Napabalikwas ako nang bangon ng marinig ko ang boses ni Kat. "Ma'am Lana, gumising na po kayo." Paulit-ulit niyang sabi. Hindi siya makapasok sa loob ng silid dahil kinandado ko ang pinto ko kagabi bago ako nakatulog muli. Napasarap ang tulog ko ngayon dahil sa kakaiyak ko kaninang madaling araw. Kailangan kong ihanda ang aking sarili para sa unang araw ko sa trabaho. Dumiretso na ako sa banyo at nagmamadaling maligo. Kinuskos ko ng mabuti ang aking katawan gamit ang shower gel at dalawang beses ko ring nilagyan ng shampoo ang mahaba kong buhok. Pagkatapos, binanlawan ko ng mabuti ang aking buhok at katawan. Nang makontento ako sa aking ginawa. Ibinalot ko ang aking katawan sa makapal at puting tuwalya bago ako tuluyang lumabas sa banyo. Mas mabilis pa sa lakad ang aking ginawa