Chapter 14

1600 Words

Pamartsa na siyang patalilis na umalis ng kusina. Hindi niya na hinintay na muli akong magsalita upang magpaliwanag ng side ko. Malalim na akong napabuntong-hininga doon. Ano pa bang magagawa ko? Kailangan ko siguro talagang magpalit ng damit. Labag man ito sa kalooban ko ay wala naman akong magagawa. “Charlie, anong nangyari? Bakit galit na galit ang aura ni Sir Leon paglabas niya dito? Hindi niya yata nagustuhan ang kape mo.” nagkukumahog na usisa ng maid na siyang tumulong kanina sa akin. Bitbit na nito ang batya ng kanyang mga panlinis na kinuha. Wow ha? Kapag masama ang mood ni Leon hindi na agad masarap ang kape na aking ginawa ko? Hindi pa nga niya iyon nagagawang matikman. Dapat pala sinabi ko na lang na siya ang nagbigay sa akin ng uniform. Tiyak na madadamay siya sa galit nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD