Sinunod ko ang payo sa akin ni Kat dahil kailangan ko nga ng mahabang pahinga. Alam ko rin sa sarili ko na iyon ang kailangan ng katawan ko. Bukas na ang unang araw ko sa trabaho. Kinakabahan ako pero nasasabik din ako. Kaya kailangan kong agahan ang pag-alis para makarating ako ng maaga at nang bumilib naman sa akin ang boss ko. Pangako. Gagalingan ko bukas. Lahat ng ituturo sa akin ay tatandaan ko. Nakapagtataka lang dahil ngayon ko lang napagtanto. Paano ako na-hire ng hindi man lang ako dumaan sa interview? Ang alam ko may final interview pa na may-ari mismong ang magpapasya sa matatanggap. Kung hindi ako nagkakamali. Ito iyong Rio na mapili raw sa secretary. Kinabahan tuloy akong muli, pero bahala na. Ang importante may trabaho na ako. Baka sinwerte lang talaga ako at n