Nagpasya akong lumabas muna ng kwarto ko para may mapagkaabalahan. Kailangan kong gumalaw-galaw upang kahit papaano ay hindi ako masyadong ma stress. Kung kinakailangan na pagurin ko ang sarili sa pagtatrabaho sa gawaing bahay ay gagawin ko. Huwag lang akong mabaliw sa kakaisip sa dalawang taksil. Ayaw kong matuon ang utak ko sa kakaisip sa kanila. Kaysa naman magmukmok lang ako sa kwarto. 'Di baleng mapagod ang katawan ko, huwag lang ang isip at puso ko. Baka mas lalo lang akong mapapraning sa kakaisip kung ano na naman ang ginagawa ng dalawa. Baka nga nagsisimula na naman silang magdasal sa kabilang kwarto. Sa tuwing naiisip ko na nagmumukbangan na naman ang mga ito ay parang gusto kong pumatay ng tao. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayaw kong maging kriminal. Sil