bc

Miserable Wife (Annulment Series)

book_age18+
3.6K
FOLLOW
18.2K
READ
revenge
dark
love-triangle
possessive
sex
contract marriage
dominant
drama
heavy
abuse
like
intro-logo
Blurb

Gusto ko lang pong sabihin at ipaalam na ang kwentong ito ay tungkol sa miserableng asawa. Ngunit meron din po itong happy ending at umiikot ang kwento tungkol sa buhay ng tatlong tao. Ang kwento pong ito ay para po sa mga readers na mahilig sa kwentong mapanakit.

Napilitang pakasalan ni Greg si Lana dahil ayaw niyang mawala sa kaniya ang lahat ng meron siya. Ngunit wala siyang pakialam sa asawa kahit pa sinuko ni Lana ang lahat na meron siya para lang makasama siya.

Pinaramdam ni Grego na ang asawa niya ay isang tinik sa kaniyang lalamunan. Ngunit paano na kapag ang dalaga naman ang mawalan ng gana sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Aray!" mahina akong napadaing dahil sa bigat ng ulo ko habang ang mga mata ay nakapikit pa rin dahil sa pamamaga ng buo kong mukha. Napakasakit... sobrang sakit at hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Hindi lamang ako nasasaktan sa pisikal na katawan kundi pati rin ang emosyonal kong pakiramdam. Wala na siyang tinirang respito sa akin bilang babae. He never let me go until I was bleeding and passed out from all the traumatic things he did to me. Para siyang demonyo na walang kahit konting awa na natitira para sa akin. Hindi ko naman kailangan ng respito mula sa kaniya bilang asawa. Kahit na hindi na bilang asawa, kahit bilang tao na lang sana. Wala siyang puso. Paulit-ulit niyang sinampal ang mukha ko at sa bawat sampal na iyon ay parang mababasag na ang bungo ko. Parang namamanhid ang buo kong katawan at ang pagkirot ng aking mga sugat ay para bang tinutusok-tusok ako ng hindi mabilang ng mga karayom. Dinaig ko pa yata ang kinulam sa naging sitwasyon ko ngayon. Pakiramdam ko ay wala na yatang mas nakakaawa sa nararanasan ko ngayon bilang asawa. Hindi ko man alam ang buhay ng iba. Pero ang buhay ko ay nakakalungkot talaga. Hindi lamang ako nanglilimos ng pagmamahal sa aking asawa dahil nanglilimos din ako ng awa sa kaniya. Binaboy niya ang pagkatao ko na para bang wala akong silbi sa mundo. Nakaratay lang ako ngayon sa sahig dahil sa sakit ng nararamdaman ko sa buo kong katawan. Alam kong nakakalungkot at nakakaawa ang naging papel ko sa aking asawa. Pero mahina ako at hindi ko siya magawang iwanan dahil mahal ko siya. Para akong tanga sa loob ng maraming taon naming pagsasama. Ngunit ganito ang nangyari sa akin. Naging marter ako dahil sa aking pagmamahal. Naging bulag ako sa lahat ng kaniyang mga kasalanan at masyado akong duwag na iwanan siya kahit na alam kong posibleng ikamatay ko ang araw-araw na pagbubuhat niya ng kamay niya sa akin. Bawat pagdapo ng kaniyang mga palad sa aking balat ay para akong pinaso. Wala man lang akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko. At ang tangi ko lang nagagawa sa bawat pananakit niya ay ang dumaing nang paulit-ulit sa kirot at sakit ng bawat sampal, hampas, sakal, suntok at sipa niya sa akin. Sa dami ng sakit na nararamdaman ko ngayon sa aking katawan ay para bang kinukuryente ako ng isang live wire. He tortured me to death until I surrender. Alam kong ginagawa niya ang lahat ng ito upang sumuko na ako sa kaniya. Pero kahit na nasasaktan ako, hindi pa rin madali sa akin ang sumuko. Isang galaw ko lang ay para na akong nababalian ng mga buto. Kaya huminga ako saglit at pinakiramdaman ko ang aking sarili. Pilit kong pinapahinahon ang aking mga kalamnan. Sapagkat alam ko sa sarili ko na hindi kk pa kaya. Ngunit ilang saglit na ang lumipas ay wala pa ring nagbago. Ganoon pa rin ang aking pakikiramdam, nakakapagod pa rin at walang lakas. Masakit pa rin ang buo kong katawan dahil sa pangbubugbog ng aking asawa. Sino ba naman ang makakatayo kung araw-araw itong nangyayari? Para akong sinagasaan ng sasakyan at kulang na lang ay magkalasug-lasog ang aking buong katawan. Pero kahit na nakikita niya akong hirap na hirap sa aking sitwasyon. Ni minsan ay hindi ko siya nakitaan ng pag-aalala sa akin. Kahit manginig at magkumbolsyon pa ako sa taas ng aking lagnat ni minsan ay hindi siya nag-abala nadalhi ako sa hospital. Pakiramdam ko tuloy ay nasa sitwasyon ako kung saan ang isa kong paa ay nasa hukay na. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko sa aking kamay pero dahil sa pamamaga ng kamay ko ay hindi ko magawang igalaw. Kinabahan ako dahil parang na paralisa ang buo kong katawan. May roon din akong pilay sa aking bukong-bukong dahil sa pagkakadulas ko sa sarili kong mga dugo habang sinasabunutan niya ako kanina. Dinaig ko pa yata ang isang lantang gulay na hindi na magawang ibenta sa palingke. Napuno na ng pasa ang buo kong katawan dahil sa ginawa sa akin ni Grego. Isang taon na akong nakakulong sa impernong bahay niya at hanggang ngayon ay wala akong napala kundi puro pananakit. Hindi kami iyong tipo ng mag-asawa na nagmamahalan kaya nagpakasal. Ako lang naman ang nagmamahal sa aming dalawa. Itinuloy ko ang kasal kahit alam kong hindi niya ako mahal. Upang mabangon siya sa kahihiyan. Pero ito pa ang ginanti niya sa pagmamahal ko sa kaniya. Bakit nga ba ako nagtitiis sa taong hindi ako mahal? Lubos kong pinagsisisihan kung bakit tumibok ang puso ko para sa kaniya? Walang kwenta ang pagmamahal ko at pagtitiis dahil mamatay lang akong kaawa-awa sa harapan niya at walang dangal. Ang akala ko ay kakayanin ko ang lahat dahil sa laki ng pagmamahal ko sa kaniya. Pero napagtanto ko na siya ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Ngayon ay sisimulan ko nang tanggapin sa sarili ko na hindi lahat ng gusto kong mangyari sa taong mahal ko ay mapapasa akin. Hindi lahat ng pangarap ay nagkakatotoo. Meron ding mga panalangin na hindi binibigay ng Diyos dahil hindi talaga para sa atin. Mga panalangin na hindi natutupad, hindi dahil gusto niya tayong madismaya. Kundi mas gusto niyang maging matapang tayo at ilayo tayo sa mga taong hindi karapat dapat para sa atin. Hindi rin lahat ng mga pangarap ko ay aayon sa gusto ko. Ang tadhana at ang maykapal pa rin ang nakakaalam kung sino ang para sa akin. Kasalanan ko ito, walang ibang sisisihin kundi ang sarili ko dahil hindi ito mangyayari kung hindi ako naging makasarili at mapilit. Kaya mas mabuti pang tapusin ko na ang mga paghihirap ko sa kamay ni Grego. Darating din ang panahon na makakalimutan ko siya. Kaya lalayo ako at bubuohin ko ulit ang aking sarili ng hindi siya kasama. Kung tutuusin ay hindi naman siya kailanman naging buo. Simula ng ipilit niya ang sarili ay wasak na wasak na siya na parang salamin na naging pira-piraso. Halos hindi ko na kayang igalaw ang mga daliri ko at maging ang aking mga mata ay nahihirapan na akong imulat. Nang pilit kong buksan ang mga mata ko ay direkta itong tumama sa aking mga mata. Ang maliwanag na sikat ng araw sa langit ay kasing ganda ng mukha ni Grego. Ang ulap-asol na kulay ng langit ay napakagandang tingnan. Ang ganda rin sa mga mata kung titigan. Ito na lang yata ang tangi kong pinanghahawakan. Ang magagandang tanawin at paligid upang gustuhin ko pa ang mabuhay. Iyon na lang ang nagpapagaan ng aking kalooban. Sa tuwing tinitingnan ko ang langit sa maulap na panahon ay nabubuhayan ako ng loob. Kahit papaano ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ngumiti. Tiningnan ko ang oras sa wall clock na nakasabit sa pader at napagtanto kong tanghali na pala. Hindi ko napigilan ang mahinang pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata dahil sa pamamanhid ng buo kong katawan. Sa isang taon pananatili ko sa puder ni Grego ay hindi na ako dapat magtaka pa sa aking aabutin sa kaniya. Sa halip ay mas magtataka ako kung hindi niya ako sasaktan at tratuhin na parang wala lang sa kaniya. Hindi ako dapat manibago. Ngunit ito ang pinakamalala sa lahat ng pangbubugbog niya sa akin. Kahit na ang paggapang sa sahig ay hindi ko na magawa. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siyang umuwi kagabi at halos patayin na niya ako sa suntok at sampal. Hindi niya ako tinigilan at kung makahapas siya sa akin gamit ang sarili niyang mga palad ay para siyang walang puso at mabangis na leon na handa akong lapain anomang oras. Wala nga siyang kasing sama at sa lahat ng tao na nakilala ko ay siya lang ang nakilala kong walang puso. Isa lang ang kaya niyang kaawan at ang kaya niyang mahalin. Wala siyang pakialam kahit na makasakit man siya ng ibang damdamin. Ginawa ko na lahat ang pagmamakaawa kagabi pero hindi niya ako pinakinggan. Kahit isang beses ay hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na sagutin sa aking mga katanungan. Kung ano ba ang kinagagalit niya sa akin? Lumuhod ako sa harap niya at gumapang sa kaniyang paanan. Kulang na lang ay sambahi ko siya para sa ninanais kong awa. Ngunit ilang beses ko mang kiniskis ang aking mga palad para bigyan niya ng konting awa ay wala pa rin siyang pakialam. Kahit maglupasay ako sa iyak at kahit na nanghihina na ako sa labis na pagod ay hindi pa rin siya apektado. Ang huli ko lang natatandaan kagabi ay nahimatay ako sa harap niya habang hinahalikan ang kaniyang mga paa. At kahit nanghihina ay patuloy pa rin siya sa pananakit sa akin. Para talaga siyang baliw kagabi at sa tuwing naalala ko ngayon ang preskong alaala sa aking utak ay hindi ko mapigilang masaktan. Sumisikip ng husto ang dibdib ko at para akong aatakihin sa puso dahil sa kirot na nararamdaman ko ngayon. Para akong hindi makahinga dahil tila hiniwa ang puso ko ng napakalalim. Ang dati kong katawan noon ay ibang-iba na, nangangayayat na ako at nahihiya na akong magpakita sa mga taong nakakakilala sa akin. Pagod na ang katawan at utak ko. Lalong lalo na ang damdamin ko. Habang nasa malalim na pag-iisip ay hindi ko mapigilang matakot at kabahan nang biglang bumukas ang pinto. Nakahinga lang ako nang maayos nang mapagtanto ko na hindi ito si Grego. Ang akala ko ay si Grego na iyon at sasaktan na naman ako hanggang kailan niya gusto. Kapag nangyari iyon ay tiyak na hindi ko nakakayanin pa. Tiyak na sa kabaong na ako makikita ng aking pamilya. "Ma'am, magandang araw po. Pasensiya na po kung pumasok ako kaagad. Nag-aalala po kasi ako dahil hindi pa po kayo nagigising kanina pa," paghingi nito sa akin ng pasensiya. Hindi ako sumagot at kahit gustuhin ko man ay hindi ko pa kaya. Kahit gusto kong ibuka ang bibig ko ay para ring walang boses na lumalabas. Kailangan ko pa talaga ng konting pahinga para magkaroon ng sapat na lakas. Isang dalagita ang lumitaw sa harap ko at kung nagulat ako sa pagsipot niya sa aking kwarto, mas nagulat ito sa aking itsura. Naitakip niya ang kaniyang palad sa kaniyang bibig at ang mga mata niya ay halos lumuwa na sa panlalaki. Duguan ang aking kama, pati kumot at unan na para bang may kinatay na hayop sa aking higaan. "Ma'am, ayos ka lang po ba?" natataranta niya akong dinaluhan at hindi alam kung ank nmang kaniyang gagawin. Natataranta iro at hindi alam kung hahawakan ba siya ng dalaga o hindi. Hindi ko pa siya nakilala pero nakikita ko sa mga mata niya ang sinseridad sa kaniyang boses at pag-aalala. "S-sino... ka?" nahihirapan kong tanong sa dalagita dahil sa panghihina ng aking katawan. Hindi niya ako narinig dahil halos wala nang lumalabas na boses sa aking bibig. Nilapit niya ang kaniyang tenga sa tapat ng aking bibig kaya inulit ko ang aking tanong. "Ma'am, ako po si Kat. Ako po ang bago niyong kasambahay rito at kakarating ko lang po kaninang umaga," pakilala niya sa kaniyang sarili habang nanginginig ang mga labi sa takot at kaba. Akma sana akong tatayo pero bumagsak ulit ako sa sahig. "Ma'am, huwag po muna kayong gumalaw," mando niya sa akin pero puno pa rin ng respito ang tono ng kaniyang boses. Nauubo ako at napakasakit ng dibdib ko sa tuwing inaatake ako ng ubo ko habang nakahiga. Kaya sa huli ay tinulungan niya akong makaupo nang maayos. "Sino po ang gumawa sa inyo nito, Ma'am?" takot na takot niyang tanong sa akin lalo na nang makita niya ang gutay-gutay kong damit na para ba akong ginahasa. Hindi ako sumagot pero base sa reaksyon ng kaniyang itsura ay nahuhulaan na niya kung sino ang dahilan. "Si... si Sir Grego, po ba... Ma'am?!" nauutal nitong tanong.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook