Fall of the iron maiden
"Jeff!" puno ng galak at tuwa ang pagbati ni Lucy habang tumatakbo patungo sa lalake.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya dito ng makalapit. "Oh, bakit parang ang lungkot mo?" taka niyang tanong ng mabatid ang hitsura nito.
"It's nothing, let's go! Baka malate pa tayo sa school."
Batid ni Lucy na may itinatago ang kasintahan pero sinadya niya na lang itong balewalain, hindi niya kasi gustong sirain ang araw na ito ngayon.
Nanatiling tahimik si Jeffrey hanggang sa makarating sila sa school, tulad ng nakagawian nila ay inihatid siya nito sa kanyang classroom bago nagtungo sa sariling klase, hindi na lang niya pinansin ang pananahimik ng binata ng araw na iyon, ang tanging nasa isip niya ay baka may iniisip lang ito, mas itinuon niya na lang ang pansin sa surpresa niya dito.
"Angelyn!" bati niya sa kaibigan sabay umupo kaagad sa tabi nito.
"Hi Lucy! Ang saya mo ngayon ah!" bati nito kaagad sa kanya sabay kuha sa bag at halungkat dito.
"Tama ba iyong nabili mo? mamaya iba yang napili mo ah!" sambit niya dito habang naghihintay sa kinukuha ng kaibigan.
"Buti na lang talaga ibinigay mo sa akin iyong pangalan at model nito, nakakalito naman kasi. Halos pare-parehas naman kasi sila." Nakanguso ito habang iniaabot sa kanya ang ipinabili.
"Ay! Thanks friend, mahahalata niya kasi sa bag ko kung dinala ko ito!,thanks talaga!" puno siya ng galak habang tinitingnan ang ireregalo niya sa kasintahan, pinag ipunan niya talaga ang bagay na iyon para sa araw na ito, kaya naman hindi niya mapigilan ang pananabik na maibigay na iyon, kaya naman paka-tunog pa lang ng bell ay nagmamadali na siyang lumabas ng klase nila patungo sa tagpuan nila tuwing lunch, sunod sunod ang pag iisip niya ng mga possibleng maging reaksyon nito sa oras na ibigay niya ang regalo niya, parang gustong lumundag ng puso ni Lucy nang maaninag niya na ito sa ‘di kalayuan, buong tuwa siyang kumaway sa binata.. " Jeff! " Pagpapapansin niya.
"Lucy!" bati nito habang papalapit sa kanya, may dala-dala itong isang maliit na bouquet ng bulaklak at isang nakabalot na regalo."For you." Abot nito sa bulaklak at regalo.
Halos magningning ang mga mata ni Lcuy pakakuha sa boquet, naupo sila kaagad sa bench na malapit doon, dali-dali niyang binuksan ang regalo nito.
"Jeff! Oh my god, thank you!" halata ang saya niya habang tinititigan ang librong ibinigay nito na ‘Book of Mythology’, bigla niyang naalala ang regalo niya dito at inilabas iyon."Sana magustuhan mo. Happy anniversary!" buong puso niyang bati dito habang iniaabot ang kahon.
"Salamat Lucy." Kita niya ang ngiti sa mukha nito pero halata niya naman ang lungkot sa mga mata ng lalake.
Nag iba lang iyon nang makita kung ano ang regalo niya "Whoa! Gundam Wing Endless Waltz Edition!" Halata ang biglaang pagbabago ng mukha nito dahil sa regalo niya. Mas lalo pa siyang nagalak nang bigla na lang siya nitong yakapin ng mahigpit."Thanks Lucy, thank you so much! I'm really lucky to have you."
Ibinalik niya naman ang akap nito, sobrang saya ang nadadama niya ngayon dahil dito.
"Kumain na tayo, nagluto ako ng spaghetti."
Subalit hindi ito bumitaw sa pagkakaakap sa kanya, mas lalo lang humigpit iyon."Jeff a...ano bang problema mo? Kanina ka pa ganyan ah!" hindi niya na mapigilan ang mag alala sa inaasal nito.
"Know that I will always love you Lucy!" nahihikbi nitong saad sa kanya.
Doon na siya biglang nakaramdam ng kaba. "Bakit mo ba sinasabi iyan, may problema ba?" alala niyang tanong dito habang pilit na pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.
"I'm leaving Lucy, kinukuha na ako ni mama. She wants me to continue my studies sa states." Dama niya ang matinding lungkot at pagsisisi sa boses ng binata.
Napaakap na lang siya ng mas mahigpit dito, kahit na mahirap ay pinilit niyang tibayan ang loob."Ayos lang naman ako sa long distance relationship, we can work this out!" pilit niyang pagpapakalma sa binata.
Nag angat ito ng ulo sabay tinitigan siya, kita niya ang pamumugto ng mga mata nito dahil sa pag-iyak. "Hindi Lucy, you remember our promise. If something like this happens, we will not let ourselves be burdened by the other, remember? I know na madami pa ang lalakeng mahuhulog sa iyo and I will not stop you from finding the person that will make you happy."
"Pero paano kung ikaw na nga iyon, pwede pa rin naman natin ipagpatuloy ang relationship natin. Hindi naman siguro magiging hadlang iyon," pagmamakaawa niya dito habang hawak-hawak sa kamay ang mga pisngi nito.
"I'm not even sure if I'm ever going back Lucy."
Halos madurog ang puso ni Lucy ng sabihin nito ang mga katagang iyon, sa sarili alam niya din na malabo ang L.D.R. dahil siya na din mismo ang nagsabi dito na mababa ang porsiyento ng nananatili sa ganoong relasyon.
"I'm so sorry Lucy." Napasubsob na ang mukha nito sa balikat niya.
"No, it's okay, if we're meant to be, we're meant to be," pagpapatahan niya dito habang hinahaplos haplos ang ulo nito.
Hindi niya gustong maging mahina sa harap ng lalake dahil sa kanilang dalawa siya ang palaging mas malakas.
Masasabing simple lang si Jeffrey, siya ang typical na binata na hindi masyadong pansinin, hindi naman pangit, pero hindi rin masasabing guwapo, nasa gitna lang kumbaga, nakahiligan din nito ang anime at ang mag-laro ng mga computer games tulad niya, pero ang pinakanagustuhan niya sa binata ay ang pagkakaroon nito ng paninindigan sa mga salitang binibitiwan, ganoon din ang matibay nitong prinsipyo.
Madalang siyang makakita ng mga ganoong lalake, madalas kasi mga irresponsable at pa feeling guwapo ang mga umaaligid sa kanya, kaya nang magmatapang itong manligaw sa kanya, kahit na wala ito sa criteria ng gusto niya ay sinagot niya na ito, dahil alam niya madalang na ang mga tulad nito. Pero ngayon ng dahil sa kagagawan ng tadhana, kailangan niyang bitiwan ang kauna-unahang lalakeng bumihag sa kanyang puso .
Nanatili silang magkayakap hanggang matapos ang lunch time, umuwi na rin si Jeffrey dahil kailangan na nitong mag-impake, kaya naman ganoon na rin ang ginawa niya, nawalan na kasi siya ng ganang pumasok sa susunod niyang klase.
*****
Maagang nakauwi si Lucy ng araw na iyon dahil na rin sa nangyari sa kanya, gusto niya munang magpahinga, pakiramdam niya kasi pagod na pagod siya, subalit tila bigla siyang nagising mula sa pagdadalamhati nang nadatnan niya ang kanyang mama na umiiyak sa may sala.
"Mama, bakit kayo umiiyak?" alala niyang tanong dito.
Subalit nagpatuloy lang sa paghagulgol ang kanyang mama, tsaka niya lang narinig ang ilang kalampag sa may taas ng bahay nila. Mabilis siyang nagtungo doon at naabutan niya ang kanyang daddy na papalabas ng kuwarto, akbay-akbay ang sekretarya nito.
Sa hitsura pa lang ng dalawa, alam niya na kung anong nangyayari, hindi siya tanga para hindi iyon mabatid.
Nanatili siyang nakatayo sa may hagdan, kaya naman napansin siya ng kanyang daddy.
"Lucy, anak!" seryoso nitong sabi sa kanya habang naglalakad papalapit.
Nanatili lang siyang nakatayo doon, walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha. Nakasanayan niya na ang ganitong pag-uugali, upang hindi basta-basta malaman ng ibang tao ang iniisip niya.
"We will talk later," mahinahong sambit ng kanyang ama sabay ngiti ng tipid.
Sinuklian niya din ito ng tipid na ngiti, naglakad na ito palagpas sa kanya para makababa ng hagdanan. May kung anong pumitik sa utak ni Lucy nang tingnan siya ng secretarya ng kanyang daddy, napansin niya ang kung anong tuwa sa mukha nito, kaya naman nang makatalikod na ang babae ay walang pasabi niya itong dinamba palaglag sa hagdan.
Wala na siyang pakialam kahit mataas ang kahuhulugan nila, isang bagay lang ang nasa-isip niya ngayon at sisiguraduhin niyang magagawa niya ito.
Napakapit na lang ang daddy niya sa may hagdan, sa lakas ng pagdamba ni Lucy ay hindi na nito nagawa pang masalo ang inaalalayang babae at napaluhod na lang ito.
Nagpagulong-gulong sila pababa ng hagdan, subalit ininda niya lang ang mga tama, sanay siya sa ganoon sakit. Mabilis siyang nakatayo sabay buong lakas na hinatak ang mahabang buhok ng babae.
"Aaah! Aaah! Tama na bitiwan mo ako!" pagmamakaawa nito.
"Lucy Anak, tama na! Pabayaan mo na!" humihikbing pagmamakaawa ng mama niya habang nakasunod sa kanya.
Subalit wala siyang naririnig ng mga oras na iyon, dali-dali niyang hinatak palabas ng bahay nila ang secretarya ng kanyang ama, binitiwan niya ito kaagad sabay pilit na pinatatayo.
"Wag lumayo ka sa akin! Lumayo ka!" pagwawala nito habang pilit niyang pinatatayo.
Binitiwan niya ito at umatras ng kaunti, nag-ayos din siya ng sarili dahil napansin niyang gulo-gulo ang kanyang damit.
"Baliw ka!" sigaw sa kanya ng babae habang inaayos ang sarili.
Nagpakawala siya ng isang malakas na round house kick sa mukha nito na siyang naging dahilan ng pagtilapon nitong pagsubsob sa lupa, mabilis siyang tumakbo papunta dito sabay idinagan ang sarili sa ibabaw ng babae.
Sunod-sunod na mga suntok ang pinakawalan niya sa mukha nito. Masasabing hindi babae ang lumalaban ng mga oras na iyon dahil pulido at malalakas ang tama nito sa kalaban, maihahalintulad sa isang professional na UFC fighter.
"Lucym stop it!" sigaw ng daddy niya nang makalabas.
Naramdaman niya na lang ang kamay nito na pilit siyang hinahatak papaalis, kaya naman dali-dali niyang kinuha ang isang kamay ng babae at inakap ito, walang kaabog-abog niyang pinaikot iyon dahilan para mabale ang braso nito.
"Aaah!" malakas na sigaw ng babae sa sobrang sakit.
Tsaka lang siya binuhat ng ama para mapabitiw dito, binigyan siya nito ng isang malakas na sampal na naging dahilan para tumigil siya, matapos noon ay pinanlisikan siya nito ng mata.
Duguan na ang babae nang datnan ng daddy niya, halos hindi na din makilala ang hitsura nito dahil sa kanyang ginawa. Dahan-dahan itong inalalayan ng kanyang daddy para makatayo, iningatan din nito ang brasong nabale.
Nagsimula ng magkumpulang ang ilang mga kapitbahay nila para makiusyoso, bigla na lang napansin ni Lucy ang bangko sa gilid ng daan nila, napangiti siya dito sabay kinuha iyon.
Walang kaabog-abog niyang sinipa ang ama, kaya naman sumubsob ito sa daan. Kita niya ang matinding takot sa mukha ng babae nang mahiwalay dito, kaya naman mas nginisian niya pa ito. Sunod-sunod at malalakas na hampas ang pinakawalan niya dito gamit ang bangkong hawak.
"Puta ka! Kabit! Maninira ng pamilya! Ang kati-kati mo!" sunod-sunod na sigaw niya dito.
"Aaah! Taman na! Parang awa niyo na, tulungan niyo ako!" hagulgol nito.
Subalit walang sumubok makialam sa kanya, lalo na at pinanlalandakan niya kung sino ang babaeng iyon.
"Sa tingin mo may tutulong sa iyo, eh puta ka! Kaladkarin!" sagot niya sa mga daing nito habang patuloy itong hinahambalos ng upuan.
Natigil lang siya nang mawasak na ang kahoy na silya sa ginawa, halos nangingisay na din ang babae sa sobrang bugbog.
"What have you done!" galit na sambit ng ama niya habang gumagapang pasaklolo dito.
Hindi naman siya nagpatalo dito bagkos ay pinanlisikan niya pa ito ng mata, para ipakita ang matinding galit niya dito.
"Mga baboy kayo! Baboy!" sigaw niya dito sabay tapon ng mga tirang piraso ng upuan.
"Abay! Wala kang modo!" galit na baling ng ama, agad itong tumayo sabay akmang sasampalin naman siya.
"Sige subukan mo! Hindi kita aatrasan!" mukhang nasindak naman ang ama niya. "Wala kang kwenta, baboy! Nandidiri ako sa iyo," galit na galit niyang sigaw dito.
"Lucy tama na, hayaan mo na sila, pumasok na tayo!" pagmamakaawa ng kanyang ina na hindi pa rin tumitigil sa pag iyak. Niyakap na lang siya nito habang humahagulgol.
Doon lang siya nakaramdam ng paghinahon, dahil sa yakap ng kanyang mama, minabuti niya na ang alalayan ito papasok, pero muli niyang binalingan ang ama at sekretarya nito na nakahandusay pa din sa kalsada.
"Huwag na wag niyong mapakita sa akin ang mga mukha niyo dito, kung hindi ay doble pa ang dadanasin ng babaeng yan sa akin!" gasgas lalamunan na sigaw niya dito.
Halata naman ang gulat sa mukha ng ama niya, hindi ito makapaniwala na magagawa niya ang bagay na iyon.
Kahit naman siya hindi niya akalaing kaya niya iyon, kung tutuusin maraming mag aakala na siya ang typical na babaeng maganda, mahinhin at kaaya-aya.
Iyon nga lang, dahil na din siguro sa epekto ng mga napapanood niya, naisipan niyang patagong mag-aral ng martial arts. Tanging mama niya lang ang nakakaalam nito, kahit ang kakambal niya ay hindi iyon batid, kaya naman parang nasagasaan ang sekretarya ng daddy niya dahil sa dinanas na pambubugbog.
Mabilis niyang isinarado ang pintuan nila at patakbong nagtungo sa kanyang kuwarto. Doon lang nawala bigla ang matapang na bersyon ni Lucy, kung saan walang nakakakita sa kanya, walang nakakaalam ng kanyang kahinaan. Hinayaan niya lang na tuloy-tuloy na umagos ang kanyang mga luha habang nakasandal sa pinto.
Buong buhay niya nirespeto niya at minahal ang kanyang daddy, subalit nitong mga nakaraan taon ay napalitan na iyon ng galit at tampo, dahil sa mga sunod-sunod nitong kalokohan. Kaya naman walang alinlangan siyang lumaban dito.
Naghintay pa ng ambulansya ang daddy niya para lang maialis ang sekretarya nito doon, hindi naman ito nagsampa pa ng kaso lalo na at tinakot niya din na idedemanda ito sa oras na may gawin laban sa kanya.
Ilang oras matapos noon ay tsaka naman dumating ang kakambal niyang si Luke, ito kaagad ang pinagbalingan niya ng inis dahil sa hindi umuwi ng maaga.
"Saan ka ba nang galing na ugok ka!" galit niyang baling dito sabay batok.
"Hala! Bakit ba ako pinagdidisikitahan mo!" balik nito sa kanya.
"Ikaw ang lalake, ikaw dapat ang nagtatanggol sa amin!" Sunond-sunod niyang batok dito.
Napatakip na lang ito sa ulo upang salagin ang mga atake ni Lucy. "Ano ba nangyari?" alalang tanong nito.
Kahit na masama sa loob niya ay nagawa pa din ni Lucy na ikuwento sa kapatid ang lahat ng nangyari, mukha namang nagulat din ito, dama niya din ang galit na biglang bumalot sa kapatid.
Inakap siya nito at humingi ng tawad, napangiti na lang siya sa ginawa ng kakambal, ngayon wala siyang ibang iniisip kung hindi ang kung papaano mabubuhay ng hindi humihingi ng tulong sa ama nila.