Got you!

4298 Words
"Ano Lucy, pwede ka ba mamaya?" tanong ng kausap niya sa kabilang linya ng telepono. "Oo, nagpaalam na ako kay mama, pinayagan niya na ako. Kita na lang tayo later," magiliw niyang sagot dito bago ibinaba ang tawag. Napatalon na lamang siya sa tuwa, may pandagdag ipon ulit siya dahil sa sideline na inalok ng barkada niya. Malaking bagay din iyon, lalo na at nagplaplano siya ng panibagong negosyo sa oras na matapos niya ang kanyang pag-aaral. Agaran na siyang nag-ayos ng mga gamit para sa pag pasok sa eskwelahan. Iniisip niya na kung saan na naman siya dadaan para hindi makita si Andrew. Napagdesisyunan niyang huwag ng dalhin ang kanyang kotse, magpapahatid na lang siya sa kapatid mamaya pauwi. Naaabangan kasi siya ng binata kapag dala niya ang sasakyan niya, hanggang ngayon kasi ay hindi pa din ito tumitigil sa pangungulit at nakakagulo na ito sa personal niyang buhay. Pero hindi niya naman maitatanggi na napapabilib din naman siya sa tiyaga nito. Mas inagahan niya pa ang pasok ngayon dahil wala siyang sasakyan, alam niya kasi ang hirap ng pakikipag sabayan sa mga nagcocommute, medyo wala lang siyang gana ngayon araw dahil walang pasok ang matalik niyang kaibigan, kaya mag isa lang siya. Sa mga ganitong pagkakataon hilig niyang aliwin ang sarili, tumingin muna siya sa kanyang relo, mukhang sapat pa ang kanyang oras para mag-liwaliw, kaya naisipan niyang tahakin ang mahabang daan papunta sa building nila. Hindi mapigilan ni Lucy na alalahanin ang mga panahong kasama niya pa ang dating kasintahan na si Jeff habang tinatahak ang lugar na iyon, may mangilan-ngilan kasing magkakasintahan ang naglalampungan sa naturang lugar. Napapangiti na lang tuloy siya sa mga ito, tsaka niya lang naalala na lovers area nga pala ang parteng iyon ng eskwelahan. Minabuti niya na lang na lumiko sa isang eskinita na malapit, para makaalis na sa lugar na iyon, nakakadama na din kasi siya ng pagkailang dahil siya lang yata ang naglakas loob na dumaan doon ng mag isa, sa kakatingin niya sa likuran ay hindi niya namalayan na may mga nakaharang pala sa kanyang harapan, kaya napatigil na lang siya nang makita kung sino iyon. Nandoon si Andrew at may kahalikan na isang babae, at hindi lang simpleng halik, kundi long and torrid kissing ang ginagawa ng mga ito. Nakapulupot ang mga kamay ng babae sa leeg ng binata, habang naglilikot naman ang kamay ni Andrew sa dibdib at may palda ng dalaga. Bigla siyang nakadama ng inis dito, sa isip-isip niya, buti na lang talaga at hindi siya nagpadala sa mga panunuyo at matatamis nitong salita. Ang inis niya ay napalitan lang ng tuwa nang mapagtanto ang mga nangyayari, kung may kalaplapan ito ngayon, ibig sabihin noon ay hindi na siya nito guguluhin, dahil may iba na itong pinagtutuunan ng pansin. Nawala lang siya sa pagmumuni-muni nang nabatid niyang napansin ng babae ang kanyang presensya. Mabilis nitong pinatigil ang binata sa ginagawa, halata naman ang pagtataka ni Andrew sa ginawa nito, kaya naman nagpumilit ulit itong halikan ang babae na nag-iwas na ng mukha at agad napayuko, halatang nahihiya dahil sa naroon si Lucy. "What, what's wrong?" angal ni Andrew dito, halatang nabitin dahil sa paghinto. "May tao!" bulong ng dalaga dito na siya naman naging dahilan para lumingon sa kanya ang binata. Hindi niya maipagkakaila na sobrang nakakatawa ng reaksyon ni Andrew habang nakatitig sa kanya, halata ang biglaan pamumutla ng binata nang makita siya roon. Mabilis itong nagtuwid at umayos ng tayo, nakita niya kung paano mangilang beses na gumagalaw ang bibig nito subalit walang lumalabas na boses. Agad niyang itinakip ang kamay niya sa bibig para pigilan ang kanyang tawa na kanina pa gustong kumawala. "I'm...I'm sorry, I didn't mean to bother you, excuse me," halos kapos hininga niyang pag hingi ng paumanhin habang nilalagpasan ang mga ito. Tsaka niya lang nagawang ilabas ang halakhak nang makalayo na siya sa mga dalawa, hindi niya kasi maialis sa kanyang isip ang kakaibang hitsura ni Andrew ng mga oras na iyon, ganoon din ang sobrang namumulang kasama nito, kaya tuwang-tuwa siyang naglakad patungo sa kanyang classroom "Sa wakas, I'm free!" masaya niyang saad sa sarili. Buong hapon na walang alalahanin si Lucy ng araw na iyon, para siyang natanggalan ng isang napakalaking tinik sa dibdib, kaya naman masayang-masaya siya habang naglalakad patungo sa parking lot, doon kasi siya hinihintay ng kapatid, napagdesisyunan kasi nitong umuwi sa kanila ng araw na iyon dahil namimiss na din nito ang mama nila. Nadatnan niya itong may kausap sa cellphone, nataranta naman ito nang makitang papalapit na siya dahil agaran itong napatalikod. "I gotta go! Talk to you later," aligagang saad nito sa kausap. napakunot tuloy ang noo niya sa inasta ng kakambal."Sinong kausap mo?" agaran niyang pang-uusisa. "Sina Jordan! Nag-aaya kasing gumimik mamaya," mabilisan nitong sagot. Tinaasan niya na lang ito ng isang kilay."Tsk! May kalokohan ka nanaman no!" sita niya kaagad dito. "Sus!" saad ni Luke na tinaas na din ang isang kilay bilang ganti. Halata naasar kaagad ang kapatid sa sinabi niya, kaya naman hindi niya napigilang sundan ang mga pang-iinis dito. "Wait, gigimik kayo? Sama kami ni Celina!" pilit niyang ginawang seryoso ang pakakasabi noon. Nakita niya naman ang mabilisang pagsasalubong ng kilay ng kapatid nang mabanggit niya ang pangalan ng kaibigan. "Putang ina naman Lucy, parang gago naman kasi eh!" inis na saad ni Luke. "Bakit, anong masama doon?" panggagatong niya pa. Pulang-pula na kasi ito sa inis dahil sa sinabi niya. Kilala niya ang kapatid at sigurado niya na may kung anong kalokohan nanaman itong ginagawa. "Sumakay ka na nga!" galit nitong saad habang binubuksan ang pintuan ng kotse nito. Nakangisi naman siyang sumakay doon, hindi niya maikakailang napakasaya ng araw na ito para sa kanya dahil sa mga nangyayari. ***** Hindi malaman ni Andrew ang gagawin matapos ang insidenteng nangyari. Iyon ang unang beses na hindi niya nagawang magpalusot matapos mahuli, kahit hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nangyari ang ganoong. Kung tutuusin bihasa na siya sa paggawa ng dahilan, pero nang makita niya si Lucy ay natameme na lang siya bigla, litereal na nablangko ang kanyang isipan at para siyang napipe ng mga sandaling iyon. Wala tuloy siya ngayon lakas ng loob na harapin ito, kaya hanggang tingin na lang siya habang papalabas ito ng silid, gusto niya pa din makasigurado na walang ibang lalake ang umaaligid dito. Nakahinga na siya ng maluwag nang makitang sasabay ito sa kapatid na si Luke pauwi. Balisa pa din si Andrew pagkadating sa kanyang condo ng araw na iyon. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang maisip na pwedeng idahilan kay Lucy. Hindi kasi ito tulad ng ibang babae na mabilis niya lang napapaniwala. Palakad-lakad tuloy siya sa loob ng kanyang unit, inis na inis sa kanyang sarili. Hindi niya rin naman kasi nagawang matanggihan ang babae kanina, matagal-tagal na din ang panahon na wala siyang aksyon mula ng manligaw siya kay Lucy, kaya naman hindi niya na pinalampas ang pagkakataong iyon. Malas nga lang at nahuli siya ng dalaga, kaya naman ‘di niya mapigilang sabunutan ang sarili ng mga oras na iyon. Ilang oras din siya sa ganoong kalagayan bago napag desisyunang tumawag kay Vincent, hindi niya na nagawang tawagan ang iba niyang barkada sa kadahilanan alam niyang may sariling lakad ang mga ito. "Dude, ano meron?" agad nitong sagot sa kabilang linya. "Pare, gusto ko uminom, samahan mo ako!" pag-aaya niya dito narinig niyang bumuntong hininga ito mula sa kabilang linya. "Sige, tamang-tama, kanina pa ko napipikon sa mga kasama ko dito," sagot nito na siya niya naman ikinatuwa. Matapos mapag-usapan kung saan sila magkikita ay mabilis na siyang nag-ayos, para kasi siyang mababaliw kapag hindi niya naibuntong sa ibang bagay ang pagkaasar sa sarili. Nagtungo sila sa bar na madalas nilang puntahan magkakaibigan, hindi niya napigilan and sunud-sunudin ang pag inom, dahil sa sobrang pagka-irita sa kanyang sarili dulot ng mga pangyayari kanina. "Seriously man, slow down! Were not in a drinking contest," pagsita ni Vincent sa kanya. Nakakailang bote na kasi siya habang ito naman ay nakaka-dalawa pa lang at halatang nagpapalipas din ito ng oras. "f**k dude! I just can't stop thinking of what happened, It's like my brain suddenly turned off!" asar niyang saad dito, naikuwento niya na sa kaibigan ang buong pangyayari kanina. "Why not just forget about her. I mean, naka-second base ka na doon sa isa, ipagpatuloy mo na lang, sayang din!" payo ni Vincent. "s**t lang man! Ang tagal kong nagtiyagang suyuin siya, ngayon pa ba ako susuko. Hindi ko hahayaan na masayang lang lahat ng pinagpaguran ko no!" asar niyang saad dito. "But I think she's not really into you. Why not just accept that!" kalmadong wika ni Vincent. Alam niya naman na mabuti ang hangarin ng kanyang kaibigan, pero kahit na mahinahon ang pakakasabi ng kaibigan niya ay hindi niya pa rin napigilang mainis. "Mark my word Vincent, I will have her!" parang banta niyang sabi sa kaibigan. Napangisi na lang si Vincent sa nadinig kaya nag-angat na lamang ito ng bote sa kanya. Napatigil sila sa pag-uusap nang biglang may magsalita sa likod ni Andrew. "Well, well, well. If it isn't my playboy cousin!" nang-aasar na saad nito. Tinitigan niya na lang ito ng masama bago ibalik ang tingin sa kaibigan, agad naman nag-angat ng bote dito si Vincent. "Hey ate Andrea, long time no see!" bati ng kaibigan niya dito habang papaupo ito sa tabi niya. "Hey Vincent, musta na? Ano, may serious girlfriend ka na ba?" pang-uusyoso nito. Ngisi lang ang natanggap nito mula kay Vincent, napanguso na lang ang pinsan niya dito. "Sige lang, magloko lang kayo, tingnan lang natin. Karma can be a b***h you know," pangaral nito sa kanila.. Halatang napapigil naman ng tawa ang kaibigan niya sa sinabi ni ate Andrea. "Well, I think someones already experiencing it first hand," may laman na saad ni Vincent. Mukhang nakuha naman kaagad ng kanyang pinsan ang nais sabihin ng kanyang kaibigan at umarte na para bang nagulat. "Really! Oh gosh, my poor cousin. I hope hindi kasing dami ng pinaiyak mong babae ang magiging trials mo!" parang naaawa ang pakakasabi ni ate Andrea. Pero alam niyang inaasar lang siya nito dahil naroon pa rin ang ngisi sa mukha ng kanyang pinsan. "Shut up ate Andrea! I'm not in the mood," inis niyang saad dito sabay lagok sa hawak na bote ng beer. "What a sore loser. Pikon!" natatawang balik nito sa kanya. "What the hell are you doing here alone anyway!" taka niyang tanong. Nasanay kasi siya na madalas itong may kasamang mga barkada. "Well, a friend of mine is launching her first fashion show, and I just came here to support her. I was actually back stage, kaso ang gulo kasi doon and then I saw the two of you here. So, I decided I'd just watch from here!" agaran nitong sagot. "Fashion show? This is a bar!" tuya niya agad dito. "Uhm, yeah I know that! But didn't you even notice there's a catwalk over there. Seriously Andrew, ngayon ka lang ba nakarinig ng nag-fashion show sa bar. Tsk, tsk." Napatingin na lang siya sa lugar na tinuro ng kanyang pinsan at napansin niya nga na may makeshift na catwalk na nakakabit sa may stage. "Tsk! How the hell would I know," bara niya dito sabay lagok ulit sa bote. Napakunot na lang siya ng noo nang walang dumamping alak sa kanyang bibig, tinaktak niya pa iyong bote para makasigurado. "I think the program’s starting," biglang papansin ni Vincent. Umayos ito ng upo para nakaharap na din sa stage, napatingin na din siya doon habang kumukuha ng panibagong bote ng beer. Naaninag niya ang ilang babae sa may stage, halatang nakatalikod ang mga ito, subalit hindi niya mawari ang mga hitsura dahil medyo madilim pa. Biglang nagsimula ng tumugtog ang musika (Crazy In Love - Beyonce) kasabay noon ang pag-indak at yugyog ng mga babae sa tunog. Kasunod noon ang pagbukas ng makukulay na ilaw sa harap ng stage, kaya nagsigawan kaagad ang mga taong naroon nang tuluyan ng masilayan ang mga dilag na nasa entablado. Napangiti siya habang nilalagok ang kinuhang beer, litaw na litaw ang magagandang hubog ng katawan ng mga babaeng nagsasayaw na nakasuot ng party dress na sobrang iiksi, kaya naman tila kinikiliti ang kanyang pakiramdam sa mga pilit na sumisilip na kaanyuan ng mga ito. "Wooo yeah! Now that's what I need!" sigaw niya bigla sa mga ito. Napatawa na lang ang pinsan niya sa kanya, habang nakisabay naman ang kaibigan niya sa pagchecheer sa mga ito. Isa-isang nagsilakad ang mga babae sa catwalk, sumasabay pa rin ang mga ito sa tugtog. Mabilis na nagkumpulan ang ilang mga kalalakihan sa may gilid ng makeshift na catwalk para mas maaninag ang mga modelo. "I like her! She has confidence," pansin ng pinsan niya sa isang modelong papalapit na sa gitna. Kasalukuyan niyang nilalagok ang hawak na beer nang tingnan ang tinutukoy nito, kaya naman hindi niya napigilang maibuga ang iniinom nang makilala ang naturang babae. "s**t! Andrew, are you okay?" alalang saad ni ate Andrea habang tinatapik ang kanyang likod. Umuubo-ubo pa siya dahil sa pagkakamali ng inom, napansin niyang tinatawanan na siya ni Vincent ng mga sandaling iyon kaya naman napasalubong na ang kanyang kilay. Muli siyang nagbaling ng tingin sa harap, hindi siya maaring magkamali, si Lucy iyon. Saktong biglang nagchorus ang tugtog, kaya natigil ito sa gitna para sumayaw, walang makikitang bahid ng pagkailang sa mukha ng dalaga, bagkos ay halata ang mataas na kompyansa nito sa sarili habang umiindayog at iniyuyugyog ang baywang para paalugin ang likuran. Kitang-kita niya kung paano ito pagpiyestahan ng tingin ng mga nakapaligid na lalake, kaya nakaramadam siya ng inis nang makita na halos nakikitaan na ito mula sa kinatatayuan at halatang hindi ito nahihiya sa ginagawa. Ngiti at kindat pa ang isinusukli ni Lucy sa mga nakapaligid, kaya naman mas lalo lang nadagdagan ang galit at pagbabaga ng kanyang ulo lalo pa’t halos sinisilipan na ito ng mga nakapaligid. "f**k! Bakit ganyan iyong suot nila, akala ko ba fashion show iyan!" irritable niyang sigaw sa pinsan. Mabilis na napasalubong ang kilay ni ate Andrea sa kanya."What's with the sudden change of mood? Kanina lang enjoy na enjoy ka, tapos bigla ka na lang nagagalit, are you on drugs," asar nito. "What the hell, damit ba iyan!" Nadadama niya na ang matinding pagbilis ng kanyang paghinga sa inis habang binabalingan ang pinsan. "What’s the wrong with you.” Bahagyang napaatras na lamang si ate Andrea sa kanya. “Vincent, ano bang tinira nito?" batid ang pagtataka sa boses ng pinsan niya habang binabalingan ang kanyang kaibigan. Pansin niya naman na pagpipigil na si Vincent ng tawa ng mga sandaling iyon, kaya naman kunusutan niya na lamang ito ng mukha. "Huwag ka ngang tanga, hindi naman kasi iyong damit ang pinopromote nila!" inis na sita sa kanya ng pinsan. Napakunot siya lalo ng noo sa sinabit nito."What do you mean by that? It's a f*****g fashion show! Ano pa ba maliban sa damit ang ipropromote nila?" kabado niyang saad sa pinsan. Hindi niya alam pero batid niyang hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito. "Duh! Hindi naman porke sinabi na fashion show eh damit na! My friends promoting her first bikini line!" Pagrorolyo ng mata ni ate Andrea. Literal na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng pinsan sabay napalunok bigla, hindi niya alam pero parang bigla na lang nag-shutdown ang kanyang utak sa sinabi nito. Lumakas ang sigawan ng mga tao na nandoon kaya naman mabilis siyang nagbaling ng tingin sa stage, halos lumuwa ang kanyang mata nang makita ang suot-suot ng dalaga. Naka plane white two piece bikini ito na my parang fold sa bandang dibdib, kahit na ganoon ay halos gitnang parte lang ng dibdib ang naitatago ng naturang kasuotan, kaya litaw na litaw ang mabibilog nitong hinaharap na halos hindi magawang suportahan ng mga naturang tela. "f**k!" sigaw niya dahil sa pinaghalong init ng katawan at inis na nadama niya ng mga oras na iyon. Sa isip niya siya lang dapat ang nakakakita noon, kaya kahit tila umiikot ang kanyang paningin ay ay mabilisan siyang tumayo at naglakad ng pagewang-gewang patungo sa stage, napatigil lang siya nang biglang humarang si Vincent sa kanyang harap at nahawakan siya ng pinsan niya sa braso. "Whoa man, chill! It's a fashion show." Seryoso na si Vincent ng mga oras na iyon habang pilit siyang pinapakalma sa pamamagitan ng pagtapik sa kanyang dibdib. "Andrew! Umayos ka nga, napadami na yata ang inom mo!" sita naman ni ate Andrea. Kung tutuusin gusto niya naman ang nakikita niya, naiirita lang siya dahil sa iba pang mga lalake na nasisilayan ang kabuuhan ni Lucy. "Dude, get a hold of yourself! It's a freaking bikini, a swim wear!" muling pagpapahinahon ng kaibigan sa kanya. Medyo natigilan na siya ng mga oras na iyon dahil mukhang tapos na din ang pagrampa ng mga ito, wala na din si Lucy doon at napalitan na ng isang M.C. Inalalayan na siya ng kaibigan na maupo muli sa kanilang lamesa. "What the hell is wrong with you Andrew! It's as if this is your first time watching this kind of show, if I know, mas malalaswa pa nga ang mga pinapanood niyo." inis na singhal ng pinsan sa kanya. "The confident girl, that was her!" biglang saad ni Vincent kay ate Andrea. Napanganga na lamang ito at halatang nagulat dahil sa biglaan pananahimik at paglaki ng mga mata. "Her, what do you mean by her?" bakas ang pagtataka at pagusyoso ni ate Andrea. Bigla siyang tinitigan ng kaibigan ng may ngisi sa mukha, napatingin din ang pinsan niya sa kanya at halatang nakuha na nito ang nais sabihin ni Vincent. "Ow, I see. So that’s her!" Nakita niya ang bigla din pagngisi ng pinsan niya ng mga sandaling iyon, pero hindi niya na lamang iyon pinansin dahil sa nadarama. Hindi pa din maalis ang galit na bumabalot sa kanya. Gusto niyang manapak at magwala ng mga oras na iyon, kung kaya mabilisan niya na lang inubos ang laman ng bote ng beer na hawak niya sabay kuha ulit ng isa sa bucket upang pilit na lunurin ang pakiramdam. "Well, I'll leave you two here. I need to congratulate my friend for a very nice show!" Halatang may bahid ng pang aasar ang mga salitang binitiwan ng pinsan niya, nakangisi pa rin kasi ito habang tumatayo. Mabilis itong nawala dahil sa paghalo sa lupon ng mga taong nagsasayawan pa doon matapos makapag paalam sa kanila. Tinitigan niya ng masama si Vincent nang mapagtantong tuluyan ng nakalayo ang pinsan, napatawa na lang ito sa hitsura niya. "Thanks man, you basically sold me to the devil!" May bahid ng pagtatampo ang boses niya habang sinasabi iyon na siya naman mas lalo pang nagpatawa sa kanyang kaibigan. Sigurado niyang hindi niya nanaman maialis sa kanyang isip si Lucy, gusto niya itong puntahana pero kahit lango na siya sa alak ay wala pa din siyang lakas ng loob na harapin ang dalaga. "I'm Back!" matinis at mapaglarong sabi ni ate Andrea. Napabuntong hininga na lang siya nang marinig ang boses ng pinsan sa kanyang likuran kaya naman muli na lamang siyang lumagok sa hawak na bote. "Boys, I'd like you to meet my friend Lhean," panimula nito sa kanila. "Lhean, the drunk one is my cousin Andrew and the serious looking guy there is one of his best pals, Vincent!" Tinaasan na lang ito ni Andrew ng bote, hindi na siya nag-abala pang lumingon dahil sigurado niyang naroon nanaman ang mapanuyang mukha ng pinsan. "Hi" agaran naman bati ng kaibigan niya sabay nakipagkamay sa naturang babae. "And of course, I think both of you already know Lucy!" biglang singit nito. Iyon ang naging dahilan para mapatigil siya sa paglagok ng alak, nanigas siya bigla sa kinauupuan at nadama niya ang agarang pagbilis ng t***k ng kanyang puso sa sobrang kaba. "Uy!" bati nito kay Vincent. Naroon ang matalim na pagtitigan ng dalawa habang nagsusukatan ng tingin, pero nakangiti naman parehas. Dama ni Andrew ang inis sa boses ni Lucy dahil alam niya naman na hindi kasundo ng dalaga ang kanyang kaibigan. "Tara, upo muna kayo habang naghihintay sa sundo niyo," pag aaya ng pinsan niya sa mga ito. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya o magpapasalamat sa ginagawa ni ate Andrea, napayuko na lang siya bigla ng ulo nang patabihin ng pinsan niya si Lucy sa kanya, habang kay Vincent naman ang kaibigan nitong nagngangalang Lhean. Isang nakaw na tingin ang ibinaling niya sa dalaga kaya nakadama siya ng tuwa nang makitang nakasuot na ito ng jeans at t-shirt. "By the way, did you know that Lucy helped out with some of the designs." Pagsisimula ng kanyang ate Andrea sa usapan, naupo ito sa kabilang tabi niya at pilit siyang isinisiksik palapit kay Lucy. "Wow! Who would have thought of that," medyo mapanuyang sabi ni Vincent habang tinataasan ng kilay ang naturang dalaga. "Well, some of us are just born with talent!" balik kaagad ni Lucy sa kaibigan niya. "Lucy was actually wearing one of her designs," singit bigla ni Lhean sa usapan nila nang mapansin na nagkakainitan ang dalawa dahil sa mga matalim na tingin. "Really, that's just amazing, I'm starting to like you already!" dagdag naman ng kanyang pinsan. Batid niya ang pagkamangha at tuwa sa boses nito at mukhang naaaliw ito kay Lucy. "Thank you," sagot naman ng dalaga dito. "By the way Lucy, do you have a boyfriend?" agaran pang uusisa ni ate Andrea. Napatawa na lang ito bigla, pero batid nilang lahat ang kung anongpanghihina sa boses nito, lalo pa silang nagtaka ng hindi ito sumagot. "Lucy and her boyfriend parted ways a few years ago, because they decided it was best for both of them," si Lhean na ang sumagot. Binalingan niya ng nakaw na tingin si Lucy kaya nakita niya ang lungkot sa mga mata nito, kaya hindi niya mapigilang makadama ng selos ng mga sandaling iyon. "Ow, why, what happened?" may pag-aalalang tanong ng pinsan niya. "Well, nagmigrate na kasi sila sa states and he's not even sure if he will be able to come back, and hindi din naman kami naniniwala sa long distance relationship. So, we kinda decided to let go," pilit ngiting sagot ni Lucy. "Well, I do hope that you've manage to move on, I mean it's been some time now already, right!" nakangiti na ang pinsan niya habang sinasabi iyon. "Sort of," sagot agad ni Lucy. "Well, that's great!" masayang saad ng pinsan niya. "You see, my cousin here is very much single and-." Napatigil si ate Andrea dahil sa biglaan na pagpigil ni Lucy sa tawa nito. Agaran naman na napalagok si Andrew sa laman ng hawak na bote. Nandoon ang matinding panlalamig niya ng mga sandaling iyon nang mapagtanto na nais nga siyang tulungan ng pinsan. "Uhm, did I say something?" nakangiti ito pero bakas ang pagtataka sa mukha ni ate Andrea. "I highly doubt that he's single, since I just saw him making out with his girlfriend a while ago," natatawang paliwanag ni Lucy dito. Napalunok na lang si Andrew ng wala sa oras nang makita kung paano biglang magbago ang hitsura ng pinsan niya. Mula sa masaya at tila maaliwalas nitong mukha ay unti-unti iyon kumusot at naging madilim ang hitsura nito. "Oh! I wasn't aware that he had one." Sabi na lang ni ate Andrea. Nakangiti pa rin ito subalit nakikita niya ang panlilisik ng mga mata ng pinsan sa kanya habang nanlalaki ang butas ng ilong nito. "Uhm, well. Anyway, there are plenty of guys out there naman right! And it's not like, it’s gonna be an issue for you, since you're really gorgeous and all," bawi na lang ng pinsan niya dito na siya naman naging dahilan para magtawanan ang tatlong babae. "Andrea, we need to go. Nandiyan na iyong sundo namin," singit ni Lhean sa usapan. Nakaguhit pa rin sa mukha ni ate Andrea ang inis at galit dahil sa bahagyang pagkakakusot ng mukha nito kahit ngiting-ngiti pa rin nang balingan ang kaibigan nito. "Uhm, yes. Of course," sagot na lang ng pinsan niya. Nagsitayuan na ang mga ito upang magbeso sa isa't-isa bago nagpaalam sa kanila ni Vincent. Nanatili pa sila doon ng ilang oras pero sa mga sandaling iyon ay hindi siya iniimik ng pinsan, matapos maubos ang isang bucket na inorder nila ay napagdesisyunan na nilang umuwi, dahil medyo nahihilo na din siya sa dami ng nainom, ibinigay niya na lang ang susi ng kotse sa pinsan upang ito na ang magmaneho. "Ingat pare!" paalam niya kay Vincent habang papaatras ang kotse nito sa parking area. Tahimik silang sumakay ng pinsan niya sa kotse dahil wala na rin naman siyang lakas ng mga oras na iyon, ibinaba niya ng kaunti ang upuan para mas maging komportable sa pagkakaupo, nagulat na lang siya nang bigla niyang maramdaman ang bag ng pinsan niya sa kanyang mukha. "What the f**k cuz!" inis niyang saad dito. "My goodness Andrew, you freaking humiliated me! I thought you were courting that girl Lucy and then all of a sudden I find out that you already have a girlfriend!" nagwawalang sigaw nito sa loob ng kotse habang hinahampas-hampas siya ng bag nito. "Will you stop it already! I made a mistake, alright! s**t," inis niyang singhal sabay hampas sa dashboard ng sasakyan. Tumigil ito sa paghampas pero nakita niyang malalim pa rin ang pag-anga’t baba ng balikat nito dahil sa galit. "I swear, I will never, ever try to help you again!" tiim bagang na sambit nito bago padabog na ibinaling ang atensyon sa manibela. Halos umuga-uga ang sasakyan dahil sa walang harabas na pagpapaandar ni ate Andrea niya habang umaatras ang sasakyan. Napabuntong hininga na lang siya, mas lalo lang siyang nag ka-problema imbes na makapagrelax.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD