pinto ng room namin. Marami-rami na rin ang mga tao rito sa loob dahil narito na halos lahat ng mga kaklase ko. Kaya nilingon namin kung sino ang pumasok. “Nasaan si Vaughn Cash?” seryoso at mariin na tanong ng isang lalaki. Medyo malaki ang katawan niya at hindi pamilyar sa akin ang mukha niya. Sino naman kaya ang lalaki na ‘to? Napatingin naman sa akin ang mga kaklase ko, pati na rin ang mga kaibigan ko. Dahil doon ay napunta sa akin ang atensyon ng lalaki, saka niya ako nilapitan. “Ikaw ba si Vaughn Cash?” tanong niya sa akin. Tumayo naman ako at hinarap ko siya. Ayoko kasi na tinitingala ko siya. “I am. Why?” walang gana lamang na tanong ko sa kaniya. Bigla niyang hinablot ang kwelyo ko at hinila palapit sa kaniya! Hindi ko ‘yon inaasahan! “I am Jeneive’s boyfriend! Who the hell are you?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD