Paano ko ba ilalarawan ang salitang gwapo? Ang pagkakaroon ng kaakit-akit, maayos na postura, at kahanga-hangang hitsura ng katawan ay nasa kaniya lahat. Ang maganda at magandang pangangatawan ay mas nagpalakas ng kaniyang appeal. Kung ako rin kasi ang tatanungin. Kahit gaano pa kagwapo ang mukha ng isang lalaki. Hindi pa rin attractive kung payatot. Para akong nakakita ng anghel na bumaba sa langit. Wala na yatang kasing perpekto ng mukha ng lalaking naglalakad papalapit sa amin ni Ma'am Gen. Hindi ko itatanggi ang pag-ahon ng paghanga ko sa lalaking nakikita ng mga mata ko ngayon. Matangkad siya at makisig. Ang kaniyang katawan ay hindi na kailangan hulaan kung inaalagaan ba ito ng gym. Kulang ang salitang attractive para ilarawan ang kaniyang panlabas na anyong katangian.