Para akong nawawala sa aking sarili ng matanggap ko ang balita tungkol sa aking biyenan. Pumintig ang takot sa aking dibdib at may kakaibang hangin na dumampi sa aking balat na siyang nagbigay ng kilabot sa akin. Nanginginig ang mga labi niya sa takot. "Ano 'tong nagawa ko!" Paninisi ko sa aking sarili. Sobrang sakit at hindi ko na makayanan ang sakit. Hindi ko alam kung masyado ba akong masama sa nakaraan kong buhay dahil tila sukdulan na ang ibinigay sa akin ng tadhana na kaparusahan. Ang natitirang ilaw na meron ako ay tuluyan ng ngang nawala. Nagdilim na ang lahat ng daan na para sa akin. Hindi ko na alam kung saan ako patungo dahil kahit saan ako magpunta ay wala na akong makitang pag-asa. Hindi ko na maibabalik ang buhay na nawala. Tatlong araw pa lang mula ng atikihin