Recuperate

2387 Words
"Okay class, I'll be expecting those papers on Wednesday," huling habilin ng professor niya sa klase nila bago ito umalis ng classroom. Tulad ng dati hinintay muna ni Lucy na makalabas ang mga nagmamadaling kaklase niya bago siya tumayo para maghanda na din sa pag labas sa kanilang silid. Wala na ulit siyang alalahanin habang naglalakad sa corridor, di tulad ng dati na nagtatago siya. Papalabas na sana siya ng building subalit minabuti niyang tumigil nang maaninag ang isang pamilyar na tao, napakunot na lang siya ng noo, base kasi sa alaala niya, iba ang course ng babaeng kalaplapan nito noong nakaraang araw, kaya ganoon na lang ang pagtataka niya kung bakit nandoon iyon ng ganoong oras. May dala pa itong isang bouquet ng white roses at halatang inip na inip na sa paghihintay, bigla na lang siya napabuntong hininga ng maisip ang possibleng dahilan, kung saan maaring may bago nanaman itong binibiktima. "Hay naku, mga babaero nga naman," inis niyang saad sa sarili bago nagpatuloy sa paglalakad. Sumabay na lang siya sa ilan pang mga studyante na papalabas para wag niya na ito matingnan, naaalibadbaran pa rin kasi siya dito. "Lucy!" Nagpintig ang tenga niya nang marinig ang pagtawag nito, nakadama siya ng kaba kaya nagpatuloy lang siya sa paglalakad na kunwari ay hindi niya ito narinig. "Lucy, please wait!" Muli nitong tawag. Napahinto lamang siya nang humarang na ito sa kanyang dinadaanan. "Oh, Andrew! Ikaw pala," kaswal niyang bati. Dahan-dahan nitong iniabot sa kanya ang hawak na bulaklak habang nakayuko at hindi sinasalubong ang kanyang tingin. Napataas na lang tuloy siya ng kilay habang nagpapalipat-lipat ang titig sa binata at hawak nito. "Uhm, what's this for?" bakas ang pagtataka sa boses niya. "I wanted to apologize for last time," malungkot na sambit ng binata. "Apologize for what?" agaran niyang sagot. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano, pero nakadama siya ng hiya dahil sa ginagawa nito ngayon, lalo na at pinagtitinginan na sila ng ilang mga studyante na dumadaan. "You know, for what you saw last time, I didn't meant to do that." Napakunot na siya ng noo sa sinabi nito, mukhang nakukuha na niya kung anong gustong ipahiwatig ni Andrew. Dali-dali siyang nag-isip ng maaaring sabihin, hindi niya lubos akalain na grabe pala talaga ang kapal ng apog ng binata dahil nagagawa pa nito ang mga bagay na iyon, kaya siguradong pag namali siya ng sasabihin ay maaari nanaman siya nitong kulitin. "You really don't need to apologize for that. I mean, there's nothing happening between us, so what would make you think that?" Mas lalo lang napayuko ang lalake sa mga sinabi niya. "But you know, I shouldn't have done that! Specially since I was courting you during that time." Doon niya napagtanto na tama nga ang hinala niya, mukhang magsisimula nanaman itong mangulit. "Huh? You really don't need to do this. And besides, I don't remember giving you permission to court me in the first place, so there's really no point for your apology." Pilit niya na lang iyon itinataktak sa utak ng lalake, baka sakaling matauhan na ito sa mga sinasabi niya, sa umpisa pa lang naman ay ayaw niya na naman talagang magpaligaw dito. Nandoon na nga siguro na guwapo at mayaman ito, pero hindi iyon sapat para sa kanya, lalo na at kilala niya ang pag-uugali ng binata. Maaaring napahanga siya nito sa tiyaga at kakulitan pero hanggang doon na lang siguro iyon. Natigil lamang siya sa pag-iisip nang madama ang pagtataasan ng mga balahibo niya nang hawakan siya nito sa may braso. "Lucy naman!" nagmamakaawang sambit ni Andrew. Nagawa na nitong makatingin sa kanyang mga mata, napalunok na siya nang makita ang pag-pupuppy dog eyes nito na nagdulot ng kung anong kabog sa kanyang dibdib, kung kaya agaran niya itong sinimangutan. "Naku Andrew! Tigilan mo ako sa mga tingin mong ganyan, sa simula pa lang naman, diba sinabihan na kita na wag kang umasa, dahil wala din naman patutunguhan itong ginagawa mo. Please naman, wag mo ng pahirapan ang sarili mo! Napapagod na din kasi ako." Napayuko sandali ang tingin ng binata sa kanya, pero agaran din naman nitong binalik iyon, subalit sa pagkakataong iyon ay may kung ano na sa mag mata nito na para bang nabuhayan ng loob sa mga nadinig, lalo na lang tuloy siya napakunot ng noo. "Kung ganoon, bakit di mo pa kasi ako sagutin para wala na tayong problema, If you'll just give me a chance, I know na I can make you happy." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito, napapigil na lang siya ng tawa habang napaparolyo ng mga mata sa tindi ng kompyansa nito sa sarili. "Do I look sad to you?" kunot noo niyang bara dito, pero nananatili pa rin ang mapanuyang ngiti. Hindi niya kasi mapigilang matawa sa pagpupumilit ni Andrew, hindi niya akalain na makakatagpo siya ng taong ganito kakitid ang utak. "Ano bang pag-iisip meron ka? What is it that you don't understand about the word no," pag didiin niya sa salitang iyon. "Sinabi ko nanaman sa iyo, I don't have time for this kind of thing, wala akong panahon para makipag relasyon." Iyon ang naging dahilan ng mabilisang pagkunot ng noo ni Andrew kaya bahagya siyang napatigil sa litanya. "Then who the hell is Jeffrey! Diba ex boyfriend mo siya, what the hell does he have that I don't! I'm way better than him, so what seems to be the problem!" matapang nitong bara. Nakadama siya bigla ng kung anong kirot sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito, hindi niya tuloy mapigilang kumulo ang kanyang dugo at mag-init ang ulo. "I don't need to explain myself to you," Inis niyang sambit dito. Mabuti na lang at naaninag niya ang kapatid kasama ang mga barkada nito sa di kalayuan, tinabig niya palayo ang binata at dali-daling naglakad papunta sa kakambal. Dama niya na kasi ang init at pamamasa ng mga mata at ayaw niyang may nakakakita noon, at hindi niya hahayaan masilaya iyon ng lalaking nakabuntot sa kanya ngayon. "Lucy wait, I'm sorry!" pagpapapigil sa kanya ni Andrew nang mapagtanto ang kamalian na nagawa. Hindi niya ito pinansin bagkos ay mas binilisan niya lang ang paglalakad, naroon na ang pagtitiim ng kanyang bagang ang panginginig ng kuyom niyang palad dahil sa nadarama. "Luke!" nanggagalaiti niyang sigaw sa kapatid nang makalapit siya sa mga ito, abala kasi ito sa pakikipagbiruan nang mga oras na iyon. "Hey sis!" masayang bati nito. Pero mabilis din nabura ang ngiti sa mukha ng kakambal niya nang mapansin ang pagkakusot ng mukha ng kapatid na sinamahan pa ng nanlilisik at medyo namumula ng mga mata. "What's with the face, anong problema?" bakas ang pag aalala sa boses ni Luke na hindi malaman ang gagawin. Nagtataas baba na ang balikat ni Lucy sa paghinga para pahinahunin ang sarili, hindi na nagsalita ang kapatid niya dahil mukhang naintindihan na nito ang nangyayari nang mapatingin ito sa likuran. "Leche! Pagsabihan niyo nga iyan na kaibigan niyo!" sermon niya dito padabog na nilampasan ang kapatid. Pasimple niyang pinunasan ang luha na gusto ng kumawala sa kanyang mga mata nang makalayo siya sa mga ito. Damang-dama niya ang pagkainis kay Andrew dahil sa pagpapaalala nito sa kanya ng tungkol sa dating kasintahan. ***** "Lucy!" muling tawag niya dito, pero hindi niya na ito nagawa pang masundan dahil humarang sa kanya si Luke. "Pare, pati ba naman kapatid ko!" sita nito sa kanya. "Wala naman ganyanan!" nakangiti ito pero batid niya ang pag kaasar dito dahil sa tono ng boses at hitsura ng mukha ng kaibigan. "You're one to talk! Don't think na hindi ko alam ang ginagawa niyo ng pinsan ko!" hindi niya napigilang barahin ito dahil sa inis. Mabilis ang panlalaki ng mga mata nito dahil sa gulat sa sinabi niya, pero agad din itong nakabawi matapos ang ilang saglit. "So ano to, payback!" napakuyom na si Luke ng kamao. Halatang niyang nahihirapan na itong magpigil ng galit dahil halos nanginginig na ang mga kamay nito ng mga sandaling iyon. "Hoy pare, tama na iyan!" agarang pagpigil ni Jordan. Hinawakan kaagad nito ang braso ni Luke ng akmang lalapit na sa kanya, humarang naman si Raymond para hindi na sila magkatinginan. "Andrew chill, ano bang ginagawa mo, babae lang iyan!" sita sa kanya ni Vincent. Tinutulak na siya nito palayo pero nanatili lamang siyang nakaharap at nakatingin sa papalayong si dalaga, kaya naman pinatalikod na siya ng kaibigan sabay akbay upang mahatak siya. Ngunit hindi niya napigilan lumingon upang muling tingnan si Lucy na nakalayo na, pagkatapos noon ay napabaling na siya kay Luke na halatang inaawat pa din ni Raymond at Jordan dahil medyo nagwawala ito. Tsaka lang siya nahimasmasan nang makalayo sila ni Vincent. dinala siya nito sa canteen upang doon magpalamig. Padabog siyang naupo sa malapit na bakanteng lamesa. Hindi niya naman sadyang taluhin ang kaibigan pero wala siyang magawa dahil sadyang gusto niya ang kapatid nito. "Dude, ano ba nangyayari sa iyo and what's with the flowers?" batid ni Vincent. Napabusangot na lamang siya nang mabatid ang kusot-kusot na bulaklak, inis niyang ibinato iyon sa malapit na basurahan sabay hampas sa lamesa. "Badtrip lang Pare! Ano bang maling ginagawa ko, bakit di ko siya mapasagot?" asar niyang tanong sa kaibigan. "Ginawa ko naman na lahat, bakit ang tigas niya, ano ba mayroon iyong ex boyfriend niya ha! Eh nang tingnan ko naman sa picture, puta lang, wala naman panama sa akin!" Napatawa na lang ng malakas Vincent sa pagrereklamo niya, kung kaya tila mas lalo lamang nag-init ang kanyang ulo. "Tang ina ka pare, wag mo kong tawanan ngayon, mainit ang ulo ko!" babala niya dito. Pero tila wala iyon naging epekto dahil lalo lang itong natawa sa kanya at halos napapahampas pa sa hita. Napasimangot na lamang tuloy siya dito at hindi na lamang nagsalita. Ilang saglit pa at tumigil na din naman si Vincent sa paghalakhak. "Maybe it's because she never caught her ex making out with some other girl while courting her!" mapang-asar nitong saad. Mas lalo lang tuloy siya napasimangot dahil sa sinabi nito. "f**k man! I have my needs you know!" inis niyang sagot. Lalo lang naginit ang ulo ni Andrew nang muli itong napatawa."Tang ina ka dude, wag kang magmalinis!" bara niya sa kaibigan. Tsaka lang ito sumubok magpigil ng paghalakhak pakasabi niya noon. "I know man! But, I aint courting anyone. I just f**k with them, if they don't like it, then I'll just find another one, it's as simple as that." pambabara nito sa kanya. Napahinga na lang siya ng malalim para pakalmahin ang sarili, nakukuha niya naman ang gusto sabihin ng kaibigan niya, kung kaya ilang sandali din siyang nanahimik upang makapag isip-isip. "s**t man, baka naman tinamaan ka na!" asar ni Vincent muli sa kanya sabay tawa nanaman ng malakas. "Shut up b***h!" galit niyang saad sa kaibigan bago tumayo. Naiinis na nga siya lalo pang pinapaiinit nito ang kanyang ulo, nadama niya na lang ang biglang pag akbay nito para paupuin siya muli. "Don't be such a sore loser man! Alam ko na, gimik na lang tayo mamaya, libre ko!" bawi nito kaagad sabay kindat nang magtama ang kanilang tingin. Hindi niya napigilan mapangisi nang makita ang maloko nitong ngiti na siyang senyales na magugustuhan niya ang pupuntahan nila kung sakali. "I promise you, makakalimutan mo iyon babaeng iyon kapag lumabas tayo mamaya, so are we good man?" nakangiti nitong saad na tila naglalambing. Tinanggal niya na lang ang kamay nito sa pagkakaakbay. "Siguraduhin mo lang iyan pare!" pabirong duro niya dito. Mag-aaya naman talaga siyang uminom, buti na lang at inunahan siya nito, natigil lang ang pag-uusap nila nang bigla na lang may kamay na lumingkis sa leeg ng kanyang kaibigan mula sa likod nito. "Hi babe! I missed you," malambing nitong sambit kay Vincent. Naroon ang agaran nitong pagtingkayad upang maabot ang tenga ng kanyang kaibigan upang bulungan ito, kaya napangisi na lang siya dito nang tila napataas ng kilay ang kanyang barkada. "Not now Nina!" biglang bara ng kaibigan niya sa dalaga. "Pretty Please!" kagat labing sambit ng dalaga sabay haplos pa sa dibdib nito. Napabuntong hininga na lamang si Vincent dito. "Look Nina, I'm not in the mood right now okay." Napapigil na lang siya ng tawa dahil sa pagsusungit ni Vincent, napanguso na lang ang dalaga sabay bumitiw sa kaibigan, nakahalukipkip na umirap pa ito bago padabog na naglakad papaalis. " Dude! May sakit ka ba? " asar niya dito nang makalayo na si Nina. "What? I'm just not in the mood," kunot noo nitong sagot. Lalo lang siya napangisi, ramdam niyang may kung anong bagay na itinatago ang kaibigan. "Ikaw, wala sa mood, may problema ba iyan ano mo!" pang-aasar niya dito. Naisip niyang gumanti dito ngayon lalo pa at matindi-tindi din ang pang-aasar na inabot niya dito kanina lamang. "f**k you man!" natatawa nitong bara. "Pare, you just ditched Nina! Dalawa lang iyan, it's either may problema iyang alaga mo o may bago kang gustong tikman!" natatawa niyang paliwanag sa kilos ng kaibigan. Kilalang-kilala niya na ito para makapagtago pa sa kanya ng sekreto. "Shut your trap b***h! Huwag mo ako idamay sa katigangan mo, if I wanted to screw someone else, I would have done it already!" pagmamalaki ni Vincent. Pero hindi siya nito nagawang makumbinsi, napangisi na lang siya nang makapag isip-isip at mapagtanto ang ilan mga bagay ukol sa kaibigan. "It's Celina right!" ngising tudyo niya sa kaibigan. Napatawa na lang si Andrew nang bigla siyang kunutan ng noo ni Vincent. Naging seryoso din kaagad ang mukha nito na halatang napipikon. "Don't try to give me that look! Akala mo ba hindi ko alam iyong mga ginagawa mo!" bara niya dito. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Vincent kaya naman mas ginanahan siya sa panunuya sa barkada. "I've seen you looking at her man. Malagkit ang titig mo, kaya pala parang galit ka kay Luke!" mas lalo lang siyang napapalatak ng tawa nang bigla nitong iangat ang middle finger sa kanya. "Tang ina ka! Pumasok na nga tayo." Pilit tawa na lang nitong aya sa kanya. Ramdam ni Andrew na napikon niya na ito, kaya naman kahit papaano ay gumaan ang loob niya ng mga sandaling iyon dahil sa pagkabawi. Isinantabi na lang niya muna ang agam-agam upang mas makapag-isip ng mabuti ukol sa nadaramang kaguluhan sa kanyang puso’t isipan.Re
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD