Chapter 20

1591 Words

Hindi ko na tinangka pang pumalag sa mga pulis na walang hirap na bumitbit sa akin kahit na bahagya akong nasasaktan sa paraan ng paghila nila. Prino-proseso pa rin ng utak ko ang mabilis na pangyayari. At saka wala rin naman iyong magagawa o marahil ay dala ng gulong-gulong loob ko kung kaya naman hindi na ako nag-abala pang lumaban kahit na alam kong wala naman akong kasalanan at alam ko sa sarili kong walang kinuha. Bahala na si Lord sa akin, hindi niya naman ako pababayaan. Ilang hakbang pa lang ang aming nagiging layo sa jewelry store na iyon nang mapaawang ang aking bibig nang hindi kalayuan ay matanaw ko ang bulto at ang biglaang pagdating ni Leon. Nanlilisik ang mga mata nitong salit-salitan ang naging tingin sa dalawang pulis na mahigpit ang pagkakahawak sa aking magkabilang bra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD