Chapter 4

1755 Words
Ang tono ng boses niya noong sinabi niya iyon ay parang katimbre ng mga boses ng lalakeng napapanuod ko sa movies at nababasa sa mga romance book. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng kaba sa paraang hindi naman ako natatakot sa kanya. Kung magiging sa kaniya na ako bilang premyo, isa lang ang ibig sabihin nito. Siya na iyong puwedeng gumawa ng kahit na anong gusto niya sa akin? Hindi kaya mamaya niyan ay gawin ni akong s*x slave? Hindi mawala-wala sa isip ko ang ideya na iyon hanggang sa makabalik na kami sa parang dressing room. Naunang pumasok si Leon sa loob kabuntot ako na may pag-aalangan sa aking mga hakbang. Maya-maya pa ay natigilan na ako. Ayoko pang pumasok! Ang isipin na simula mamaya ay puwede niya ng gawin ang lahat ng gusto niya sa akin ang siyang pumipigil na sumunod ako sa loob. Ayaw kong maiwan sa pribadong espasyo na kaming dalawa lang. Mahirap na at saka natatakot ako. Hindi pa ako handa! Lalo na't hindi pa naman ako nagkakaroon ng boyfriend o anumang karanasan pagdating sa mga ganung bagay. Wala pa 'ring nakakahalik sa akin at mas lalo namang wala pang ibang nakakahawak sa ano ko, kung sakali ay siya pa lang iyon. At nang dahil sa mga bagay na kasalukuyang lumilipad sa isipan ko at patuloy na lumalamon ay hindi ko mapigilang pamulahan ng pisngi. Dama ko ang init na dulot noon hindi ko man ito lantarang nakikita. “Charlie, the last thing that you want to do is to keep him waiting. Don't let him call your name, hindi mo siya kilala at hindi mo alam kung ano ang pwede niyang gawin sa'yo oras na mapuno siya.” anas ni Iracebeth na nakalimutan kong nasa likuran ko nga pala, kasunod namin siya dito kaninang humakbang. Umismid ito sa akin nang makita niya ang paraan nang pagkakahawak ko sa gilid ng mamahaling dress na aking suot. Mariin kong kinagat ang aking labi upang ikubli ang hiyang nararamdaman ko at bumalot sa aking katauhan ngayon. Nang paalis na ito para iwan ako ay buong lakas kong hinaklit ang braso nito dahilan para matigilan siya sa paghakbang at tingnan ako ng masama. Pilitin ko mang makipagtitigan sa kaniya ay hindi ko pa rin matagalan ang masusungit niyang mga mata lalo na at naiilang ako sa itatanong ko sa kaniya. Ganupaman ay kailangan ko itong gawin dahil nais kong malaman ang kanyang kasagutan. Kailangan ko rin na maging handa. “Anong ginagawa mo? Bitaw!” Marahas na hinila nito nang bahagya ang kaniyang braso nang hindi ako sumagot sa tanong niya, wala akong nagawa kung hindi bitiwan na ito. “A-Anong gagawin ko roon sa loob?” mahina kong tanong pero sapat na iyon para marinig niya kahit na nauutal ako, ginagapangan na rin ako ngayon ng kakaibang takot. “Hindi ko alam kung paano ba, Iracebeth.” Saglit niya pa akong tinitigan gamit ang iritable niya ng mga mata. Marahil ay nagtataka na siya sa aking mga ikinikilos ngayon. “He will tell you what he wants. How would I know what he wants from you? Hindi ko naman hawak ang takbo ng isipan ni Leon. If I can, then you wouldn't be standing before my eyes. Pumasok ka na ng malaman mo.” Umirap ito na parang patid na patid na ang pasensya niya sa akin bago siya tuluyang lumakad paalis. Hindi pa rin nasagot ang katanungan ko. Pambihira naman, oh! Huwag naman niya sanang pahirapan ako. Maging gentle naman sana siya. Nakakatakot pa naman si Leon. Ilang segundo pa akong parang tuta na naiwan malapit sa pinto bago ko nagawang igalaw ang aking mga paa at tumapat na sa pinto. Oo na, papasok na ako. Baka mamaya lalong magalit ang lalakeng iyon sa akin. Halos tumalon paalis sa aking katawan ang kaluluwa ko nang bumungad si Leon na nakaupo at ang mga mata ay matamang nakaabang na sa may pinto. Halatang kanina niya pa hinihintay ang pagpasok ko sa loob ng silid. Napatungo na ako upang itago ang takot sa aking mukha. Unti-unting kumuyom ang kamao ko habang pinuputol ng aking mga paa ang distansya sa pagitan naming dalawa. Kailangan ko itong gawin. Baka mamaya ay mas lalo siyang magalit dahil pinaghihintay ko siya ng matagal. Lalo akong malalagot nito! Halos isang dipa pa yata ang layo ko sa kaniya ng tumigil ako sa paghakbang at ini-angat na ang mukha sa kanya. Bigla na lang nangunot ang noo nito at ang guwapo niyang mukha ay hindi na naman doon maipinta ang hilatsa. “Closer,” utos nito sa isang salita lang pero puno ng authority at talagang gagapangan ka ng kakaibang takot at kaba. Palihim akong napalunok. Mukhang, hindi niya ako palalagpasin ngayon. Malakas na ang aircon dito pero walang humpay na ang pawis sa katawan niya ay pumapatak pa rin. Lumingon ako sa paligid at ng mapansin niya na distracted ako ay bigla na naman siyang nagsalita. “Anong hinahanap mo, Charlotte?” Natigilan ako ng marinig ang unang pangalan ko. Napaka-sosyal nitong pakinggan kapag siya ang bumigkas. Noong yung mga kapitbahay kasi namin ay hindi masiyado at masakit din sa tainga. Lalo naman na kapag mga classmate ko ang nagbabanggit noon, nakakairita iyon sa tainga. “Charlie na lang ang itawag mo sa akin. Iyon ang palayaw ko.” Maliit na ngumiti pa ako sa kanya sa pag-aakalang close na kaming dalawa. Hindi niya ginantihan ang mga ngiti kong iyon kung kaya naman minarapat kong itikom na lang ang aking bibig at umayos na ng tayo. “Inuutusan mo ba ako?” tanong nito na bahagyang ikinanguso ko. Ang tono niya ay hindi galit, sa halip ay parang malambing iyon nang umabot sa aking pandinig. Ganunpaman ay hindi na ako ngumiti. “Sinasabi ko lang naman. Wala kasing tumatawag sa akin ng Charlotte. Tapos...” Na-distract na naman ako ng maalala ko na wala siyang damit pantaas, hindi ko matagalan na tingnan ang katawan niyang hubad. “Wala ka bang damit? Baka magka-pneumonia ka. Ang lakas pa naman ng buga ng aircon.” sambit kong sinipat ng tingin ang aircon na alam kong sinadya niyang lakasan. “Maganda naman ang katawan mo, oo. Nakaka-proud bang i-display? Oo rin pero dapat mo bang ibalandra iyan sa lahat ng oras? Pwedeng tuyuin mo ng towel ang pawis at magsuot ka na ng damit. Sige ka, magkakasakit ka...” Unti-unti kong tinikom ang aking bibig nang mapagtanto ko na hindi na natutuwa si Leon sa mga sinasabi ko. Kulang na lang ay katukin ko ang aking ulo sa pagiging madaldal. Mukhang lumalagpas na ako sa linya na nakapagitan sa aming dalawa. “Come here,” he reprimanded. Wala na akong ibang choice kung hindi ang sumunod sa kaniya. Ang lakas naman kasi maka-batas ng mga salitang galing sa labi niya. Iyong tipong walang sinuman ang maaaring sumuway doon, kung mayroon man ay kamatayan naman ang siyang parusa. Ganoon na lang ang pag-ilag na ginawa ko nang iunat niya ang braso ko. Akala ko ay kung ano na ang gagawin niya sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay ubos na ang pagtitimpi ni Leon, sa kamay niya naman ay isang klase ng ointment para sa sugat. “Ah,” mahina kong sinabi at kinakabahan na tumawa para lang mapawi ang kakaibang tensyon sa pagitan naming dalawa, mukhang mali na naman ang iniisip ko at aaminin ko na nakakahiya dahil paniguradong mukha akong engot kanina sa harapan niya. “Ito lang ba ang ipagagawa mo sa akin? Ang gamutin ang sugat mo?” may himig ng paniniguradong tanong ko, maluwag na roong nakahinga. Kukunin ko na sana iyong ointment mula sa kamay nito nang iniwas niya iyon sa akin kaya naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Ano ba talaga? Pinaglalaruan ba ako ng lalakeng ito? “Ano pa bang sa tingin mo ang ipagagawa ko sa iyo?” “Hindi ko alam? Baka bigla kang mag-demand na gusto mong dalhin ko sa sinapupunan ang magiging anak mo. Sabi ni Iracebeth ay hindi raw kita puwedeng tanggihan sa mga gusto mo. Alam mo na, gusto ko lang namang manigurado—” “Jesus Christ!” putol niya sa sinasabi ko kaya naman bigla akong natahimik. Ilang beses pang napakurap-kurap sa binanggit niya. “You think that I'd make you my personal w***e?” tanong nito sa akin na para bang sa aking pandinig ay hinding-hindi ako papasa sa kanya. “Hindi ba?” walang ligoy at preno na diretso ko namang tanong sa kaniya na naging dahilan para mas lalong mag-igting ang panga nito pero hindi pa rin ako tumigil doon. “Ang sabi mo ay iuuwi mo ako sa kung saan ka nakatira? Dinig na dinig kong sinabi mo iyon kanina.” “Yes, sinabi ko nga iyon kanina. To make you my maid and not to make as a wife. Do I look like a s*x-starved maniac? Hindi ako mahilig sa menor de edad. I have my morals and principle in life kahit na ganito ang aking hitsura,” anito na para bang desperado siya masiyado na depensahan ang sarili niya sa kung anong mga paratang na ibinabato. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang malaman ko na gagawin niya lang pala akong katulong. Masyado akong paranoid. Paano, si Iracebeth kung anu-ano ang sinasabi sa akin kung kaya ako ganito mag-isip. Hindi ko alam kung tinatakot niya ba ako o paraan niya iyon para asarin ako. Namalayan ko na lang na hawak ko na ang kamay nito at inaalog-alog. “Promise, hindi ka magsisisi na mas pinili mo na lang akong gawing katulong kesa binenta at ginawang alam mo na...puta,” bulong ko rito. Walanghiyang hinablot ko na mula sa kamay niya iyong ointment. Hindi ko na kailangang hintayin na ibigay niya iyon sa akin at muling utusan ako. Ako na siyang ang magkukusa dahil sa mga sandaling ito ay labis na ang saya ko. Safe ako! Hindi ako mapapahamak gaya ng iniisip ko. “Halika. Lumapit ka pa sa akin. Gagamutin ko na iyong mga sugat mo, hindi ko na kailangang kabahan dahil malinaw na sa akin ang lahat.” nakangisi ko pang sabi rito. Ilang segundo siyang natulala sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero ng ipilig nito ang kaniyang ulo ay nag-iwas siya ng tingin. Hindi ko naman siya inirapan. Natutuwa pa nga ako sa kanya eh! “Nevermind. Si Iracebeth na lang ang uutusan kong gumawa niyan. Akin na, ibalik mo sa akin iyan.” tukoy niya sa ointment na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD