Halos pakiramdam ko ay hindi ako humihinga habang pabalik-balik kong tinitingnan si Leon na seryoso ang mga matang nakatingin sa kaniyang cellphone. Sa pakiwari ko ay mayroon siyang kaaway doon dahil ang diin ng bawat pagpindot niya sa screen nito. Ang mga iyon ay hindi nakaligtas sa aking mga mata.
Wala sa sariling napanguso ako sabay marahang hinaplos ang magkabila kong balikat. Dama ko na ang lamig sa buong silid. Tinanaw ko ang aircon. Ilang minuto pa itong sinipat. Kanina ko pa sana siya gustong patayin kaso nga ay mukhang sanay si Leon sa ganitong lamig at baka kapag nangialam na ako ay mas lalo pang uminit ang ulo niya.
"Are you cold?" tanong nito na pumukaw sa atensyon ko mula sa tahimik na pagmumuni-muni.
Mabilis kong tinango ang aking ulo. Aba, pagkakataon ko na ito. Tinatanong niya ako, malamang ay hindi ko na ito palalagpasin. Baka sakali lang namang maawa sa akin.
"Puwede ba nating hinaan ng kaunti ang aircon? Para akong magkakapulmonya," reklamo ko sa kaniya. "Kaunti lang sana."
Nang mangunot ang noo nito sa aking sinabi ay mariin ko na lang na ipinagdikit ang aking mga labi at nanahimik doon. Umiwas ako ng tingin dito at nang sigurado ako na hindi niya na ako mapapansin ay saka pa lang ako lihim na ngumiwi upang magreklamo sa isip.
Leon, parang siraulo lang?
Magtatanong siya sa akin kung nilalamig ako tapos hindi naman pala siya papayag na hinaan namin iyong aircon! Gago ba siya?
"Huwag na pala, sorry." napipilitan kong sinabi dahil baka mamaya ay magalit ito.
Bahagya akong umubo nang maramdaman ko na nakatayo na ito sa may likuran ko habang gumagawa ako ng kung ano-anong ekspresyon. Gusto ko lang naman ilabas ang pagkainis na nararamdaman ko sa kaniya. Ilang mga sulyap ang iginawad ko sa kanya. Nanigas na ang buong katawan ko sa kaba sa pag-aakala na nahuli niya na ako na binabalasubas siya at ang kasungitan niya.
"Huwag na lang nating hinaan ang aircon, instead take this. You'll free to wear this." aniya sabay hubad ng suot niyang jacket.
Ipinatong niya iyon sa balikat ko ngunit mabilis pa sa alas-kwatrong inalis ko rin agad at plano sanang ibalik na sa kaniya.
Nakakahiya naman kasi at baka mamaya ay siya naman ang magkasakit sa baga lalo na at nakasando lang siya. Hindi sa umaarte ako o feel ko lang mag-demand ng kung ano. Maano bang hinaan namin ng kaunti lang?
"What are you doing? I said you wear that." he command in a more demanding manner.
Bago niya pa ako singhalan nang malala ay sinuot ko na ang ibinibigay niyang jacket. Nalukot ang mukha ko nang makita sa salamin kung gaano ito kalaki sa akin. Hindi naman ako ganoon kaliit but it made me look so small. Nakalimutan kong malaking bulas nga pala ang katawan ng lalakeng kasama.
"Don't you have something else to wear?" tanong niya na naman habang ang mata ay pabalik-balik sa akin mula ulo hanggang paa.
Unti-unting humaba ang nguso ko habang sinisipat ang mga mata nito. Iyong damit ko ba ang bumabagabag sa kaniya simula pa kanina? Kaya ba sa tuwing nagagawi ang tingin niya sa akin ay parang mananaksak na lang siyang bigla? Umangat ang gilid ng labi ko. May naiisip na namang mga kalokohan.
"Hindi ba bagay sa akin? Maganda naman ah?" tanong ko na sa mababang boses.
Nang isuot ko ito kanina ay gandang-ganda ako sa sarili pero kung ang ibang tao ay hindi pala. Wala naman akong magagawa. Magkaiba naman ang pananaw ng mga tao.
"I didn't say that."
"Eh, ’di bagay ito sa akin kung ganun?"
Hinawakan ko pa ang braso nito at hinaklit para lang bumalik ang tingin niya sa akin.
"Huwag kang ignorante, Leon. Sasagutin mo lang naman ang tanong ko. Ano? Bagay ba?"
"Oo na, bagay na sa'yo, Charlotte." sagot nito na sa aking pandinig ay napipilitan lamang. "What else do you want to hear from me? Pero i-zipper mo naman iyang jacket. You're flashing the cheek of your boobs and it..."
"Bothers you?" salo ko ng mga salitang alam ko at sigurado akong sasabihin niya. "Para kang iyong si Daniel kanina. Problemado kayo sa dede ko pero hindi naman kayo inaano nito. Nanahimik lang naman kami."
Ilang minuto akong tinitigan ni Leon na parang hindi siya makapaniwala sa bulgar na mga salitang aking isinagot sa kanya.
Bakit? Totoo naman ah? Inaano ba sila ng dede ko? Hindi ko naman sila sinampal nito. Lalake nga naman, affected much sa dede!
"Yeah, hindi nga ako inaano, but it's inviting me Charlie. Hindi mo ba makuha iyon ha?"
Sandali siyang nanahimik tila may kung anong pisi sa kaloob-looban niya ang napigtas lalo na ng pabalagbag kong sagot.
Heto na naman siya. Galit na naman sa akin.
Napapitlag ako at halos maduling sa lapit niya sa akin nang bigla niya lang akong hinapit sa beywang. Leon swiflty zip up his jacket. Nang magbaba ako ng tingin sa sarili ay mas lalo lang nangunot ang aking noo.
Hindi talaga bagay iyong jacket sa dress ko. Hindi ko alam ang eksaktong halaga nito pero alam kong mamahalin ito. Sana man lang ay hinayaan niya akong enjoy-in ang damit na ito kahit ngayon lang. Hindi naman ako araw-araw na nakakapagsuot ng ganito.
Ganunpaman ang laman ng isipan ay hindi ko na pinili ang magreklamo. Baka naman sa bandang dako pa roon ng aking buhay ay magkaroon pa ulit ako ng mga chance na makapagsuot ng ganitong klase ng damit. Tumikhim ako at pinalis ang inis sa isipan. Babaguhin ko na lang ang usapan namin.
"Dadaan ba tayo sa bahay namin ngayon?"
Nang seryoso siyang bumaling ng tingin sa akin ay nanuyo na naman ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ay tanging dalawa lang ang expression na alam ng lalakeng ito. Kung hindi matalas at nanlilisik ang mga mata niya ay tila naguguluhan naman iyon ngayon.
"Bakit naman tayo pupunta sa bahay niyo?"
"Para kumuha ng mga gamit ko, Kuya Leon. Wala akong mga damit na isusuot. Kapag hindi ako nakaligo bukas babaho na ako."
Annoyance gleams on his brown eyes. Napaisip tuloy ako kung ano ba sa mga nasabi ko ang posibleng nindi niya na naman nagustuhan kaya ganiyan na naman siya makatingin sa akin ngayon. Matalim!
"Kuya? Bakit mo ako tinatawag na Kuya? Oo matanda ako sa'yo pero kapatid ba kita?"
"Respeto lang naman po iyon. Nakakatanda ka nga sa akin hindi ba? Dapat ganun naman talaga ang—"
Hindi ko pa tapos ang aking litanya ay agad na niyang pinutol iyon. Isa pa ito sa ugali na mayroon siya. Ang hilig niyang mangputol.
"Don't call me that. Call me Sir if you are not comfortable calling me by my name."
"Okay, Sir."
Sumang-ayon na lang ako para matapos na ang usapan tungkol doon. Siya nga naman ang amo kung kaya siya ang masusunod. At sino ba akong hamak na tagalinis niya. Baka mamaya ay magbago pa ang isipan niya.
Mataman ko siyang pinagmasdan ng ilang minuto. May kung anong emosyon na naman na gumuhit sa mga mata nito na hindi ko naman mapangalanan. I could feel that there's something in his emotion.
"Sir?" muli kong tawag sa kanya para kunin ang atensyon niyang parang biglang lumipad sa kung saan, "Dadaan po ba tayo sa bahay namin ngayon?" muling ulit ko na sa tanong.
"Hindi na kailangan. Mamimili na lang tayo ng mga kailangan mo. List it up and I will ask someone to buy all of it for you tomorrow."
Hawak na ni Leon ang susi ng kotse niya. Iiwan niya na nga sana ako para mauna ng lumabas nang hawakan ko ang braso nito.
"Ano pa ang gusto mong sabihin?" malakas na asik nito sa akin na masama na naman ang tingin sa aking palad na nasa braso niya.
Hindi ako sumagot. Sa halip ay marahan ko lang namang inalog ang braso niya na para bang close na close kami at pinapatino ko siya dahil sa nag-a-attitude na naman siya. Nang mapagtanto ko at mahimasmasan ako sa aking ginawa ay binitawan ko na ito at saka nahihiya na akong ngumisi. Iniisip ko na baka naman palalampasin niya ang kapangahasan ko kapag ginawa ko iyon.
Gaga ka ba Charlie? Boss mo siya! Hindi mo ka-level kahit ang antas ng pamumuhay!
Mahigpit na hinawakan ko na ang zipper ng jacket niya at nilalaro iyon. Ibinuhos ko dito ang aking buong atensyon dala ng kahihiyan. Hindi ko magawang tumingin sa kanya nang deretso. Ilang segundo pa akong napapikit at halos manginig nang marinig kong my diin niyang binigkas ang ngalan ko.
"Charlotte Isabelle!"
Leon called me with his usual warning voice.
Napapitlag pa ako at tumuwid ng tayo kahit na kanina pa tuwid na tuwid na ang likod ko.
Sandali lang naman. Puwede bang nag-iipon muna ako ng lakas ng loob para masabi ang mga kailangan ko pa sa kaniya? Nakakahiya kaya. Baka isipin niya nagsasamantala ako.
"Dumaan na lang tayo sa bahay. Ten minutes lang naman ako roon. Hindi naman matagal. Kukuha lang ako ng ilang mga damit. Wala akong perang pambili ng bagong damit, Sir." giit ko dahil pakiramdam ko kapag di pa ako sumagot ay magbubuga na ito ng apoy, "Pero kung aabunohan mo naman iyan at babayaran ko sa kalaunan ay mas tatagal ako sa iyo. Hindi ko nga alam kung magkano ba talaga ang utang ni Tatay sa iyo saka gusto kong magpatuloy sa pag-aaral habang nagkakatulong sa iyo. Sana payagan mo ako. Gusto pa 'ring makalagtapos kahit paano."
Binalik ko agad sa pagkakatikom ang mga labi ko pagkatapos kong sabihin iyon. Sa wakas napagbigay alam ko na rin sa kanya.
"I will pay for everything that you need, Charlotte. Hindi kita titipirin at kung gusto mong mag-aral pa rin. I'll allow it too."