Chapter 31

1712 Words

Binalot na kami ng nakakabinging katahimikan nang magsimula siyang paandarin ang sasakyan. Hindi ko siya nilingon kahit na sandali, ipinagpatuloy ko ang pagmamatigas ko sa kanya. Dapat niyang maramdaman kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Pwede naman siyang magpaka-amo, pero huwag naman iyong ganun. Nakakabastos. Mabuti na lang at nakakaya ko pa ito. Huwag na lang sanang uulitin ito sa sunod at papalag na ako. “Charlotte...” Hindi ako lumingon. Hindi pa rin siya pinansin. Nagkunwari akong hindi ko siya narinig kahit na malinaw na nakarating sa akin iyon. Pinagsawa ko pa ang mga mata sa binabagtas naming kalsada. Doon ko ibinaling ang aking buong atensyon. Ilang beses siyang tumikhim upang kunin ang atensyon ko pero hindi siya nagtagumpay. Buo na ang desisyon ko, hindi ko siya papansini

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD