Inasikaso ako ng biyenan kong babae at halos wala ng mapaglagyan ang plato ko sa dami ng nilagay niyang meryenda. Pinaalam ko sa kanila na bago ako umalis sa bahay ay kumain na ako ng agahan. Kaya meryenda na lang ang inalok sa akin. Ang dala kong moron ay pinaligpit ni Mama dahil iyon daw ang gagawin niyang agahan mamaya. Ang dami nilang hinanda para sa akin. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong kain ng ganitong pagkain. Sa sobrang tagal na hindi ko na maalala. "Hija, magkwento ka. Kumusta kayo ng anak ko?" tanong ulit sa akin ni Mama. Sabik na sabik ito sa aking sasabihin. Kaya hindi ko alam kung paano ko sisimulan? Lalong hindi ko alam kung saan ako magsisimula? Alam ko naman na may maganda silang inaaasahan sa pagpaparito ko. Kaya mas lalo lang akong nanlumo dahil