Sa aking narinig ay bahagyang nasaling ang damdamin ko. Alam kong masama sa akin si Tatay dahil nasa sitwasyong ganito ako ngayon nang dahil sa kanya pero hindi nila kailangang sabihin iyon nang harapan at may ibang mga tao pang nakakarinig sa kanila. Nagkamali lang naman siya. Maaari pa siyang magbago ng sarili kung mabibigyan lamang ng pagkakataong gawin iyon. At saka pagbabayaran ko naman kung anuman ang utang niya. Tutumbasan ko ng pagtra-trabaho ko at paglilingkod ang lahat ng perang nilustay niya. Grabe naman kung makapagsalita sa akin ang mga dati kong classmate na ito. Ni hindi ko naman sa kanila hiningi ang pinangbili ko ng mga damit na ito kung hindi kay Leon. “Anong gusto mong palabasin, Raiza sa salita mong iyan ha?” napipika ko ng tanong sa kanya, kung normal na araw lang i