Chapter 4

1581 Words
Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod. Para akong naninibago. Ang huli kong naalala ay kakagising ko lang, ilang minuto lang ang lumipas ay tulog na ulit ako. Buong linggong naging ganoon ang routine ko. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng mahabang pahinga dahil wala pa ang aking asawa. Kaya bumabawi ang katawan ko nang sapat na lakas. Mabuti na lang dahil nandiyan ang kasambahay namin para tulungan ako. Hindi siya nagkulang para alagaan at alalayan ako. Iniwan ni Grego ang susi ng kwarto namin sa kaniya dahil isang linggo raw itong may business trip. Natitiyak kong kasama niya sa trip niya si Faith. At marahil dahil alam kong sila ang magkasama kaya nawalan ako ng gana na tumayo kahit sandali lang. Nagseselos ako ng husto, kaya ganito na lang ang pagod ko dahil na rin sa kakaiyak ko buong araw. Sa tuwing nadadagdagan ang mga araw nang pananatili ko sa bahay. Nadadagdagan din ang aking mga pasa. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang humilata at umiyak. Kahit ako ay hindi na rin kilala ang sarili ko. Pwede naman akong tumakas pero heto pa rin ako. Nakakatawa dahil kahit ang lalim na ng mga sugat na binigay sa akin ni Grego, hindi ko pa rin magawang sumuko. Pumapayag pa rin akong dagdagan niya ang pananakit sa akin at ang pang-aabuso niya. Kahit ang aking katawan ay gustong-gusto ng sumuko sa lahat ng nararamdaman kong sakit at hapdi. Ang puso ko naman ay salunggat sa aking nararamdaman, na tila gusto akong pigilan sa tuwing naiisip kong iwanan ang aking asawa. Mahal na mahal ko si Grego. Sa tuwing iniisip kung umalis, nasasaktan na ako kaagad. Parang hindi ko kakayanin kahit na hindi ko pa naman sinusubukan. Naisip ko na kapag umalis ako sa puder niya, baka tuluyan na nga akong hindi makabalik. Kaya hangga't kaya ko pang magtiis, titiisin ko. Sa katunayan ay hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong nakatulog. Hindi ko rin alam kung ano'ng oras na at kung kung gabi na ba ngayon o umaga pa. Lahat kasi ng mga kurtina sa window glass ay nakatakip. Baka isipin ng mga kapitbahay na bampira ang nakatira rito. Ang mga ilaw ay nakapatay na para bang walang taong nakatira. Marami naman siyang pera pero tila ito ay nagtitipid sa bayarin. Para tuloy akong nasa isang magandang hunted house. Wala na rin akong naririnig na inggay mula sa labas ng kwarto. Pinagdarasal ko na lang na sana kahit ngayon lang ay hayaan na muna ako ni Grego na makapagpahinga. Sana ay huwag muna siyang umuwi at pumasok sa kwarto dahil pagod na akong masaktan. Pagod na pagod na ang katawan ko. Kahit kasi sabihin ko na siya lang ang lalaking nagpapasaya sa akin sa tuwing nakikita ko siya. Siya rin naman ang nagpapakaba sa akin ng husto. Para kasing gusto niya akong ilibing ng buhay. Ni hindi niya ako magawang ngitian. Hindi ko a maintindihan ang sarili ko kung bakit sobrang martyr ko pagdating sa kaniya. Hindi na ako ang dating Lana na palaban. Hindi pala talaga madaling bumitaw sa isang taong sobra mong minahal. Naiintindihan ko na kung bakit ang daming taong nagtitiis. Gaano man kalupit ang kanilang napagdaanan, pinipili pa rin nila ang taong nanakit sa kanila dahil ito lang ang tanging nagpapakompleto ng buhay nila. Pero natatakot na ako ngayon para sa sarili ko, para na siyang isang malupit at mabangis na mamatay na tao. Sa tuwing tinitingnan ko siya, nanlilisik ang kaniyang mga mata lalo na sa tuwing ako ang kaniyang kaharap. Masyadong madilim ang kaniyang mukha kasing dilim ng buong paligid ng aming bahay. At hindi ko man lang magawang igalaw ang katawan ko para buksan ang ilaw. Lalong hindi ko magawang makita ang ngiti sa kaniyang mga labi. My life is different and really changed. Especially the day that I fell in love with him. Nawala na ang lahat sa akin. Ang akala ko noon ay ayos lang na saktan niya ako. Ang akala ko kakayanin ko lahat dahil sa pagmamahal. Hindi ko akalain na makakaramdam din pala ako ng takot sa kaniya. The situation got even worse when I forced myself to marry him. The good nature that he had and one of the things I loved about him, seems to have disappeared. It has been replaced by anger. Kasalanan ko rin naman dahil niligtas ko siya sa kahihiyan. Ito ang naging kabayaran sa mabuti at masama kong mga nagawa sa kaniya. Ang mas masakit lang, ang kabutihang ginawa ko ay hindi man lang niya tinanaw. Tinitingnan niya lang ang nagawa kong mali. Walang silbi sa kaniya ang pagligtas ko sa kaniya sa kahihiyan. Alam ko naman na hindi niya ako mahal. Pero hindi ko lang talaga inaasahan na pagmamalupitan niya ako na mas masahol pa sa hayop. Hindi kami iyong tipo ng mga mag-asawa na malambing sa isa't isa, nagmamahalan at nagkakaunawaan. Kabaliktaran iyon sa relasyon naming dalawa. Wala ng ibang namamagitan sa aming dalawa maliban sa isang kapirasong papel na hindi man lang niya pinapahalagahan. Pero bakit hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging makasarili. Marami ng mga suntok, sampal at sipa ang natanggap ko bago ako dumating sa puntong ito. Pero nagpasya pa rin akong manatili sa kaniyang tabi. Ang pagtitiis ay isa sa mga depinisyon ko sa pagmamahal. Gusto ko siyang makitang masaya pero gusto kong ako rin ang dahilan ng kaligayahan niya. Masyado man akong nangangarap ng mataas. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng kahit na konting pag-asa. Naniniwala ako na darating ang araw na mamahalin niya rin ako ng mas higit pa sa nararamdaman niyang pagmamahal kay Faith. Kaya kahit na ano'ng gawin niyang pananakit sa akin, hindi ko pa rin siya iiwanan. Bawat gabi ay pinagdarasal ko na sana ay mapansin niya rin ako. May tiwala ako sa Panginoon at malakas ang paniniwala ko na darating din ang tamang panahon para sa aming dalawa. Makakalimutan niya rin ang kapatid niya dahil hindi sila ang para sa isa't isa. Nandito ako at ako lang ang bagay para sa kaniya. Pinag-isa kami ng Diyos kaya gagawa ito ng paraan upang maging maayos ang relasyon naming mag-asawa. Baliw na kung baliw, pero mas mababaliw ako kung wala siya sa tabi ko. Kahit ano man ang napagdaanan ko sa kamay niya, ito pa rin ako at patuloy na mamahalin siya. Umaasa pa rin ako at naniniwala akong meron pa rin siyang natitirang awa para sa akin kahit na isang porsyento. Ang isang porsyentong iyon ay panghahawakan ko hanggang matutunan niya akong mahalin. Dahan-dahan kong ginalaw ang aking ulo pero hindi ko magawang i-angat. Ang tanging iniisip ko na lang sa mga oras na ito upang mawala ang nararamdaman kong labis na lungkot ay ang alalahanin ang araw noong nasa harap na ako ng altar. Ang araw ng aming kasal. Sobrang saya ko at akala ang kasiyahan na iyon ay hindi na maglalaho. Akala ko magiging masaya ako kapag nagpakasal na kaming dalawa. Sino ba naman kasi ang hindi? Ikakasal ka sa taong mahal mo at gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Iniisip ko pa lang para na akong dinuduyan sa saya. Hindi ko man lang inisip ang side niya. Dahil sa labis na saya, nawala na sa isip ko ang nararamdaman niya. Ang akala ko ay matutunan niya ring tanggapin ang sitwasyon naming dalawa. Pero ilang taon na ang dumaan wala pa ring nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Araw-araw ay mas lalong lumalala. Kinamumuhian niya pa rin ako ng husto at habang nadadagdagan ang araw ay mas lalo lang siyang nalulunod sa galit niya sa akin. Mas lalo akong natakot sa kaniya. Natatakot ako na baka hindi lang ito ang kaya niyang gawin sa akin. Baka mas higit pa rito. Mahal ko siya pero mahalaga rin sa akin ang buhay ko. Pakiramdam ko ngayon ay para bang dumampot lang ako ng bato at kusang pinukpok sa aking ulo. Kahit na hilong-hilo na sa kakapokpok wala pa rin akong dapat sisisihin na iba dahil ako rin naman ang may kasalanan. Lahat na ng problema na kinakaharap ko ngayon ay ako ang naging puno't dulo. Dahil sa isang makasariling desisyon at sa aking pagpadalos-dalos. Kasalanan ko naman dahil pinilit ko ang pagmamahal na hindi niya kayang suklian. I was lying on the cold bed, weak breathing and pale, still closing my eyes when he suddenly opened the door. "Itutuloy mo ba ang pananakit mo sa akin?" walang gana kong tanong. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa siyang tanungin. Alam ko namang do'n din patungo ang paghahararap namin ngayon. Wala namang pagkakataon na hindi niya ako sinasaktan lalo na sa tuwing pumapasok siya sa kwartong ito. Kahit pagod ang buo kong katawan at nauubusan na nang lakas. Matapang ko pa rin siyang tiningnan sa kaniyang mga mata. Ngayon ko napagtanto na wala na nga sigurong pag-asa. Sinundan ko ang bawat galaw niya. Mahina ang kaniyang hakbang habang nakatingin pa rin sa akin. Puno ng galit at wala akong makapang awa kung pagbabasehan ko ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Sa kabila ng kalagayan ko ngayon at kahit na wala na akong sapat na lakas. Nagawa niya pa rin akong sampalin sa aking pisngi. Napadaing ako sa sobrang sakit. Halos matabingi na ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. Muli ko na namang naramdaman ang sakit na para akong kinakatay nang matamaan ang sugat sa gilid ng aking kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD