Courting

4119 Words
"Ate, wala bang discount dito sa bag?" pagpupumilit ng isang matabang babae sa kanya. "Sige ate, pag mas madami sa sampu ang kinuha mo bibigyan kita ng discount!" agaran sagot ni Lucy. Nagawa niyang makakuha ng pwesto sa divisoria para magsimula ng isang tindahan, napapayag niya ang kanyang mama na humiwalay na sa kanilang daddy matapos ng mga nangyari, subalit nagawa pa din nitong makipagkasundo sa mama niya, kaya ngayon hiwalay silang magkapatid. Si Luke ay sumama sa daddy nila, habang siya naman ay naiwan sa kanyang mama, pero kahit na ganoon ay wala na din siya naging pagtutol, alam niya kasi ang sakit ng ulo na dulot ng kapatid niya dito, kaya naman heto siya ngayon, tumutulong sa munti nilang negosyo para makasiguradong hindi masyadong mahihirapan ang kanyang mama at hindi na nila kailangan umasa ng suporta sa kanyang daddy. "Lucy anak, baka napapagod ka na, magpahinga ka na muna," saad ng mama niya. Kasalukuyan itong nag-aayos ng ilan nilang paninda, lumapit siya dito para siya na ang mag ayos ng mga iyon. "Huwag kayong mag alala mama, nakapahinga naman ako kanina," paninigurado niya dito. Nakita niya kasi ang pag aalala sa mukha nito. "Pero palagi ka na lang nandito kahit may pasok ka!" Batid niya pa din ang matinding lungkot sa mukha ng kanyang mama. "Nagrerelax naman po ako sa school bago pumunta dito, kaya nakapahinga na po ako doon, tsaka ‘di naman ako napapagod sa biyahe dahil dala ko iyong kotse." Muli niyang subok para mawala ang pagkabalisa ng kanyang mama, napabuntong hininga na lang ito. "Ito ate, maganda design!" baling niya na lang muli sa bumibili sa kanila. Dama niya ang pag aalala ng kanyang ina, pero sadyang ayaw niya itong mahirapan, kaya kahit napapagod din siya ay pilit niya pa din itong tinutulungan, kahit na ginagabi sila sa pag-uwi ay maaga pa din naman nakakapasok si Lucy sa eskwelahan. Nagawa niyang ayusin ang schedule ng klase niya para pumabor sa kanya schedule, para makapunta pa rin siya sa tindahan nila. Naging irregular tuloy ang schedule niya, pero ‘di niya na ito inalintana sa kadahilanang mas importante sa kanya ang mapagsabay ang negosyo nila at pag aaral niya. Maaga siyang pumasok kinabukasan, bawas stress para sa kanya ang pagtungo ng maaga sa eskwelah, hindi kailangan magmadali at madalas nagmumuni-muni na lang siya sa dito. Hindi din naman siya nag iisa, dahil madalas maaga din pumapasok ang kaibigan niya na si Celina. Bigla niyang naalala ito, kaya habang naglalakad ay hinahalungkat niya ang kanyang bag para kunin ang kanyang cellphone. Napatigil lang siya nang may bigla na lang humarang sa kanyang daanan. Alisto niyang binaling ang tingin dito, sabay atras ng kaunti, agad na nagsalubong ang kilay niya para magpakita ng paninindak, pero mabilis niyang nakilala ang nasa harapan, kaya naman hindi na siya nag abala pa na pumosisyon para manlaban. "Hi Lucy, you're early today," bati sa kanya ni Andrew na todo pa ang ngiti. Halos masilaw na siya sa puti ng perpektong ngipin nito, kaya napakunotan na lang siya muli ng noo nang mabatid ang sinabi ng lalake. "Uhm, I'm always early," alangan niyang sabi, may kung anong kinikilos kasi ito na nagpapabalisa sa kanya ng mga sandaling iyon. "Where are you off to? " pag-uusisa nito, pumwesto na ang binata sa tabi niya kaya naman nakapagpatuloy na siya sa paglalakad. "Sa canteen, Celina's waiting for me," sagot niya. Hindi pa din mawala ang pagkabalisa niya sa mga ngiti at titig ng binata sa kanya, kaya naman nagsimula na siyang maghinala dito. "Hey, you're stuff looks heavy, let me carry some of them for you," pagpriprisinta nito habang pilit na kinukuha sa kanya ang mga dala niyang libro. Inilayo niya iyon kaagad, sabay tinaasan niya ito ng isang kilay. Isang matamis na ngiti naman ang ibinalik nito sa kanya. "Are you flirting with me? " hindi niya na napigilan ang sarili na barahin ito. Napatawa na lang ng tipid ng tipid si Andrew kaya naman tila nanginig ang kalamnan niya sa lalim ng boses ng lalake. "Why would you say that?" painosenteng balik sa kanya ng binata. Tinitigan niya ito ng may pagdududa sa kanyang mata, batid niya ang mga ganoon kilos dahil ilang beses niya na iyon naranasan. "Seriously Andrew. I'm sorry, but if you're planning on something of the sort, my answer would be no!" pagpapaintidi niya dito na wala man lang pag-aalinalangan. "I haven't even done anything! " pagtatanggol nito sa sarili. Pero kita niya ang biglaan pag-iiba ng ngiti nito na para bang nagulat sa kanyang sinabi, dahil medyo nabawasan ang lapad noon. "I'm just saying. So, if you're planning, better stop it now, alright," balik niya kaagad dito na may ngiti. "Can’t I try? I mean wala naman mawawala," bigla nitong wika. Doon nawala ang kanyang ngiti, lalo pa nang mapagmasdan ang parang nagmamakaawang tutang tingin ng bilugan nitong mga mata. May kung anong kakaiba sa mga titig ng lalake na para bang nagpapalambot sa kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon, kaya naman agad na siyang umirap dito. "You're just going to waste your time, because my answer would just be no!" pag didiin niya muli. "Wala ka naman boyfriend ah! So, wala naman masama if manliligaw ako diba," pagpupumilit pa din ni Andrew. Mukhang wala itong balak magpatinag at hindi basta-basta tatanggap ng simple at mahinahon na paliwanag. "I don't have time for this kind of things, and besides, I have no plans of being included in one of your conquest," pagbubuko niya dito. Mabuti na lamang talaga at madalas magkuwento si Luke ng mga gawain ng magbabarkada, kaya mayroon na siyang ideya sa kalokohan nito. Mas napatid ang ngiti sa mukha ni Andrew at mabilis itong namawis sa pagkasindak sa mga sinabi niya, kaya napangisi na lamang siya ng malapad nang mapagtantong tama nga siya. "What do you mean by that, whatever you've been hearing, those are not true," pagtatanggol nitong muli. Napataas na lang ang isang kilay niya sa sinabi nito, idagdag pa ang pag ngiti nito muli ng matamis sa kanya.. "Really. Well, let me check the facts! There's the part that your friends call you the de-virginizer and you've basically f****d all the popular girls in school. Oh, and there is even the part were you almost got expelled for having that video scandal with an alumni here! So, tell me which of them are not true?" Lalo niyang nilapadan ang ngisi, humalukipkip na siya sabay taas ng noo sa lalake. Halatang medyo nahihirapan sa sitwasyon si Andrew dahil sa mga sinabi niya, nakikita niya kasi na mas nagpapawis na ito at pabuka-buka na lamang ang bibig. "Those are just rumors, you really shouldn't believe any of them," pilit tawang saad nito, na napasuklay na lang sa buhok. "My friend still has your video, want me to get a copy of it so we could watch, just to prove your innocence," mapang asar niyang sagot. Ito na ang naging dahilan para mapalunok ito ng malalim, naroon ang bahagyang pagtakas ng kula sa mukha nito habang nakikipagtitigan sa kanya. Muli na lamang itong napahakhak. “Well, I mean that was a year ago, I'm totally different now!" Halatang pilit lang ang tawa ng binata kaya naman nakadama na si Lucy ng bahagyang inis, lalo pa at alam niyang kalokohan na lang ang lumalabas sa bibig nito. "Andrew, you're a really good looking guy, and I know that a lot of girls are just dying to get your attention. So, please entertain them rather than waste your time with me," pagpapaliwanag niya na lang. "Well, I mean, We can still be friends, you know. There's no harm there right?" biglang sambit ni Andrew. Doon na nakadama ng paghinahon si Lucy."If it's just friendship that you want, I'm good with that," masaya niyang saad dito sabay tapik sa balikat ng lalake. Nagtuloy-tuloy na sila sa paglalakad patungong canteen, pero naging tahimik na si Andrew ng ilang sandali. "I take that back! " biglang basag nito sa katahimikan. Napasalubong na lang siya ng kilay sa sinabi nito, sabay lagay ng isang kamay sa baywang nang humarap sa lalake. Naroon na naman ang tila makaawang tingin ni Andrew."Can't you even give me a chance, I mean wala naman mawawala." May kung anong pwersa ang tila nanghahatak sa mga titig nito sa kanya, na para bang nalulunod siya sa lalim noon. Napabuntong hininga na lang si Lucy para pigilan ang inis." I'm telling you right now, my answer would and shall be a no!" pagdidiin niya dito bago niya ito tinalikuran para magmadaling maglakad patungong canteen. Mabuti na lang talaga at naroon ang kulo ng dugo niya sa mga tulad nito, kung hindi ay maaaring nadala na siya sa mga salita at tila pagmamakaawa nitong pakiusap. "Are you giving me a chance then?" masayang sambit ni Andrew habang humahabol sa kanya. "Do what you want! I don't care, but I already told you, it's a no." Nawalan na siya ng ganang paliwanagan ito, kita niya ang masayang ngiti sa mukha ng binata bago niya iwan. Hindi niya na lang iyon pinansin, tinuon niya na lang ang kanyang atensyon sa paghahanap sa kanyang kaibigan nang makarating sa canteen. Naaninag niya ito sa isang upuan na nagbabasa, dali-dali siyang tumakbo patungo dito. "Cel! Good morning," buong galak niyang bati sa kaibigan nang makalapit. Agad siyang umupo sa harapan nito, kaya tumigil na ito sa pagbabasa nang makaharap na siya. "Good morning Cy, kasama mo pala si Andrew." Matamis nitong ngiti. Napasalubong kaagad siya ng kilay nang marinig ang sinabi ng kaibigan, napahawak na lang siya sa kanyang sentido nang makitang naka-sunod nga ang binata sa kanya. "Good morning Celina, kamusta ka na? " Walang pasabi na itong tumabi sa kanya. "Ayos lang naman," sagot ng kaibigan niya dito sabay baling ng tingin sa kanya. "Cy, masama ba pakiramdam mo?" Sinimangutan niya na lang ang kaibigan sa sinabi nito, ngiti lang ang ibinalik nito sa kanya, halatang hindi nito batid ang dahilan kung bakit siya ganoon. "Wala ito, kumain ka na ba Cel?" pilit niya na lang iwinawaglit sa isipan ang kakulitan ni Andrew at ibinaling niya na lang kay Celina ang atensyon. "Nag-almusal na ko," agaran sagot ng kaibigan. Tinaasan niya na lang ito ng kilay, tiningnan niya ang kanyang relo para malaman ang oras. Mag-aalas diyes na, eleven pa ang klase nila at sigurado niyang alas-ocho pa lang nandirito na ang kaibigan niya. "Kanina pa iyon, sigurado ko gutom ka na. Wait lang, bibili ako ng food natin," patayo na sana siya nang bigla siyang pigilan ni Andrew. "Ako na, treat ko. Anong gusto niyo? " mabilis itong nakaalis sa upuan at akmang tutungo na sa biliha. Nagkatinginan na lang sila ni Celina, naroon ang bahagyang pagyuko ng kaibigan kaya naman nabatid niya ang hiya nito. "Kayo na lang ni Lucy, Andrew. Busog pa naman ako," nakangiting wika nito sabay yuko. Bigla na lamang niyang naisip ang pagkakataon na iyon para tanggalin ang interest ni Andrew sa kanya. "Gusto ko ng cheesesburger, chocolatemilk shake, fries, pancit, siomai at takoyaki. Cheeseburger, spaghetti at ice tea kay Celina, kasi hindi siya ganoon kalakas kumain," walang abog na saad niya pakabaling sa binata. Kita niya ang agaran panlalaki ng mga mata ni Celina sa pagkagulat, napalunok ito at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Andrew. " Cy naman, nakakahiya " bulong na pagsita nito. "What? Siya naman nagprisinta, hindi dapat tinatanggihan ang grasya," wari’y pagsusungit niya dito. Bago pa man makatutol ulit ang kaibigan ay nakaalis na si Andrew para bilihin ang mga sinabi niya, madalian itong bumalik sa kanila dala ang mga pagkain na kanyang hiniling, ito na mismo ang naghain sa kanilang dalawa. "Thank you dito Andrew," salubong ng kaibigan niya para tulungan ito. Halatang nahihiya ito sa binata. "Thanks dito," masaya niya din na pasasalamat kay Andrew. Alam niya naman na nagpapakagalante lang ito dahil mayroon kailangan sa kanya, at halata niyang nagpapa-goodshot ito. "Sige na, kain na tayo! " pag aaya ni Andrew nang makaupo. Todo pa rin ang ngiti nito habang bumabaling sa kanya habang kumakain sila at halata niyang nagpapapansin dahil sa panaka-nakang pagpapapungay nito ng mga mata. Sa loob ng tatlong buwan ay laging nakasalubong at hatid sa kanya si Andrew, mas madalas na nga itong sumasabay sa kanila sa pagkain kaysa sa mga barkada nito. Kahit papaano ay natutuwa naman siya sa pinapakitang sipag ng binata, pero hindi pa din niya magawang magtiwala dito, lalo pa at alam niya kasi ang tipo ni Andrew, magaling manligaw at mabulaklak ang bibig pero isa lang naman ang habol. Mas naging masugid at mapagmasid din si Andrew nang mapansin na may ilan din mga estudyante ang umaaligid kay Lucy. Pero kahit na ganoon ay hindi pa din niya ito sinasagot, wala na din naman siyang panahon para sa ganoong mga bagay matapos ng kanilang paghihiwalay ni Jeff. Sa bandang huli siya din ang nagsimulang umiwas sa kakulitan ni Andrew, parang pulis na kasi ito kung makabantay sa kanya. Napansin iyon ni Lucy nang bigyan siya ng isang kaklase ng bouquet ng bulaklak, hindi iyon nagustuhan ni Andrew. Kinabukasan ay hindi na pumasok ang naturang kaklase niyang iyon, ang bali-balita ay nabully ito, gusto niya man sitahin ang binata ay di niya magawa dahil wala naman siyang pruweba sa ginawa nito, kaya heto siya ngayon, nag iba ng dinaanan para umiwas sa kakulitan ng manliligaw. Mabilisan niyang tinext ang kaibigan na si Celina kung saan tutungo, mag-kaklase kasi sila sa sunod niyang subject, ilang minuto din siyang nagtatago bago ito dumating. "Cel! Saan ka nanaman galing?" sita niya dito. Hindi kasi siya sanay na nahuhuli ito sa usapan nila, lalo pa at alam niyang masinop ito sa oras. "Nagsauli lang ako ng libro sa library," mabilisan nitong sagot, medyo humahangos pa ito halatang nagmadaling makapunta doon. "Sobrang studious mo naman yata? Grabe ah, pansin ko halos araw-araw ka nagsasauli ng libro sa library, ano ba meron?" pag uusisa niya. Madalas niya kasi itong nakikitang may hinihiram sa library, hindi naman dapat siya magtataka dahil alam niyang iniingatan nito ang scholarship kaya pala aral ang kaibigan, pero nagduda siya nang minsan niyang makita ang ilan sa mga librong hinihiram nito. Wala silang ganoon subject, kaya naman hindi niya mapigilang usisain ang kaibigan. "Ah may mga kailangan lang ako I-research." Batid niya na may halong pag sisinungaling ang kaibigan ang sinabi ni Celina dahil sa panginginig ng boses nito. "Sure ka? Alam mo O.A. na iyan masyado ah! Pansin ko lang," pagbabatid niya dito. Alam niyang may problema ang kaibigan, pero ayaw lang nitong magsalita at magsumbong sa kanya. "Sya nga pala, kamusta kayo ni Andrew, sinagot mo na ba siya?" biglaan nitong tanong. Alam ni Lucy na nililihis lang ni Celina ang usapan nila, upang hindi na siya mag-usisa pa. "Naku, kahit gwapo iyon ‘di ko naman basta-basta sasagutin iyon. Ano ako, easy to get!" matalim niyang sagot. Ayaw niyang sabihin sa kaibigan na wala naman siya talagang balak na sagutin ang naturang binata. "Maawa ka naman sa tao, halos anim na buwan ng nanliligaw iyon sa iyo. Mukha naman siyang sincere sa iyo!" pagsisita ni Celina. Nginusuan niya na lang ito, talagang napaka inosente pa ng kanyang kaibigan sa mga ganoong bagay. "Sus! Hay naku Cel, you are so innocent talaga! Sige, matanong kita, sa tingin mo ba seryoso si Andrew sa akin? Mah goodness, college pa lang tayo, gusto lang niyan makatikim ng iba't-ibang potahe!" pagpapaliwanag niya sa kanyang kaibigan ng kahit papaano ay matauhan ito. "Bakit mo naman nasabi iyan? ‘di naman siguro ganoon si Andrew," pagtatanggol ni Celina sa binata. Mukhang nakuha na ng lalake ang boto nito, kaya naman napabuntong hininga na lang siya. May bigla na lang siya naisip at naalala ukol dito. "Sige, matanong kita. Nakailang girlfriend na iyong ugok na iyon?" madalian niyang taong sa kaibigan. "Uhm, ‘di ko alam! Bakit, ilan na ba?" takang tanong nito sa kanya. Napangisi si Lucy sa reacksyon nito, talagang walang nalalaman masyado ang kaibigan niya ukol sa lalake. "Anong gusto mo malaman, this year or last year?" mapang asar niyang saad dito. "What! Bakit, ganoon na ba kadami?" medyo gulat na sagot ni Celina. "Oo, ganoon na kadami! So, sa tingin mo magkakaroon ako ng tiwala sa ugok na iyon, na numero unong babaero ng school! Sa tingin mo ba seseryosohin niya ako?" matalim ang pakakasabi ni Lucy ng mga bagay na iyon para ipakita sa kaibigan na siya ang tama. "Hindi, pero malay mo." Kita niya ang biglaan pagbabago ng mukha ng kaibigan mula sa maaliwalas ay tila naging malungkot ito, halatang medyo nakukuha na nito ang sitwasyon niya. "As If! Once a playboy, always a playboy, remember that friend!" pagpapaalala niya na lang. Magsasalita pa sana siya, subalit bigla na lang tumunog ang cellphone nito, nakita niya ang pagtataka sa mukha ng kaibigan bago nito sagutin iyon. "Hello?" Halatang nag aalinlangan pa si Celina sa pagsagot. "Papunta na sa next class namin," sagot nito sa kausap, natigil ito nang muling magsalita ang nasa telepono."Ah, sige. Papunta na ako dyan!" agaran naman nitong sagot. "Hala, bakit. Ano meron?" nabatid niya kaagad kung ano nanaman ang nangyayari dito. "May kailangan lang ako gawin sandali Lucy, mauna ka na sa room," pakiusap nito sa kanya. Alam niyang may itinatago ito kaya hindi niya mapigilang mag alala para sa kaibigan. "Huh, bakit? Sasamahan na kita," pag aalok niya. Gusto niya kasi itong mabantayan dahil pansin niyang mayroon nananamantala sa kabaitan ng kanyang kaibigan. "Hindi na! Okay lang ako," pagpipigil nito sa kanya. Napatitig na lang siya sa sinabi ng kaibigan, napakunot ng noo at sabay nagtaas ng isang kilay nang mapagtanto kung sino ang taong tumawag. "May inuutos nanaman ba iyong halimaw na iyon?" pag-uusisa niya sa kaibigan. Ngumiti na lang si Celina ng mapait sa tanong ni Lucy. "Alam mo, sumosobra na ang topak niya ah! Kapag ako napuno, uupakan ko na yan!" inis niyang sambit dito. "Hayaan mo na! Sanay nanaman ako sa pagiging abnormal noon. Sige, mauna na ako, para makabalik din agad!" paalam sa kanya ni Celina sabay mabilisan naglakad paalis. Bumuntong hininga na lang siya sabay masahe sa sintido, talagang ayaw sa kanya magsumbong ng kaibigan, kung nagkataon sana ay may dahilan na siya para upakan ang bugnutin na lalakeng nagpapahirap dito. Ilang segundo din siyang nag-isip bago napagdesisyunan na sundan si Celina. "Cel!" pahabol na tawag niya dito, pero mukhang ‘di na siya nito marinig dahil medyo malayo-layo na. Binilisan niya na din ang paglalakad, natigilan siya sa paghabol dito nang may mabangga siya sa daanan. "Oh! Sorry," paghingi niya agad ng paumanhin sabay subok na lagpas dito. Pero agad din siyang napatigil nang humarang ito sa kanya. " Lucy! Saan ka ba nanggaling, kanina pa kita hinahanap," may bahid ng pag aalala at inis ang boses ni Andrew. Napa batok na lang siya sa sarili, kung kailan gusto niyang tulungan ang kaibigan, tsaka naman siya naharang ng iniiwasan. "Nakita mo ba kung saan dumaan si Celina?" mabilisan niya na lang na tanong. "Nope, ‘di ko siya napansin." Bigla siyang nakadama ng inis nang mapansin ang ngiti ni Andrew, halata niyang may kung ano itong iniisip ng mga sandaling iyon. "I need to go then!" tumalikod na siya kaagad para iwasan ito, pero mabilis din itong humabol sa kanya. "Ihahatid na kita sa klase mo!" Nagtaasan bigla ang mga balahibo niya nang bigla na lang madama ang kamay nito sa kanyang baywang. Tumigil siya kaagad at mabilisang itinulak palayo ang kamay ng binata. "Whoa, whoa, whoa! Andrew, you're crossing the line here," pagsermon niya sa ginawa nitong paghawak. "Sorry, I kind of gotten carried away," kahit na humihingi ito ng paumanshin ay lagpas tenga pa rin ang ngiti nito. "Andrew, I really admire your effort, but you already know my answer right. So, why continue?" hinarap niya na ito, hindi niya na din kasi kaya ang pangungulit ng binata. "I just wanna be close to you, is that so much to ask?" Puno ng paglalambing ang boses nito. Kahit ayaw niya ay ‘di niya mapigilang ang makadam ng kaunting kilig at awa sa binata dahil sa lumanay ng boses at amo ng hitsura ng binata. "Tigilan mo ako sa pambobola mo!" inis niyang wika dito bago naglakad paalis. Agad naman humabol si Andrew sa kanya, tumigil siyang muli sabay hinarap ito nang mabatid na nakasunod nanaman ang lalake. "Please naman Andrew, itigil mo na ito, hindi na kasi nakakatuwa." Pamamaywang niya pakabaling dito. "I'll stop if you say yes!" Maloko nitong ngiti sabay ngiti ng matamis sabay pinagtaas baba pa ang kilay. Napabusangot na lamang si Lucy at napa facepalm dahil sa tindi ng kompyansa at kulit ng lalake. "No!" madiin niyang sagot. "I know na natatakot ka lang. Why not give me a chance, I'll prove to you na mali ang mga sinasabi nila sa akin," pang eenganyo nito. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa sabay napataas ng isang kilay habang idinidikit ang hintuturo sa ilong nito. "Look Andrew, you're just wasting your time. So, just find someone else." Pilit pagpapaintindi niya. Biglang napangisi si Andrew sa kanya."I think you're starting to like me!" Nanlaki ang mata ni Lucy sa sinabi nito, naroon ang paglabas, masok ng hangin sa kanyang ilong dahil sa lalim ng paghinga sa kung anong init sa kanyang pisngi dahil sa sinabi nito. "Yup! I think, you're starting to fall for my charms, that's why you don't want to see me," dagdag pa nito. "Seriously Andrew! Tsk," pagbabara niya dito. Napatingin na lang siya bigla sa kanyang relo at nakitang halos ilang minuto din siyang kinukulit ng binata. Napapikit na lang siya sa inis, hindi niya na nagawang masundan si Celina, kaya dali-dali na lang siyang nagtungo sa sunod niyang klase. Nakangisi naman na nakasunod sa kanya si Andrew, hindi niya na lang ito pinansin, wala din naman mangyayari kung sisitahin niya pa ito, baka mahuli pa siya sa kanyang klase kung pagtutuunan niya ito ng pansin. ***** "Good morning!" walang gana niyang bati nang makadating sa hapag kainan. Nandoon na ang halos lahat ng kapamilya niya. Sa pinakaharap ng lamesa nakaupo ang lolo niya, sa kanan nito ang lola niya, katabi ang dalawa niyang pinsan, sa kaliwa naman ay nandoon ang daddy at mommy niya. Tumungo na siya sa puwesto niya sa tabi ng kanyang mommy, ipinaghanda kaagad siya ng mga kasambahay ng almusal. Linggo ngayon kaya kinailangan niyang umuwi sa mansyon nila upang magpakita sa mga ito. "How’s school ijo?" Napatingin siya sa lolo niya, hinahati nito ang piraso ng pata sa plato, hindi ito nakatingin sa kanya kahit na may tinatanong. "Everythings okay grandpa, no need to worry." Mabilis siyang sumubo ng piraso ng hotdog pakasagot. "Are you still in the basketball team?" tanong ng kanyang daddy. "I'm still in the team dad." Ito ang isa sa mga bagay na hindi niya nagugustuhan kapag umuuwi siya, madalas lahat ng tanong nakatuon lang sa kanya, kahit na nandoon din naman ang mga pinsan niya. "I've heard you're having a hard time with some girl," biglang singit ng pinsan niyang si Andrea. Nakangisi pa ito sa kanya na halatang nang-aasar nanaman. Ibinalik niya na lang ang ngisi nito habang napapaningkit ng mga mata para ipakitang hindi siya naaasar, hirap kasi siyang kalabanin ito lalo na at mas matanda sa kanya. "Where did you hear that?" painosente na lang ang pakasabi niya para ipakitang wala siyang nalalaman sa mga sinasabi nito. Kinagatan muna ng pinsan niya ang tinapay na nasa plato nito bago siya sagutin."Andy told me." Biglang nabaling ang titig niya sa nakababata niyang pinsan na lalake, napatigil ito sa pagkain, halatang puno pa ang bibig nito dahil nakalobo ang pisngi habang nagpapabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Andrea. Halatang takot ito sa kanilang dalawa pero ‘di alam kung sino ang papanigan. "Shi Awte Awndwea naman e!" maktol nito na medyo bulol pa ang pagsasalita dahil puno pa ang bunganga ng pagkain. Tinitigan niya na lang ito ng masama, kaya nag-iwas naman ito kaagad ng tingin sa kanya. "Enough of that! Just make sure you are being careful ijo, I don't want you having an illegitimate child with just some woman," pagpapatigil sa kanila ng kanyang lolo. Napalunok na lang siya sa sinabi nito."Lolo naman! You know I'm always careful," maktol niya dito. napabuntong hininga naman ang kanyang lolo sa kanya, hindi niya naman talaga gustong maghabol kay Lucy, pero ito palang ang kaisa-isang babae na nagustuhan niya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makuha. Hindi matanggap ng kanyang pagka-lalake ang bagay na iyon, ito din ang paliwanag niya sa kanyang sarili kung bakit nahihirapan siyang matulog sa gabi. Sa isip-isip niya na lang bibigay din ito sa kanya, iyon nga lang, mukhang kailangan niyang doblehin ang mga ginagawa niyang panunuyo dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD