Chapter 11

1375 Words

Dinala niya ako sa bandang dulo ng mansiyon na patungo na sa malawak at magara rin nilang kusina. Kagaya sa kabuohan ng mansion ay hindi ko pa rin muna iyon pinansin kahit pa gusto ko ng punahin ang karangyaan ng bawat mga bagay na nakalagay sa lugar. Nag-focus pa rin ang isipan ko sa kung ano ang sinasabi ng kasambahay na aking patuloy na sinusundan. Likod niya lang ang tanging aking nakikita. Ganunpaman ay tango pa rin ako nang tango sa kung anong mga pinagsasabi niya kahit pa hindi niya alam na nagbibigay ako ng kasagutan sa kanyang sinasabi. “Ate, matagal ka na bang nagtra-trabaho sa mansiyong ito?” Nagawa ko pang magtanong ng ganito sa halip na makabuluhang bagay ang alamin ko. Bakit ba? Gusto ko lang namang malaman. “Medyo. Malapit ng maging kalahating dekada ang pananatili at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD