"Wala ka talagang hiya, Lana. Pinanindigan mo na talaga ang kapal ng mukha mo. Sa kabila ng kabutihang pinakita at nagawa ni Mommy sa 'yo ito pa ang ginanti mo sa kaniya. Ano'ng karapatan mong kunin ang buhay niya?" galit na tanong sa akin ng aking asawa. Umiling ako ng maraming beses. Hindi ko ginusto ang nangyari kay Mama. "Pinatay mo si Mommy! Ikaw talaga ang malas sa buhay ko!" Ang tono ng kaniyang boses ay malakas at nakakatakot pa rin. Parang walang kahit na sino ang makakapigil ng galit niya ngayon sa akin. "Tama na Grego. Huwag mo na akong sumbatan dahil hindi ko na kayang marinig ang paninisi mo sa akin. Sakalin mo na lang ako at hayaan ng mamatay!" Umiiyak kong hiling dahil sa tuwing ipinapamukha niya sa akin ang nagawa kong kasalanan, para akong ibinabaon sa lupa ng buhay