Ang sakit-sakit na ng ulo ko. Ang dami ko ng iniisip na problema na kagagawan ng asawa ko at sobra-sobra na ang sakit na binigay niya sa akin. Halos malugmok na ako sa kalungkutan. Tapos heto si Kat para buksan ang paksa at kulitin ako ng tanong tungkol sa relasyon ng dalawang traydor na 'yon. Alam kong nakakaawa ako pero ayaw kong kaawaan niya ako! "Ma'am, alam kong wala po ako sa lugar para manghimasok sa buhay niyo. Pero malinaw na malinaw naman po na hindi po kayo ang mahal ni Sir Grego. Ibang-iba po ang paraan ng mga titig ni Sir Grego kay Ma'am Faith at sa 'yo. Inaabuso niya po kayo," nag-aalala lang niyang wika sa akin. Napahilamos ako ng aking mukha. Hindi na niya kailangan sabihin sa akin at ipaalala kung paano ako pakitunguhan ni Grego. Mas lalo lang akong nasasaktan. "