Chapter 3

1554 Words
Hindi lang ako ang nagulantang nang makita si Leon kung hindi maging ang halos lahat ng tao sa underground arena ay naguguluhan kung bakit papalapit nang papalapit ang mga hakbang ni Leon sa boxing cage. Napatingin ako kay Iracebeth na prenteng nakaupo lang sa aking tabi habang nakasabit sa kaniyang labi ang isang mapaglarong ismid. Sa lahat ng tao na nasa loob ng arena ay siya lang itong hindi nagulat sa mga nangyayari. Tila kanina niya pa inaasahan na papasok doon si Leon sa boxing cage na nasa malayong bahagi. “Anong ginagawa niya? Sasali ba siya? Bakit?” naguguluhan at punong-puno ng kyuryusidad na tanong ko rito habang ang mga mata ay nalilito kung ipipirmi ko ba iyon sa boxing cage o makikipagtitigan ako kay Iracebeth habang kinakausap ko siya. “Sagutin mo ako. Bakit siya ang sasali?” Ilang minutong naburo ang mga mata niya sa akin na para bang nais niyang iparating sa pamamagitan nito kung paano ko naaatim na magtanong sa kanya ng ganun. Tinanggal ko na ang hiya ko dahil sobrang nahihiwagaan talaga ako kung bakit siya ang naroon. Tinaasan niya lang ako ng isang kilay. “I don't know. Maybe he is bored.” tugon niyang iginalaw pa ang magkabila niyang balikat bilang sagot sa aking mga katanungan, “Leon probably came here to play and pick up his new play thing by the end of his match.” Natameme ako sa aking narinig. Para bang natuyo pa lalo ang lalamunan ko at labis-labis ako doong nainsulto. Ako ang pinaka-trophy ng tournament na ito. Ang play thing na sinasabi ni Iracebeth ay walang iba kung hindi ako. Walang silbi at walang kwenta. Iyon ang interpretasyon ko sa sagot niya. “Iyon ay kung siya ang mananalo sa magiging laban nila.” wala sa sariling tugon ko na hindi sinasadya na mapalakas ang boses ng sinabi ko iyon. At dahil nagbibigay na ng intstruction sa dalawang boxer ang referee kung kaya naman tahimik na ang paligid, at namamayani na sa buong paligid ang boses ko na ang sinasabi ay ang mga katagang iyon ay malinaw na malinaw. Mula sa boxing cage ay ramdam ko ang pares ng mga nanlilisik na matang nakatingin sa akin. Sunod-sunod na akong napalunok. Hindi alam kung saan ko ibabaling ang aking paningin, sa huli ay panakaw akong sumulyap sa direksyon ni Leon at ng isa pang boxer. Nagtama ang mata naming dalawa. Shit! Mukha yatang nagalit siya sa aking mga sinabi. Ganoon na lamang ang kalabog ng aking dibdib at hindi tiyak kung guni-guni ko lang ba ang lahat pero pakiramdam ko ay may pagbabanta na ang mga titig niyang ipinupukol sa akin. Bunga ito ng katabilan ng aking bibig kanina. Kapag natapos ako rito ay parurusahan kita! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking balikat na pinanindigan ng balahibo ng marinig ko sa aking isipan ang mga salitang iyon sa timbre ng malalim at seryosong boses ni Leon. Nagbigay pa iyon ng kakaibang kilabot sa akin. “Nilalamig lang ako,” bulong ko kay Iracebeth nang makita kung paano niya pagmasdan at basahin ang emosyon na nakalarawan sa aking mukha ngayon. Inirapan niya lang ako at hindi pinansin ang paliwanag ko at saka muling itinuon ang paningin niya sa boxing cage. Fan na fan si Tatay ni Pacquiao at ng kung sino-sino pang boksingero sa bansa. Habang ako naman ay ayaw na ayaw naman tumutok sa TV sa tuwing ganoon na ang kaniyang pinapanood. There's something about blood and violence that terrifies me. Parang hindi ako makahinga sa tuwing nakakakita ako ng dugo o kaya naman ay ng sugat at galos lalo na kung nasa mukha iyon. Ilang segundo lang matapos lumabas ng referee sa boxing cage ay tumunog na ang bell na hudyat ng unang round. Marahang ginagalaw ni Leon ang kaniyang mga paa, tinatantya nito ang gagawing pagsugod ng kalaban. Tindig niya pa lang, pati na rin ang pagkakakuyom ng kamao nito ay nagsusumigaw na ng kontrol at lakas na handa niyang pakawalan para sa kaharap na kalaban. Pilit ko mang ipako sa boxing cage ang aking mga mata para personal na masaksihan ang mga mangyayari pero hindi ko iyon nakayang tagalan nang sumugod at dumapo ang kamao ng kalaban ni Leon sa gilid ng kaniyang panga. Awtomatiko ng sumara ang aking talukap kasabay sa pagyuko ng aking ulo. Malalim akong bumuntong-hininga. Gustuhin ko man na masaksihan at panoorin ang laban ay hindi ko talaga kaya. Ilang beses ko pang narinig ang tunog ng kamaong tumatama sa kung saang parte ng mukha at katawan ng dalawang lalakeng naglalaban. Wala naman akong dapat na kampihan sa kanilang dalawa ngunit natagpuan ko na lang ang aking sarili na nanalangin na sana ay si Leon ang manalo sa laban. Kahit papaano ay nakasama at nakausap ko na siya kanina. Mas panatag na rin ako ng kaonti sa presensya nito keysa naman sa undefeated nitong kalaban na kung makatingin sa akin kanina ay parang hinuhubaran at pinagsasamantalahan na ako sa kanyang maruming isipan. “What the....” mahinang nasambit ni Iracebeth na kulang na lang ay tumayo mula sa kanyang pagkakaupo sa kung anumang nasaksihan sa nagiging laban. Kahit pa kating-kati na akong malaman kung ano ang kasalukuyang mga nangyayari sa boxing cage at kay Leon ay hindi ko pa rin magawang i-angat ang aking ulo para muling tingnan ang mga kaganapan. “One. Two. Three!” Nabosesan ko ang referee na bumibilang na at alam ko kung bakit iyon nangyayari sa isang laban ng boxing. Mayroon ng panalo dito. Iyon na ang tuluyang nagtulak sa akin para imulat ang aking mga mata at tingnan kung sino ang nagwagi. Ngunit bago iyon ay takang-takang tiningnan ko si Iracebeth. Gusto ko mang itanong sa kaniya kung ano ba ang nangyari sa kalaban ni Leon dahil nakabulagta na ito sa puting sahig ng boxing cage, duguan at walang malay pero sumagi sa aking isipan agad na si Leon ang may gawa noon. Siya ang nagpabagsak sa kalaban nitong hindi na kumikilos. Ni hindi man lang natapos ang unang round na sa pagkakaalam ko ay nasa tatlong minuto lang naman ang haba. Leon knocked out the so called undefeated champion of this tournament in less than two minutes! Ibig bang sabihin nito ay si Leon ang nanalo? Habang inaanunsyo ng referee ang pagkapanalo ni Leon ay nagsitayuan na ang lahat ng mga nanonood doon. Ako lang ang nanatiling nakapako sa aking puwesto at parang walang planong ialis ang katawan sa kinaroroonan ko. Hindi ko sigurado kung hahanga ba ako sa kaniya o mas lalo lang matatakot. Kung natalo niya ang kalaban nang ganoon lang kabilis, sigurado ako na hindi lang basta-basta ang lakas at galing ni Leon sa pakikipaglaban. Halos hindi man lang nga siya pinagpawisan sa kanilang naging laban. Maliban sa sugat sa gilid ng labi na nakuha niya noong unang beses siyang nasuntok sa mukha ay wala na itong ibang galos sa kanyang katawan. “As promised. The ultimate champion of tonight's tournament gets to take home a very special trophy,” muli ay agaw-eksena ng announcer ng laban. Pinandilatan na ako ng mga mata ni Iracebeth. Mayroon itong sinasabi sa akin na hindi ko naman maintindihan at kaagad na makuha kung ano ang ibig niyang sabihin. Bahagya itong yumuko at tinapat ang kaniyang labi sa aking tainga upang malinaw kong marinig ang siyang nais niyang ipahiwatig. “Go, walk to your master, Charlie. Hinihintay ka na sa stage ni Leon at alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw niya sa lahat?” mapang-uyam ang mga ngiti niyang ipinagkit sa kanyang labi dahilan upang mas lalo akong kabahan. “Iyon ay ang pinaghihintay siya nang matagal.” tuluyan na siyang napangisi. Mabilis na akong napatayo. Isang beses pa akong lumingon kay Iracebeth bago tuluyang umakyat sa boxing cage upang sundin ang utos niya sa akin. “Here she comes. The shiniest and most beautiful trophy that this tournament had!” umaalingawngaw sa buong paligid na saad ng announcer nang makalapit na ako kay Leon. Napapitlag at kulang na lang ay mapatalon ako nang ilapat ni Leon ang isa niyang kamay sa aking beywang na tila ba nais niyang ipakita sa lahat na mula ngayon ay siya na ang nagmamay-ari sa akin. “Kung mananalo?” halos paanas na bulong nito na ang dating sa aking pandinig ay parang sinasabi niyang ina-under estimate ko ang kakayahan niya sa magiging laban nila ng undefeated champion ng tournament. Sunod-sunod na akong napalunok. Diyos ko, ang lakas ng sagap ng tainga niya dahil narinig niya iyong sinabi ko kanina bago ang kanilang laban! “G-Galit ka ba?” Aba, Charlie may lakas ka pa talaga ng loob na tanungin siya ng ganito? Napakagat na ako ng labi doon. “Wala naman akong ibang ibig sabihin na masama roon. Sinasabi ko lang—” “I am taking you home.” mabilis na putol nito sa sinasabi ko dahilan para lumiwanag kahit papaano ang aking mukha sa aking mga narinig sa kanya. “Iuuwi mo na ako?” hindi ko na maikubli ang kaunting galak na namamayani sa aking puso. Hindi ba at ito naman ang dalangin ko mula kanina? “Talaga?” “I am taking you home with me. Hindi sa bahay ninyo Charlotte Isabelle, kung hindi sa tahanan ko. Uuwi ka sa lugar kung saan ako naninirahan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD