Sabay kaming naghapunan ni Kat matapos kong maligo sa banyo ng aking kwarto. Habang naliligo ako kanina dinoble ko na ang bilis ko dahil alam kong gutom na gutom na siya. Narinig kong kumakalam na ang sikmura niya kanina ngunit wala akong narinig na reklamo mula sa kaniya. Ang bait talaga ni Kat. Kahit na masyado siyang prangka, nangingibabaw pa rin ang magandahan ng kaniyang puso. Kakikilala lang naming dalawa pero parang ang tagal na naming magkakilala. Sa bagong yugto ng buhay ko. Maituturing ko siyang the best na kaibigan. Magkaharap kami ngayong dalawa sa hapagkainan. Nagluto siya ng sinabawang baka dahil alam niyang isa ito sa mga paborito kong ulam. Naiintindihan niyang pagod ako kaya bago pa man ako nakauwi sa bahay, pinakuluan na niya ang karne ng baka sa loob ng