Chapter 5

1690 Words
Nanawa na lang ako sa paglalaro sa aking mga daliri ay hindi pa rin nakakabalik si Leon. Walang lingon-likod niya akong tinalikuran kanina matapos na makuha ang ointment sa aking palad. Hindi ko naman na siya pinilit na ako ang gumamot ng sugat. Ewan ba, parang biglang nagbago ang tingin niya sa akin. Ang sabi niya ay ipagagamot niya lang kay Iracebeth ang mangilan-ngilan niyang sugat sa mukha. Hindi nga marami iyon pero malalalim naman kadalasan lalo na iyong ang nasa gilid ng labi niya at doon sa bandang noo. Sa lakas ba naman ng mga suntok na natamo, malamang babangas ito. My eyes roams around to look for something where I can check what time it is but there is none. Walang wall clock o kahit na anong uri ng orasan na puwede kong gamitin para malaman kung ilang oras na ba akong naiwan mag-isa ni Leon sa dressing room. Muli pa akong napabuntong-hininga habang nagpapalamon sa nakakabinging katahimikan. “Wala man lang siyang orasan, dito.” Maya-maya pa ay nagawi na ang mga mata ko sa malaki at malapad na salamin na nasa may sulok. Bahagyang nahahagip noon ang aking katawan. Wala sa sariling napangiti na lang ako ng nakakaloko nang muli na naman akong magandahan sa aking sarili dala ng dress na aking suot. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero maganda talaga ako. Flowy ang fabric ng dress na ito kaya naman kung sasayaw-sayaw ako rito para aliwin ang sarili ko habang hinihintay na bumalik si Leon. I would probably feel like I am the late Princess Diana of Wales. Isang prinsesa na malayang hinahanap ang prinsipe niya. “Tama, para mapawi ang pagkainip ko.” Sakto sa pagtayo ko para gawin ang aking pinaplano at naiisipan ay napukaw ang atensyon ko ng marahang mga pagkatok. Ilang minutong napako ang aking mga mata doon. Naisip kung si Leon ba iyon? Ngunit kung siya iyon, bakit pa siya kakataok 'di ba? Ano siya nahihibang na kakatok sa lugar na pag-aari niya. Mabilis na pumormal ang aking pagkakatayo nang maisip na baka si Iracebeth iyon o ibang tao. Inilagay ko rin sa aking likuran ang magkabila kong kamay na nakahawak na sa magkabilang laylayan ng damit kanina upang simulan sanang sumayaw. “S-Sino iyan?” lakas loob na tanong ko gamit ang aking maliit na tinig, ”Tuloy ka.“ Umingit ang pintuan senyales na bumukas na iyon kahit na walang sagot sa tanong ko. Isang bulto ng lalake ang pumasok dito. Nang lumapat ang aking mga mata sa namamagang mukha ng lalakeng iyon na nakasuot ng boxing shorts ay naalala ko na rin kung saan ko ba nakita ang lalaking ito. Siya iyong kalaban ni Leon sa boxing cage at kung nagkataon na siya ang nanalo sa kanila ay siya ang mag-uuwi sa akin at hindi si Leon. Mabilis na kumabog ang aking puso sa paraan ng pagtitig niya. Mukha namang inaasahan niyang makikita ako ngayon dito. "May kailangan ka ba sa akin?" Kahit halos pikit na ang mga mata nito dala ng pamamaga ay nagawa niya pa akong pasadahan mula ulo hanggang paa saka siya nakakalokong maliit na ngumiti sa akin. "Do you happen to have a pair of extra scissor here?" tanong nito sabay pakita sa akin ng kamay niyang nababalutan ng puting benda, parang sinasabi na roon niya planong gamitin ang hinihiram niyang gunting. Kusang gumalaw ang mga mata ko para maghanap ng gunting sa loob ng dressing room kahit na hindi ko naman sure kung mayroon nga ba nito dito. Gunting lang naman kasi iyon. Hindi naman kailangang ipagdamot. Nang may makita ako sa isang drawer ay may ngiti sa labing lumapit ako sa kaniya para iabot na ito sa kanya. Unti-unti rin namang napawi ang mga ngiting iyon ng hindi niya pa agad kinuha mula sa kamay ko ang gunting. Nakatulala lang ito at tila wala sa tamang wisyo. May pagdadalawang isip man, sa huli ay kinaway ko ang aking kamay sa harap neto para sana matauhan siya ng mas mabilis ngunit bigla na lang niyang hinablot ang isa kong kamay, sa gulat ko sa ginawa niya ay halos masubsob ako sa dibdib nito at ang pawis niyang dumikit sa aking palad ay dali-dali ko ’ring pinagpagan. Ano ba yan, nakakadiri naman! Nakita niya yata kung paano ko pinandirihan ang pawis nito na dumikit sa aking kamay at iyon ang dahilan ng pamimilog ng kaniyang mga mata ngunit hindi dahil sa galit talaga ito kung hindi dahil gusto niya lang makipagbiruan sa akin. Kinabahan pa ako sa ginawa niya, mukha naman itong mabait. "Ouch naman, Charlie. Hindi ka na nga napunta sa akin pinandidirihan mo pa ako?" "Nakakadiri naman kasi talaga. Kung ikaw ang tatanungin, hindi ka mandidiri sa pawis ng ibang tao oras na mahawakan mo sila?" pabalang ko ‘ring tanong sa kaniya. "If it's your sweat? Baby, no...never." Mabilis na gumapang sa aking kalamnan ang takot ngunit hindi ko iyon ipinakita sa kanya. Baka mamaya kapag nalaman niya ang kahinaan ko ay lalo niya akong takutin. Wala pa naman si Leon ngayon dito na hindi ko alam kung saang lupalop na nagtungo. Walang pag-aalinlangan na dinuro ko na siya gamit ang aking daliri dahil naeskandalo ako sa salitang itinawag niya sa akin. Paano kung may makarinig sa kaniya? Baka isipin nila na may relasyon kaming dalawa! Hindi ko siya type, mukha siyang sanggano! "Huwag mo nga akong tawaging baby. Ew! Baka may makarinig sa iyo at iba ang isipin." "Hmm," ungot niyang sa aking pandinig ay nang-aasar. Marahan pang tumango ang ulo, at muli akong pinasadahan ng mga tingin. "I get it. You don't want your master to be jealous. Kung ganoon ay bakit ka pa ginawang trophy ni Leon sa tournament kanina? It's clear that he wants you. What's the deal between the two of you, huh? You're his hoe for a month? Umamin ka, Charlie." Naging nakakaloko pa ang kahulugan ng mga tingin niya sa akin. Sa narinig ay kulang na lang humagalpak ako ng tawa. Ano ang pinagsasabi ng lalakeng ito na hoe raw ako? Si Leon? Eh, mukhang ayaw nga niya sa akin. "Gago ka ba? Anong hoe for the month ang sinasabi mo diyan? Eh ‘di nakulong siya kapag gagawin niya iyon sa akin. Seventeen pa lang kaya ang edad ko!" Mas lalo pang nag-init ang ulo ko ng ang tingin niya ay napadpad sa aking dibdib. Hindi pa man niya sinasabi ang tumatakbo sa utak niya ay gusto ko na manahimik na lang siya agad. Iba na ang mga titig niya. "Well your breast says otherwise. Ang akala ko nga ay nasa twenty ka na. Mali pala ako." Tumawa pa doon ang lalake na parang may nalaman siyang isang malupit na sekreto. "Isang tingin mo pa sa akin ng paganyan ay aalisin ko iyang mata mo. Hinding-hindi ako magdadalawang-isip na dukutin iyan!" singhal ko na pikon na sa hitsura niya, humalukipkip na ako doon na parang matagal ng magkakilala kami. "At isa pa ay hindi ako babae ni Leon. He is going to make me his maid. Pagsisilbihan ko siya para mabayaran ko ang utang ng Tatay ko. Iyon lang. Walang ibang dahilan. Alam mo, mabuti na lang talaga at si Leon ang nanalo at nakakuha sa akin. God knows what you would do to me kung ikaw iyon. Mukha ka pa namang manyak!" patuloy na angil ko rito at akmang pagsasarhan na siya ng pintuan. Kumulo pa ang dugo ko sa kanya nang malakas na tumawa ito. Umalingawngaw iyon sa loob ng silid. Ipinakita niya sa akin ang dalawang kamay niya na para bang ipinaalala niya sa akin ang dahilan kung bakit din napunta siya sa aking harapan. Bahagyang umawang doon ang aking bibig. Iaabot ko na sana ulit sa kanya iyong gunting nang muli itong humirit sa akin. "Can you help me with this? Take this off please," aniya at pinikit-pikit pa ang mga mata na para bang nagpapa-cute ito sa akin. Bumuntong-hininga ako. Kung wala lang akong puso ay nungkang tutulungan ko siya. Naisip ko na lalo siyang tatagal sa aking harapan oras na hindi ko siya tulungan kaya naman kalaunan ay nagpasya akong gawin iyon. Hindi naman mahirap ang gagawin eh! Kukunin ko na sana ang kamay nito para tulungan siyang alisin ang tela na nakapulupot sa kaniyang kamay ng marinig ko ang galit na boses ng pamilyar na lalake. Leon looks like a raging beast as he cuts the distance between us. Mabigat ang paraan ng kanyang paghinga na kulang na lang ay magbuhol ang pantay na mga kilay niya. Marahas niya akong hinila mula sa lalake na katunggali niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan. Wala siyang sinabi na kahit na ano sa akin ngunit sa panlilisik pa lang ng mga mata nito ay alam ko na kung ano ang gusto niyang iparating. Sa halip na matakot sa kanya ay kibit-balikat ko iyong hindi pinansin. Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit komportable ako sa presensiya niya. Iyong tipong kapag kasama ko siya ay hindi ako mapapahamak. "What do you want?" Mapangahas ang dating ng tanong ni Leon na iyon sa kanya. Mahinang humagikhik lang ang lalake, mas pinipikon pa si Leon na halata naman na hindi na nakikipagbiruan sa kaniya. Kapag siya sinuntok pa ng isa ni Leon, ewan ko lang baka pati isang mata niyang nakadilat ay bigla na lang pumikit. "Gunting, Leon. That's all that I need from her. Grabe ka naman kung magbakod? Huwag kang mag-alala, ikaw ang nanalo sa laban natin at siya ang trophy kaya hindi ko pwedeng nakawin sa'yo ang naging premyo." He leaned closer to Leon and whispered something. Kahit pa pabulong iyon ay malinaw na narinig ko pa rin kung ano ba ang mga sumunod na sinabi niya kay Leon. "I heard that she is just seventeen. Talaga ba Leon? Hindi ba grooming ang ginagawa mo ngayon? Do you hear that?" mapang-asar na tanong nito na noong una ay naguluhan ako. Hindi alam kung ano ang nais pang sabihin. "Those are the sound of sirens coming right at you now, Leon." he muttered before he turn his back laughing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD