"Ma'am?" nag-aalala nitong tawag sa akin dahil ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ako tumutugon sa kaniya.
Simula nang ikasal kaming dalawa ni Grego ay ngayon na lang ulit ako nakakita ng ibang tao sa bahay na ito.
Hindi ko alam kung bakit bigla niyang naisipan na kumuha ng katulong.
Wala akong ideya kung ano ang nasa isip ng asawa ko ngayon.
Parang isang himala na magkaroon ako ng kasama.
Ni minsan ay hindi ito kumuha ng kasambahay dahil ako ang tinatrato niyang katulong sa sarili naming pamamahay.
Kahit na pagod na pagod ako at alam niyang hindi ako sanay sa trabahong bahay ay ginawa pa rin niya akong utusan.
Lahat ng inuutos niya sa akin ay ako ang gumagawa kahit na paika-ika na ako sa paglalakad.
Parang iiyak yata ang araw ni Grego kung hindi niya ako nasasaktan.
Hindi ko talaga lubos akalain na magmamahal ako ng isang demonyo na kagaya ni Grego.
Para bang nakatadhana lang akong paglaruan niya sa kaniyang mga palad kung kailan niya gusto.
At sa tuwing ginagawa ng asawa ko ang pananakit niya sa akin ay parang nasisiyahan pa ito.
Gusto kong titigan ang suot ko ngayong singsing na nasa aking daliri tanda ng aming pag-iisang dibdib.
Ngunit nakakalungkot isipin dahil walang involved na pagmamahalan.
Sa halip na dapat ay napapangiti ako sa tuwing pinagmamasdan ko ang singsing sa aking palasingsingang daliri ay mas lalo lamang akong nalulungkot.
Umiuyak ngayon ang loob ko sa hapdi ng sugat na idinulot niya sa akin.
Pinaglalaban ko ang taong hindi ko alam kung ito ba ay naging akin.
Ako iyong asawa pero pakiramdam ko ay para akong kabit kung ituring niya.
Ako pa itong nakikihati sa oras niya na dapat sana ay sa akin niya lang ilalaan.
Ang nakakatawa ay umaasa pa rin ako na magiging maayos din ang aming pagsasama.
"Ma'am, bakit po ba kayo sinasaktan ni Sir Grego ng ganito?" nag-aalalang tanong sa akin ng kasambahay at nanginginig ang mga labi nito habang nagtatanong sa akin.
Kahit na hindi ko siya kinikibo, hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng kaniyang nasaksihan.
Kung hindi lang ito naaawa sa akin ay baka kanina niya pa ako tinakbuhan dahil sa takot.
Pero hindi ito nagpadala sa takot at inisip pa rin ang kalagayan ko.
Unang araw niya pa lang sa pagtatrabaho sa bahay naming mag-asawa, inamin na niya kaagad sa akin na gusto na niyang umuwi sa kanila.
Hindi pa rin siya makapaniwala na magkakaroon siya ng karanasan sa ganitong uri ng amo.
May naging amo na siya noon sa probinsiya at ni minsan ay hindi siya napagalitan.
Naikwento ng dalaga sa akin na sobrang bait ng iniwanan niyang amo kahit na maliit lang ang sweldo.
Hindi niya kailanman hiniling na maging isang saksi sa lahat ng mga nangyari sa akin.
"Mukhang mali ako ng pasya, dapat naging kontento na lang ako sa maliit na sweldo. Ang importante panatag ang kalooban ko na magiging ligtas ako," kinakabahan nitong wika.
"H-hindi ka niya sa...saktan... ako lang ang gusto niyang saktan," pilit na tugon ko sa dalaga upang maging kumalma ito.
Ngunit ang pagsagot ko sa kaniya ay naging dahilan kung bakit ako inatake ng aking ubo.
Paulit-ulit ang pag-ubo ko at sa mga oras na ito ay may kasama ng dugo na galing sa aking lalamunan.
Napaka-presko ng dugo na para bang may hiwa sa aking lalamunan.
Sa una ay konti pa lang ngunit dahil sa sunod-sunod na pag-ubo ko at dumarami na ang lumalabas mula sa aking bibig.
Pati ang aking ilong at tenga ay nagdurugo na rin dahil sa over fatigue.
Sobrang pagod at dahil sa pisikal na pananakit ng aking asawa.
Pakiramdam ko ay mamatay na yata ako sa araw na ito pero nabigyan ako ng pag-asa nang biglang lumitaw ang dalagang ito sa harap ko.
Masyado akong sinaktan ng pisikal ni Grego at ito ang naging kinalabasan sa pambubogbog niya sa akin
Tuloy ay napaisip ako! May gawin man akong mali o wala ay pananakit pa rin ang inaabot ko.
Ito na ang tadhana ko sa mga kamay niya at kahit na konting awa ay hindi ko 'yon makukuha sa kaniya.
Napangiti ako ng mapait sa tanong sa akin ng kasambahay ngayon. Bakit nga ba ako sinasaktan ni Grego?
Dahil sa tanong niya ngayon ay pinapaalala niya lang sa akin ang kirot at paulit-ulit na nangyari sa akin sa bawat araw na kasama ko ang asawa.
Is this living? Ganito ba dapat akong mabuhay kasama ang asawa?
Karapatan ba niyang saktan ako dahil pagmamay-ari niya ako?
Mula sa umpisa ng pagsasama namin hanggang sa araw na ito ay hindi ko pa naranasang ngumiti.
Hindi ko alam kung kaya ko pa ba ito ngayon gayong nakakulong ako sa bahay na walang rehas pero parang nasa imperno.
Nasasaktan ako ng husto dahil kahit na anomang gawin ko ay wala pa rin akong silbi para sa kaniya.
Sino ba naman kasi ako para sa kaniya? Isa lang naman akong walang kwentang asawa sa papel pero kahit kailan ay hindi niya ako itinuring na asawa.
Kahit isang beses ay hindi ko naramdaman na itinuring niya akong tao, kahit hindi na lang asawa.
Wala siyang binigay sa aking respeto kaya hindi na ako nangangarap pa.
Lahat ng pananakit niya sa akin ay may dahilan pero hindi pa ba siya kontento sa lahat ng ginawa niya sa akin?
Kailan niya ba ako balak na tigilan? Kung mamatay na ang puso ko para sa kaniya at maging manhid na?
Mata lang at dila ang walang latay sa aking katawan.
Pero tiniis ko pa rin ang lahat dahil sa lintik na pagmamahal.
Minahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng mga ginawa niya sa akin.
Kaya walang dapat na sisisihin sa mga nangyayari sa buhay ko kundi ako lang.
Nagtiis ako dahil ginusto ko, kaya dapat ay hindi na ako nagrereklamo.
At ngayon sa araw na ito ay napuno ng hinagpis at pait ang puso ko. Kinamumuhian ko siya!
Napakalaki kong tanga kung bakit ako nagmahal ng isang halimaw!
Gusto ko lang naman na maging masaya kasama siya hanggang sa aking pagtanda.
Ngunit ayaw ko ng umasa pa dahil malinaw pa sa sikat ng araw ang lahat ng katotohanan na mamatay lang ako sa mga kamay niya kung magiging martyr akong asawa.
Nakapagpasya na ako. Hindi ko na hahayaan na saktan niya akong muli.
"Tulungan mo ako," nanghihina kong wika at halos hindi ko magawang sabihin ang mga salita.
Hindi niya ako maintindihan kaya pinaulit niya sa akin ang aking sinabi.
Ngunit bago ko pa magawa ulit ay isang boses ang kumontra sa aming pag-uusap.
"Sino'ng nagsabi sa 'yong pwede kang pumasok rito?!" matigas na tanong ni Grego sa kasambahay na siyang ikinagulat naming dalawa.
Natataranta itong tumayo at piping humingi sa akin ng paumanhin gamit ang kaniyang mga titig.
Takot na takot ang kaniyang boses at para nang maiihi sa kaniyang salawal.
"Sir Grego, patawad po," nanginginig niyang wika at ang boses ay garalgal na sa takot.
Konting-konti na lang ay iiyak na ito sa takot dahil natatakot ito sa aking asawa.
Halatang hindi maipaliwanag ang nararamdaman nitong emosyon dahil sa kaba at takot niya kay Grego.
"Get out!" Bulyaw niya at para bang gumagamit ito ng mikropono dahil sa lakas ng kaniyang boses.
Mabilis na tumakbo ang pobreng kasambahay palabas ng aming kwarto.
Malakas na sinira ni Grego ang pinto at napapikit na lang ako sa kawalan ng pag-asa.
"Bakit ba siya bumalik?" tanong ko sa aking isipan.
Sasaktan na naman ba niya ako kaya hindi siya pumasok sa trabaho?
Kung ano-ano na lang ang naiisip kong pananakit na maaari niyang gawin sa akin.
Wala kasi akong maisip na ibang dahilan maliban sa pananakit niya sa akin dahil iyon na ang nakasanayan ko.
Pakiramdam ko ay namamanhid na ang buo kong katawan.
At ang pinakamalala sa lahat ay mas masakit pa ang nararamdaman ng aking puso kaysa sa aking mga pasa at sugat.
Nilagpasan lang ako ni Grego matapos niya akong tingnan sa sahig.
Para akong basura sa kaniyang paningin na hindi niya magawang idispatsa.
"Grego... m-masaya ka na ba ngayon?" nanginginig na tanong ko sa kaniya kahit na sobra na akong nanghihina.
Umubo akong muli at nakita niya ang paglabas ng mga dugo mula sa aking bibig.
Pero tiningnan niya lang ako ng walang pinapakitang kahit konting pag-aalala.
Ano nga ba ang aasahan ko sa isang demonyo na katulad niya?
"B-bakit... mo... ba... ako... ginaganito?" putol-putol na tanong ko sa asawa pero tinitigan niya lang ako na parang nandidiri siya sa mga dugong nagmula sa aking katawan.
Ilang beses ko na bang natanong sa kaniya ang mga bagay na 'to? Hindi ko na mabilang.
Pero ni minsan ay hindi siya nag-abalang sagutin ako.
Tumawa siya ng pagak. "Masayang-masaya ako sa tuwing nakikita kitang ganiyan! Gusto kitang nakikitang gumagapang at naghihinalo! Pero bago ko agawin ang buhay mo sa iyo ay mas gusto akong mapagtanto mo na nagkamali ka ng pasya. Ito naman ang gusto mo 'di ba? Minsan ko nang hiniling sa 'yo na umatras sa kasal dahil iyon lang ang tanging paraan upang hindi ako matali sa iyo. Alam mong ampon lang ako at kinukuha ko pa ang loob ng aking amain. Hindi ako pwedeng tumanggi kaya nilapitan kita... ako na mismo ang nag-alok sa 'yo ng kahit na ano! Pero ano'ng ginawa mo? Pinili mong makulong sa buhay ko, kaya pagbibigyan kita sa gusto mo. Sisirain ko ang buhay mo gaya ng pagsira mo sa buhay ko!" matigas nitong sabi at parang nagpipigil sa galit.
"Dahil mahal kita, Grego!" tapat kong sagot.
"Pero hindi kita mahal! At hinding-hindi kita mamahalin! Wala pa akong minahal kahit isa at hinding-hindi ikaw ang magpapaibig sa akin, Lana!" galit na galit niyang asik sa akin at dali-dali niyang inipit ang mukha ko ng sabihin ko ang mga katagang mahal ko siya.
"Sinungaling ka!" ganti kong tugon at desperada na talaga ako.
Alam ko namang masasaktan at masasaktan pa rin ako kahit na manahimik lang ako.
Tiningnan niya ako ng masama at kumunot ang kaniyang noo dahil sa aking sinabi.
Pero tinapangan ko ang aking sarili at naglakas loob na magpatuloy sa pagsasalita.
"Akala mo ba hindi ko alam na mahal mo ang kapatid mo?! Akala mo ba hindi sinabi sa akin ng mga magulang mo ang dahilan kaya pilit ka nilang pinapakasal sa akin! Kung tutuusin ay dapat magpasalamat ka pa sa akin dahil ako ang nagligtas sa kahihiyang ginagawa ninyo!" buong lakas niyang sagot kahit pakiramdam ni Priya ay mahihimatay na siya.
Isang malakas na sampal ang naging sagot niya sa aking mga sinabi.
Nahihilo na ako sa mga sampal niya pero wala akong lakas para lumaban.
"Ito ang tatandaan mo, Lana! Kapatid ko lang si Faith sa papel at hindi mo maaagaw ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kaya huwag mong masyadong galingan ang pagpapaka-asawa!" may diin niyang wika at iniwan na lang ako bigla.