Namilog ang aking mga mata nang paglingon ko ay makita ko doon ang mga dati kong kaklase. Todo ang bihis na halatang nagtungo lang sa lugar na iyon upang mamasyal. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ginawa nilang pagsuyod ng tingin sa kabuohan ko mula ulo hanggang paa. Hindi siguro sila makapaniwala na sa lahat ng lugar ay dito pa nila ako makikita. Well, kahit sino naman siguro ay magtataka kung ano ang ginagawa ko dito. Kilala nila akong parang manok ang pamumuhay na isang kahig at isang tuka. Idagdag pa ang pagpapahirap ni Tatay ng dahil sa lumulubong mga utang niya. Iilan lang din sila sa mga bully sa aming school. Iyong tipong kahit alam nilang may partime ako para makaraos ay iniisip nilang wala pa rin akong makain. Bagay na bagama’t hindi totoo ay hindi ko na pinansin at pinap