Tinapos naming dalawa ni Kat,ang isang araw para sa paglilinis ng apartment. Saka lang kami tumigil at nagpahinga nang sumapit na ang gabi. Kaming dalawa rin ni Kat ang nagtukungan sa kusina para sa aming hapunan. Nagluto kami ng tinolang isda para makahigop kami ng mainit na sabaw. At pagkatapos ng hapunan ay pareho na kaming nakatulog dahil sa pagod. Naiwan na rin sa lababo ang mga hugasin dahil parang hinihila na ang mga mata namin pababa para pumikit. Hindi ko na nakayanan ang pagod at hindi ko rin naman pwedeng hayaan lang si Kat na mag-isang kumilos. Mahimbing na sana ang tulog ko, pero sa bandang hating gabi, nagising ako sa ingay nang hilik ni Kat. Tinakpan ko ng unan ang aking mga tenga pero lumalagpas pa rin ang tunog. Kahit ano'ng gawin kong balewala sa hilik n