Ngayon ay inamin na nga niya sa aking ang totoo. Sa tuwing pinagsasalitaan ko siya ng tungkol sa kapatid niya ay laging bugbog ang inaabot ko.
Kahit ilang beses niyang tinanggi sa akin ang totoo, matagal ko ng alam.
Matagal ko na ring hinintay ang pagkakataong ito na aminin niya sa akin ang lahat.
Parang sampal ito sa aking mukha. Karibal ko ang kapatid niya.
Alam kong masakit pero hindi ko inaasahan na sobrang sakit pala talaga.
Hindi ko inaasahan na doble ng sampung beses pala ang sakit.
Na halos hinati na ako sa dalawa habang umiigting ang mga bagang niya sa kakadiin ng mga salitang hinding-hindi niya ako magugustuhan kahit kailan.
Para akong dinurog-durog hanggang sa malagutan ako ng hininga.
Pinatay niya ang puso ko at sana nga ay ganoon na lang para matapos na ang lahat ng aking pagdurusa.
"Salamat... inamin mo rin. Akala mo ba talaga na wala akong kaalam-alam?!" nasasaktan kong ani at para akong hindi makahinga sa sakit.
Tanga ba ako sa palagay niya para hindi ko malaman ang lahat ng mga nangyayari.
Matagal ko ng alam ang lahat pero wala ni isa sa kanila ang umamin sa akin ng totoo.
Wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko at tinalikuran lang ako ng walang paalam.
Maliban sa mga magulang niya. Ang napakasakit pa ay malayang nakakapasok at nakakalabas sa bahay namin si Faith.
Malinaw na malinaw pa rin sa akin ang lahat at hindi ko makakalimutan ang gabing nakita ko silang may ginagawang milagro sa mismong kama ni Grego.
Mismong dalawa kong mga mata ang naging saksi kung ano'ng kababuyan ang ginawa nila.
Matapos nilang mamanhikan sa bahay namin ay niyaya ako ng mga magulang niya na sumama pauwi sa kanila at doon ako nagulantang sa aking nasaksihan.
Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano sila maglaplapan at sa tuwing naiisip ko kung paano nila haplusin ang bawat isa ay naninikip ang dibdib ko sa sakit at pandidiri.
Alam ko naman na para lang akong isang pain na sinadyang ilagay sa buhay niya para maitago ang katotohanang nagkakagusto ito sa nakababatang kapatid.
Huli na ng malaman ko na hindi pala siya tunay na anak.
Matagal na nagkaanak ang mga kinilala niyang magulang at sa katunayan ay inaakala ng mga ito na hindi na magkakaanak pa kaya inampon nila si Grego.
Hindi naman sila nagsisisi dahil pinalaki nila itong maayos at naging mabait sa kanila ang aking asawa.
Hindi ito kailanman naging pasaway sa mga magulang bilang isang anak.
Magaling sa negusyo at lahat ng sinasabi ng mga magulang niya ay sinusunod niya.
Ngunit ang pagmamahal niya sa kapatid ng mas higit pa sa pagtrato sa isang kadugo ay hindi nila mapigilan.
Noong una ay sinabi ko ito sa mga magulang niya. Pero kunwari ay wala silang alam at ako pa ang sinabihan nilang nagmamalik mata lang ako.
Lahat ng mga nakita ko ay kinuwento ko pero pilit nilang pinapatatak sa utak ko na ibang babae 'yon.
Noong una ay nakumbinsi nila ako, ang akala ko ay nagkamali nga ako.
Pero nahuli ko sila ulit sa mismong araw ng kasal namin at aatras na sana sa kasal ngunit nagmakaawa ang mga magulang niya sa akin.
Wala na silang choice kundi aminin sa akin ang lahat at nagsusumamo sa akin dahil ako na lang ang natitira nilang pag-asa.
Hindi nila kakayaning mawasak ang pamilya nila at mapahiya dahil sa mga nangyari.
At halos ikakamamatay ng mag-asawa kung magpapatuloy ang bawal na relasyon ng dalawa.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung ano ang eksaktong nangyari.
Sobrang akong nadismaya pero hindi ko matanggihan ang mga magulang niya dahil sa pagmamakaawa nito sa akin.
Kulang na lang ay lumuhod ang mag-asawa sa harapan ko para pagbigyan ko.
At umaasa sila na mawawalan na ng gana sa isa't isa ang magkapatid dahil sa akin.
Ang pag-aakala nilang magbabago ang takbo ng buhay namin kapag kasal na kami ay hindi nangyari.
Ilang luha na ang iniyak ko dahil sa aking nakita noon at hanggang ngayon ay lumuluha pa rin ako.
At ang akala ko ay magbabago siya kapag pumayag ako sa hiling ng kaniyang mga magulang.
Ang akala ko ay matutuon niya ang atensyon niya sa akin at makakalimutan na si Faith.
Pero mas lalo lang siyang naging mapaghanap sa kapatid at ako ngayon ay para ng kabit.
"Ako pa itong sinisi mo!" Malakas kong sigaw at halos ibuhos ko na ang lahat ng boses ko sa sigaw na 'yon.
Wala na akong pakialam kung balikan niya man ako at saktan ulit.
Sanay na ako at mas magugulat ako kung darating ang araw na magiging mabait siya sa akin.
At sa pagkakataong ito ay pinalagpas niya ang ginawa ko.
Inaasahan kong babalik siya at sisipain ako o 'di naman kaya ay kaladkarin patungo sa labas at hayaang mainitan at maulanan buong araw gaya ng ginawa niya sa akin noong nakaraang araw.
Ilang oras na simula nang lumabas siya sa kwarto ay hindi pa rin ito nakakabalik.
Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa pader at napagtanto kong alas nuwebe na ng gabi.
Hinintay ko ring bumalik sa kwarto ang kasambahay pero hindi ko na ito nakita pa.
Mas lalo pa akong nahirapan na igalaw ang katawan ko dahil mas dumoble ang pamamaga ng mga sugat ko.
Gustuhin ko mang lumabas pero hindi ko pa kaya. Kaya kahit na kumakalam ang sikmura ay tiniis ko na lang ang gutom.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng dalaga na siyang ikinagulat ko ng husto.
Nasa malalim ako nang pag-iisip ng may biglang tumawag sa akin.
"Ma'am, buhay pa po ba kayo?" bakas ang takot sa kaniyang boses ng hindi ako kaagad nakasagot.
Nilapit nito ang kaniyang tenga sa pinto at nagbabakasakali na marinig niya ang t***k ng aking puso.
Inalala ko ang pangalan niya at humingi ako ng tulong sa kaniya.
"Kat, please... tulongan mo ako," tawag ko rito at sinikap ang lahat ng makakaya ko upang marinig niya.
"Ma'am, nakakandado po ang pinto. Gusto ko po kayong bigyan ng makakain pero hindi ko po magawa," natatakot niyang wika.
Nawalan ako ng pag-asa matapos kong marinig ang dahilan niya.
Ayaw ko ring gumawa siya ng paraan ngayon dahil baka mahuli kami ni Grego.
Masyadong delikado ang sitwasyon dahil baka bigla itong sumipot at malagay ko sa alanganin ang kasambahay.
Bukod doon ay wala pa akong lakas para tumakas.
Kapag gagawin ko ang bagay na iyon isasama ko si Kat.
"Ma'am, mukhang nandiyan na po si Sir Grego," sabi niya at ang mga apak nito sa sahig ay unti-unting lumalayo sa aking pandinig.
Bumisina ang kotse ni Grego at kaya pala niya ako kinulong sa kwarto ko dahil may iba na siyang mauutusan.
Ganito ba ang pagpapahirap na gusto niyang iparanas sa akin?
Hindi pa siya nakokontento na gawin akong katulong sa bahay namin dahil ang gusto niyang makita ay lagi akong nakaratay sa sahig na parang lumpo.
Ni minsan ay hindi ako napagbuhatan ng kamay ng aking mga magulang at hindi ko pa naranasang malipasan ng gutom.
Pero simula ng dumating ako sa bahay na ito ay wala siyang ginawa kundi saktan ako at gutumin hanggang sa mamilipit sa sakit ang aking sikmura.
Ang akala ko ay bubuksan niya ang kandado ng pintoan sa kwarto ko.
Pero hindi iyon nangyari. Wala talaga siyang alam gawin kundi ang pahirapan ako.
Mabuti pa ang preso sa bilangguan dahil tinatrato pa ang mga ito ng tao.
Habang siya ay tinatrato na parang hayop.
Kung nandito lang sana ang mga magulang ko ay hindi na sana ako mahihirapan pa.
Pero abala sila sa kanilang mga negusyo at simula ng ikasal ako kay Grego ay hininto na rin nila ang pagpapadala sa akin ng pera dahil tumutol ang magaling kong asawa.
Wala silang kaalam-alam na hindi ako nakakatikim ng pinagpaguran ni Grego.
Kahit isang duling ay hindi niya ako binibigyan at mas masahol pa sa hayop ang mga pinaggagawa nito sa akin.
Hindi ko nga alam kung bakit masyado silang naging kampanti na nasa kamay ako ni Grego.
Malaki ang tiwala nila sa asawa ko na naging buhay prinsesa ako.