Chapter 5

1207 Words
Muli ko na namang naramdaman ang pakiramdam ng parang hiniwa gamit ang matalas na kutsilyo. Malapit na sanang gumaling ang sugat na nasa gilid ng aking kilay pero ngayon ay pumutok na naman ito. "Don't look at me like that," paalala niya sa akin. Pero diretso pa rin ang tingin ko sa kaniya. Tiniis ko rin na huwag hawakan ang nasasaktan kong pisngi. Nararamdaman ko na rin ang likidong tumutulo ngayon at naglalakbay pababa sa aking mukha. "Don't try me, Lana! Baka hindi ko matiis, madukot ko 'yang mga mata mo!" galit niyang banta sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Walang imik at hindi na lumaban. Kahit na makipagtalo pa ako sa kaniya, siya pa rin naman ang mananalo. "Wala ka talagang silbi kahit kailan. Ang lakas ng loob mo na angkinin akong asawa. Akala ko ba asawa kita? Bakit hindi mo ako pagsilbihan?!" galit na tanong nito sa akin. "Buong araw ka na ngang natutulog dito sa kama! Ang dumi-dumi mo pa! Nakakadiri ka talagang babae ka!" Nandidiri niyang sabi at sobra akong nasaktan sa mga binitawan niyang salita. Ang sakit-sakit niyang magsalita. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ako sanay kahit araw-araw naman niyang iniinsulto ang pagkatao ko. Hindi ko alam kung nasa tamang katinuan pa ba siya ngayon. Ang huling naaalala ko bago ako nawalan ng malay ay kinandado niya ako sa sarili naming kwarto. Mabuti na nga lang at nagpasya itong iwan sa katulong ang susi. Kung hindi baka patay na ako ngayon. At paano ko siya ngayon pagsisilbihan gayong wala siyang ibang ginagawa sa akin kundi ang gulpihin ako araw-araw. Hindi pa nga ako nakakaipon nang sapat na lakas ay bubugbugin na naman niya at uubusin na naman niya ulit ang lakas ko. Pagkatapos ng masasakit niyang salita ay muli na naman niya akong sinuntok sa aking sikmura. "Grego…. ang sakit," nahihirapan kong ani habang hawak ko ang aking tiyan. Pero para siyang walang naririnig at bigla na lang siyang yumuko para mas makalapit sa akin. Mukhang tuwang-tuwa siya sa tuwing nagmamakaawa ako sa kaniya. Walang alinlangan niya akong dinuraan sa aking mukha at pagkatapos ay kaagad na hinablot ng walang alinlangan ang mahaba kong buhok. Ni hindi ko na natatandaan kung kailan ko ito huling nasuklay. Gulong-gulo na at parang tinalo ko pa yata ang mga baliw dahil sa pagkakabuhol ng aking mga buhok. Noong nasa puder pa ako ng mga magulang ko. Ang ganda ng buhok ko. Isa ito sa higit na pinapahalagahan ko dahil gustong-gusto ko ang mahabang buhok. Ang dating buhok na hanggang bewang ay hanggang balikat na lang. Hindi pa pantay dahil pinutol ni Grego ang buhok ko gamit ang matalas na kutsilyo. Grabe ang iyak ko noong gabing iyon. Sa tuwing naalala ko ang gabi na iyon, nanginginig ako sa takot. Iyon ang unang pagkakataon sa buhay ko na na-trauma ako. "Masakit?" Tanong niya sa akin at hinila pa lalo ang buhok ko upang umangat ang aking mukha. Kitang-kita ng mga mata ko ang pagtaas ng isang sulok ng kaniyang labi. Tiningnan niya pa ang banyo bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Masakit pala pero bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin nadadala. Ang tigas pa rin ng ulo mo!" Sigaw niya sa akin at para na akong nabibingi sa lakas ng boses niya. Napilitan din akong tumayo kahit nanginginig pa ang aking mga tuhod. Masyadong malakas ang paghila niya sa buhok ko at hindi ko malabanan. Ang tangi ko lang magagawa ay ang tumayo para maibsan ng kahit konti ang hapdi sa aking anit. Para na kasing matatanggal ang mga buhok ko. "You have no choice at all. Asawa lang kita sa papel pero kahit na ano'ng gawin mo hindi kita ituturing na asawa. You are my slave so do what you need to do! You should know what a slave does!" paulit-ulit niyang sigaw sa akin kahit na ang lapit-lapit lang naman namin sa isa't isa. "H-hin…di ko na… kaya… Gre-go," naluluha kong tugon at hindi ko na alam kung saan banda ang masakit sa akin. "Ano'ng hindi mo kaya? Bago ka nagpakasal sa akin, naisip mo na ba 'to?" inis niyang tanong at mas lalo lang nabuhay ang galit sa kaniyang puso. "Ayaw na ayaw ko talagang makita ang pagmumukhang 'to!" aniya at katamtamang sinampal sampal ang mukha. "Nakakadiri ka! Kung hindi lang dahil sa mga magulang ko, hinding-hindi ako papayag na nakatira ka pa rin dito!" patuloy niyang sabi. Parang nasa impyerno ang buhay ko. Sakit sa puso at sakit sa katawan na pinagsama. Para niya akong pinatay dahil sa mga binitawan niyang salita. Tanging kamatayan na lang ang alam kong makakaligtas sa akin sa miserable kong mundo. Nahihirapan ang kalooban ko. Tumaas na naman ang isang ulok ng kaniyang bibig at ang ngiting nakapaskil sa kaniyang labi ay tila may masama na namang iniisip. Gustong-gusto niya talagang nakikita akong nagdurusa at nahihirapan. Para siyang sadista. Sapilitan niya akong hinila papasok sa banyo at nang makarating kami sa loob. Walang alinlangan niyang binuksan ang shower at binasa ang aking katawan. Napakahapdi ng buo kong katawan dahil sa malakas na bagsak ng tubig na ngayon ay dumadaloy sa buo kong balat. Napuno ako ng sugat at pasa kaya hindi ko mapigilan ang sariling mapa-aray, kahit alam kong nandiyan lang si Grego. Ayaw na ayaw pa naman niyang naririnig akong dumadaing. Mas lalo lang siyang nagagalit sa akin. Sa tuwing nakakarinig siya ng reklamo mula sa akin. Mas lalo lamang siyang naiinis at ginaganahan na saktan ako. Putok na nga ang mga labi ko pero paulit-ulit niya pa rin akong sinasampal ngayon. "Magpasalamat ka sa 'kin dahil kahit papaano ay naisipan pa kitang kaladkarin dito para maligo. Ang baho-baho mo na! Sino'ng baliw na asawa ang magkakagusto sa 'yo!" Singhal niya sa akin. Matapos akong insultuhin ng magaling kong asawa. Dali-dali siyang lumabas at iniwan akong mag-isa. Sa mga oras na ito ay tuluyan na akong napaupo dahil sa panlalambot ng aking mga binti. Pero bigla na namang bumukas ang pinto at lumitaw ang gwapo niyang mukha. "Oh, I forgot. You are dirt and you will never be cleansed! You should need this!" aniya at biglang pinisil sa isang plastic na bote ang alcohol patungo sa aking katawan. Inubos niya ang laman ng alcohol at hindi siya tumigil hangga't meron pa siyang nakikitang laman. Pinaliguan niya ang buong katawan ko gamit ang alcohol na dala niya at ang tangi ko lang nagawa ay ang sumigaw nang malakas. Hindi ko alam kung saang parte ng katawan ko ang aking hahawakan. Mas lumakas ang sigaw na aking nagawa at pakiramdam ko ay para sinusunog ang balat ko ngayon dahil sa hapdi. Hindi ko akalain na maiisip at magagawa niya iyon sa akin. Ang laki pa naman ng lalagyan. Ang hapdi-hapdi ng katawan ko at bawat sugat na natatamaan ay para bang hinihiwa ng kutsilyo. "Tama na… tama na… parang awa mo na, Grego. Maawa ka sa 'kin," umiiyak kong wika habang hindi na alam kung saang parte ng katawan ko ang hahaplusin ko. Tila tuwang-tuwa pa ito sa nakikita niya ngayon. Para talaga siyang demonyo at tiyak akong matatakot si Lucifer sa kaniya dahil baka palitan niya ito sa pwesto. Kahit kasi ano'ng gawin kong pagmamakaawa sa kaniya ay hindi niya ako pinakikinggan at nilulubayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD