"Grego… uhm… don't stop… keep going… ahh... s**t! I love it… ahhh… s**t!" Malalakas na mura ang narinig ko mula sa kabilang kwarto.
Nag-uunahan ang dalawa sa pag-ungol at para na akong mabibingi dahil sa ingay at malakas na ungol ni Faith.
Naririndi na akong pakinggan sila. Nakakadiri silang dalawa.
Galit na galit ang kalooban ko at mas lalong tumindi ang nararamdaman kong selos.
Naninindig ang mga balahibo ko sa mga oras na ito.
Kung wala lang akong takot sa Diyos baka kanina ko pa siya nasaksak ng punyal.
Ang demonyo sa loob ko ay laging bumubulong sa aking utak na patayin ito.
Mabuti na lamang dahil nagawa ko pa ring magpigil at alam ko pa rin kung ano ang tama at hindi.
"I'm so close… baby… ahhh!" sagot naman ng magaling kong asawa na halatang tuwang-tuwa sa pakikipag-isa ng katawan niya kay Faith.
At pakiramdam ko ay para nang puputok ang mga ugat ko sa ulo sa tuwing naiisip ko kung gaano siya nanggigigil sa kapatid niya.
Ang bawat ulos na ginagawa niya kay Faith ay nagpapabaliw sa aking huwisyo.
Para na akong mawawala sa aking katinuan.
Ang hirap-hirap tanggapin at ang sakit-sakit ng ginawa nila sa akin.
Nakaya kong tiisin ang pananakit sa akin ng pisikal ni Grego pero ibang usapan na ngayon ang ginagawa nila.
Hindi ko kakayanin at mamatay ako nito ng maaga dahil sa konsimisyon.
Ako ang asawa niya pero ibang babae ang kinakantot niya. Napakawalang hiya nilang dalawa.
Naikuyom ko ang aking mga kamao sa galit ngunit wala man lang akong magawa para ipagtanggol ang aking posisyon. Umiyak lang ang pwede kong gawin.
Hindi man lang ako binigyan ni Grego ng pagkakataon upang mapanindigan ang pagiging asawa ko sa kaniya.
Sapagkat alam kong hindi asawa ang turing niya sa akin.
"Harder… faster…"
"Ahhh… you make me crazy… especially when you moan… and I like the way you touch me and caress my whole body," malambing nitong sabi habang hinihingal ito sa pagtulak ng kaniyang patpat.
Hindi ko man nakikita pero hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi ko malaman kung ano ang ginagawa nila.
Halatang diin na diin ang pagpasok nito sa kweba ng kabit niya.
Rinig na rinig ko ang bawat ungol nilang dalawa mula sa kabilang kwarto. Mas lalo pa itong lumakas.
Mabilis na mga halinghing at ang lakas ng kanilang boses ay para bang wala ako rito.
Ang kakapal ng mga mukha!
Wala man lang mga delikadesa. Ni wala silang pakialam kahit marinig ko ang kababuyan nilang dalawa.
Sa halip ay sarap na sarap ang dalawa sa kanilang ginagawa ngayon.
Ilang saglit lang matapos kong marinig ang sigaw ni Faith.
Pareho nilang hinahabol ang kanilang mga hininga at nagpalitan ng salitang I love you na para bang hindi nila alam na nandito lang ako sa kabilang kwarto.
Nadurog ang puso ko dahil sa narinig. Paano ko siya paiibigin kung si Faith lang ang laging nasa isip niya.
Hindi ko na kayang tiisin ang ginawa niya ngayon na pananakit sa aking puso.
Mas masakit pa ito sa pananakit niya sa akin ng pisikal.
Para na rin niya akong sinakal sa leeg, at mas gusto ko na lang na sakalin niya ako hanggang sa hindi na ako makahinga. Para matapos na itong paghihirap ko.
Mas gusto ko na lang mamatay kung lagi na lang ganito ang magiging buhay ko kasama siya.
Pinikit ko ang aking mga mata at humiling ng isang melagro. Sana maramdaman niya rin kung gaano akong nasasaktan ngayon.
Wala naman akong ibang hinahangad. Gusto ko lang ang mahalin niya.
At kung hindi niya iyon maibigay sa akin, sana kahit konting respeto na lang sana.
Ang sakit-sakit. Dinaig ko pa ang sinagasaan ng kotse.
Mabilis na tumulo ang mga luha sa aking pisngi habang nakahiga ako sa ibabaw ng malambot na kama.
Mas lalo ko lang naramdaman ang pagdilim ng buhay ko at mas nawawalan na ng pag-asa na mabibigyan ako ng pagkakataon na mahalin niya.
Sa tuwing ini-imagine ko ang kabastusan nilang dalawa. Naninikip ang dibdib ko at para bang hindi na ako makahinga.
Ilang beses ko nang pinagdarasal na sana ay mapansin niya rin ako.
Na sana kahit isang porsyento man lang ay mabigyan ako ng puwang sa buhay niya. Sana hayaan niya akong iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya ka mahal.
Kilalang-kilala ko na ang boses ni Faith. Ganoon na ganoon ang ungol niya nang una ko siyang makita na nakapatong sa ibabaw ni Grego.
Para akong sinaksak ngayon ng mapurol na kutsilyo. Mas mapurol, mas masakit at mas
mahapdi.
Nakakapagod din pa lang maghintay sa limos na pag-ibig.
Ilang linggo ko siyang hindi nakikita. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Pero isa lang ang sigurado ako sa ginagawa niya ngayon. Sinaktan niya ang puso ko at wala siyang tinira. Inubos na niya ako. Sa ginawa niya sa akin, para na rin niya akong tinanggalan ng buhay.
Gusto kong magalit. Gusto kong sugurin sila at magwala. Gusto kong manumbat!
Pero hindi ko magawang igalaw ang katawan ko upang puntahan silang dalawa sa kanilang kinaroroonan.
Ang kapal ng mukha nilang dalawa. Dito pa talaga sila gumawa ng milagro sa sarili naming pamamahay. May karapatan din naman ako sa bahay na 'to dahil ako ang legal na asawa!
Gusto kong magwala pero alam kong masasaktan lang din ako.
Dahil alam ko naman na hindi ako hahayaan ni Grego na masaktan ang babaeng pinakamamahal niya.
Baka bubugbugin na naman niya ako gaya nang ginawa niya sa akin noong sinumbong ko siya sa mga magulang niya na may koneksyon pa rin silang dalawa ni Faith.
Ipinagtapat ko sa mga magulang niya na kahit kailan ay hindi naputol ang anomang meron sila.
Nanginginig kong tinakpan ang bibig ko upang hindi kumawala ang inggay ng aking pag-iyak.
Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay magpanggap na natutulog at parang walang narinig.
Magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan na lang para hindi ako tuluyang mawalan ng pag-asa sa buhay.
Umaasa pa rin ako sa isang pag-asa na magiging maayos pa rin ang relasyon naming dalawa.
Gusto ko na lang isipin na walang nangyari sa kanilang dalawa at isipin na hindi pa siya nakauwi rito sa bahay.
Para kahit papaano ay mabawasan man lang ang hapdi, kahit alam ko namang niloloko ko lang ang sarili ko dahil sa sobrang kirot.
Wala akong makapang salita upang ipaliwanag kung gaano kasakit at ka kirot ang naging dulot ng pagmamahal ko sa kaniya.
Nanghihina kong nilagay ang mga kamay ko sa aking tenga upang hindi ko sila marinig.
Nandidiri ako sa mga ungol nilang dalawa at na iinsulto ang pagiging babae ko.
Para akong walang silbi dahil kahit sulyap ay nahihirapan siyang gawin. Paano na lang kaya ang galawin ako?
Kinagat ko ang ilalim ng aking bibig at sinikap na ipikit ang aking mga mata dahil hindi ko na kaya pa ang aking pagdurusa.
Ilang minuto lang ay tuluyan na nga silang tumigil. Ang kanilang mga hingal ay naglaho na at ang tangi kong naririnig ay ang masinsinan nilang pag-uusap.
Bumangon ako mula sa aking higaan at iniwan ang magulong kama.
Nagtungo ako kaagad sa banyo at naghilamos muna bago ko tiningnan ang mukha ko sa salamin.
Nandito pa rin sa mukha ko ang pasa. Kahit na unti-unti nang nawawala ang pamamaga, hindi pa rin kaaya-ayang tingnan.
"Ang pangit ko na," mahina kong usal gamit ang nanginginig na boses habang marahan na pinadaan ang aking daliri sa gilid ng aking pisngi. "Hindi na ako ito," patuloy kong turan habang ang boses ay nanginginig dahil konting-konti na lang ay maiiyak na naman ako sa lungkot.